RUBI-2

1542 Words
Chap2RUBl Matapos mag bihis ng mag ina, ay bumaba ang mga ito sa sala para doon na hintayin ang pagdating ni Alvin. Maya’t maya pa ay isang kotse ang pumarada sa labas. Pagkarinig ni Lily sa tunog na ‘yon ay tuwang tuwa ito, at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng kanilang bahay. “Daddy! Dadddy!” tili pa ni Lily, maluwag namang naka-awang ang mga braso ni Alvin para sa kanyang anak. Yumakap ng mahigpit si Lily sa kanyang daddy at kinarga naman ni Alvin ang kanyang anak. Habang si Thalia naman nakangiting isinara ang kanilang pintuan at ni-lock ito. Habang kinakarga ng isang kamay ni Alvin ang kanyang anak, ay nakaabang din ang isang braso ni Alvin para sa kanyang asawa. Lumapit si Thalia sa kanyang asawa at hinagkan ito sa labi. “Let’s go,” sabi n’ya sa kanyang asawa. Malapad naman ang ngiti ni Alvin to see his wife wearing a fitted pantaloon lang at simple shirt. Talagang sinunod nito ang kanyang gusto na magsuot lang ito ng simple. Sabay na pumasok ang tatlo sa kotse at nagtungo ang mga ito sa favorite resto ni Lily. Pagkadating nila sa resto, ay agad silang kumoha ng table tsaka nag order na rin. “Di ba si Thalia yan, Thalia Manuel, yung babaeng pinakasikat sa pagmomodelo?” bulungan ng isang bakla at isang babae sa kabilang table. Nilingon ni Thalia ang mga ito at nginitian. “Ay, confirmed!” magkasabay na bulalas ng dalawa, at magkasabay din ang mga itong tumayo. “Idol po kita Mss Thalia, pwede po bang mag selfie kasama ka?” masayang wika ng bakla. “Ako din, ako din!” dugtong naman ng isa. Pinaunlakan naman ni Thalia ang nais ng kanyang mga fans, at buong puso s’yang nakipag selfie sa mga ito. Masaya s’ya na kahit ilang taon na s’yang nawala sa bawat page ng magazines ay may mga tao pa ring nakakakilala sa kanya. “Wow, grabe! Halos wala ka pong ipinagbago Mss Thalia,” hangang sabi ng bakla habang naa-amaze sa ganda ni Thalia. “Maraming salamat po, pero Misis na po ako ngayon,” aniya sa mga ito. Nagbaling naman ng attention ang dalawa kay Alvin. “Pak! Oh, ang gwapo!” sabi na naman ng bakla ng masilayan ang kagwapuhan ni Alvin.. “Ang cute, pwede papisil?” wika naman ng babae sa kakyutan ni Lily. Isang ngiti lang ang itinugon ni Lily sa babae bilang hudyat sa pagpayag n’ya sa nais nito. Agad na pinisil ng babae ang pisngi ni Lily, at nanggigil pa ito. “Tama na yan bakla! Nakakaistorbo na tayo, nandiyan na ang foods nila oh,” sabi ng bakla sa kasama nitong babae ng makita nito na papalapit na ang waitress sa table ng mag asawa. “Maraming salamat po, Misis Thalia.” Sabi ng mga ito at bumalik na ang mga ito sa table. At inalapag na rin ng waitress ang inorder ng mag asawa sa table. “Mommy, your too beautiful that’s why you’re too famous,” sabi pa ni Lily sa kanyang ina sabay lipat ng tingin sa kanyang ama. “I’m right daddy di ba!?” cute question ni Lily sa kanyang ama na ikinatuwa naman ni Alvin at napapisil din s’ya sa pisngi ng kanyang anak. “Of course Lily, your mommy is way too beautiful, at minana mo ‘yon,” aniya sa kanyang anak. Pilyang ngumiti ang kanyang anak na tila nagustuhan nito ang kanyang iwinika. “Hehehe daddy, I’m mommy’s baby, so, automatically I’m pretty also,” cute pa nitong tugon sa ama. Habang si Thalia naman ay naaaliw lang na tinitigan ang kanyang mag ama. Daddy’s girl si Lily, kaya masyado itong malapit sa ama. Matapos ng palitan ng mga salita ng mag ama, ay nilantakan na ni Lily ang chicken legs na pinakapaborito nito. And also ganun din ang paborito ni Alvin. Halatang mag ama talaga ang dalawa. Nag enjoy ang tatlo sa kanilang lunch, at pagkatapos no'n ay agad ang mga itong umalis sa resto. At sa paglabas nila ng resto ay tila may apat na mga lalaking napansin si Alvin na tila pinag mamatyagan sila ng mga ito. Subalit hindi na ito pinansin ni Alvin, ano ba naman kasi ang kailangan ng mga ‘yon sa kanila? Eh wala naman. Muling pumasok ang mag pamilya sa kanilang kotse para umuwi. At sa gitna ng byahe ay may napansin si Thalia na isang kotse na tila parang binubuntutan sila. Hinawakan ni Thalia ang braso ng nagmamaneho n’yang asawa dahil hindi maganda ang kanyang nararamdaman tungkol sa kotseng nasa kanilang likuran. “Alvin, hon,” agaw attention n’ya sa kanyang asawa. “Yu-yung kotse, bakit parang sinusundan nila tayo?” “Hon, wag mo ng pansinin ‘yan, baka iisa lang din sila ng daraanan gaya natin. Tignan mo, baka mamaya lilihis na ‘yan oh baka mag o-over take.” Turan naman ni Alvin kay Thalia. Hindi man mapakali si Thalia ay nakuntento na rin s’ya sa sinabi ng kanyang asawa sa kanya. Hanggang sa narating na nila ang kanilang bahay. “Oh, tignan mo hon, dumeretso sila!” sabi pa ni Alvin sa kanyang asawa. Nakampante na naman si Thalia at nawala na ang kanyang pag aalala bago sila pumasok sa loob ng kanilang pamamahay. Dahil sa naipanalo na ni Alvin ang kasong hinawakan n’ya ay deserve naman nitong magpahinga. Ibinuhos ni Alvin ang kanyang oras sa pakikipaglaro sa kanyang anak, hanggang sa mapagod na ang mga ito. At sa pagsapit ng gabi ay mahimbing ang dalawa na magkayakap na natutulog. Thalia smiled ang cute kasing pagmasdan ng kanyang mag-ama. Ang mag-ama n’ya ang yaman n’ya na kanyang pinag iingatan. Kinaumagahan ay maagang umalis si Alvin upang makipagkita sa bago n’yang kliyente. Bagong kliyente, bagong kaso. Habang si Thalia naman ay nakatanggap ng isang invitation mula sa kanyang amiga. Inimbita s’ya nitong dumalo sa ika 50th birthday ng ama nito. Tenext ni Thalia ang kanyang asawa upang magpaalam. Kakatapos lang din ni Alvin sa pakikipag-usap nito sa bago n’yang kliyente. Babasahin na sana ni Alvin ang text ng kanyang asawa ng biglang may isang bata ang lumapit sa kanya habang pasakay na sana s’ya ng kanyang kotse. “Ano to?” tanong ni Alvin sa bata. “Sulat daw po ‘yan para sa’yo,” sagot naman nito. “Kanino galing?” “ Umalis na po sila eh,” sagot naman ng bata tsaka umalis. Binuksan ni Alvin ang papel para malaman kung ano ang nilalaman nito. Nawindang si Alvin matapos mabasa kung ano ang nakalakip sa papel. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at grabe ang kanyang kaba. “Ihanda mo na ang ataol para sa mag-ina mo!” yan ang nilalaman ng sulat. Dali- daling dinukot ni Alvin ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. At mas lalo s’yang kinabahan ng malamang palabas ang kanyang mag- ina. Mabilis s’yang nag dial at tinawagan si Thalia na agad namang sinagot nito. “Hon, nasaan ka!?” sabi ni Alvin na para itong hinahabol sa kabilang linya. “Andito kami sa labas ng bahay hon, paalis kami di ba, sinabi ko naman sa’yo,” tugon n’ya kay Alvin habang isinasara ang backseat ng kotse. Habang si Lily naman ay naglalaro ng maliit na jackstone nito. “Bumalik kayo sa loob ng bahay! Magtago kayo! Bilisan mo!” mariing utos pa nito kay Thalia. “Hon, bakit?” takang sagot pa n’ya rito. “Huwag ka ng mag tanong! Basta pumasok na kayo!” “Si-sige hon,”sambit ni Thalia kahit na naguguluhan sa kanyang asawa. “Li…” Akmang tatawagin na sana ni Thalia ang kanyang anak ng biglang sa kanyang paglingon ay isang kotseng itim ang humaharurot sa pagtakbo at palagay n’ya ay ang anak n’yang nagpupulot ng jackstone ang pinupuntirya nito. “Lillllllly!!!”sigaw ni Thalia at mabilis na inihakbang ang kanyang mga paa upang takbuhin ang kanyang anak. Ng biglang sa isang kurap ay biglang dumagundog ang katawan ni Lily sa kotse at inararo pa ng kotse ang katawan nito, at tumilapon ang katawan ni Lily sa mismong tapat ni Thalia. Sa oras na ‘yon ay biglang gumuho ang mundo ni Thalia bilang isang ina. Duma-dagundong ang puso n’ya sa kaba, at gusto na nitong huminto sa pagtibok. Inilingon n’ya ang kanyang ulo sa gawi ng kanyang anak na nasa kanyang tagiliran. Hindi pa nakuntento ang sasakyan at sinagasaan pa nitong muli ang katawan ni Lily at kitang kita pa mismo ng sariling mga mata ni Thalia kung paano lantain ng kotse ang katawan ng kanyang anak. Nanginig ang mga labi ni Thalia maging ang kanyang mga paa, at pati na rin ang buo n’yang katawan ng makitang naliligo na sa sariling dugo ang kanyang anak. “Lilllllllllllllllllllly!” kumawalang sigaw ni Thalia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD