Chapter 2

3515 Words
"Saan ka nanggaling?"tanong ni mommy sa akin, pero di ako kaagad umimik. Huminga ako ng malalim saka ko siya sinagot. "Kumain po ako saglit mom, saka kailangan ko bang ipaalam lahat saiyo ang lahat ng kilos ko, mom I'm already thirty four years old I'm not a child anymore, can you please stop interfering in my life" "What did you say?"pataas ang kanyang boses. "I said, ano ba ang pinunta niyo rito" "Diba message na kita kanina, saka tinanong kita kay Moira sabi niya lumabas ka at may pinuntahan, tas sasabihin mong kumain ka lang" "Sabi ko na nga ba eh, di talaga pagkakatiwalaan itong secretary kong ito, ipapahamak lang talaga niya ako, kailangan ko na talaga siyang palitan" pabulong kong sinabi. "May sinasabi ka ba?" "Nothing mom" sabay nginitian ko siya. "May dala akong meryenda mo, binili ko kanina doon sa pinuntahan namin ng daddy mo" "Thanks mom" "Saan ka ba talaga pumunta King huh magsabi ka nga ng totoo, alam mong ayaw ko ng sinungaling na tao" "Sa labas mom, may kinameet akong client" "Client, hindi ang magiging manugang ko" "Mom naman, stop that, saka pwede ba wag na kayong magpadala ng kung sino sinong maging blind date ko, saan niyo ba sila pinagpupulot" "Ayaw mo kasi akong bigyan ng manugang para magkaapo na ako, naiinggit ako sa amiga kong si Corazon lima na ang mga apo niya kay Leonardo, ang saya, saya niya lagi niyang binibida sa akin, kaya naiinggit ako" "Mom, magkaiba kami ni Leon, matakaw yun eh kaya nakalima na kaagad" "Kaya nga gayahin mo siya, bigyan mo rin ako ng Triplets at mga babaeng apo,para tigilan na kita, pero hanggang ngayon nag iintay ako sa wala, matanda kana King" "Mom, alam niyo umuwi na kayo, saka wag na kayong magpadala ng babae dito sa company at wag na niyo akong uutusang makipagblind date" "Sinong nagsabi saiyo na titigil ako, no! Hindi pwede magpapadala ako ng blind date mo kahit anong mangyari, hanggang sa magkaroon ako ng manugang at magkakaapo ako" "Mom,please naman kung sino, sino na lang eh, nung isang araw nagpadala ka ng parang nagtitinda sa palengke, talo niya pa sumisigaw ng taho, tas yung isa doble, doble, ang tingin sa akin may sira ang mata, tas yung huli binebentahan ako ng insurance. Walang matino sa mga pinapadala mo" "Ah basta kahit sino, basta may matress at kaya akong bigyan ng mga apo" "Tapos paano naman ang magiging apo mo kung magmana sa kanila" "Ang dami mong rason, ayaw mo lang mag asawa, gusto mo bang tumanda habang buhay" "Bat ako, lagi ang iniipit niyo na mag asawa, Mayroon pa akong isang kapatid ah bat di si Louise ang hingian niyo ng apo, kaysa nagpapakasarap siya ng buhay sa korea" "Isa din yun, wala ng matino sa mga anak ko, mga may edad na kayo pero hanggang ngayon di pa niyo ako binibigyan ng mga apo" "Paano, di niya kayo tatakasan ni Louise, wala na kayong ginawa kundi pakialaman ang buhay niya, ayan tumakas lumayas. Naiinggit nga din ako sa kanya dahil malaya siyang gawin ang gusto niya, samantala ako, ako ang nagmamanage ng buong negosyo, si Louise naman di intrisado, kaya pwede ba mom, give us as a break " " Ganyan na kayo sa akin, maliit na hinihiling ko ayaw niyong ibigay, mga wala kayong utang na loob " " Mom hindi sa ganoon" "Wala na talaga akong kwenta sainyo dahil malaki na kayo" "Mom, tama na dimo ako makukuha sa paiyak iyak mo, dahil wala ka namang luha, pwede ba palitan mo rin yang linya mo mom, paulit ulit" "Basta bibigyan niyo ako ng maraming apo, katulad ni amiga ko na si Corazon, naintindihan mo, kung di mo yun magawa, magiging hadlang ako sa lahat ng mga gusto mo" "Mom, nakakatakot sobrang nakakatakot, matagal ka ng nakikialam sa buhay ko since ng pinanganak mo ako, there's nothing new, boring" "Humanda ka bukas wag mo ako kinakalaban king, dimo pa lubos kilala ang mommy mo, sige uwi na ako kainin mo yang dinala ko saiyo, wag mong kalimutang pumunta sa blind date mo bukas, bye tsup tsup tsup" nang iinis pa talaga siya. "Moira! Moira! Lumabas ka na diyan sa pinagtataguan mo kala mo diko alam na kanina ka pa diyan, ihatid mo si mommy sa labas, bilisan mo at mag usap tayo mamaya ng masinsinan" "Opo sir, peace" nakangiti siyang lumabas sa may pinagtaguan niyang kurtina. "Wag mo siyang pagalitan, sige aalis na ako" "Mom this way po" "Salamat Moira, maganda ka iha bat di na lang kayo ni King ang magkatuluyan" "Mommy!!" sigaw ko sa kanya. "Gusto ko sana kaso, ayaw ni sir saka ikakasal na po ako sa Fiance ko" "Sayang naman sige di bale iha halika na alis tayo dito, baka kainin pa tayo ng buhay itong nasa likod natin" "Mom!! Can you please stop!! Aaahh I'm so tired" tumatawa pa talaga siyang lumabas sa may office ko. "Malakas ka talaga mang asar, mommy kung di lang talaga kita ina naku baka di kita matantya, diyos ko po patawarin niyo po ako sa mga sinasabi ko. Tao lang din ako nagkakamali" nagsign of the cross ako dahil sa mga lumalabas sa bibig ko. Umupo ako sa may swivel chair ko, hinawakan ko ang aking sintido, dahil sumasakit ito dahil kay mommy. Kailangan ko umisip ng paraan kung paano makakalimutan ni mommy ang mga gusto niya. "Aaah wala akong maisip, kailangan ko talaga ang barakada ngayon sa kanila ako hihingi ng tulong" Agad kong tinawagan si Aldrin, para makipagkita ako sa kanya ngayon, mabuti na lang andito rin si Clayton may hospital kasi sila dito na pinatayo kaya madalas ang pagpunta niya rito. "Hello what's up father king" sagot ni Aldrin. "Tigilan mo ako, mainit ang ulo ko kita kits tayo sa dating tagpuan mamamaya" "Naku, dapat saiyo sa simbahan ka na lang wag sa ganoong lugar, saka ilang buwan ka ng busy ah halos di ka nanamin mahagilap ni Clayton" "Busy ako lagi"sagot ko "Saan sa pagmimisa?"pabirong sabi ni Aldrin. "Naku tigilan mo ako Aldrin huh, mainit talaga ang ulo ko" "Ang pari di umiinit ang ulo, dapat malamig lagi, pari ka ba talaga oh nagbabalat kayo ka lang" "Wala ka talagang kwentang kausap, mamaya sa dating tagpuan tawagan mo si bobo" saka ko binaba ang phone ko. "Nang iinis pa talaga tong mokong na to kainis talaga!!" Tumayo ako saka ko kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas sa aking office. "Sir, saan po kayo pupunta, bilin po ni madam--"pinameywangan ko siya kaya tumahimik agad. " Ano!! Bat dimo ituloy, teka lang ah Moira sino ba amo sa aming dalawa at lagi mo akong kinokontra huh, gusto mo bang sesantihin kita" "Sir, magreresign na nga ako diba? Bat pa niyo ako sisantihin" "Oo nga noh! Hindi sesantihin na kita ngayon, dika loyal sa amo mo" "Diba sir, nagreresign na ako ngayon pero sabi mo bukas na kasi maghahanap ka pa ng kapalit ko" "Ganoon ba? Sige lumayas ka sa harap ko ngayon din kala mo nakalimutan ko na pagtatraydor mo sa akin sino ba nagbibigay ng sweldo mo at pagnagbabale ka sino nagbibigay" "Kayo po sir" "Sino ang nakakatiis sa katangahan mo" "Kayo po sir" "Sino ang di loyal sa amo pero mabait parin ako saiyo" "Kayo po sir" "Ako pala eh bat mo ako binebenta kay mommy, at dimo ako sinusunod eh ako ang boss mo. Dapat sa akin ka nakikinig hindi sa ibang tao naintindihan mo" "Ibang tao po ba ang mommy niyo sir" "Ay isang bobo rin ito dapat kayo ni Clayton ang magkatuluyan eh" "Sino po siya sir?" "Pwede ba Moira, lumayas ka na sa harapan ko, parehas lang kayo ni mommy malakas mambwisit, umuwi kana kanina pa kita pinapauwi. Bat hanggang ngayon andito ka pa" "Kasi po sir di pa ako tapos magligpit" "Aalis kana ngayon din or, diko ibibigay ang thirteenth month pay mo, sige wala kang gagamitin sa kasal mo" "Yess sir! Ngayon din uuwi na ako, nakalimutan ko may gagawin pa pala ako bye sir" "Ang tagal, dapat kanina pa" "Sir wag mong kalimutang yung thirteenth month pay ko ha, bye sir see you tomorrow" Saka siya nagmamadaling umalis. "Kahit dika na bumalik, magaling ka rin mambwisit" sigaw ko sa kanya. "Kailangan makahanap ako ng secretary ko kaagad, yung ako ang magcocontrol sa kanya, hindi yung siya yung kocontrol sa akin" saka ako lumakad paalis sa company ko. Pupunta akong bar ni Aldrin doon kami ngayon magtambay ang favorite place naming magbabarkada. Dapat diko ginagawa ito, dahil isa rin akong alagad ng diyos kaso dipa ako ganap na pari pero malapit na. Pero tao rin ako kailangan kong magrelax, saka modern priest ako. Basta di ako gagawa ng kasalan sa taas. Pagkarating ko sa bar, pumasok ako sa loob at hinanap ko sina Clayton at Aldrin. Agad ko naman sila nakita nakaupo sa may gilid. "Hello father, mano po" pagbibiro ni Clayton saka niya inabot sa akin ang niyang kamay. Kaya agad ko siyang binatukan nang aasar pa, isa rin ito eh. "Aray!! Bat nambatok ka naman agad father" "Clayton akoy tigil tigilan mo sa kalokohan mo ah, mainit ang ulo ko" "Bakit mainit ang ulo ng kagalang galang na pari?" sabad din ni Aldrin. "Pwede ba tigilan niyo akong dalawa, hayy namis ko tuloy si Alex, siya lang ang matinong makausap di kagaya niyo mga wala kayong kwenta" inis na sabi ko sa kanila. "Tawagan mo siya at ipakuha mo sa chopper mo" sabi ni Clayton. "Nag iisip ka ba talaga Clayton?" sabi ko sa kanya. "Siya, tama na yan, ano ba kasi ang kinakainit ng ulo mo" tanong ni Aldrin sa akin. "Si mommy, pinipilit niya akong mag asawa na at bigyan siya ng apo, pero diko masabi na ayaw ko. Alam niyo naman malapit na akong ganap na pari kaya anong gagawin ko naguguluhan ako" "Ano ba kasi nakain mo at nagpari ka, alam mong tutol ang pamilya mo, ceo ka na nga sa sarili niyong companya nagpari ka pa talaga tas ngayon namomroblema ka na" sabi ni Aldrin habang panay ang lagay ng alak sa aking baso, ako naman panay ang aking lagok. Nakalimutan ko na isa pala akong pari. "Diba dapat ang pari di umiinom" sabad ni Clayton. "Diyan ka nagkakamali, kasi tuwing nagmimisa kami umiinom kami habang nasa gitnaan ng misa" "Talaga, paano naman" tanong ni Clayton. "Tuwing nagmimisa ako nagdadala ako ng mga wine, iniinom ko bago ako magmisa, tas magtitira ako ng konti para sa gitna pagmimisa ko" "Kaya pala nagpadeliver ka ng limang cartoon ng wine at inutusan mo pa ako" sabi ni Aldrin. "Siyempre nag order ako saiyo diba?yan ang negosyo mong isa eh" sabi ko