Bumangon akong parang mabibiyak ang aking ulo.
"Nanaman, saan ako" nilibot ko ang aking paningin. Laking gulat ko dahil nasa condo ako, kaya nagtaka ako. Dahil hindi ako natulog kung saan, saan ngayon.
"Sino kaya nagdala sa akin dito, alangan naman si Aldrin, eh mas lasing pa yun sa akin, si Clayton? Mas lalong hindi, mas malala yun sa akin, pag lasing di na niya alam kung sino siya" kaya napaisip ako.
"Aray, kailan ba ako iinom na di sasakit ang ulo ko, I hate hang over" saka ako bumangon at dumaretso sa aking banyo para maligo. Pagkatapos kong naligo humarap ako sa salamin, nagulat ako dahil may bakat ng isang kamay sa aking kabilang pisngi, mapula parin hanggang ngayon.
"Anong nangyari, sa mukha ko sino kaya ang may gawa nito, ewan diko na alam ang ginagawa ko kagabi sa kalasingan,bakit parang feeling ko totoo yung panaginip ko na may hinalikan ako, pero diko siya nakilala malabo ang kanyang mukha" hinaplos ko ang aking mga labi.
"Ang weird parang totoo na may hinalikan ako" nagtataka man ako pero diko na lang pinapansin.Biglang may tumawag sa aking phone. At alam ko na kung sino si mommy.
"Hello!" natatamad kong sagot.
"Anong oras na King ten o'clock na, eh ten thirty dadating ang kadate mo" nagagalit na sabi ni mommy.
"Again! Mom I'm so tired for, going to blind date, can you please stop it"
"Pag dika sisipot sa date na ito kakalimutan mong may ina ka, naintindihan mo!" paninigaw ni mommy sa akin, ako naman patay malisya lang, kasi halos araw, araw naman niya akong pinagbabantaan kaya wala na akin ang mga sinasabi niya.
"Ok, Mrs. Lee" agad na sagot ko sa kanya.
"Tlaga ginagalit mo ako, saka bakit Mrs Lee, ang tawag mo sa akin"
"Sabi mo kasi kalimutan na kitang ina, siyempre masunurin ako, mula ngayon mrs Lee na ang tawag ko saiyo"
"Pupunta ka ngayon din, pag dika pupunta, ipapadala ko siya sa office mo naintindihan mo"
"Mrs Lee, hello! Mrs Lee hello! Di kita marinig mahina signal, tawagan na lang kita ulit mamaya"
"King! King! Lagot ka talaga sa akin mamaya"
"Di talaga kita marinig Mrs Lee, bye!"
Saka binato ko aking phone,wala rin akong nagawa kundi sumunod.
"Ok you win again Mrs Lee, I hate you mom" saka ako nagbihis papunta sa blind date ko. Nagsuot lang ako ng simpleng damit short at tshirt saka nagtsinelas.
"Ok this is pretty good, so simple" saka ako umlis na ng aking condo. Nagjeep na lang din ako diko na ginamit ang aking kotse. Feeling ko nga para na akong pulubi, kahit kilala ang pamilya ko sa isa sa pinakamayan sa cebu at sa bansa, walang masyadong nakakakilala sa akin, mga malalapit na kaibigan at kamag anak ko lang ang nakakakilala. Di kasi ako tipo ng tao na sikat, oh parang yung bilyonaryong sikat sa lahat ng bansa oh kahit saan pa. Mas gusto ko ang simple at ayaw ko lagi na exposed sa social media oh kahit ano pa. Mas gusto ko mapag isa, at mga gusto ko mga barkada ko lang ang kasama ko mas komportable akong kasama sila, laging magkasama sa kalokohan,sa hirap nagdadamayan sa lahat ng mga problema kahit mga walang kwenta silang kasama.
"I miss them kailan kaya kami maging kumpleto ulit"
Nakarating na ako sa aking sadya, pumasok ako sa isang fancy restaurant kung saan dito nagbook si mommy at magmeet sa blind date ko raw.
Nilibot ko ang buong paligid pero diko makita, tumunog ang phone ko at si Mrs Lee nga, may pinasa siyang larawan ng isang babae, sosyal maganda mukhang matino. Lumapit ako kaagad sa kinaroroonan niya, nagulat pa nga ito eh ng makita niya ako,agad ko siyang binati.
"Hello, sorry nalate ako traffic kasi sa sinakyan kong jeep" sabay inabot ko ang aking kamay sa kanya.
"You are?"
"Driver ni Sir King, ako pinadala niya dito sabi niya umuwi ka na raw dahil di daw siga makakapunta" pagsisinungaling ko sa kanya. Lagot na tinuring akong isang alagad ng diyos pero sinungaling naman ako.
"Lord patawarin mo ako" pabulong ko sa aking sarili.
"Sorry, what did you say! Sabi ng mommy niya papunta na siya dito"
"Ehem, sumakit ang tiyan niya dahil sa napakarami niyang ininom kagabi"
"Pinagloloko niyo ba ako, and his mother told me that he is a elegant and respected ceo in their company, so kasinungalingan lang pala lahat yun"
"Miss? Ano nga ba pangalan mo?"
"Danica Deleon, isang model at an actress" pagpapakilala nito.
"Wow, mayabang din itong babae na ito"
"May sinasabi ka?"
"Wala iha, este Danica, sige mauna na ako kasi dadalhin ko pa siya sa hospital eh, iniwan ko lang si sir King sa daan bye"
"Wait I will go with you gusto ko siyang makita"
"Wag na mahahawa ka lang"
"What? Sakit lang ng tiyan mahahawa na ako, you're so oa, teka siguradong driver ka niya? You look so handsome too even you wearing a simple outfit I like it"
"Really, thank you beauti, este miss Danica, saka wag ka ng sumama nakakahawa sakit niya may cancer siya sa lamang loob nakakahawa, ipaalam ko na lang sa kanya na maganda ka at concern ka sa kanya mauna na ako bye miss Beauti" saka ako nagmamadaling tumakbo.
"Yess! Nakaiwas din"
"Wait!" sigaw niya sa akin pero diko na siya pinansin.
"What are you doing!" nagulat ako ng makita ko mommy na nakasunod sa akin.
"Mom! Este Mrs Lee, anong ginagawa mo rito?"
"Ako dapat ang magtanong? What did you do to your blind date, at saka bat ganyan itsura mo!"
"Mrs Lee, please stop this game, I'm tired of this can you pleased stop!"
"You call this game, King you didn't understand me"
"Mrs Lee, stop! Its so annoying and it's getting in my nerves"
"Ok fine! Let's make a deal, kung may ipapakilala ka na sakin na magiging girlfriend mo I will stop interfering in your life, pero kung wala kang mapapakilala sorry to say magiging hadlang ako sa lahat ng gagawin mo"
"Ok fine, its a deal, pag may girlfriend na ako please Mrs Lee, dont you ever interrupt my life again"
"Deal, make sure na wag kang mangbabayad ng babae para lokohin ako King"
"Ok, anong akala mo sa akin, walang magkakagusto, kahit nakapikit akong kindatan ang babae, mapapasa akin agad Mrs Lee"
"Really, thats good let see this week kailangan may maipakikilala ka na sa akin, I don't care who she is, di ako namimili kahit sino basta mabibigyan ako ng apo, I don't care everthing kahit pa pulubi"
"Hanep ka rin eh Mrs Lee, masyado ka ng disperada magkamanugang at magkaapo ka lang, ok this week. After this stop calling me and following me, kala mo diko alam na lahat ng lakad ko sinusundan mo ako, your like a stalker Mrs Lee" saglit kaming nagtagisan ng tinginan na para bang magsasabong.
