Chapter Four
A.E.I.O.U? Naglalakad na ako pauwi. Pwede namang sumakay pero mas pinili kong lumakad. Dalawa sa kargador na nakita ko kanina ay may gano'n tattoo. Ano ang meaning ng tattoo na iyon?
May meaning ba? Parang wala naman.
Napukaw lang ako sa malalim na pag-iisip nang dumugin ako ng mga batang palaboy. Pare-parehong nakalahad ang kanilang mga kamay.
"Pahinging bente." Sigang ani ng isang batang may sipon pa na ipinunas sa braso nang makitang nakatingin ako.
"Taray, may presyuhan dito ang limos?" saglit kong inilapag ang mga dala ko. Marami naman akong bente kaya binigyan ko ang anim na bata ng tigbebente.
Tubo ko iyon sa pagbebenta ng kakanin. Pero hindi naman big deal sa akin iyon.
"Astig mo naman, ate!"
"Oh, ipambili ninyo ng pagkain. Huwag pangsinghot." Bilin ko sa kanina. Muli kong binitbit ang mga pinamalengke ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Nakailang kanto na ako ng may madaanan naman ako na matandang babae na nagtutulak ng kariton na ang laman ay mga kalakal. Naawa ako.
"'Nay, may pang-ulam ka na ba?"
"Hindi uso iyon, ineng. Basta may kanin pwede na ang toyo at mantika." Iniabot ko rito iyong binili kong ulam ko para sa tanghalian.
"Ulam po, 'nay." Takang napatitig sa akin ang matanda. Pero tinanggap din naman nito ang plastic na inaabot ko.
"Salamat." Tumango lang ako't nagpatuloy na sa paglalakad. Prutas na lang ang natitira. Nang may madaanan akong pulubi na sa tingin ko'y bulag ay ibinigay ko na rin ang prutas.
Nang makarating ako sa paupahan ay saglit kong tinitigan ang mga kamay ko.
"Nasaan iyong pinamalengke ko?" takang tanong ko. s**t! Pinamigay ko nga pala.
Binuksan ko na lang muna ang pinto. Dumeretso sa kusina at naghugas ng kamay.
May stocks naman ako rito. Mga de lata, itlog, noodles, at frozen goods. Pwede na ang mga iyon. Hindi ako marunong magsaing, props lang iyong bigas na binili ko. Kaya iyong kanin ay bibilhin ko na lang sa malapit na karindirya. Papahirapan ko pa ba naman ang buhay ko? No.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay agad na akong dumeretso sa kwarto at nagbihis muna.
Nang komportable na sa damit ay kinuha ko ang laptop ko at nag-search doon regarding sa tattoo na nakita ko sa dalawang kargador.
Pero iyong mga lumabas ay halata namang hindi connected sa tattoo nila.
Isinara ko na lang din iyon. Hindi nawala sa isip ko ang tattoo na iyon. Bakit sila pare-pareho? Parte ba sila ng isang grupo? Grupo ng taong hinahanap ko?
Tsk. Nagsisimula pa lang ako kaya naman hindi ko kailangan magmadali.
Nang makaramdam ako ng gutom ay kumilos ako para magtingin ng pagkaing madali lang ihanda.
Ayaw ko no'n ngayon. Kaya naman nagpasya akong lumabas at magtungo na lang sa karinderya na malapit lang din dito sa inupahan kong bahay. Naglakad lang din ako dahil walking distance lang naman. Marami akong nakitang matatandang babae na nasa umpukan. Hindi ko sila pinansin, lalo't hindi ko naman sila kilala.
"Aba'y tisayin ang bagong nangungupahan d'yan kay Inocencia. Kapag napansin na naman ni Barung iyan ay may pekpek na namang mabibira." Barung? Iyon ba iyong chickboy na pangit at kapitbahay ko?
"Aba'y kahit pangit si Barung ay malaki rin kasi talaga ang t**i ng tanginang iyon kaya marami ang nauuto niya."
"Hoy, paano mo nalamang malaki?"
"Aba'y nakita ko lang no'ng umihi sa bakod ko iyong tanginang iyon." Tuloy pa rin sila sa usapan.
"Sa tingin ba ninyo papatulan ng babaeng iyang si Barung?"
"May sumpa ang paupahan na iyan. Lahat ng mga tumira d'yan, bakla man o babae ay bumibigay sa lalaking iyon."
Ngayon ay curious na tuloy ako sa Barung na iyon. Pero kaso hindi raw pogi, sa pogi lang naman kasi ako mahilig.
Nakarating ako sa karindirya.
"Ate, pabili pong isang order ng kanin. Tapos pahingi pong sabaw."
"Ulam?" tanong ng matandang babaeng may isang guhit na kilay. Salubong kasi ang manipis nitong kilay at para na talagang magkadugtong.
"Sabaw lang, 'te." Nang marinig nito iyon ay sumandok na ito ng sabaw. Parang masama pa ang loob nito na pagsilbihan ako. Nang mailapag na nito sa harap ko ang mga iyon ay nagsimula na akong kumain.
"Ikaw iyong bago sa paupahan ni Manang Inocencia?" salubong kanina ang kilay, ngayon ay lumiwag na. Nakakaliwanag ba ng mukha ang tsismis?
"Opo." Tugon ko rito.
"Ingat ka kay Barung---"
"Famous po iyang Barung, 'no? Iyan din ang topik no'ng mga tsismosa sa tindahan."
"Tsismosa sa tindahan?"
"Opo, doon po." Turo ko.
"Hoy! Nanay at mga tiyahin ko iyong mga naroon." Napangiwi ako sa nalaman ko. Tropapits pala niya.
"Ah, nasa lahi po ninyo iyong isang guhit ang kilay. Pare-pareho po kayo. Sabay-sabay po kayong nagpa-tattoo ng kilay 'no?" nakasimangot na naman tuloy ang babae. May mali ba sa sinabi ko?
"Kumain ka na nga lang." Irap nito bago kumuha ng tubig na malamig at inilapag sa harap ko. "Pero ingat ka pa rin. Papaalalahan kita dahil wala talagang tumatagal d'yan sa paupahan na iyan dahil kinakana ni Barung."
"Opo, Manang. Salamat sa paalala. Ano pong pangalan ninyo?"
"Barang." Tugon nito. "Kakambal ko si Barung." Kaya pala kilalang-kilala.
Nang may customer ay muli akong iniwan ng babae.
"Ate, bukas mo po ito." Huling subo na ng sinabawang kanin nang lumapit ang isang batang babae na may dalang pagkain. Binuksan ko naman iyon. Kamukha nito si Aling Barang. Maputi lang ang batang ito, tapos ang buhok ay kulot na maayos na nakaipit. Ang cute niya. Bungi pa ito pero iyong natira namang ngipin ay malinis at maputi.
Binuksan ko iyon.
"Chi-Chi, hindi ka muna kakain ng tsitsirya." Dinig naming ani ni Aling Barang na abala sa customer niya.
Agad lumusot sa ilalim ng table ang bata.
"Ate, huwag kang maingay kay nanay. Papaluin ka niya." Sumenyas pa ito.
"Bakit ako?" takang ani ko rito.
"Ikaw nag-open ng tsitsirya ko." Aba'y lintik. Nagmagandang loob lang ako tapos nagkaroon pa ako ng kasalanan.
Sumalampak pa ito bago sinimulang kainin iyon.
"Chi, nasaan ka?" luminga-linga si Aling Barang. Hinahanap ang bata. Sumenyas naman ang bata sa akin na huwag maingay. Hindi siya halata dahil sa sapin ng mesa. Dahil cute naman siya ay hindi ko nga siya itinuro.
"Anak ka ni Aling Barang?" tanong ko rito.
"Opo. Pero mas maganda po ako sa kanya." Magandang version ni Aling Barang. Tisayin pa't malinis ang bata.
"Tapos na akong kumain. Aalis na ako." Paalam ko rito. Sumenyas ako kay Aling Barang na magbabayad na ako. Lumapit naman agad ito.
"Bente lang." Naglabas naman agad ako ng bente rito.
"Salamat. May napansin ka bang batang babae?"
"Hindi ko po alam, Aling Barang. Sabi po niya ay huwag daw akong maingay."
"Aba!" sabay yuko ng babae.
Nagulat pa si Chi-Chi sa pagsilip ng kanyang ina. "Lintik kang bata ka!"
"Nanay, si ate nag-open. Eat ko raw." Sumama naman ang tingin ni Aling Barang sa akin.
"Hoy! Sinungaling kang bata ka. Pinabukas mo sa akin." Depensa ko. Ngumisi lang ang gagang bata. Mapagpatol pa naman ako sa bata.
"Lumabas ka ngang bata ka d'yan. Ang dami kong trabaho tapos dadagdag ka pa."
"Nanay, sabi ni ate sama raw muna ako sa kanya." Lumabas nga bata, pero may lumabas na namang kasinungalingan sa bibig niya.
"Hoy! Wala akong sinabi!" nalokang ani ko. Naituro ko pa ang sarili ko sabay iling.
"Totoo ba? Sige pala. Sama ka muna kay Ate... anong pangalan mo?"
"Lily po."
"Sama ka muna kay Lily. Sunduin na lang kita mamaya sa kanya." Agad humawak ang bata sa akin. Binawi naman ng kanyang ina iyong hawak niyang tsitsirya.
Kumain lang ako tapos nagkaroon pa ako ng alaga. Hindi ako narito para maging babysitter.
"Ayaw ko. Hindi ako marunong mag-alaga ng bata. Baka maibato kita."
"Mabait iyan, Lily. Ikaw muna ang bahala. Baka kasi pupunta na naman dito iyong sister-in-law ko tapos pilitin na namang kunin si Chi-Chi eh. Wala na ngang ambag sa buhay naming mag-ina. Ang lakas pa mag-demand na dapat daw ay sa poder niya ang anak ko." Nakarinig pa tuloy ako ng drama ng pamilya ng mga ito.
"Sige po. Pero pakikuha rin agad. Mabilis po akong mapikon sa bata. Baka masapok ko lang."
Lumabas na kami ng karindirya. Hawak ni Chi-Chi ang kamay ko. Pasulyap-sulyap ako rito. Ang lawak ng ngisi nito.
"Ate, maglalaro lang ako kasama mga tropa ko. Huwag kang maingay kay nanay---" akmang bibitaw na ito ay maagap kong hinawakan ang braso niya.
"Hoy! Sa akin ka ipinagkatiwala ng nanay mo. Sasama ka sa akin." Hinila ko na siya hanggang sa gate ng paupahan.
"Chi, tara rito." Yaya ng isang matandang babae.
"Lola, mamaya na." Tugon ng bata saka nauna pang pumasok ng gate pagkatapos kong buksan iyon.
Nang makapasok na rin ako'y isinara ko na rin agad iyon. Tiniyak na sarado dahil sa batang kasama ko.
Pagpasok naman namin sa loob ay akala mo'y visor na nagpalinga-linga sa paligid.
"Mayaman ka, 'te?"
Sa itsura ng batang ito ay mukhang may pinagmanahan ito sa pagiging tsismosa. Kaya imbes na sagutin ng totoo ang tanong nito ay nagsinungaling na lang ako.
"Hindi ako mayaman."
"Pero ang laki ng TV mo. Mayaman ka."
"Ambisyosa lang ako. Kahit wala akong pera, at least may malaki akong TV."
"Hala! Pareho po kayo ni nanay, ate. Imbes pambayad ng kuryente namin pinambili pa niya ng gold. At least daw may gold siya. Kaso dalawang buwag kaming walang kuryente." Natawa ako.
"At least may gold."
Nang umupo ako sa couch ay sumunod din ito.
"May afam ka rin ba, ate?"
"Afam?" nagsalubong ang kilay na bulalas ko.
"Kano, 'te. Lahat ng mga nakapag-asawa ng afam dito ay mayaman na. Mag-aasawa rin ako ng mayaman, 'te."
"Ang bata mo pa, Chi-Chi. Mag-aral ka munang mabuti. Kapag nag-aral kang mabuti ay kakayanin mong yumaman na hindi asa sa ibang tao."
Mag-aral munang mabuti? Parang dati lang ay linyahan ng mommy ko iyon. Kaso hindi ako nakikinig, eh.
"Nag-aral ka po bang mabuti, ate?"
"Hindi." Totoong sagot ko rito.
"Ah, kaya pala hindi ka mayaman---"
"Hoy! Grabe ka naman sa akin."
"Mag-asawa ka na lang ng mayaman, Ate Lily. Yayaman ka agad."
"Ang bata mo pa, Chi-Chi. May nalalaman ka ng ganyan." Umiling-iling pa ako.
"Naririnig ko sa mga matatanda. Sabi nga ng tita ko sa akin ay paglaki ko raw ay mag-asawa raw agad ako tapos bigyan ko sila ng pera." Ano ba naman iyong mga adult sa paligid ng batang ito.
"Ilang taon ka na?"
"10 bawasan mo ng 6, dagdagan mo ng 2, tapos bawasan mo ng 1."
Tangina.
"Pass. Kahit hindi ko na malaman ang edad mo---"
"Bobo ka, 'te?"
Lord, pwedeng pakurot? Isa lang po.
Balak ko na sanang kurutin ito pero tumakbo na palayo.
Misyon lang ang gagawin ko sa lugar na ito. Pero parang dagdag pagsubok ang batang ito.
"5 na ako, ate. Nag-aaral na rin ako. Hindi ako bobo."
"2+2?" hamon ko rito.
"22." Bobo. Pero sa isip ko lang iyon at natawa pa ako dahil nawala sa isip kong limang taon pa lang ang bata.
Bumalik ito sa couch. Nakuha pa ngang magpakandong sa akin.
"'Te, bisita ako rito. Wala ka bang kayang i-offer d'yan?"
"Sapok?"
"Ayaw ko iyan. Juice or tubig?"
"May juice ako sa ref. Kuha ka na lang." Agad itong tumakbo patungo sa kusina. Narinig ko pang bumukas ang ref.
Ilang saglit pa'y sumara at may batang bungi na tumatakbo na pabalik. May bitbit na itong juice na naka-bottle.
"Mayaman ka, 'te. Ang daming laman ng ref mo. Dito na lang ako titira."
"Ayaw ko. Baka ubusin mo lang ang pagkain ko."
"Sabi ni Papa Jesus ay matutong mag-share. Isumbong kita sa kanya para kunin ka niya." Bahagya kong pinitik ang noo nito.
"Siraulo kang bata ka. Pumapatol ako sa bata. Gusto mo bang isako kita?"
"Ayaw ko, 'te. Sayang naman ang ganda ko." Limang taon lang ba talaga ito? Parang matanda ang kausap ko at nasa katawan ng batang ito.
"Last na punta mo na ito rito. Ayaw ko talaga sa bata. Lalo't matabil ang dila." Baka maging sagabal pa sa misyon ko.