Chapter 4

3362 Words
Nababaliw na ako bat ko siya sinama dito sa gulo na pinasok ko ang babaeng ito. Nakipagsugapaan kasi kami ni Aldrin sa grupo ng lagi naming nakakaaway. "Are you alright?" tanong ko sa kanya pagkatapos namin makipagbakbakan ni Aldrin. "Sa tingin mo ba ok ako, pari ka ba talaga oh isa kang gangster" sigaw nito sa akin habang umiiyak. "Parang ganoon na nga, pari siya ceo at gangster" sabad ni Aldrin. "Bakit ba ako napasok sa gulo niyo" paulit ulit nitong sabi. "Masanay ka na, ano nga ba pangalan mo? Ganyan din ang ginagawa niya sa pinalitan mo" sabi ulit ni Aldrin. "Tumigil kana nga diyan Aldrin, wala ako sa sitwasyon na ganito kung di dahil saiyo, pumasok ka sa gulo tas idadamay mo ako" "Oo nga pero, bakit mo naman sinama itong bata kawawa naman mamaya matrauma yan" "Di n ako bata twenty nine years old na ako" sigaw nito. Kaya natawa ako sa asal niya parang bata lang. "Siya tama na let's go tutal panalo naman tayo dalawang tao laban sa bente katao, wow kaw na talaga King di ka parin nagbabago. " Of course, wala pa tatalo sa akin pagdating sa labanan" "Let's go Mae" yaya ko sa kanya. "I'm quit ayaw ko na magreresign na ako ayaw ko ng ganitong boss weirdo at baliw" sigaw nito saka tumakbong palabas. "Hey mind your words woman" inis na sigaw ko sa kanya. "Tsk, tsk ano ba kasi nakain mo at nakaladkad mo siya rito" sabi ni Aldrin "Eh nagmamadali ako diko namalayan na hila hila ko na siya kanina, at naisama rito" . " Paano yan wala ka ng secretary ulit, gusto mo bigyan kita marami ako, magaganda at mga seksi"pilyong pabiro niya sa akin. "Crazy bastard, kasalanan mo ito eh" saka ko siya binatukan. "Aray ko naman, pari ka ba talaga? Saka ako na nga itong nagmamalasakit saiyo bibigyan kita ng bagong secretary mo" "Kaya galit na galit saiyo yang fiance mo dahil sa pagkaplayboy mo ungas ka talaga. No need! Sisiguraduhin kong babalik siya sa akin" "Talaga bat parang confidence ka, saka di siya ang tipo mo King kilala kita, well she's cute, and specialy she's small. She is like a elementary student" natatawang sabi ni Aldrin. "Halika na nga, baka ano pa magawa ko saiyo" "Sige po father king" "Bilisan mo puro ka kalokohan" Binilisan ko ang lumakad para maubutan siya pero diko na siya nakita. "Bahala ka nga diyan, bukas na bukas din papasok ka ulit sa trabaho sa ayaw at sa gusto mo" sabi ko sa isip, isip ko "Halika na Dude hatid na kita, para magamot natin yang sugat mo" "No need, umuwi kana kaya ko na mag isa umuwi, itong sugat na ito gagaling din yan, sige mauna na ako dude. Siya nga pala nakauwi na ba si Clayton?" "Oo, nakauwi na kaninang umaga lang, sige na mauna ako saiyo wag mong kalimutan gamutin sugat mo" pahabol na sabi ni Aldrin bago siya umalis. Ako naman tinungo ko ang parking lot para kunin ang aking kotse. Pero nagulat ako dahil diko na makita ito. "Teka dito ka lang yun iniwan kanina eh nasaan na kaya yun" inikot ko na ang buong parking lot pero wala parin ito. Kaya no choice nagtaxi akong umuwi sa aking condo. Agad na akong pumasok sa aking kwarto, para maligo. Napaisip ako kung sino kumuha sa aking kotse. Paglabas ko ng banyo, umilaw ang aking phone,may nagmessage. Pinulot ko kaagad at binasa. "Ibalik ko bukas ang sasakyan mo, and I'm going to resign" message ni Mae. "So your the culprit huh? Ang lakas ng loob mong gawin sa akin ito, tignan ko lang makakawala ka sa akin. I'll make sure that you beg me tomorrow" napangiti ako habang nirereplyan ko siya. "Ok miss gasul, ihanda mo na ang damage fee!" ang sarap niyang asarin. "Anong ibig mong sabihin" galit na sigaw nito. "You know tomorrow, bye magdadasal pa ako at kasama kana doon" Saka ko binagsak ang aking katawan sa aking kama. "I'm enjoy to teasing you, I don't know but I'm feeling comfortable beside you, kaya bat kita pakakawalan, you are my secretary, you stay with me until I'm bored with you" ***Mae Esguerra *** Dahil sa inis ko sa kanya kinuha ko ang kanyang sasakyan at ginamit ko pauwi. Umuwi ako ng bahay na di mawala ang galit ko. Akalain mo ba naman sinama pa niya ako sa kalokohan niya tama ba yun. Ngayon lang ako nakakita ng paring ganoon, nasasangkot sa gulo. "Bukas na bukas din pupunta ako doon at magreresign" padabog kong sinara ang pintuan. Natigilan ako dahil wala pang ilaw sa loob ng bahay. Wala pa si mama pag ganoon, di pa yun nalate sa uwi ah. Kaya tinawagan ko siya, Pero dipa sumasagot. Kaya nag alala ako nakailang tawag na ako pero di nagriring ang kanyang phone. Kaya kinutuban ako,at kung ano ano na lang iniisip ko. Sandali lang si April naman ang tumawag agad kong sinagot ito. "April si mama nawawala dipa siya nakakauwi" naiiyak na sabi ko sa kanya. "Wag kang mag alala ate, malapit na siya dito makarating!" sabi ni April na yun ang kinagulat ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Papunta siya dito sa new york ate, magbakasyon kinuha ko muna siya para makapag relax naman kahit papaano, next month kami uuwi pero sa manila kami daretso" "Ano!! Pumunta siya diyan na wala man pasabi, para akong baliw na naghahanap sa kanya" "Busy ka raw kasi sa bago mong trabaho kaya di na siya nag paalam saiyo" "Kahit na, anak niya ako natural na magpaalam siya sa akin, tapos malalaman ko na lang malapit na pala siya diyan makarating" "Oo ate wag ka ng magalit, marami akong pasalubong saiyo pay uwi namin, mga high heels bagay saiyo" "Wag mo akong susuhulan ng ganyan dahil di naman ako nagsusuot ng ganyan, di naman ako masyadong pandak ah!" "Oo na! Kamusta kana pala ate nalaman ko ngyari saiyo, sa trabaho mo dati kwento ni mama, buti nakahanap ka na ng trabaho mo agad" "Oo, pero magreresign na ako" "Ano? Kahahanap mo lang trabaho magreresign ka nanaman" "Ikaw kaya ang may boss na weirdo at baliw, baka doon ako mamatay sa nerbyos sa kanya kakaiba ang trip ng kaibigan ng asawa mo parang baliw" "Sinong kaibigan ni Leon ang sinasabi mo ate?" "Si father King na may ari ng company na pinasukan ko, baliw yun eh sinali ba naman niya ako sa gulo na pinasok niya akala ko mamatay na ako kanina sa takot" "Si sir King este, father, sa kanya ka nagtrabaho, bilang secretary" "Oo, pero I quite mapapdali buhay ko sa kanya" "Mabait naman yun ate, bat dimo pagtyagaan" "No way ayaw ko na" "Sige sabihin ko kay Leon at kausapin siya" "Wag na salamat na lang maghahanap ako ng bagong trabaho bukas, siya nga pala paano pala yung pwesto sa market sino ang magtitinda doon, siguro ako muna ang magtinda habang wala pa akong nahanap na trabaho" "Pinarenta ni mama sa iba ate kaya wag ka ng mag abala" "Ganoon, sige sabihin mo kay mama pag nakarating siya, sana maalala naman niya ako" "Oo sige na wag ka ng magalit, sige mauna ako susunduin pa namnin siya sa Airport bye ate ingat ka lagi diyan, saka bumalik ka na kay sir King" "Ayaw ko nga, sige na bye pakamusta mo na alng ako kay bayaw at payakap mo ako sa mga pamangkin ko sige na mag ingat kayo" medyo matagal din kami nag usap ng kapatid ko bago ko naibaba ang phone ko. "Makapag bihis na nga at makapagpahinga para may lakas akong harapin yung gangster na pari na yun bukas" Naalimpungatan ako ng tumunog ang aking phone, alas nuwebe na pala. Kaya bumangon ako kaagad. "Naku late na ako ano ba yan" nagmamadali akong pumasok sa banyo, pero natigilan ako naalala ko magreresign na pala ako. Kaya bumalik ako sa paghiga. Muli kong dinampot ang aking phone, at tinignan ang tumawag. Si Father king nga ang tumawag. Nagmessage siya sa akin. "Come to my company, ibalik mo ang aking kotse let's talk, once you are here" Nainis ako kaya hinagis ko ang aking phone