RUBI-3

1795 Words
Chap3 RUBI-3 “Lilllllllllllllllllllly!!! Ughhhhhhhh!!!” kumawalang sigaw ni Thalia habang nanginginig ang kanyang kamay at buong katawan. Paluhod s’yang bumagsak sa uluhan ng kanyang anak. Napatakip labi si Thalia, hindi n’ya alam kung ano ang gagawin n’ya basta’t ang nais n’ya ay ang yakapin ang kanyang anak. Subalit hindi n’ya kaya kung ano ang kanyang nakikita. Sunod - sunod ang pag agos ng mga luha ni Thalia habang nanginginig ang kanyang mga kamay at unti- unting hinawakan ang ulo ng kanyang anak. “Ughhhhhhhhhhh!!! Lilllllllllllllllllllly! Anak ko, anak ko! D’yos ko! Ang anak ko! Lillllllllllllllllly! Anak, haaaaaahhhhhh! Anak ko, Lily!!! Ang anak ko, d’yos ko! Lily ahhhhhhhh! Anak! Anak ko! Anak ko!” palahaw at hinanakit n’yang sigaw sabay yakap sa katawan ng kanyang anak. Napuno ang damit ni Thalia ng mga dugo ni Lily. Habang ang sasakyan naman ay huminto sa unahan at nagtalo pa ang dalawang lalaki. “Bobo! Bakit ang anak ulit ang tinira mo! Dapat ‘yung ina naman!” bigkas ng isa, akmang magmamaneobra sana ang lalaking my hawak ng manibela ng pigilan ito ng kanyang kasama. “Bobo ka talaga! Wala na tayong oras para d’yan! Kailangan na nating umalis!” sabi ng isa sabay pinaharurut ng sasakyan. “Anak ko Lily!!! Lily anak, D’yos ko, iligtas mo ang anak ko!!! D’yos ko maawa ka, maawa ka! Lily, anak ko! Anak ko! Lily! Lily! Ahhhhhhhhhhhh!!! Anak ko!” paulit ulit na sambit ni Thalia habang yakap yakap ang kanyang anak at naliligo na rin s’ya ng dugo nito. Malabo man ay nagbabakasakali pa rin si Thalia na baka buhay lang ang kanyang anak. Durog man ang katawan ni Lily, ay pilit na binuhat ‘yon ni Thalia at isinakay sa sarili n’yang sasakyan. Mabilis na pinaharurot si Thalia at itinakbo ang kanyang anak papuntang ospital. Habang nagmamaneho si Thalia ay panay ang kanyang sulyap sa kanyang anak habang tinatawag ang pangalan nito at ang panginoon. “D’yos ko, iligtas mo ang anak ko! Lily anak, ililigtas ka ni Jesus, gagawin ni mommy ang lahat anak, basta kapit ka lang ha? Mahal ka ng mommy, hindi mo iiwan ang mommy di ba, anak? Mahal mo si mommy di ba? Kaya lalaban ang Lily ko, lalaban ka anak diba? Lalaban ang Lily ni mommy,lalaban ang Lily ko, matapang yan, alam ko,” sambit ni Thalia habang pinapatay ang kanyang puso dahil sa sobrang takot na mawalan ng isang anak. At nang makarating na si Thalia sa ospital, agad s’yang inasist ng mga nurses at doctor. “Lily, anak! Lily! Lily!” iyak sigaw ni Thalia. Habang naghihinagpis si Thalia para sa kanyang anak, ay isang babaeng buntis rin ang isinusugod sa ospital na kasabayan ni Lily. “Kuhhhhhhhya, “bigkas ng pasyente. “Rubi! Kaya mo yan! Ililigtas ka ni kuya! Kapit ka lang kapit ka lang!” Sambit ng isang doktor sa isang pasyente na nakakapit sa kanyang uniporme. “Kuhhhhhhhhhyahh, ka-ka-ka-hi-hit aaaaahhhh-ahhhng a-a-na-k kohhhhhhh nal-na-“ halos hindi makabigkas na sambit ng babaeng pasyente sa doktor na tinatawag nitong kuya, sabay patak ng luha nito. Halos magkasabay na ipinasok ang dalawa sa magkaibang emergency room. But Thalia gets a result of “dead on arrival” “Hindi! Doc hindi patay ang anak ko! Tignan mo ulit s’ya doc, buhay ang anak ko! Mabubuhay pa s’ya! Hindi s’ya patay! Ano ba, doc! Tingnan mo ulit ang anak ko! Doktor ka di ba!? Di ba! Ano, pakiusap naman doc, sabihin mo na buhay pa ang anak ko! Doc please, please, pakiusap, iligtas mo ang anak ko maawa ka! Maawa ka naman dok, mabubuhay ang anak ko! ”aniya sa doktor at pilit na ipinagpipilit rito na kaya pang buhayin ang kanyang anak. Umiling iling ang doktor upang bigyan muli ng kasagutan si Thalia na wala na ang kanyang anak. At isang tapik sa balikat ang ibinigay ng doktor para kay Thalia. Napaatras si Thalia at nawalan s’ya ng balanse na tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod upang tumayo pa. Pakiramdam n’ya ay parang nag dikit ang langit at lupa para durugin s’ya. “Hindi! Hindi totoo yan! Hindi pwede! Doc, may magagawa ka pa alam ko! Doc, anak ko yan! Pakiusap naman o, dok sige na, sige na, pakiusap paki tignan ulit ang anak ko, dok please, please, dok! Sige na, buhay s’ya, buhay ang anak ko! Dok ano ba! Pakitingin ulit sa anak ko! Buhay s’ya! Buhay s’ya!” Pagmamakaawa ni Thalia sa doktor, subalit hinawakan lang s’ya ng doktor sa magkabilaang balikat. “Patawad, nais ko mang iligtas ang anak mo, pero.., wala na s’ya.” Mga katagang binitawan ng doktor na ikinabingi ni Thalia, parang huminto ang orasan dahil sa kanyang narinig, nanghina ang kanyang katawan at pasalampak s’yang napaupo sa upuan. “Hi-hindi! Hindi! Hindi patay ang Lily ko, hindi pwede! Hindi! Hindi! Bu-buhay ang Lily ko, ka-kahapon ngumingiti pa nga s’ya ie, tu-tumatakbo pa nga s’ya kahapon ie, sa-sabi pa nga n’ya “mo-mommy” gano’n, gano’n, sigaw pa n’ya, “Waahhhhhhhhhhhh mommy ang daya ni daddy,” Oo, bu-buhay ang anak ko,” patuloy na sambit ni Thalia na parang baliw sa isang sulok, at iniwan na lang s’ya ng doktor upang mapag-isa. “Bu-buhay ang baby ko, buhay ang Lily ko, ka-kasi kanina, tumatawa pa s’ya kanina, tinawag pa nga n’ya ako. Sabi pa nga n’ya kanina, mommy I love you, kaya hi-hindi patay ang anak ko, hindi, hindi! Pupunta pa nga kami mamaya sa store para bibili ng toys, tsaka mamaya titili na naman ‘yon, at nagsusumbong na madaya ang daddy. Buhay ang baby ko,hi-hindi s’ya patay,” patuloy na sambit ni Thalia na tila ay nawala na s’ya sa sarili. Habang sa kabilang banda naman, ay isang buhay ang lumalaban at ipinaglaban sa loob ng delivery room. Isang iyak ng sanggol ang narinig ni Rubi, at napangiti s’ya ng marinig ‘yon, ang marinig ang boses ng kanyang anak ay sapat ng biyaya bago s’ya mamatay, at kasunod no’n ay nahihirapan na s’yang huminga. “Rubi! Kaya mo yan, andito ang kuya! Hindi ka pababayaan ng kuya! Rubi! Rubi!” sambit ng doktor na punong -puno na ng takot para sa pasyente. “Rubiiiii!” huling sigaw ng doktor kasabay ng pag tuwid ng linya at pagpikit at kasunod ay ang pagpatak ng luha ng pasyente. “Rubi!” muling sigaw ng doktor, at isang pump pa ang ginawa ng doktor sa dibdib ng pasyente at nasundan pa ‘yon ng nasundan, nag umpisa ng humagulgol ang doktor dahil sa walang kahit anong positive response mula sa pasyente. Inawat na ng mga nurse ang doktor dahil sa nagpupumilit nitong mabuhay ang pasyente. “Dok, tama na, tama na dok! Dok! Tama na,” paulit ulit na bigkas ng dalawang nurse sa doktor, subalit nanlaban pa rin ang doktor. “Bitawan n’yo ako! Mabubuhay pa s’ya! Kaya ko s’yang buhayin! “pagpupumilit pa nito. “Jhon!” isang mariing bigkas ng isang babae sa pangalan ng doktor na si Jhon. At ang tinig na ‘yon ay mula kay Myka, isang nurse na kaibigan ni John. “Tama na, Jhon! Wala na s’ya! Patay na s’ya! Ayusin mo ang sarili mo! Doktor ka, hindi ka d’yos! Hindi ba dapat alam mo kung patay na ang pasyente mo!? Tahan na Jhon, huwag ka ng umiyak,” sambit ni Myka na gaya ni Jhon ay umiiyak din. “Tahan na, huwag ka ng umiyak, huwag ka na tayong umiyak, kung ganito tayo kahina. Wala tayong karapatan upang maging isang nurse at doktor!” wika pa nito kay Jhon, gaya ni Jhon ay nawalan rin s’ya dahil kaibigan n’ya si Rubi. Pero mas malaki ang nawala kay Jhon, isang kapatid at isang babaeng palihim na minamahal. Apat na suntok sa pader ang ginawa ni Jhon dahil sa sobrang galit sa sarili. Para ano pa na naging doktor s’ya kung ang taong minamahal n’ya ay hindi n’ya kayang iligtas? Makalipas ang ilang minuto, ay naglakas loob si Thalia na puntahan ang bangkay ng kanyang munting angel. Nanginginig pa rin ang buong katawan ni Thalia at muling bumagsak na naman ang kanyang mga luha, ng masilayang nakatakip na ng puting tila ang katawan ng kanyang anak. Halos hindi makalakad si Thalia sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman na tila ba, ay sa bawat hakbang na kanyang ginawa ay tila may mga kadenang nakapulupot sa kanyang mga paa. “Li, Lily! Ahhhhhhh! Anak ko! Ughhhhhhhhhhhhhh! Lily ko! Anak ko! WAhhhhhhhh! Anak ko! Anak ko! Anak ko! D’yos ko! Bakit mo s’ya pinabayaan!? Ipahiram mo muna sa akin ang Lily ko!” sambit ni Thalia sabay yakap sa bangkay ng kanyang anak. Umaangulo ang mga tinig ni Thalia na punong-puno ng hinanakit at paghihinagpis sa apat na sulok ng silid. “Lily ko, anak ko! Hindi mo iiwan si mommy diba, gising na baby ko please. Mahal na mahal ka ni mommy, Lily sige na, sabihin “Mommy” sige na anak, love na love ka ni mommy baby. Gising na, sige na anak, sige na gising na, please naman oh, hindi mo iiwan ang mommy di ba, di ba!? Gising na Lily ko, gigising na ‘yan, gigising na Lily ko, please na baby, sige naman o, Lily, Lily!” mga katagang sambit ni Thalia habang pakiramdam n’ya ay patay na rin s’ya. Habang si Alvin naman ay nasa labas ng pintuan, at nanginginig din ang kamay nito at walang lakas upang buksan ang pintuan. Subalit nilakasan pa ni Alvin ang kanyang loob at pumasok ng silid. Ng maramdaman ni Thalia na dumating na ang kanyang asawa, ay agad s’yang yumakap sa mga bisig nito. Subalit laking gulat n’ya na imbis na damayan s’ya ng kanyang asawa ay iwinaksi pa s’ya nito palayo. “A-alvin!? Buong taka n’yang sambit dahil nanlilisik ang mga mata nito. “Anong ginawa mo! Bakit mo pinabayaan ang anak natin! Bakit wala kang nagawa para kay Lily! Anong klase kang ina!” paninisi ni Alvin sa kanyang asawa. “A-alvin!?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD