NATUOD AKO SA KINATATAYUAN ko habang nakatitig kay Eustace. Nakatayo na siya sa gilid mismo ng pintuan ng unit ko. Yakap niya ang sarili. Ang lamp post sa hindi kalayuan at ang ilaw mula sa katabing unit lang ay nagbibigay ilaw sa nakalukot niyang mukha pati na sa buhok niyang halatang out of place sa lugar kung saan siya ngayon. Nakatingin siya sa akin. Pero imbes na matakot ako at magdesisyong tumakbo, nangunot ang noo ko at hindi sigurado kung matatawa ba o magugulat. Suot niya ang isang manipis na itim na shirt, sweat pants at tsinelas. Kung ako ang tatanungin, nagsleep walk ata ang lalaking ‘to at napadpad sa kung saan. Pero bakit dito pa kung saan ako tumutuloy? Yakap niya ang sarili bago nagpalipat-lipat ang tingin mula sa akin at sa pintuan ng unit ko.