dahil sa inis. Pero bumangon ako ulit at nagbihis. Pagkatapos akong nagbihis lumaba na ako ng bahay. Drive ko ulit ang kanyang kotse para ibalik ko na sa kanya. Half hour, nakarating na din ako sa company, pinark ko na lang kanyang kotse. Dali Dali akong pumasok sa kanyang office, dina ako nag aksayang kumatok pa daredaretso akong pumasok. Saka ko binagsak sa lamesa niya ang resignation letter ko sa kanya. Dahan dahan siya humarap sa akin. "You're late miss gasul you know what time now?" "Ano naman ngayong magreresign na ako ngayon din" "Oh is that so, ok" sabi nito saka may kinuha siya sa kanyang drawer at inabot niya sa akin ang isang brown envelope. "Ano ito?" tanong ko "See your self" sagot niya saka siya tumayo at palakad lakad sa aking likuran. Kaya agad kong binuksan ang inabot niya sa akin na envelope. Halos manlambot ang aking mga tuhod dahil sa nakasulat dito. "Are you serious!?" galit na sigaw ko sa kanya "Yess I'm serious" saka siya umupo sa may sofa at nakadekwatro pa ito. At nakangisi pa sa akin na para bang nang aasar pa. "Paano nagyari yun bat diko alam, at wala kang sinabi sa akin sir" "Anong wala, binasa mo ba yung inabot saiyo ni Moira na papers, na kailangan mong tignan?" Oo nga may inabot sa akin kahapon, kaso diko binasa dahil sa busy ako". Kaya agad ko itong hinanap sa loob ng bag ko. Isa isa ko itong tinignan at binasa, di ako makapaniwala na naisahan niya ako. " Malinaw nakasulat diyan, at malinaw ang pirma mo, you need to pay two million if you break the contract" "Pero bat ganoon naman kalaki, saka diko alam na ganito ang nakalagay sa contract" "Tinanong ka ng secretary ko diba na basahin mo bago pirmahan, pero sabi mo ok lang, so wala na akong kasalanan diyan, you need to pay before we break the contract" "Saan naman ako kukuha ng pera na ganyan kalaki" "Diko na yun kasalanan, maliwanag na nakalagay diyan na if you break the contract now, you need to pay immediately" Di ako kaagad nakapagsalita, at parang lutang ako at di ako makapaniwala na naisahan niya ako. "Babayaran kita pero, dipa ngayon, basta ayaw ko na magtrabaho saiyo" "Ok, mabilis akong kausap, but you need to pay two million, pero hanggat dika pa makakabayad, you need to work for me first, pag nakabayad ka na saka ka na lang natin ibreak ang contact" "Seriously, wow pangigipit naman yang ginagawa mo" "Oh kung ayaw mo sige, babalik ka na lang if may pambayad ka, pero pag wala pasensyahan na lang tayo. Saglit akong nanahimik, hirap magcontrol ng galit. Saglit kaming nagtitigan, tinitigan ko siya ng pagkatalim talim. Natawa lang ito habang di niya inaalis ang kanyang titig sa akin. Kaya nainis ako at binato ko sa kanya ang hawak kong mga papers. "Ouch, your so violent remember I'm still your boss" "Boss mo pagmumukha mo, alam mo pasalamat ka at may respeto parin ako saiyo dahil isa kang pari, teka pari ka nga ba, kasi ang pangit ng ugali mo" "I'm bleeding again" sabi nito. "Binato lang kita ng papel nagkadugo kana!" saka ko siya tinignan, dumugo nga "Sumabit yung plastic na matigas sa sugat ng bibig ko" sabi niya habang pinupunasan ang kanyang bibig na dumudugo. Saka ngayon ko lang napansin ang dami niyang pasa at sugat sa mukha, at kanyang mga kamay puro sugat. Halatang gangsters talaga siya, basagulerong pari.. "Tsk tsk tsk ngayon lang talaga ako nakaincounter ng paring basagulero" saka ako lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mukha at kamay para tignan ang mga sugat niya. "What are you doing?" "Nothing! Nasaan ang medicine cabinet mo?" tanong ko sa kanya. "Bakit mo natanong?" "Gamutin ko siyempre yang, sugat mo" "Teka nga lang bat ang pormal mong makipag usap sa akin, close ba tayo" Kaya nainis ako sa sinabi niya. "Nagmamalasakit na nga ang tao, ganyan pa sasabihin, sorry