Chapter 1

3404 Words
"Lumayas ka dito sa bahay, ngayon din ang tanda tanda mo na nagagawa mo paring mambabae, walang hiya ka matanda ka umalis ka rito, kung hindi kakalbuhin talaga kita kasama yang alaga mo!" lagi kong naririnig tuwing uuwi ako sa bahay. "Esmeralda naman, pwede ba palitan mo naman yang linya mo, nakakasawa na. Puro ka bintang wala ka naman nakikita pwede ba honey, tama na ipaghanda mo na ako ng kape, saka hinaan mo boses mo mgigising yung unico iho mo, sige ka di nanaman yan uuwi dito" sagot ni daddy sa kanya. Ako'y naririndi sa magulang ko tuwing umuuwi ako rito sa bahay. Kaya mas gusto ko matulog sa condo ko eh tahimik walang maingay. Bumangon na lang ako dahil diko na makuha ang aking tulog,masakit sa ulo. Bumaba ako sa hagdan, nadatnan ko sila sa may sala,na sinusuyo ni daddy si mommy parang mga bata. Nilagpasan ko silang dalawa at dumaretso ako sa kusina. "I miss the Gang, ilang buwan ng diko sila nakita"umupo ako sa lamesa para kumain at ng makalayas na. Pero naririnig ko pa rin ang kaOAyan nina mommy at daddy. " Aahhh! Sakit sa tainga, mom dad! Can you please stop it, it's annoying, ano kayo mga teen ager na nagliligawan!" sigaw ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking mga tainga. Tumayo ako para umalis dito sa bahay,diko na kayang tignan oh pakinggan ang mga magulang ko ang aarte. " King, tapos ka na? Eh di mo pa nagagalaw yang pagkain mo" nagtatakang sabi sa akin ni Aling Josie, ang aking yaya simula pagkabata ko. "Hindi na po Aling Josie, di na po kaya ng aking tainga at masakit ang aking mga mata dahil sa dalawang yun" sabay turo kina mommy at daddy. "Di ka na nasanay sa sakanila ganyan naman na ang mga magulang mo" "Di ako masasanay, kahit tatanda pa ako, sige na po mauna na ako papasok pa ako ngayon sa trabaho" saka ako paalis. "King san ka pupunta anak, aalis kana ka agad, we eat breakfast first anak bago ka aalis" pagpipigil ni mommy sa akin. "Siya nga naman iho, bat ka nagmamadaling umalis, mag stay ka muna dito anak bago ka aalis" "I'm late dad mom, marami akong trabaho ngayon sa company" "Don't worry iho, kahit anong oras ka pa papasok, saiyo naman nag company na yun at ikaw ang boss kaya kahit anong oras pwede ka pumunta doon" "Dad, ayaw ko! Ayaw ko mag stay dito lalo nakikita ko kayo ni mommy na kung anong pinagagawa niyo, masakit sa mata" saka ako humakbang paalis papuntang pintuan. "Iho dito ka muna anak sabay sabay tayong magbreakfast ng daddy mo" pahabol na sabi ni mommy. "Next time mom I'm busy, bye see you next month" "Hey what do you mean next month matagal ka nanaman babalik dito sa bahay" "Saka na lang ako babalik pag di na kayo nag iisip bata mom" "Loko tong bata na ito ah tinawag niya akong isip bata, parehas kayo ng daddy mo huh!" sigaw ni mommy sa akin saka ako tuluyang umalis papuntang company. Pagkarating ko ng company, sinalubong ako kaagad ang aking secretary na si Moira. "Goodmorning sir!" nakangiting bati nito sa akin. "Mas maganda pa ang umaga saiyo sweetie" sagot ko sa kanya. "Sir naman nambola nanaman kayo, you're breakfast is ready in your office" "Thanks sweetie" sabay kinindatan ko siya. Actually six years ko na siyang secretary, sweetie lang tawag ko sa kanya, wala lang gusto ko lang siyang tawagin ng sweetie, lagi