RUBl-4
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Thalia ng salubungin s'ya ng masamang titig ng kanyang asawang siAlvin.
"A-alvin?" taka n'yang bigkas, mga tinig na punong-puno ng pagtatanong kung bakit ganun na lang ito kung makatitig sa kanya.
"Bakit mo pinabayaan ang anak natin!!! Bakit mo s'ya hinayaang mamatay!! Anong klase kang ina! ha! Thalia!?" igting bagang nitong sambit na ikanalaki ng mga mata ni Thalia sabay patak ng kanyang mga luha at paghikbi.
Akmang hahawakan n'ya ulit si Alvin pero bigla nitong malakas na i-winaksi ang kanyang mga kamay.
"Huwag mo akong hawakan! Kasalanan mo ito! Kasalanan mo! Kung hindi ka lang sana naging pabayang ina, sana may anak pa tayo! Sana buhay pa ang anak natin! Sana buhay pa si Lily! Sana buhay pa s'ya! Sana buhay pa ang anak ko!" usal ni Alvin sabay patak ng kanyang mga luha at inilipat ang kanyang mga tingin sa bangkay ng kanyang anak. "Sana, nagsasalita pa s'ya! Sana wala s'ya d'yan! Sana hindi s'ya nakahiga d'yan at walang buhay, kung hindi ka lang sana naging pabayang ina Thalia! Kung hindi ka lang sana naging pabayang ina!" paulit-ulit na paninisi ni Alvin sa kanyang asawa, na gaya n'ya ay isa rin itong nawalan ng isang munting anak.
"A-alvin, hi-hindi ko naman s'ya pinabayaan eh, A-alvin, Alvin, hon," sambit n'ya habang hindi maputol-putol ang kanyang mga luha, gaya ni Alvin ay sinisisi n'ya rin ang kanyang sarili sa pagkawala ng kanyang sariling anak.
"Hindi mo pinabayaan!? Ganon ba! Kung ganon, bakit s'ya nakahilata d'yan!? Bakit s'ya walang buhay ngayon!? Nasaan ka noong nangyari 'yan sa kanya ha!? Diba nasa tabi ka lang n'ya! Pero anong nangyari!? Anong ginawa mo!? Ha! Pabaya ka! Pinabayaan mo ang anak natin Thalia! Pinabayaan mo s'ya! Wala kang kwentang Ina!" mariing sambit ni Alvin na nag pa lugmok pa sa buong pagkatao ni Thalia bilang isang mabuting ina.
Sinabunutan ni Thalia ang sarili n'yang buhok dahil mga itinuran ng kanyang asawa sa kanya, napasigaw s'ya sa sobrang gulo ng kanyang utak at maging s'ya ay galit sa kanyang sarili.
"Alvin! Hindi totoo 'yan! Hindi totoo 'yan!" sigaw n'ya sabay nagkukumahog na lumapit muli sa kanyang anak at niyakap n'ya ang bangkay nito sabay palahaw.
"Anak, anak! Anak! Patawad! Patawad anak! Patawad kong napabayaan ka ni mommy! Patawad anak ko, anak ko patawad, anak, anak kooooo, anak kooooo," aniya habang yakap-yakap ang malamig na bangkay ng kanyang anak.
Nilapitan s'ya ni Alvin at binuklas ang kanyang mga brasong nakayakap sa bangkay ng kanilang anak.
"Bitiwan mo si Lilly! Bitiwan mo ang anak ko! Ang inang kagaya mo ay hindi nararapat sa kanya!" masakit na sambit pa nito at kinaladkad n'ya palabas ng room ang sarili n'yang asawa at ina ng kanyang anak.
"Alvin! Alvin! Anak ko 'yan! Alvin! Parang awa mo na Alvin! Hayaan mo akong yakapin ang anak ko, Alvin!" palahaw n'ya habang pumapalag sa kanyang asawa.
"Alvin! Ahhhhhhhhh! Alvin, pakiusap," aniya sabay yakap sa kanyang asawa na pilit s'yang tinutulak palabas. "Alllllllviiiin! Alvin! Anak ko 'yan, Alvin!" subalit pilit pa rin s'yang pinagtutulakan ng kanyang asawa palabas. Kaya wala s'yang nagawa kundi ang dumaosdos paluhod sa harap ng kanyang asawa upang manatili lang sa tabi ng kanyang anak.
"Alvin," aniya sa halos nagmamakaawang tinig na huwag s'yang paalisan sa tabi ng kanyang anak.
"Alvin, Alvin, anak ko si Lilly, anak ko si Lilly, anak ko 'yan Alvin, pakiusap. Huwag mo akong palabasin, gusto ko pang makasama ang anak ko Alvin, pakiusap, pakiusap Alvin, pakiusap," aniya subalit bingi pa rin ang kanyang asawa at buong pwersa s'ya nitong hinatak patayo at inihagis sa labas ng pintuan.
"Huwag na huwag kang lumapit sa anak ko! Wala kang karapatan para hawakan s'ya! Wala Thalia! Wala!" malakas na sambit nito at palamba na isinara ang pintuan para kay Thalia sabay patak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ibinalik ni Alvin ang kanyang mga paningin sa malamig na katawan ng kanyang anak at mas bumuhos pa ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata habang unti-unting inihahakbang ang kanyang mga paa palapit sa kanyang anak.
"Baby, baby ko. Anak ko! Anak ko! Lilly ko! Mahal ko, d'yos ko! Bakit ganito! Bakit ganito! Lilly koooooo! Bakit! Bakit! Anak ko bakit!" bigkas pa ni Alvin, hindi n'ya maintindihan kung ano dapat n'yang gawin, nais n'yang magalit. Nais n'yang umiyak. Nais n'yang yumakap sa bangkay ng kanyang anak. Napasuntok si Alvin sa pader ng ilang beses hanggang sa nag dugo ang kanyang kanang kamay.
"Ughhhh! Lily kooooo! Lilly ko!" sigaw n'ya at niyakap ng sobrang higpit ang nakahimlay na katawan ng kanyang nag iisang anak.
Wala namang nagawa si Thalia kundi ang kalampagin ang pintuan at magmakaawa sa kanyang asawa, asawa n'yang umiiyak rin ngayon at nakayakap sa bangkay ng kanilang anak.
Pinahid ni Thalia ang kanyang luha at nanlulumo rin s'yang tignan ang kanyang asawa na nagsusumamo sa harap ng kanilang anak na si Lilly, hindi nakayanan ng kanyang kalooban na tignan ang kanyang asawa na nalulugmok rin kagaya n'ya, masakit para sa kanya ang lahat ng kanyang nakikita. Kaya minabuti n'yang tumalikod nalang. Walang kasing sakit sa nino man ang mawalan ng isang anak at ang makita ang isa mo pang minamahal na halos nawalan na ng pag-asang mabuhay.
Umupo si Thalia sa upuan na malapit sa kanya, at doon humagulgol napaka-lakas, napalingon s'ya ng may isang doctor na lalaki rin sa kanyang tabi na umiiyak rin gaya n'ya, ramdam n'ya sa iyak ng lalaki 'yon ay hindi lang basta-basta na pasyente lang ang nawala sa doctor kundi isang taong napaka-halaga rin dito. Ramdam n'ya ang pait at sakit sa bawat pag iyak nito. Ramdam n'ya ang paghihinagpis nito, mas napahagulhol pa si Thalia ng lubos dahil she feel the pain of the man sitting next to her, almost the same pain as her.
Nagkukumahog si Mildred sa pagtakbo papalapit kay Thalia, mabilis na napatayo si Thalia ng makita ang kanyang kaibigan.
"Mildred?" aniya.
"Thalia?" nagsusumamo sambit rin nito sa pangalan ng kanyang kaibigan sabay yakap kay Thalia.
"Mildred," muli n'yang bigkas sa pangalan nito at doon ulit humagolhol sa balikat ng kanyang kaibigan. Ramdam na ramdam ni Mildred ang pag aayuno ng kanyang kaibigan, napapaluha s'ya sa bawat pag tangis nito na tila ba ay kay bigat at kay sakit, sobrang sakit na animo'y buong pagkatao nito ay nahulog sa isang madilim na kawalan.
At sa tuno ni Thalia ay hindi na n'ya ito kailangan tanungin kung kamusta na ang kanyang inaanak. Tuluyan ng pumatak ang mga namumutawing mga luha ni Mildred mula sa kanyang mga mata at mas niyakap pa n'ya ng mahigpit si Thalia, parang kinurot ang kanyang puso sa hagulhul ng kanyang kaibigan, ramdam n'ya ang paghihinagpis nito kaya pati s'ya ay humagolhol na rin. Halos himatayin na si Thalia kaya iginayak n'ya ito paupo muli sa upuan at pinaypayan.
"Wa- wala na Mildred, wala na ang anak ko, wa-wala na ang baby Lilly ko Mi-Mildred, wala na, wala na, wala naaa, Mildred wala naaaa, wala naaa," aniya sa halos hindi na makahingang tinig. Ang bigat-bigat ng kanyang dibdib at halos mawalan na s'ya ng ulirat.
Dali-daling kinuha ni Mildred ang baon n'yang tubig at ipina-inom sa kanyang kaibigan.
"Tubig Thalia, tubig, inom ka muna, inom ka muna. Kaya mo 'yan, kakayanin mo ito Thalia, kaya mo ito, lakasan mo pa ang loob mo Thalia, magpakatibay ka," sambit nito habang inaalalayang uminom ang nanginginig n'yang kaibigan.
"Mildred, Silipin mo ang mag ama ko, pakiusap, silipin mo sila," pakiusap n'ya sa kaibigan na agad naman s'ya nitong tinanguan.
Tinungo ni Mildred ang kwarto at sinilip si Alvin, at napaiyak s'yang muli ng makita n'yang tibihan ni Alvin ang anak nito at yakap-yakap pa ito ng sobrang higpit, Alvin closes his eyes while hugging his daughter like it was still alive.
Hindi rin nakayanan ni Mildred ang kanyang nakikita kaya nag-iwas na s'ya ng tingin sa mag ama at agad na s'yang bumalik sa tabi ni Thalia.
Makalipas ng ilang oras ay Inilabas na ng mag asawang sina Thalia at Alvin ang kanilang anak ng hindi sila nag kikibuan, ilang ulit ring sinubukang kausapin ni Thalia ang kanyang asawa subalit tinitingan lang s'ya nito ng masama, mga titig na may kahalong babala na huwag na huwag s'ya nitong kakausapin.
Hinapuhap nalang ni Mildred ang likod ni Thalia bilang pagdamay.
"Hayaan mo muna ang asawa mo Thalia, mabigat lang para sa kanya ang pagkawala ng anak ninyo,"
"Mildred, mahirap rin sa akin na mawala ang anak ko, ina ako Mildred, ina ako," aniya sabay patak ng kanyang mga luha. Agad na inasikaso ng mag asawa ang maayos na burol ng kanilang anak.
I-binurol si Lilly ng hindi sila nag iimikan ng kanyang asawa. Hanggang sa inilibing ito. Lumipas ang mga araw at buwan ay hindi na naging maayos ang buhay nina Alvin at Thalia.
Laging umouwi si Alvin ng late sa gabi at minsan ay hindi pa ito umouwi.
Alas dose na ng gabi, ay hindi pa rin makatulog si Thalia at nakatitig pa rin s'ya sa kwarto ng kanyang anak, inaalala ang mga panahong binabasahan pa n'ya ito ng story books. Muling pumatak ang kanilang mga luha habang sinasariwa n'ya ang mga panahong kasa-kasama pa n'ya ang munti n'yang angel, mga panahong kay tamis pa ng mga halik nito sa kanyang pisngi. Ang mga tinig nitong tinatawag s'yang 'mommy' ang makulit nitong tawa, ang mapaghamon nitong mga banat upang makalaro ang kanyang ama, ang magiliw nitong halaklak. Binabalot ang buong sulok ng kwarto ng mga purong alaala ni Lilly.
Pumasok si Thalia sa room ng kanyang anak at humiga sa kama nito yakap-yakap ang unan ng kanyang anak.
Tahimik s'yang yumakap sa unan pero halos sumigaw ang kanyang puso sa labis na pangungulila sa kaisa-isahan n'yang anak.
Niyakap rin n'ya pati ang kumot ng kanyang anak kasama ang family picture nila.
"Anak, miss ka na ni mommy, anak, dalawin mo naman ang mommy kahit sa panaginip lang, gusto kitang makasama anak," aniya sa kanyang isipan sabay landas ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi. "Anak, alam mo ba. Na ikaw itong namatay pero tila parang ikaw itong buhay, at si mommy na s'ya ang nabubuhay, tila parang ako ang namatay, anak, buhay na buhay ka sa puso't isip ni mommy, buhay na buhay ka dito sa puso ko anak, mahal na mahal kita, mahal kita anak ko," hinagpis ni Thalia hanggang sa napagud s'ya sa kakaiyak at nakatulogan na n'ya ito.
Naalimpungatan s'ya ng isang doorbell ang kanyang narinig, agad s'yang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga at bumababa ng hagdan at binuksan ang gate upang tignan kung sino ang nag-do-doorbell.
"Mildred!? Alvin!?" bulalas n'ya ng bumongad sa kanyang harapan ang kanyang kaibigan akay-akay ang kanyang asawa na sobrang lango sa alak.
"Thalia, tulungan mo ako! Ipasok na natin s'ya," sambit pa ni Mildred na bigat na bigat kay Alvin. Agad na sinunud ni Thalia ang isinambit ni Mildred sa kanya at tinulongan itong buhatin ang kanyang asawa.
"Saan ba kayo nangaling?" tanong pa n'ya sa kaibigan.
"Mamaya ka na mag tanong, pahigain muna natin s'ya sa sofa,"
"Hmmmmm…, hmmmmmm," bigkas ng lasing na lasing na si Alvin.
Pinag-tulongan ng magkaibigan na maihiga ng maayos si Alvin sa sofa.
"Wohhhh! Ang bigat!" anas ni Mildred.
"Mildred, saan ba kayo nangaling?" muli n'yang tanong sa kaibigan habang ipinagkukuha n'ya ang kanyang kaibigan ng malamig na tubig dahil isa rin itong lasing.
Umopo ang dalawa sa upuan at nag usap.
"Tell me Mildred," aniya sabay abot ng malamig na tubig sa kaibigan, kinuha naman ni Mildred iyon at ininom.
"Thalia, nakita ko lang naman ang asawa mo na halos hindi na makatayo sa labas ng disco club kung saan ako nagsasaya, kaya ayan. Inakay ko na s'ya pauwi," sagot pa nito.
"Hmmmm, salamat Mildred,"
"Oh s'ya, lasing rin ako at gutso ko ng magpahinga, salamat sa malamig na tubig, alagaan mo 'yang asawa mo," hulinf bigkas ni Mildred bago nilisan ang bahay ng mag asawa.
Inasikaso naman ni Thalia ang kanyang asawa. Kumuha s'ya ng tubig at pamunas upang mahimasmasan naman ito ng kalasingan kahit konti.
Inilapag n'ya ang mga 'yon sa mesa at isa-isang hinubad ang kasuotan ng kanyang asawa, bago ito pinunasan.
"Hmmm-hmmmmm, Lil- Lilly, annnyak, Lil-hmmmm! Lil-ly ko," sambit ni Alvin sa pangalan ng kanyang anak habang nagpalimbag-limbag s'yang pinupunasan ng kanyang asawa.
Napasinghot si Thalia at muling tumolo ang kanyang mga luha habang pinupunasan ang kanyang asawa na binibigkas ang pangalan ng kanilang anak.
Iniayos lang ni Thalia ang kanyang asawa at pinalitan ng damit bago s'ya umakyat ng silid.
Kinaumagahan ay maagang nagising si Thalia upang i- pagluto ng almusal ang kanyang asawa, handa na ang lahat para sa pag gising nito ay maayos na ang lahat. Pati ang kape nito ay nakahanda na rin. Maya-maya lang ay nagising na rin si Alvin, umopo ito sa sofa sapo-sapo ang kaniyang masakit na ulo dahil sa hang-over.
Nakita ni Thalia na gising na ang kanyang asawa kaya nilapitan n'ya ito.
"Ho-hon, mag kape ka na at mag almusal ka na din. Handa na ang lahat, alam kong nagugutom ka na rin," aniya pero isang matalim lang natitig ang isinagot nito sa kanya. Napatikom s'ya ng bibig dahil sa mga titig na 'yon.
"Don't act like a best wife of mine! Because you can't be a best mother to my child!" singhal nito sa kanya at padabog na umalis sa sofa.
Napayuko si Thalia dahil sa ginawa ng kanyang asawa at nag u-umpisa ng mangilid ang mga luha n'ya mula sa kanyang mga mata.
Dalawa ang pinagdadalmhati ng kanyang puso, una ay ang pagkawala ng kanyang anak mula sa kanya. Pangalawa, ay tila hindi na n'ya nakikilala ang kanyang asawa. Simula kasi ng mamatay ang kanilang anak ay nagbago na si Alvin, nawala na ang sweetness nito pati ang kabaitan nito sa puso. Palagi na itong galit at lasing, walang araw na maayos ang kanilang pagsasama, dalawang buwan na mula ng mawala si Lilly, at tila pati asawa ay nawala na rin sa kanya.
Padabog na binuksan ni Alvin ang gate upang lisanin ang bahay, nang sa pagbukas n'ya ng gate ay sumalubong sa kanyang harapan si Mildred.
"Mi-Mildred?" halos mapitlag n'yang bigkas sa pangalan nito.
Mapang-akit na ngumiti si Mildred kay Alvin.
"Kamosta Alvin? Natatandaan mo pa ba?" malamyos na bigkas pa nito.
Napalunok ng sunod-sunod si Alvin dahil alam n'ya kung ano ang ibig sabihin nito.
"Mildred, nandito ka pala?" wika ni Thalia mula sa pintuan na nakatanaw sa dalawa.
"Thalia, hi." naka-ngiti sabi nito at pumapasok sa gate.
"May dala akong dinuguan para sa'yo Thalia, tara kainin natin ito, Alvin samahan mo kami ng asawa mo," anyaya pa nito kay Alvin subalit may malagkit na mga titig.
"Alvin, minsan lang kung nandito si Mildred, halika at saluhan natin s'ya," wika pa ni Thalia. Kagat labi naman ang ginawa ni Mildred habang nakatitig kay Alvin at hindi pa rin nawawala sa mga mata nito ang malagkit nitong mga titig sa asawa ng kanyang kaibigan.