po sir dina mauulit" saka ako lumakad para hanapin nag kanyang medicine kit. Nahanap ko naman kaagad ito saka ako umupo sa tabi niya at pinaharap ko siya sa akin. "Sir, gagamutin ko lang yang sugat mo, wag mong bigyan ng malisya" "Wag na, ok lang yan sanay na akong magkasugat at walang gumagamot niyan" saka siya tumayo. "Sir upo!" sigaw ko sa kanya habang hinila ko ang kanyang kamay. Tumingin siya sa akin. Saka niya binawi ang kanyang kamay na hawak ko. "I said no need" "Sabi ko upo!" saka ko siya hinila ulit. Pero nakatayo parin ito dahil sa laki niyang tao, ako tuloy ang nahapit niya dahil sa paghila ko sa kanya. Grabeng tigas ng katawan na yan at ang lakas niya ako ang humila sa kanya pero ako ang nahila niya. Tumama ang mukha ko sa kanyang nay bandang kilikili. "Aray, ang sakit naman yun, bat ang tigas naman yang katawan mo, dumugo na ata ilong ko" sigaw ko sa kanya pero diko pa inalis ang mukha ko sa kanyang bandang kilikili na nakasubsob. "Makulit ka kasi ako pa ngayon ang hihilain mo, eh ang liit mong tao, saka who you to command me" "Gusto ko lang naman na gamutin ko yang sugat mo eh, saka dumudugo na yang labi mo dahil sa pag bato ko saiyo" "I said no need, saka dika pa ba aalis diyan sa may kilikili ko, ano mabango ba parang gusto mong amoyin" "Hindi ah!" agad akong lumayo sa kanya. "Maghanda kana aalis tayo mamayang two o'clock" "Saan tayo pupunta?" "Somewhere, I need to go there" "Pumayag na ba akong sasama saiyo at babalik sa trabaho" "So, itutuloy mo parin yang balak mo, ok then bayaran mo na ngayon ang two million at makakaalis kana" "Teka!"pagpigil ko sa kanya. Hinawakan ang kanyang laylayan ng damit. " Are you a child? "sabi niya pero diko pinansin. " Sige na payag na ako, basta wala na akong babayaran na ganyang halaga"pakiusap ko sa kanya. "Ok, madali naman akong kausap eh" "Ang bilis niyang nag oo talagang pahihirapan niya ako, no way lalaban ako kahit hanggang kilikili mo lang ako"pabulong kong sinabi. " I hear you! "ngumiti ito saka siya umupo ulit sa sofa. Umupo ako sa tabi niya ulit at kinuha ko ang mga gamot para gamutin siya. Tumingin lang siya sa akin at hinayaan na lang niya ako,nakukulitan na siguro siya. " What a stubborn woman"sabi nito. Habang nilinis ko siya, di niya inalis ang tingin niya sa akin, na para bang matutunaw na ako. Feeling ko namumula na ang mga pisngi ko. " Ano ito, bat panay ang t***k ng puso ko parang tumatambol, may sakit na ata ko hindi na ata ito normal" sabi ko sa isip ko. Nakatitig parin siya sa akin, na para bang nang aakit. Diko magawa ng maayos ang ginagawa ko. "Aray! Be gentle, ang rude mo kaliit mong tao ang bigat ng kamay mo" "Wag ka kasing malikot" "Di naman ako gumalaw ah" bahagyang ngumiti ito kaya agad akong umiwas. ****King Alvarez **** Lihim akong natutuwa dahil kitang kita ko na di siya mapakali at makatingin ng maayos sa akin. Kaya patuloy ko siyang tinititigan. Mga pisngi nitoy namumula, na bagay na mas lalo siyang naging cute. Kaya ang sarap niyang asarin. Diko nga maintindihan sarili ko, dahil gustong gusto ko siyang inaasar parang feeling ko nagiging masaya ako. "Your blushing, ngayon ka lang ba natitigan ng gwapong katulad ko" pang aasar ko sa kanya. "Hindi noh, marami na akong natitigan na mukha no!" "Really pero, di kasing gwapo ko" "Father na pa confidence mo naman, dapat ang pari di ginagawa ito, babaerong pari" "I'm not like that, wait aray! nanadya ka ba ang sakit noon" "Masyado kana kasing GGSS" "Anong GGSS?" tanong ko sa kanya. "Gwapong gwapo sa sarili" "Bakit totoo naman ah aminin mo nagagwapuhan ka sa akin, ito lang masasabi ko iha, wag mo ng ituloy yan dahil masasaktan ka lang" "Wow, feeling mo naman, di ako magkakagusto sa pari, dahil kasalanan yun sa diyos, at higit sa lahat di kita type" "Really are sure di mo ako type" nainis ako bigla sa sinabi niyang di niya ako type gwapo naman ako anong ayaw niya sa akin. Kaya gumana nanaman ang pagka pilyo ko. Sinadya kong nilapit ang aking mukha sa kanya sobrang lapit, halos maabot ko na ang kanyang mga labi, naamoy ko ang kanyang mga hininga. "Anong ginag--a-wa m--?" nauutal na siyang magsalita. "Now tell me, you didn't attract to me?" Pero bakit ganoon, parang gusto ko na siyang halikan, panay din ang kabog na aking dibdib, pero ayaw kong maalis ang aking paglapit ng mukha sa kanya I think I enjoy this. Halos di siya makaimik. I enjoy teasing her. " Bakit dika makatingin, pag dika tumingin sa mga mata ko ibig sabihin nun, may gusto ka sa akin" pang iinis ko sa kanya habang nakangisi ako. "Akala mo gusto kita hindi no, feeling mo naman" saka siya tumitig sa akin. Nasa isang minuto siguro kaming nagkatitigan at walang gumalaw sa aming dalawa. "Calm self, hindi mo dapat ginagawa, mali ito. Pero gustong gusto ko itong gawin. Nang bigla akong nakarinig ng flash ng camera kaya napalingon ako. Kaya napatayo ako kaagad at nagkapameywang. " Mrs Lee, come out there I saw you already, Your violating my privacy!" sigaw ko kay mommy. "Oops sorry, naistorbo ko ba kayo? Kanina pa ako katok ng katok, walang sumasagot kaya pumasok na lang ako" Masayang sabi nito na para bang nag iisparkle ang kanyang mga mata. "What are you doing here? Diba sabi ko bawal kang tumapak sa company ko" "So, sa tingin mo ba makikinig ako saiyo, I'm so happy my son sa wakas magkakamanugang na ako" saka siya lumapit sa akin at niyakap, ang kinaiinis ko sa lahat ng halikan niya ako sa aking mga pisngi. "Mrs Lee this is too much" "Wala akong pakialam saiyo, iha halika dito, kayo na ba nitong anak kong weirdo, in short girlfriend ka niya" Nagulat ako sa sinabi ni mommy kaya napaubo ako ng wala sa oras. "Mrs Lee what are you talking about" "Manahimik ka di ikaw ang kinakausap ko tumabi ka diyan" saka ba naman niya ako tinulak. "Iha, wag kang mahiya sa akin, ako ang nanay nitong baliw na ito, kayo na ba ng anak ko?" "Mrs Lee!" sigaw ko ulit sa kanya. "Shut up!" sigaw din niya sa akin. "You scaring her, tignan mo di siya makapag salita" pahabol ni mommy na sigaw sa akin. Kaya nanahimik ako. "Iha are you alright?" "Madam, mali po kayo diko po siya--" ako ang sumagot agad sana sa sasabihin ni Mae. "Mrs Lee ang ibig niyang sabihin, oo kami na at girlfriend ko siya, are you happy now?" Kailangan ko itong gawin para tigilan ako ni mommy. "Ano!! Anong pinagsasabi---" hinila ko siya saka ako bumulong sa kanya. "Shshsh, dont say anything, basta sumakay ka na lang para matapos na mag uusap tayo mamaya ako bahala saiyo" "Ano ba, wag ka ngaang--" tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig "King what are you doing to her" "Mrs Lee mahiyain siya, umuwi muna kayo, ipapakilala ko din siya saiyo ng maayos pupunta kaming bahay sa linggo kaya umuwi muna kayo". Saka ko hinila si mommy palabas ng office ko. "Pero gusto ko siyang makausap at makilala" "Not now Mrs Lee, di pa siya handa uwi muna kayo ihahatid ko na kayo sa labas". "Teka lang naman King parang tinatapon mo ako palabas ah" Di na ako umimik pa basta hinatid ko siya palabas. Ang kulit talaga ni mommy halos ayaw niya umalis, kaya pinagbantaan ko siya pag dipa siya aalis diko na dadalhin ang magiging manugang niya sa bahay kaya napilitan siyang sumunod. Pagkahatid ko kay mommy agad akong bumalik sa office ko. Nagulat ako dahil sa itsura niya diko alam kung nagagalit ba siya oh ewan. "Father! Anong ibig mong sabihin, kanina na girlfriend mo ako, ano! Sumagot ka!" "Paano ako sasagot kung parang armalight ang bibig mo! Magkapatid nga kayo ni April walang duda!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD