“YOU LOOK STIFF. ARE YOU STILL NERVOUS?” Walang pag-aalinlangang tumango si Eustace. Nakangiti ko siyang tiningnan habang nakaupo kami sa living room. Magkaharap sa isa’t-isa. Iniisip ko kung ano’ng matinong dahilan ng kinakabahan niyang mukha. Pati na sa magalang pero tipid niyang mga sagot. It was the very first time I saw him being a little anxious. I wonder why. . . hindi naman siya introvert. “Hindi ka naman pinandilatan ng mga mata ni Mom.” Ikiniling ko ng bahagya ang ulo ko. “Dad didn’t ask you more than three questions.” Napatingin muna siya sa paligid. “There’s nothing to worry. Nasa taas na sina Mom at Dad. Hindi na tayo maririnig.” Tumango siya at saka pa nagsalita. “Tatlong tanong nga lang. Halos mab