"Ok, I will never loose to you Mrs Lee, mauna na ako saiyo may trabaho pa ako lagi ka na lang istorbo sa buhay ko"
"Stop calling me that name!" sigaw niya sa akin.
"No! From now on I will call you Mrs Lee, saka na lang kita tawaging mommy pag di ka na nakikialam sa buhay ko, bye!"
"Ok! Let see, anak lang kita di ako magpapatalo, kailan ba ako natalo never diba ako parin ang nasusunod, humanda ka this week dapat may makikita na akong manugang" saka niya ako binatukan at tumatawang umalis na para bang demonyo.
"What a evil mother, diko alam kung anak niya ba talaga ako oh ampon lang, napapaisip tuloy ako na di niya ako tunay na anak, pero kamukha ko siya eh kaya malayong mangyari yun" umalis na rin ako at sumakay ng jeep ulit papuntang company ko. Magbabayad na sana ako kaso diko mahanap ang wallet ko.
"Nasaan na yun andito lang kanina sa bulsa ko ah" kinakapa ko lahat ng bulsa ko pati damit ko wala talaga"
"s**t! What a bad day!"
"Sir bayad niyo po!" sabi sa akin ng driver.
"Boss, sorry nawala ko kasi ang aking wallet, babayaran ko na lang pagbaba ko"
"Naku lumang strategy na yan, magbabayad pa ba kayo oh hindi"
"Wala talaga eh" pinagtitinginan na ako ng mga tao sa loob ng jeep nakakahiya!.
"Mama bayad po dalawa, ako at siya" nabuhayan ako ng loob ng may magbayad para sa akin.
"Thank you miss, give me your number I will pay you later pagnakababa ako"
"Ok lang father! Sampung piso lang naman, mayaman naman kayo ang alam ko bat sampung piso lang wala ka"
Nagulat ako ng tignan ko ang babaeng nagsasalita at nagbayad sa akin. Kapatid ni April,kaya nagulat ako at nagpasalamat na rin.
"Thank you I will make sure I will pay you"
"No need father, mama para po dito na ako" kaya tumigil sa ang jeep. Parehas lang kami ng babaan kaya sumabay na din ako sa kanya.
"Parehas pala tayo ng babaaan father!"
"Oh, may pupuntahan ako diyan sa malaking building na yan" sabi ko sa kanya.
"Talaga parehas tayo diyan din ako pupunta para mag apply bilang secretary"
Kaya nagulat ako sa sinabi niya, oh so mag aaply kang secretary ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napailing ako, di siya papasa, ang liit niya wala pa siyang five feet.
"Oh bat ganyan ka makatitig sa akin, pari ka pero para kang namamanyak"
"What are you talking about, seriously! Sa gwapo kong ito pagkakamalan mo akong manyak!"
"Bat ganyan ka makatitig sa akin"
"Tinitigan lang kita manyak na agad, tignan mo nga itsura mo para kang gasul na naglalakad, napakabansot mo oh para kang bata"
"What! Eh bastos ka palang pari ka eh ah! Wow hiyang hiya nan ako sa katangkaran mo, eh ano naman ngayon kung maliit ako maganda naman ako"
"Dika na lang nahiya, sa sinabi mo parehas lang kayo ni mommy na maingay Sige mauna na ako good luck miss gasul" saka ako umalis, napangiti ako dahil, sa kanya. Pag naiinis ang cute niya parang bata.
"What a strange woman and cute" pabulong ko sa aking sarili habang papasok sa loob ng aking company. Nilingon ko siya ulit mas lalo akong natawa dahil sa itsura niya, kitang kita talaga sa mukha niya ang pagkainis.
"She's really April's sister wala silang pinagkaiba,let me deal you then!"
***Mae Esguerra ***
"Tinawag niya akong gasul, aahhh nakakainis porke matangkad siya at gwapo. Pari pa ba siyang maituring abay kung makapang lait wagas" inis na inis akong pumasok sa loob ng company. Diko talaga maitago ang aking pagkainis.
"Ok lang Mae wag mo siyang pansinin, ang pinunta mo rito is trabaho hindi away. Kailangan makuha ko tong trabaho na ito" sobrang kinakabahan ako, kaya kumuha ako ng candy para pangpakalma. Candy ang nagpapakalma sa akin pag ganitong ninenerbiyos ako.
Nadatnan ko sobrang daming nakapila sa may at nag iintay sa interview.
"Ano ito, pageant contest bakit pakapalan naman ng mga kolorete sa mukha" sabi ko. Saka ang tatangkad nila at magaganda parang di naman trabaho ang pinunta nila dito. Matiyaga akong nag intay sa haba ng pila bawat pumapasok sa loob wala pang segundo lumalabas na kaya mabilis ang pag usad ng pila. Lahat ng nakikitang kong lumalabas, malungkot yung iba umiiyak. Bakit kaya nakakatakot ba ang ceo dito kaya parang natatakot sila. Malapit na susunod ako kaya inayos ko ang aking sarili tanging pulbo lang at lip gloss ang aking nilagay ko.
"Ok na maganda kana, kahit dika mag lagay niyan I'm sure ikaw pipiliin ng boss ko" sabi ng secretary ng ceo na mapapalitan habang dumaan na nakangiti ito. Nginitian ko naman siya kasi parang mabait naman.
"Bakit kaya siya aalis, sayang naman malaki din ang sahod at maraming benifits ang makukuha.
" Miss Esguerra, your next"tawag sa akin ng secretary nito.
"Yess po!" nagmamadali akong pumasok.
"Good luck! " sabi nito sa akin.
"Thank you mam" agad na sagod ko sa kanya. Nakatalikod pa ang ceo habang naglalaro sa kanyan phone.
"Sir andito na ang huling maiinterview!" sigaw sa kanya ng secretary nito
"Wait a minute I'm busy playing, pag natalo ako dito, dika makakaalis dito Moira" anong klaseng boss ito.
"Sir bilis na, wala naman kayong inenterview na isa sa mga applicant, puro ayaw niyo kahit di niyo pa nakikita"
"Can't you please shut up! Sino ba boss dito"
"Ok lang po nakakapag antay ako" sabi ko pero patuloy parin siya sa paglalaro.
Ilang minuto din na hinintay ko saka siya natapos naglaro. Saka ito humarap sa akin. Di ako makapaniwala na siya ang may ari ng kumpanya na ito. Napaatras pa ako sa gulat.Saka siya nagsalita at tumayo ito.
" You're hired, magsimula ka na ngayon"
Nagulat ako sa sinabi niya,pero mas nagulat ako dahil siya ang may ari dito at magiging boss ko pa siya.
"Ikaw ang ceo dito!" gulat na sabi ko.
"Oo ako nga, may problema ba tayo"
"Huh! Totoo" sagot ko.
"Do I look like I'm kidding?" di ako nakaimik sa sinabi niya.
"Teka hindi father ang pangalan niya" sabi ng secretary nito.
Nagugulahan man ako pero hinayaan ko na lang.
"Saka bat tanggap na ako kaagad, di mo ba titignan ang resume ko?"
"Sa totoo lang di ka sana tanggap dahil height mo pa lang disqualified kana, pero sa mabait ako at di kana iba at kapatid ka ng asawa ng kaibigan ko kaya I'll considered, diba mabait ako"
"Huh makapang lait naman ito, salamat father, este sir"
"Pwede ka ng magsimula ngayon dahil lalayas na si Moira"
"Huh aalis na ako sir ngyon?" tanong ng secretary niya.
