Kinagabihan bago matulog ay inopen ni Kim ang messenger ni Nancy. Nabasa nya ang maraming message ni Marc.
Marco: Hi Nancy
Marco: How's your day going?"
Marco: Hi. Sorry kung makulit ako. Ganito talaga ako kapag interesado sa babae. It's hard for me to forget you. I've wanted you since the first time I saw you.
Marco: I'd like to get to know you better. Please give me a chance.
"Grabe interesado talaga sya sakin."
Napaisip si Kim sa sitwasyon niya. May isang side kasi ng isip niya na ayaw niyang makipag-date kay Marc bilang si Nancy dahil baka mabisto siya nito at mawalan siya ng trabaho. May isang parte naman niya na gusto niya, hindi dahil sa bonus at dobleng sweldo kundi dahil sa gusto niya. Masarap sa pakiramdam niyang ang isang gaya ni Marco Chavez ay nahuhumaling sa kanya. Ibang iba sa pakikitungo sa kanya bilang si Secretary Kim kaya gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na yun. Hindi niya maintindihan kung bakit basta ang alam lang niya ay gusto niya yung atensyon na binibigay sa kanya ni Marc bilang si Nancy.
Kinabukasan sa office ay agad siyang tinanong ni Marc kung nakausap na niya si Nancy.
"Ahm hindi pa po sya nagrereply eh... Baka po hindi interesado sa inyo." Sagot niyang hindi makatingin kay Marc.
Nagpasya siyang huwag ng makipagkita pa kay Marc bilang si Nancy at putulin na ang ugnayan na meron sila. Natatakot siyang mabisto siya ni Marc at mawalan ng trabaho. Na baka hindi matanggap ni Marc na ang secretary nya at ang kinahuhumalingang si Nancy ay iisa. Siguradong magagalit ito sa kanya dahil sa panloloko nya.
"Ganun ba!" Sambit ni Marc. Nabasa niya ang lungkot sa mga mata nito. May naramdaman ding lungkot si Kim at hindi niya gusto ang ganung pakiramdam.
After lunch. Nakita ni Kim si Marc na may kasamang babae na pumasok sa office nito. Tinanong nya si Stella kung sino yun.
"Si Samantha, yung sikat na model hindi mo ba kilala? Fiancee siya ni Sir Marc." Sagot ni Stella sa kanya.
"Fiancee?!" Bulalas niya. Interesado sa kanya si Marc bilang si Nancy yun pala ay mag aasawa na ito. "Napaka womanizer talaga!"
Naisip niyang tama lang na putulin na niya ang ugnayan kay Marc bilang si Nancy. Malamang paglalaruan lang siya nito kagaya ng ibang babae.
Ilang sandali nang tawagin sya ni Marc.
May binigay ito sa kanyang mga document para ibigay nya sa Marketing Department.
"Mabuti naman nag iba na ang taste mo sa Secretary. Ewan ko na lang kung madistract ka pa jan!" Narinig niyang sabi ni Samantha tsaka malakas na tumawa. Alam niyang yung itsura niya ang pinagtatawanan nito.
'Girl mas maganda pa ko sayo!' Pinigilan niya ang sariling sabihin ang salitang yun.
"Secretary Kim patingin ako ng schedule ko sa saturday?"
Nabaling ang atensyon niya kay Marc.
"Sa Saturday na yung fashion event ko ha, 7pm don't forget." Sabi ni Samantha habang nakaupo katabi ni Marc at inaayos ang kuwelyo nito. Pakiramdam ni Kim ay umakyat ang dugo niya sa ulo niya. Naiinis siyang hinahawakan ni Samantha si Marc, pakiramdam niya ay siya lang dapat ang gumawa ng bagay na yun kay Marc. Naiinis din siya kay Marc sa pagiging playboy nito gayong mag aasawa na pala ito.
Paglabas ni Kim ng office ay napaisip siya.
Ilang minuto nang umalis na si Samantha sa office ni Marc. Agad siyang pumasok sa office paglabas ni Samantha.
"Sir nagreply na po si Nancy. She agreed to your appointment on Saturday, 7pm."
"Really!" Napabitiw si Marc sa hawak na ballpen sa tuwa. Malaki ang ngiti nito at bakas na bakas sa mga mata ang ligaya na kulang na lang ay magtatalon sa tuwa. Maya maya ay natigilan ito.
"Ah wait! Yun lang ba ang oras na available sya?" Tanong ni Marc nang maalala yung schedule niya kay Samantha.
"Yes sir, yun ang sabi nya." Sagot ni Kim. Bahagya siyang napangiti.
"Okay, i'll just message her. Thank you!" Masayang sabi ni Marc.
Lumabas si Kim sa office ng may ngiting tagumpay. Nasabik siya sa araw ng pagkikita nila ni Marc.
♥️