PAGKATAPOS NAMING UMALIS sa restaurant, naisipan muna ni Heiro na ipagdrive ako sa kung saan. Maaga pa raw para umuwi kaya pumayag na rin ako. Nae-enjoy ko ang nakikita ko. Buhay na buhay ang paligid kahit gabi na dahil sa mga ilaw ng mga buildings at mga sasakyan. Nang napabaling ako sa dashboard ng sasakyan niya at nagliwanag ang mga mata ko nang makitang may pamilyar na DSLR na camera na nakalagay doon. “Camera mo ‘to ‘di ba?” Tumango siya. “Ito ‘yong ginagamit mo noon.” Tango ulit. “Hindi agad nasira.” Nakangiti pa rin ako habang nagpapatuloy sa pagtatanong. “Nandito pa ba ang mga pictures natin?” “Yeah.” “Talaga?” Naliit ang mga mata niya saglit. “Bakit ko naman iyon buburahin?”