"Oo, may kapalit kana diba"
"Ang bilis naman sir"
"Ganoon ako kabait, bago ka umalis ituro mo muna ang gagawin niya. Pagkatapos umalis kana at ipadala ko na lang ang pera mo sa bank account mo"
"Ok sir salamat, halika Miss Esguerra ituro ko saiyo ang gagawin mo"
"Teka aalis ako huh, pagkatapos niyan pwede na kayo umuwi"
"Sir, may meeting ka mamaya kailangan mong pumunta importante yun"
"Ganoon ba sige, pagkatapos niyo diyan, Miss Esguerra sumama ka sa akin mamaya para sa meeting sa labas"
"Agad, agad sir"
"Oo, may problema ba?"
"Wala po sige po mauna na kami" sabi ko sa kanya, parang may sira ng utak nito parang isip bata, paano kaya siya naging pari at isang ceo, saka paano niya pinag sasabay.
Sumama na lang ako kay miss Moira, tinuro niya sa akin ang bawat gawin at di dapat gawin. Mabilis lang naman pala.
"Tawagin na kita sa pangalan mo huh Mae, may isang bagay na dapat mong malaman sa kanya. Weirdo ang magiging boss mo.May mga gawain siyang di normal kaya wag mo na lang pansinin kung ano man ang mga sasabihin niya sakyan mo na lang, mabait naman yan eh wag mo lang gagalitin, masamang magalit siya. Paborito niya ang cup noodles, at milk tea, bilin mo lagi yan, sige ok na pwede ka ng bumalik sa office niya at akoy paalis na, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako ibibigay ko number ko saiyo"
"Yun lang yun, wala ng iba ganoon kadali" sabi ko may halong pagtataka.
"Oo, ganoon lang yun sige aalis na ako goodluck fighting"
"Sige salamat" matipid kong sabi saka siya umalis.
Naglalakad akong pumunta sa office niya ng makasalubong ko siya.
"Mae! Mae! Where are you!" tawag nito sa akin. Nilagpasan niya pa talaga ako eh nakasalubong ko na nga siya.
"Sir I'm here" kumaway ako sa kanya.
"Where!" ulit na sigaw nito.
Kaya nainis ako, anong akala niya sa akin unano, para di niya ako makita.
"Sir, nang iinis ka ba andito ako sa harap mo!"
"Huh! Nasa harap kana pala, di kita nakita, ang liit mo kasi sorry para kang ten years old"
"Sir naman kung makapang lait kayo, wagas di porke maliit ako ah saka 29 na po ako dina ako bata" , naiinis kong sabi sa kanya.
"Pag lalapit ka sa akin at tinawag kita lagi kang kumaway at sumigaw, para makita kita kaagad" sabi nito saka siya naglakad at sinundan ko naman siya.
"Grabi ka naman, pari po kayo bat naman nanlalait ka"
"Di ako nanlalait, totoo sinasabi ko, sige halika na sumama ka sa akin may meeting ako sa labas importante, sumunod ka sa akin saka buhatin mo to" saka niya binigay sa akin ang isang bag na itim, halos matumba ako dahil mabigat ito at mas malaki pa ata ang bag kaysa sa akin.
"Ang bigat naman nito parang bato"
"Bilis malelate na tayo" saka siya humakbang ng mabilis.
"Teka naman sir antayin niyo ako"
"Ano ba yan halos di na kita makita, para kang bag na naglalakad"
Sabay tumawa ito, kanina pa niya ako nilalait nito eh.
"Tama nga si Moira napakaweirdo ng paring ito diyos ko po"
Sabi ko sa aking sarili,habang sumusunod ako sa kanyang likuran. Pumunta nga kaming lunch meeting kung saan may mga mahalagang mga taong kanyang katagpo.
"Mae umupo ka" utos nito sa akin.
"Ako sir"sabay tinuro ko ang aking sarili.
" Oo, ikaw alangan naman ako, ikaw lang naman ang may pangalan Mae dito" nagtataka man ako pero sinunod ko na lang siya. Saka siya umupo sa aking tabi.
"Kausapin mo sila" utos nito sa akin.
"Bakit ako, eh ikaw ang boss dito, isusulat ko lang naman mga kailangan mong information"
"Kaya nga naghire ako ng secretary para utusan ko di yung ako ang uutusan niya" kaya mas lalo akong nainis.
"Simulan na natin ang ating business proposal Mr. Alvarez"sabi ng taong ka meeting nito. Pero imbes na makinig tumayo na ito.
" Nextime na lang tayo mag usap may importante akong lakad"
"Pero Mr. Alvarez andito na tayo bat dina lang natin tapusin" sabi ng isang lalake.
"Sorry I will call your boss,Mae lets go!".
"Huh!"napanganga ako at hindi nakatayo agad.
" Mae let's go, what are you doing nakatanga ka pa diyan, may importante tayong lakad"
"Yess sir!" saka ako tumayo, pero nabigla ako ng hilain niya ako na parang bang batang papaluin.
"Ang tagal mo, bilisan mo" kulang na lang talaga buhatin niya ako.
"Wait lang ano ba dahan, dahan naman" na pasigaw ako.
"Your so slow, I have important to do"
"Meron pala eh bat mo ako idadamay, aray sakit ng kamay ko sir"
"Shut up, sumunod ka na lang" ng makarating kami sa parking lot halos ihagis niya ako sa loob ng sasakyan kaya napatili ako. Diyos ko ito na ata yung sinasabi ni Moira na gawain niya.
"Put your seat belt" sigaw nito sa akin ako naman natulala lang at diko maintindihan ang mga pinagagawa niya.
"Huh!!" tinampal niya ang kanyang noo, saka siya lumapit sa akin at kinabit ang aking seat belt. Halos magkiskisan na aming mukha dahil sa lapit nito sa akin sa sobrang lapit niya. Napasigaw ako ng kinutusan niya ako ng pagkalakas lakas.
"Wag kang assuming di ako papatol sa duwendeng katulad mo"
"Feeling ka naman di rin ako papatol sa weirdong tulad mo" ngumisi lang ito saka niya biglang pinaandar ang kanyang sasakyan ng wala man lang pasabi.
"Inay ko po!!!" napasigaw ako, diko alam kung saan ako kakapit, pero siya halos paliparin na niya ang sasakyan. Halos masuka ako dahil sa bilis ng patakbo Bigla niya kinuha ang kanyang phone saka sinagot ang tawag.
"Hello, I'm on my way dude! Relax wait me, matagal na din akong di nakapag exercise hang on, I almost there" saka niya binaba ang kanyang phone. Nag iba na ang kanyang itsura na para bang papatay ng tao at naging seryoso ito.
Gusto ko siyang tanungin pero bat parang natakot ako. Hanggang sa tumigil na ang sasakyan,pagbaba namin nagulat ako kasi andito na kami sa isang bar.
"Sir anong gagawin natin dito, bat pumunta tayo dito. Tumingin siya sa akin at ngumisi.
" I will going to exercise, matagal na din na diko nagagawa ito makati na ang mga kamay ko"
"Huh, anong ibig niyong sabihin"
"Wag ka ng magtanong nakakapagod, sumagot sumama ka na lang sa akin" saka ko siya sinundan papasok sa loob ng bar. Laking gulat ko ng makakita ako ng maraming tao at puro kalalakihan at nakaitim pa silang lahat.
"Aldrin, I am late?" sabi nito sa isang lalaking matangkad na palapit sa amin.
"Your just in time dude" sagot ng lalakeng lumapit sa amin.
"Good, magpapawis tayo ngayon" sabi niya kaya parang iba ang pakiramdam ko parang sasabak sila sa giyera at idadamay pa talaga niya ako.
"Oh, bat may bata kang kasama" sabi ng lalake.
"Oh she's my secretary, lets go dude.Mae doon ka muna sa gilid" Di ako agad sumunod.
"What are you doing, why you still satnding there" sigaw nito sa akin.
"Bakit ako nasangkot dito sa gulo mo!" naiiyak ko sigaw, dahil natatakot ako.,