Pagkatapos ng trabaho ay niyaya ni Kim ang kaibigang si Leslie sa gym. Gusto niyang i-relax ang katawan. Wala pa siyang isang buwan sa trabaho pero pakiramdam niya ay parang isang taon na ang katumbas nun.
Habang nagwo-workout sa treadmill ay pinaguusapan nila ang trabaho ni Kim.
Leslie: Nahuli ka na ba ni Marc?
Kim: Hindi. At wala ako planong magpahuli.
Ayoko mawalan ng trabaho.
Leslie: Kaya paghusayan mo ang pagpapanggap sinasabi ko sayo yari ka talaga kay Marc kapag nahuli ka.
Kim: Oo nga pala, diba nagresign ka na sa work mo baka gusto mo mag apply sa Chavez Land. May job opening kami sa accounting. CPA ang requirement. Try mo!
Ilang sandali ng makita ni Kim si Dexter na nagwo-workout din hindi kalayuan sa pwesto nila. Iniisip nya kung makikilala kaya sya nito sa ayos nya na naka sleeveless crop top at leggings. Nakalugay din ang buhok nya at inalis na niya ang mga nilalagay niyang kung ano sa mukha niya. Naisipan nyang maglakad sa harapan nito kung makikilala siya.
Habang naglalakad papalapit kay Dexter ay napatingin siya sa katabi nito.
"Si Sir Marc!" Natigilan siya. Nakatitig sa kanya si Marc habang umiinom sa bottled water. Pakiramdam niya ay parang napako na ang mga paa niya habang nakatayo at nakatingin kay Marc na malagkit ang titig sa kanya.
Pinilit niyang igalaw ang mga paa at tumalikod tsaka bumalik sa dating pwesto. Pagtingin nya kay Leslie ay nasa gilid ito na parang may tinataguan.
"Bakit kasi hanggang dito makikita ko siya?!" Narinig niyang sabi ni Leslie.
"Sino?" Tanong ni Kim.
"Basta. Tara na Kim umalis na tayo dito." Pagyaya ni Leslie sa kanya.
"Mabuti pa nga!"
Bigla siyang kinabahan na baka nakilala siya ni Marc kaya ganun na lang ang titig nito sa kanya.
Habang paalis ay nilingon nya si Marc na nanatili pa ring nakatitig sa kanya.
"Brad look!" Nginuso ni Marc kay Dexter ang nakitang babae habang naglalakad papalabas ng gym.
"Sexy na naman sawang sawa na ko jan." Tumawa si Dexter nang makita ang dalawang babae na papalabas ng gym.
"Tsaka ang ganda ng mukha eh sayang biglang lumayo nung nakita ako parang natakot." Bahagya siyang tumawa.
"Baka kasi tinakot mo." Tumawa si Dexter. Natigilan siya ng makita ang babaeng kasama ng tinuro ni Marc.
"Si Leslie ba yun?!"
Kinabukasan. Habang sinusuotan ni Kim ng necktie si Marc ay naalala niya ang pangyayari sa gym. Wala namang kakaiba sa kilos nito kaya naisip niyang hindi siya nito nakilala. Gusto niya makasiguro kaya nagtanong siya.
"Sir mahilig ka po ba mag gym? Obvious kasi sa katawan nyo.. malaki at matigas!"
"Kapag may free time." Sagot ni Marc. Maya maya ay pansin ni Kim na parang napaisip ito.
"Hays san ko na nga ba nakita yun?" Sambit ni Marc nang maisip ang babaeng nakita sa gym.
"Ang alin po sir?" Tanong ni Kim.
"Parang may nakita lang akong pamilyar eh."
"Pamilyar po?" Nacurious siya sa tinutukoy ni Marc. Hindi na siya sinagot pa nito kaya hindi na siya nagtanong pa.
Umattend si Kim sa kasal ng kaibigan niya ng araw ng sabado. Isa siya sa bridesmaid. Ginanap sa isang hotel ang reception ng kasal. Matapos ang kasal, habang palabas sa function hall ay nakita nya sa pinto ng kabilang function hall si Marc. Bigla nyang naalala na meron nga pala itong appointment doon. Napapunta sya bigla sa cr na katabi ng function hall nang makita ito.
"Bakit ba ko magtatago sigurado namang hindi niya ko makikilala."
Tinignan niya ang itsura sa salamin. Bukod sa makeup na lalong nagpatingkad sa ganda niya ay litaw na litaw din ang hubog ng katawan niya sa suot na pink long dress na spaghetti strap. May slit yun sa isang side kaya kitang kita din ang magandang hugis at makinis niyang legs. Malayong malayo sa anyo niya si Secretary Kim kaya naisip niyang imposibleng makilala siya ni Marc.
Nagpasya na siyang lumabas ng CR, sumilip muna siya sa pinto, wala na si Marc sa labas ng function hall kaya tuluyan na siyang lumabas. Dire-diretso na sana syang maglalakad nang meron siya makabangga. Napatili siya ng feeling niya ay babagsak siya. Naramdaman niya ang kamay na biglang kumapit sa bewang niya at ang isang kamay naman nito ay nasa braso niya. Parang lumukso ang puso niya nang mabungaran ang mukha ni Marc habang nasa bisig sya nito at nakatitig sa mukha niya. Napatitig din siya sa gwapo nitong mukha. Pakiramdam niya ay mabagal na gumalaw ang paligid at oras habang nakatitig sila sa isa't isa. Hindi niya alam kung may ilang segundo silang nasa ganung sitwasyon hanggang sa matauhan siya. Agad syang tumayo at umalis sa pagkakahawak nito sa katawan niya.
"Sorry po!" Sambit niya at yumuko. Natakot siyang makilala ni Marc.
"No! It's my fault. Sorry! Are you okay?" Tanong ni Marc na hindi maalis ang pagkakatitig sa kanya.
"Yes. I'm fine... Please excuse me!" Nag alala siya na mamukhaan siya ni Marc sa malapitan kaya plano niyang umalis na.
"Wait!" Parang nakuryente ang pakiramdam ni Kim ng hawakan siya ni Marc sa braso para pigilan siyang umalis.
"It's you, right?!"
"Ha?" Nataranta bigla ang isip ni Kim. Gosh nakilala na yata niya ko.
"The girl at the gym, it's you... I saw you there the other day." Nakangiti nitong sabi.
"Ha... Gym! Eh.. ahh, I don't think so... I don't remember!"
"I can't get you out of my mind since then.. so I remember it's you!"
Hindi alam ni Kim kung anong magiging reaction sa sinabi nito. Naalala pa rin siya ni Marc nung time na nasa gym sila. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ang nasa isip na lang niya ay kailangan na niyang umalis. Napatingin siya sa kamay ni Marc na nakahawak sa palapulsuhan niya. Mahigpit ang kapit nito na parang ayaw talaga siya pakawalan.
"May I know you, If you don't mind?! Ahm.. I'm Marco Chavez!" Binitawan ni Marc ang hawak sa braso niya at nilahad ang kamay para makipagkilala sa kanya.
Naisip ni Kim na hindi nga sya nito nakikilala bilang si Secretary Kim pero base sa mga titig ay parang interesado ito sa kanya. Napatingin siya sa palad nitong nakalahad sa kanya. Napatingin din siya sa mga mata nitong namumungay habang nakatitig sa kanya at yung matamis nitong ngiti na noon lang niya nakita.
Naghihintay si Marc sa sagot niya, nag aalangan siyang makipagkilala dito, isa pa hindi naman niya pwedeng sabihin ang pangalan niya. Napatingin siya sa kaklase nya noong high school na kasama niyang bridesmaid sa kasal na palabas na ng hotel at naisipang pangalan nito ang ibigay.
"I'm Nancy Alcantara!" Ngumiti siya at nakipag shakehands kay Marc.
"Hi Nancy. I'm so glad to meet you!"
Bakas ang tuwa sa mga mata ni Marc nang makipagkilala siya. Ramdam niya ang mahigpit na pagkakapit nito sa kamay nya habang nakatitig sa mga mata niya.
Naisip ni Kim na kapag nasa office ay hindi man lang sya nito matitigan ng ganun. Ibang iba ito ngayon at dahil yun sa maganda niyang anyo. Naalala nya yung pagiging mapaglaro nito sa mga naging secretary at matapos pagsawaan ay aalisin na sa trabaho. Kung hindi siya nagdi-disguise ay malamang na ganun din ang sapitin niya sa mga kamay ng mapaglarong boss niya. Agad niyang hinatak ang kamay niyang hawak ni Marc at nagpaalam ng umalis.
"Sorry, I have to go!" Tumalikod na siya at umalis.
"Wait!" Pinigilan pa siya ni Marc pero hindi na niya ito pinansin pa. May isang parte ng isip niya na nanghihinayang at parang sinasabi na mag stay pa siya kay Marc pero may isang parte din na tumututol. Sa kilos ni Marc ay halatang gusto siya nito. Alam na niya kung anong klaseng lalake si Marc at ayaw niyang pati siya ay mapaglaruan din. Isa pa ay mas importante sa kanya ang trabaho niya at yun lang ang kailangan niyang isipin.
♥️