kasi siyang nakangiti eh. "My schedule ba ako ngayon sweetie" "Sir stop calling me sweetie, kaya pinagkakamalan tayong may relasyon dahil diyan eh" "Masama ba, oh sorry dina mauulit, darling please give me one cup of coffee" "Sir naman eh" "What! Di na kita tinawag na sweetie, kaya darling na lang ayaw mo parin" "Sir call me Moira ang true name ko" "Ah what ever sige dalhan mo ako ng kape, mamaya aalis ako wag mo ako tatawagan or storbohin busy ako maghapon" "Nanaman lagi na lang sir ah, lagi kayong nawawala, saan ba kayo nagsusuot tuwing hapon" "Secret nga diba kaya nga diko sasabihin saiyo, baka magsumbong ka kay mommy, kala mo diko alam nagrereport ka sakanya sa lahat ng ginagawa ko" "Eh sorry sir si madam kasi eh mapilit " Diba! Mabait akong boss, kahit dika loyal sa amo mo, tinuturing parin kitang princessa na secretary ko,wala bang kiss diyan"pagbibiro ko sa kanya. "Sir naman eh, sige ka malapit na akong bibigay niyan" "Naku wag kang bibigay Moira, bininiro lang kita" "kayo talaga sir!" Basta busy ako maya, pagkatapos ng trabaho mo mamaya uwi kana" sabi ko sakanya. "Sir may sasabihin po sana ako importantante lang" "Mamaya na yan, oh bukas na busy ako" "Di naman kayo busy sir ah nagtetext nga lang kayo diyan eh" "Trabaho din itong pagtetext, kahit paghinga lang trabaho parin eh ikaw talaga" "Importante talaga, mabilis lang" "Oh sige ano yun, kung magbabale ka nanaman, dika pa bayad mamumulubi ako saiyo eh" "Hindi yun sir" "Ano, nga bilisan mo malapit na akong aalis, one two three four" Pagbibilang ko sa totoo lang boring na boring na ako. "I resigned!!" mabilis na sabi nito. "Oh yan lang pala eh, ok no problem" "Huh, ganun lang yun sir dika ba malulungkot, or iiyak man lang" "Bat ako iiyak at malulungkot, eh kagustuhan mo yan diko kagustuhan" "Sir magreresign ho ako!" "Oo, alam ko narinig ko di ako bingi, sige magresign ka bukas na bukas din maghahanap ako ng kapalit mo" "Sir, di wala lang saiyo" "Ano ba talaga gusto mo magreresign ka ba oh hindi, nag iinarte ka pa" "Magreresign po sir" "Sige, aalis na ako bukas mag usap tayo saka magpaskil kana diyan ng wanted secretary, para bukas masimulan na interview, bago ka aalis may kapalit ka na sige aalis na ako wag mo ako istorbohin" saka ako tuluyang umalis sa aking office. Pupunta akong simbahay ngayon para magmisa, sumakay ako sa aking sasakyan para tunguhin ang simbahan kung saan ako lagi nagmimisa at nagdarasal. ***Mae Esguerra *** "Anak nakausap mo na ba kapatid mo?" tanong ni mama sa akin habang nakaupo ako sa may lamesa at kumakain. "Opo mama, ok naman sila doon nakabakasyon sila ngayon sa new york kasama mga bata" "nasa ibang bansa sila, buti naman at makarelax relax sila kahit papaano, ikaw anong balak mo sa buhay mo. Wala ka na bang balak mag asawa 29 ka na anak, matanda na ako ayaw ko kayong iwan balang araw, gusto ko pag nawala ako nakalagay na kayo sa tahimik at may kanya kanyang pamilya, tignan mo si April masaya na siya, anak pa ng anak atlis bibigyan ako ng maraming apo, ikaw ano pa inaantay mo pag dina magamit yang matris mo" "Mah, naman ayaw ko pang mag asawa ano, saka may mga pamangkin naman ako ok na ako doon, wag niyo ako pilitin dahil di niyo ako mapipilit" "Kailangan mo magkaroon ng asawa anak para may karamay ka sa buhay" "Mah wag na natin yan pag usapan, sige na po may klase pa ho ako ngayon malelate na po ako, wag ka masyadong mag isip mah, tatagal ka pa makikita mo pa mga apo mo sa tuhod, magmumula kina Black Blue at Brown" "Ewan ko saiyong bata ka iniiba mo usapan eh" "Sige na mah alis na ho ako" nagmamadali akong umalis dahil di nanaman ako titigilan ni mama. May klase pa kasi ako ngayon, inaantay na ako ng mga studyante ko. Masaya akong sinalubong ng mga studayante ko,pagkarating ko sa school. "Good morning mam" bati nila sa skin. "Goodmorning, sige na magsipasok na kayo sa class room, magsisimula na ang ating klase. Sumunod naman sila kaagad sa akin. Masaya akong nagtuturo sa mga bata ito kasi ang pangarap ko ang maging teacher. Kaya mahal na mahal ko ang trabaho na ito. Maya, maya pay nagring na ang bell hudyat na ang breaktime "Ok break time, dahan dahan lang sa paglabas wag magtulakan huh" ng makalabas na ang mva studyante. Lumapot sa akin si mam Grace. "Mae, pinapatawag ka ng principle, punta ka raw sa principles office" "Bakit down, mag gusto ba siyang sabihin?" "Diko alam doon, sige na baka magalit nanaman yun, mag ingat ka doon Mae, alam mo naman yung panot na yun" sabi ni Grace sa akin "Oo alam ko salamay puounta na ako doon" saka ko inayos ang aking mga gamit sa may mesa. Saka ako lumabas sa classroom ko.,para magtungo sa principles office. Pagkarating ko roon kumatok ako kaagad ng dalawang beses. "Come in" sagot nito kaya agad ko naman binuksan, nakangisi pa ito masama ang tingin niya sa akin kaya medyo lumapit ako sa kanya. "Lumapit ka pa ng husto iha" sabi nito saka siya unti_unting tumayo. "May sasabihin po kayo sir?" "Kasi iha, napag isipan mo na ba ang offer ko saiyo, gusto ko malaman ngayon" "Pasensya na po kayo sir, mataas po respeto ko sainyo, hindi ho ako ganoon sa inaakala niyo" Lumapit siya sa akin saka ako hinawakan sa mga balikat ko habang pinipisil niya mga ito. Kaya napaatras ako saka ko siya tinulak. "Aalis na po ako kung wala na kayong sasabihin" pero hinila niya ako saka ako pilit hinahalikan. "Bitawan niyo ako!!" pagpupumiglas at pagsisigaw ko. "Kunwari ka pa, kala mo siguro diko alam na isa karing kagaya ng mga ibang babae diyan na mukhang pera at kaladkararin" pangiinsulto niya sa akin kaya mas lalo akong nagalit. "Hindi ako katulad ng mga babaeng iniisip mo sir, pwede ba bitawan niyo ako" pero ayaw niya akong bitawan. Kaya sinipa ko siya sa harapan saka ko siya sinapak ng tatlong beses kaya ito natumba at nasubsob sa may mesa, at namimilipit sa sakit sa kanyang gitna dahil sa pagsipa ko rito. "Walang hiya ka babae ka, dahil sa ginawa mong ito kala may babalikan ka pang trabaho" paninigaw nito sa akin pero di parin siya makabangon. "Kala mo, babalik pa ako dito, inuunahan na kita kalbong panot, magreresign na ako, kung ganito lang naman kamanyak ang taong tinitinghala ko,at nirerespeto mas mabuti pang mawalan na ako ng trabaho kaysa magtagal pa dito!" "Kala mo makakaligtas ka sa ginawa mo sa akin pagbabayaran mo ito!" pananakot niya sa akin. Ako naman ay di takot malakas ata ako at di nagpapaapi. "Di ako natatakot saiyo, panot! Matagal na akong nagtitimpi saiyo, gustong gusto na nga kitang bigyan ng flying kick eh kaso may konting respeto pa ako saiyo eh, pero ngayon