sa kanya. "Teka ano ba kasi problema mo" Nagtatakang tanong ni Clayton. "Si mommy nga diba, diko alam ang gagawin ko sa kanya" "Wag kang mag alala, dika nag iisa pati si mommy pinipilit niya din ako lagi niya rin akong pinakikialaman" napabuntong hininga si Clayton. "Kayo lang ba ako din, dati walang pakialam si mommy sa akin, ngayon nakikialam na ng dahil kay tita Corazon, pinipilit na niya akong magpakasal" "Eh bat dika pa magpakasal, tutal may fiance ka na si Marisa. " Di niyo alam ang dinadanas ko sa kanya, talo niya pa ang mommy ni Leon sa bagsik"sabi ni Aldrin na mukhang problemado din. "Hay buti pa si Leon, masaya" sabi ko habang tuloy ang aking pagtagay. "Wala tayong magagawa, mga magulang natin magbebestfriend mga yan, ano pa ba aasahan natin sa kanila" sabad ni Clayton. "Kaya sorry dude dika namin matutulungan, pareparehas lang tayo, ang maganda mong gawin, wag mo ng ituloy ang pagpapari mo para tatahimik ang buhay mo" sabi ni Aldrin. "Tama siya dude, itigil mo na yang kahibangan mo, cheers!! Para sa ating walang kalayaan" sigaw ni Clayton. Napabuntong hininga na lang ako, wala palang kwenta itong dalawa na ito, dahil pare, pareho lang pala kami ng kalagayan. "Sige mag inuman na lang tayo hanggang sa malasing tayo" sabi ko sa kanila. "Dapat ang pari nasa simbahan na nagdadasal para sa sanlibutan hindi yung siya pa ang magyayang maginuman" natatawang sabi ni Aldrin. "Kaya nga eh dapat nasa simbahan ka, para ipagdasal mo ang ating buhay na tatlo kung paano natin matatakasan ang mga magulang natin" sabi ni Clayton. "Kailangan din ng pari ang magrelax ngayon lang naman eh kaya cheers" saka kami nagtawanan, itawa na lang namin ang aming mga problema, dahil di lang pala ako nag iisa pati rin sila. "Lord patawarin niyo po ako" saka ako nagsign Cross saka tinuloy ang pagtagay. ***Mae Esguerra *** Umuwi ako ng bahay na masama ang aking loob dumaretso ako sa aking kwarto at doon nagmukmok. Umiyak ako ng umiyak,dahil sa isang iglap lang nawalan ako ng trabaho. Kinuha ko ang phone saka ko tinawagan si April. "Hello, ate!" sagot niya agad. "April, kamusta kayo ng mga bata" tanong ko sa kanya. "Kasi ate aahh, tumigil ka nga diyan Leon!" parang pagod na pagod siyang makipag usap sa akin at di makausap ng matino. "Bakit anong ngyari saiyo diyan, parang hingal na hingal ka, teka sinasaktan ka bang asawa mo?" "Ate saka na tayo mag usap, tatawagan na lang kita" saka agad niyang binaba ang kanyang phone. "Hello April! Hello, di pa tayo tapos mag usap" yun nga binaba na niya, ano ba nagyayari sa kanilang mag asawa. Bumangon ako at pumuntang kusina, para kumain nagugutom kasi ako eh. Kanina pa ako naghahalungkat wala akong makitang makain. "Ano ba yan nagugutom ako wala man lang makain"kaya napilitan akong lumabas para bumili ng makakain. Diko namamalayan nakalayo na pala ako.Nakakita ako ng Street food stand, doon ako namili ng mga isaw fishball at kung ano, ano pa. Diko namamalayan ang oras mag alasyete na pala ng gabi. "Naku napasarap ata ang pagtambay ko sa labas alasyete na pala" dali dali akong umalis. "Hahanapin ako ni mama nito" naghanap ako ng tricycle para masakyan. Pero wala akong makita madalang ata ang daan ng sasakyan dito. Kaya minabuti ko na lang ang maglakad, habang naglalakad ako may mabilis na sasakyan ang sasalubong sa akin,kaya napasigaw ako ng husto dahil sa takot. "Aahhhh, inay ko po katapusan ko na!!" takot na takot ako kaya pinikit ko na lang ang mata ko saka yumuko ako ng nakaupo. "Huh!! Buhay pa ako" tumayo ako saka ko hinaplos ang buong katawan ko. "Salamat diyos ko buo parin ako at buhay" binalingan kong tinignan ang sasakyan, na muntik ng nakabangga sa akin. "Gago tong driver na ito eh nasa gilid na nga ako ng kalsada sasagasahan pa talaga ako, lagot ka sa akin ngayon" lumapit ako sa bintana ng sasakyan, saka ko ito kinatok. Pero walang nagbubukas, kinatok ko ulit pero wala paring sumasagot. "Hello, lumabas ka diyan muntik mo na akong sagasahan ah" pero wala prin itong sumasagot. Naku wala pa naman lang katao tao dito sa daanan, paano ba kasi ako napunta dito. Aalis na sana ako kaso, parang may pumipigil sa akin. Kaya kinatok ko ulit ang bintana ng sasakyan. Pero wala talaga sumasagot kaya sinubukan kong binuksan ang pintuan nito,nagbukas naman laking gulat ko ng. "Aahhh kabayo!! Tao wala ng buhay patay na" nahuhulog na ang kalahati ng katawan nito mula sa driver seats. Itinulak ko siya ulit sa may drivers seats. "Kailangan ko ng umalis dito baka sabihin ako pa pumatay sa kanya" "Hmmm"Umungol ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Nang tignan ko ulit siya, laking gulat ko ng makita ko at sino ang taong ito. " Huh! Father! Tama ba tong nakikita ko, oh namamalikmata lang ako si father ito ah yung kaibigan ni bayaw Leon, teka amoy alak pari ba ito bat lasing na lasing" Ngayon lang ata ako nakakita ng lasing na pari diyos ko lord, buhay pa ay sinusunog na ang kaluluha, makasalanang pari ito. "Father! Father gising po kayo" "Hmmm, inom pa tayo di pa ako lasing malakas ako, si King yata ako" sigaw nito habang nakataas ang kanyang kamay. "Father lasing na po kayo, father!" wala na tulog na ay bahala na nga diyan. Iniwan ko siya, mag isa sa loob ng kanyang kotse panay parin ang kanyang pagsasalita pero sobrang lasing. "Makaalis na nga, baka madamay pa ako, nakapagtataka paring lasing na lasing ano ba yan iba na talaga ang panahon ngayon" binilisan ko pa ang naglakad. Nilingon ko ulit ang kanyang sasakyan parang feeling ko nakokonsensya ako. "Ano ba yan, nakakainis naman eh" kaya binalikan ko ito. "Pasalamat ka at kaibigan ka ng bayaw ko at isa kang pari" Pinilit ko siyang inilabas sa drivers seat. "Ang bigat naman ng taong ito, at ang laking tao ano ba yan, pinaparusahan na ata ako, nawalan na nga ako ng trabaho ganito pa ang mapapala ko, Aray! Mababalian na ata ako ng buto!" paninigaw ko. Dahan dahan ko siyang inalalayan para dalhin siya sa kabilang upuan. Halos masubsob na ako sa kabigatan ng taong ito. Hanggang sa nailipat ko siya sa kabilang upuan. " Aray! Ano ba yan ang sakit ng ng balakang ko"Saka ako pumalit sa driver seat. Ako ang magdrive, marunong na kasi ako at may driver licence naman ako.Pinaandar ko ang kanyang kotse. " Saan ko kaya siya dadalhin, father saan ang bahay niyo para maihatid kita" "Sa langit doon mo ako ihatid" "Ano daw, langit nababaliw na itong paring ito, father seryoso po saan kita ihahatid" "Kahit saan basta malayo, yung tahimik at walang problema, at walang mommy na nakikialam sa buhay mo" "Huh! Napaka complicated naman ang buhay nito ano ba yan, father saan ba talaga" pero dina ito umiimik, niyugyog ko siya habang nagmamaneho ako kaso wala na tulog na siya. "Saan ko ba siya dadalhin, bahala na" tinigil ko muna ang sasakyan, saka ko kinapa ang kanyang bulsa para hanapin ang pitaka niya. "Salamat nakita kita" hinanap ko kung may address ba siya, calling card ang nakita ko at andito nga address niya. "Dalawa naman nakalagay dito saan kaya ang totoo, sa condo na lang niya ko siya dalhin andito naman ang address" sabi ko saka ko agad pinaandar ang sasakyan para iuwi siya. Nakarating na kami sa address na nakita ko sa calling card niya. "Wow, pangmayaman ang mga condo dito" halatang mayaman si father. Pinilit ko siyang nilabas ulit para dalhin sa kanyang condo. Hirap na hirap ako dahil napakalaki niyang tao. "Ano ba ginagawa ko, ewan ko ba bat ginagawa ko ito ngayon nakakainis buti sana kung di siya mabigat" sa liit ko ba naman parang mapipisa na ako parang diko na ata kakayanin pang ipasok siya. Buti na lang dumating ang guard at tinulungan niya ako. "Mam, ako na po magdadala kay sir sa taas, halos di ko na kayo makita sa pagbubuhat niyo sa kanya" nakangiting sabi sa akin. "Grabe ka naman sa akin manong guard porke ba maliit ako" naiinis sabi ko. "Sorry mam, lasing nanaman si sir" "Lagi ba siyang ganito" tanong ko sa guard. "Oo mam, laging lasing pag umuwi, minsan nga natutulog pa yan sa elevator sa kalasingan minsan sa kanyang sasakyan dina makalabas minsan nga din sa mismong hall way kala namin patay na lasing lang pala" "Grabe naman yan pari pa naman naturingan" "Dito na po mam, buti nga may naghatid na sa kanya ngayon dina siya matutulog kung saan saan, saka ngayon lang kayo nakita rito girlfriend niya po ba kayo?" "Hindi!! Kaibigan niya lang ako salamat po sa paghatid" "Mauna na po ako mam, pakialagaan na lang niyo ang boyfriend niyo wala kasi mag aasikaso sa kanya mauna na po ako" "Sinabing diko siya boyfriend eh makulit din ang guard na ito eh" inayos ko ang kanyang paghiga saka ko siya iniwan. "Naku gabi na lagot ako kay mama, pahamak itong pari na ito eh" Akmang aalis na sana ako pero bigla niyang hinila ang aking mga kamay kaya napasubsob ako sa kanyang mga braso.Pinilit kong bumangon pero bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Kaya nagulat ako pilit kong kumakalas pero masyado siyang malakas. Ang kinagulat ko ng bigla niya akong halikan sa mga labi ko. Di ako kaagad nakagalaw. Hinalikan niya ako. Tinulak ko siya saka ko siya sinampal. "Walang hiya ka bastos, first kiss ko yun ah" di na siya gumalaw. "Napalakas ata ang pag sampal ko, kaw kasi bat ka nanghahalik, pari ka pa naman" Biglang tumunog ang aking phone ng tignan ko ito si mama. Naku lagot na gabi na, lagot ako kay mama nito. Kaya nagmamadali akong umalis dito sa condo niya. Habang nasa biyahe ako naisip ko ulit si father at sa nangyari kaninang paghalik niya sa akin. "Naku erase Mae dapat wag mo yun isipin wag kang papaapekto, pasalamat ka pari ka kaya patatawarin kita" muli kong naalala ang kanyang itsura kanina, bakit ganoon na lang ang pagkalasing niya na dapat di niya ginagawa. "Hay, kahit pala alagad ka na ng diyos malaki parin ang problema nila, katulad naming normal, ang lungkot ng kanyang mukha habang pinagmamasdan ko siya kanina kitang kita ko yun" tama na nga Mae wag mo na siyang isipin, ang isipin mo kung paano ka makahanap ng bagong trabaho" napabuntong hininga na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD