Pagpasok ni Kim ng umaga sa office ni Marc ay nandoon na ito at nagkakape.
"Good morning Sir! Ang aga nyo po ngayon ha." Nakangiti niyang bati.
Hindi naman siya pinansin ni Marc na nakaharap sa computer at seryoso sa ginagawa.
Kumuha si Kim ng necktie sa cabinet.
"Ano po gusto nyo dito sa dalawa?" Lumapit siya kay Marc para ipakita ang dalawang necktie.
"Bahala ka na!" Sagot nitong hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Naalala niya yung nangyari sa hotel na grabe kung titigan nito ang maganda niyang mukha at animo'y humaling na humaling sa kanya.
Tumayo si Marc tsaka niya sinuotan ng necktie.
"May ipapagawa pala ko sayo ha!" Napatingin siya sa mukha ni Marc habang sinusuotan nya ng necktie. Seryoso pa rin ito. Nacurious tuloy siya sa gustong ipagawa nito sa kanya.
Habang sinusuotan niya ito ng necktie ay naisip nya yung oras na nakakulong sya sa bisig nito. Bigla syang kinilig at hindi niya napigilan ang mapangiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo Secretary Kim?" Tanong sa kanya ni Marc habang nakatingin sa
kanya.
"Wala po may naalala lang ako!" Sagot niya. Inayos niya ang sarili. Naisip niyang hindi dapat siya kiligin sa playboy na yun.
Pagkatapos nya ito suotan ng necktie ay may inabot ito sa kanyang post it na may nakasulat.
"Find her. Hanapin mo kahit saang social media platform, sa f*******:, i********:. Sumasakit na ulo ko sa kahahanap eh. Hindi ko mahanap!" Sambit ni Marc pagkaabot sa kanya ng papel.
Pagtingin nya sa post it, pakiramdam niya ay nawindang ang mundo niya ng mabasa ang nakasulat dun.
'Nancy Alcantara'
Nabitawan nya pa ang post it sa pagkagulat.
"Sir bakit po?" Kinabahan siya. Napatingin siya sa computer ni Marc. Nasa search tab ito ng f*******: at Nancy Alcantara ang nakita nyang nakalagay sa search page nito. So pumasok ng maaga si Marc para doon. Para hanapin siya.
"Basta. Kapag nahanap mo may bonus ka sakin!" Nginitian siya ni Marc.
"Bonus!" Bulalas niya.
"Yeah! I want that woman as soon as possible."
"Ha? Bakit po? Ano pong gagawin nyo sakin... este sa kanya?" Nataranta siya bigla.
"Grabe ka naman! Alangan sabihin ko sayo kung anong gagawin ko sa kanya. It's none of your business."
Pumasok si Marc sa kwarto pagkasabi niya nun. Lumabas naman si Kim at bumalik sa pwesto niya. Tuliro ang isip nya habang nakaupo.
"Hinahanap ni Sir Marc si Nancy eh ako yun eh, so hinahanap ako ni Sir Marc." Mahina niyang sabi.
"Grabe gustong gusto niya talaga ko."
Naalala niya kung anong klaseng lalake si Marc kaya walang wala sa isip niya na magpakita pa dito. At isa pa katapusan na niya sa kumpanyang yun once na magpakilala siyang siya si Nancy na hinahanap ni Marc. Mas importante sa kanya ang trabaho kaysa sa kung ano man kaya hinding hindi siya magpapakita.
Maya maya ay naisip niya yung bonus na sinabi nito once mahanap niya si Nancy sa socmed. Sakto yun dahil malapit na ang birthday si Dj. May ilang minuto siyang napaisip hanggang sa magdesisyon siyang gumawa ng dummy account ni Nancy Alcantara. Socmed account lang naman ang pinapahanap sa kanya ni Marc at pagkatapos ay okay na.
In-upload niya sa f*******: account ang ilan sa mga selfie pictures nya. Naglagay din siya ng mga fake na info ni Nancy. Matapos niyang magawa ang dummy account ay sinend nya kay Marc ang link. Pinuntahan niya si Marc matapos niya masend ang link.
"Ang galing mo talaga Secretary Kim!" Parang tumama sa lotto sa saya si Marc nang sabihin niyang nahanap na niya si Nancy.
"Bat hindi ko sya ma-add?" Tanong ni Marc nang buksan nito ang link na sinend niya.
"Baka po naka-private yung account. Kapag wala kayong mutual friend hindi mo siya pwedeng i-add." Sagot niya. Naalala niyang inayos niya ang settings ng account para talaga hindi yun ma-add ni Marc.
"Okay! I'll just message her."
Nakita ni Kim na nagta-type ito ng message sa messenger. Agad siyang lumabas ng office. Pagbalik niya sa pwesto nya ay binasa nya ang message ni Marc.
Marco: Hi
Marco: Do you remember me?
Natawa si Kim pagkabasa noon. Na-temp tuloy siyang replyan ito.
Nancy: Who are you?
Marco: I'm Marco Chavez. We met last saturday at the hotel.
Nancy: Sorry, I don't remember you!
Sumilip si Kim sa pinto ng office ni Marc. Nakita niyang nagkakamot ito ng ulo at mukhang dismayado sa sinabi niyang hindi niya ito maalala.
"Akala mong playboy ka ha. I'll give you your lesson to learn."
Naisipan niyang asarin ang babaerong boss.
Nancy: I can easily remember people but you, I can't remember anything.
Marco: We met first at the gym before the hotel, I can't get you out of my mind since then. Para na kong masisiraan ng ulo sa kaiisip sayo.
Hindi mapigilan ni Kim ang kiligin sa nabasa. Agad din niya yun inalis sa isip niya. Pansin niyang nakangiti si Marc, tuwang tuwa ito sa pagiging playboy niya.
Marco: Can I see you again?
Marco: Please say yes. You know I like you a lot. I'll be the happiest man if you give me a chance to meet you again.
Kahit alam ni Kim na binobola lang siya ng matatamis nitong salita ay hindi pa rin niya mapigilan ang mapangiti.
"Ano nangyayari sayo?" Napalingon siya kay Stella ng magsalita ito.
"Sino yang kachat mo kilig na kilig ka, may bf ka na noh?" Panunukso nito sa kanya.
Inexit bigla ni Kim ang conversation nila ni Marc dahil baka mabasa nito ang pangalan ni Marc.
"Wala to!" Sagot nya.
Nang makaalis si Stella ay inopen nya uli ang messenger niya.
Marco: Please let's meet. I really want to see you so bad."
Marco: Pwede ba kita i-video call?
Pagkabasa niya nun ay biglang nag pop-up sa screen nya ang video call ni Marc. Nataranta sya bigla na napindot nya ang answer button mabuti at nacancel nya din agad yun.
Marco: Busy ka?
Nancy: Yes sorry nasa work kasi ako.
Ni-log out na ni Kim ang account. Naisip niya na baka tumawag uli ito at mabuko na talaga siya.
Tinitignan niya sa Marc na hawak pa din ang cellphone nya. Maya maya ay napasandal ito sa upuan at napapahawak sa ulo nya. Nasa mukha nitong dismayado. "Dapat lang yan sayo!" Nasambit niya.
Napatingin siya sa oras. Naalala nyang may meeting si Marc kaya tinawag na nya ito.
"Sir may 10am schedule po kayo sa finance."
Napatingin si Marc sa oras tsaka tumayo. Kinuha nya ang coat na nakasabit at sinuot.
Habang naglalakad sila papunta sa conference room, pansin ni Kim na hindi ito gaya ng dati na animo'y hari kung maglakad. Ngayon ay parang wala itong gana. Parang laglag din ang balikat nito na napipilitan lang maglakad at kumilos. Marahil ay hindi ito sanay na dinededma ng babae kaya ganun na lang ang reaction nito. "Yan napapala ng womanizer." Mahina niyang sabi. Napangiti siya.
"Secretary Kim, can you set me an appointment with Nancy Alcantara."
Nilingon siya ni Marc sa likuran nang sabihin yun.
"Appointment?"
"Yes, a date. I wanna date her. I-chat mo sya o tawagan mo magpakilala ka na secretary ko. Kailangan mapa-oo mo siya ha. Dadagdagan ko pa yung bonus mo kapag nagawa mo yun. Dodoblehin ko rin yung sweldo mo."
"Doble!" Bulalas niya. Napahinto siya sa paglalakad at napaisip.
♥️