ubos na" lumapit ako ulit sa kinaroroonan niya. "Bago ako aalis, kukuhanan muna kita ng magandang alaala" nilabas ko ang aking phone saka ko siya kinuhanan ng maraming picture. "Anong ginagawa mo itigil mo yan!" sigaw niya sa akin. "Ok, tama na salamat sir" saka ko siya ulit tinadyakan. "Aray! Tama na!" "Yan ang napapala ng taong manyak" saka ako tuluyang umalis sa loob ng kanyang opisina. "Kala mo siguro, natatakot ako saiyo no way di ako nagpapaapi, dina ako babalik sa skwelahan na ito" saka ko tinadyakan ang pintuan ng kanyang opisina. Naglakad ako papunta sa aking classroom, at agad kong kinuha ang mga gamit ko. Paglabas ko nakatingin sa akin ang mga studyante ko. Napaluha ako dahil, aalis ako ng wala sa oras ng di man lang nakapagpaalam sa kanila ng maayos. Habang naglalakad ako, hinabol nila ako. "Teacher! Saan kayo pupunta, iiwan niyo ba kami" sigaw ng isa sa mga studyante ko, at yung iba umiiyak na rin. "Kailangan eh, di bale may bago naman kayong teacher na dadating wag kayong mag alala dadalwin ko kayo" "Ayaw po namin teacher" pero wala akong magawa tumayo ako saka ko tinuloy ang paglalakad. Pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko teachers, alam na nila ang ngyari sa akin, pero mas pinili nilang manahimik. Dahil ayaw nilang mawalan ng mga trabaho. Diko naman sila masisi. Wala na akong nagawa pa lumakad ako palabas sa school. Diko mapigilan umiyak limang taon na akong nagtuturo dito. Pero ayaw ko naman ipagpalit ang karangalan ko sa isang taong bastos. Diko alam kung saan ako ngayon pupunta basta patuloy parin ang paglakad ko, diko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Nasa dalawang oras din ang nilakad ko diko naramdaman ang pagod. Nang tumigil ako nasa harapan na pala ako ng simabahan. Pumasok ako sa loob, kasisimula lang ng misa kaya umupo ako sa may harapan para makinig ng misa. Kahit papaano gagaan ang pakiramdam ko sa pagpasok ko rito. Binaba ko ang mga gamit ko at umupo ng maayos at makikinig sa sermon ng pari. ****King Alvarez**** "Hi father king, maaga ka ngayon ah" bati ni father Juanito. "Hello father, maaga kasi natapos ang trabaho ko ngayon kaya maaga ako pumunta dito para makapagmisa. " Ikaw na mamaya ang magmisa sa third mass, oh ten minutes na lang ikaw na susunod" "Oh sige magbibihis lang ako sandali" agad akong nagbihis para makapagmisa.Katulad ng dati gumagamit ako ng mask para walang makakakilala sa akin. Kahit ayaw pumayag ang mga matataas, wala rin sila nagawa ako parin nasunod. Ayaw ko kasi malaman ni daddy at mommy siguradong masasaktan sila at malulungkot at ayaw ko yun mangyari. Ako pa naman ang inaasahan nilang magpalago ng aming angkan, at bigyan sila ng mga apo. Naglakad akong papunta sa harapan para makapagmisa. Maraming tao nanamam ang mga pumunta. Lalo na ang kababaihan nakucurious kasi sila sa akin dahil, kahit nakamask daw ako halatang gwapo raw akong pari. Kaya marami akong fans na mga dalaga dito. Habang sinisimulan ko ang misa, agaw pansin ko ang babaeng nasa harapan na taimtim ang dasal. At higit sa lahat nakilala ko siya, siya ang nakakatandang kapatid ni April na minsan ko ng nakita sa kasal nila mismo. "Ano kaya ginagawa niya dito, malayo na ang lugar nila dito sa simbahan na ito ah" Pero hinayaan ko na lang di naman niya siguro ako makikilala, saka kitang seryoso siya sa pagdadasal. Lihim akong natuwa dahil, may mga seryoso parin sa pagdarasal, di katulad ng iba rito, wala ng ginawa kundi magpacute. Pinagpatuloy ko ang aking pagsesermon. Laking gulat ko ng tumingin ako sa harap ulit, si mommy at daddy, paparating at sa harapan pa talaga uupo. Di ako nagpahalata sa kanila. "Lagot na anong ginagawa nila dito, di naman sila nagsisimba rito eh" sabi ko sa sarili ko.Pinagpatuloy ko parin ang aking pagmimisa. "Lagi niyong tandaan, mga kapatid hindi masama ang mag inarte. Basta nasa lugar. Lagi niyong tatandaan matatanda na tayo, dapat magmatured na tayo wag na tayong mag isip bata. Kung may edad ka na ilugar mo ang pag iinarte mo dahil dina tayo bata pa" lihim akong natatawa dahil, pinapatamaan ko lang naman ang mga magulang ko. "Lokong paring ito ah ako ba pinapatamaan niya" naririnig kong sabi ni mommy. "Isa lamang itong pagpapayo or kasabihan lamang, sana wag natin dibdibin, hindi po ako nagpapatama pawang mga katotohanan lamang ang mga sinasabi ko,kung natamaan kayo wala na po akong kasalanan doon" "Parang ako ang pinapatamaan niya eh" "Manahimik ka nga, masyado kang mapanghinala" sabi ni papa sa kanya. Tumahimik sila ni mommy, patuloy parin ako sa pagsesermon, hanggang sa natapos na ito. Agad akong umalis sa harapan. "Hoo!! Muntik na ako doon, bakit kaya ano nakain nila at dito pa sila nagsimba" "Habang naglalakad ako para magbihis, may nakabanggaan ako. " Aray! Dika ba tumitingin sa dinadaanan mo"pagtataray niya sa akin. "Ah sorry iha, diko sinasadya" sabay abot ko ang aking kamay para alalayan siyang tumayo. "Ah sorry father, diko po kayo nakilala" "Ok lang" tinulungan ko siya kaagad, pero nagulat ako dahil wala na ang mask ko nahulog. "Father nahulog ang mask niyo" sabi niya sa akin. Agad ko itong pinulot at binalik. "Teka kilala kita ah" sabi niya sa akin. "Siyempre kilala ako rito isa akong pari eh" sagot ko sa kanya saka ako kumilos humakbang paalis. "Hindi kilala talaga kita, di ako nagkakamali. Ikaw, yung kaibigan ni bayaw Leon" "Hindi nagkakamali ka iha hindi ako yun, baka kamukha ko lang" "Ikaw yun di ako nagkakamali, father Ikaw ang nagmisa sa kasal nila diba?" "Hindi ako yun" pilit kong sinasabi. "Isa kang pari pero nagsisinungaling ka, ikaw yun eh di ako nagkamali, tinitigan kita ng husto noong kasal" "Hindi, mauna na ako iha, saka sa totoo lang di talaga ako yun nagkakamali ka" Saka ako nagmamadaling umalis. Lagot na nakilala ako ng kapatid ni April di pwede ito, baka ipagsabi niya sa iba at malaman ni mommy. Teka kailangan ko siyang kausapin, kaya binalikan ko siya kaso wala na siya doon. "Nasaan na kaya siya" hinanap ko siya pero diko siya makita. "Uy si father, ang gwapo niya kahit nakamask siya" sigaw ng mga grupo ng mga kababaihan, kaya dali dali akong tumakbo. "Pahamak talaga!" inis na sabi ko dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto kung saan kami nagbibihis, dali dali akong nagpalit ng damit. "Muntik na ako doon ah, saan ko kaya siya hanapin kailangan makausap ko siya, kung tawagan ko kaya si April? Ay di pwede magagalit nanaman si Leon sa akin baka mapatay pa ako ng mokong na yun, ahhh bahala na, kailangan umalis muna ako rito" sabi ko kaya dali dali akong lumabas. "Father king nagmamadali ka ata, paalis ka naba?" tanong sa akin ni father Juanito. "Oo father, emergency kasi may gagawin kasi ako" "Oh sige mag ingat ka" sabi niya saka ako nagmamadali lumabas sa simbahan. Habang mabilis akong naglalakad, eto nanaman nagkanda malas malas ako. Sa dami ng makakabanggaan ko si mommy pa talaga. "Sorry ho mam" saka ko siya inalalayan. "Diba ikaw yung pari na nagmisa kanina, buti naman nagkita tayo dito, gusto kita makausap" "Pasensya na po kayo mam nagmamadali ako" pilit kong pinapalitan ang aking boses para di niya ako makilala. "Saglit lang father, anong ibig mong sabihin kanina, iisa lang naman ang alam kong nagsasabi sa akin ng ganoon ang anak ko, bakit parehas ata kayo ng linya" "Mam diko po kilala ang anak niyo, pasensya na po walang personalan, mga sermon po yun ng mga katulad naming mga pari, sige po nagmamadali ako" "Teka lang parang kahawig mo ang anak ko" "Naku mam nagkakamali kayo mauna na po ako, saka mas gwapo po ako doon sa anak niyo" saka ako nagmamadaling umalis. Nasa may kalayuan ang aking sasakyan lagi ko tinatago, sa may parking lot. Para walang nakakakilala. "Muntik na ako doon ah, matalas pa naman ang mga mata ni mommy, pagnagkataon makilala niya ako. End of the world na talaga, kailangan ko ng umalis dito, malas talaga ang araw ko ngayon kasalanan ito ng natapakan kong tae kanina eh" sabi ko kaya agad kong pinaandar ang aking sasakyan papunta sa aking company. Habang nagdadrive ako, nagmessage si mommy. "Anak pupunta ako ngayon sa company mo, dadalhan kita ng pagkain, I love you tsup tsup tsup" message ni mommy. "Eww, ginagawa niya akong bata ano ba yan. Teka pupunta siya sa company, lagot na kailangan maunahan ko siya" Halos paliparin ko ang aking sasakyan para makarating ako sa company ko, pag di ako naabutan noon, magwawala nanaman siya, ang masaklap pag si Moira ang madatnan niya doon, wala na finish na, dapat nakaalis na si Moira sa office ko ngayon". Tinatawagan ko siya pero di sumasagot. "Sumagot ka Moira bilis" "Hello sir bakit?" "Moira nasaan ka?" "Andito palang sa company, inaayos ko kasi mga gamit ko sir bago ako aalis dito" "Emergency, papunta si mommy diyan, umalis kana diyan ngayon din" "Pero sir dipa ako tapos eh" "Bukas mo na tapusin yan, pagnadatnan ka ni mommy diyan tiyak patay ako. Sigurado magsusumbong ka kilala kita dika nagsisinungalung kay mommy, pahahamak mo lang ako" "Hindi sir di kita ipapahamak ngayon promise ako na bahala kay madam" "Wag mo ako lokohin Moira, ganyan din sinabi mo nung last na pumunta si mommy diyan, anong ginawa mo pinagkalulo mo ako kaya umalis ka na diyan ngayon din" "Sige po sir magtatago na lang ako" "Tigas talaga ng ulo nito eh, sige wag kang magpapakita malapit na ako diyan" Saka ko binaba agad ang tawag. Maya maya pay nakarating na ako sa company ko. Halos takbuhin ko ang paglakad,nakatingin lahat ng mga tauhan ko sa akin. Halos kapusin ako sa hininga ng marating ko ang aking office pagbukas ko palang,sayang ang effort kong nagmadali, dahil andito na ang ang tunay na boss. Dahan dahan na humarap ang aking swivel chair, kung saan siya nakaupo. "Saan ka nanggaling?" nakakatakot na tanong ni mommy, di ako agad nakapagsalita dahil natulala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD