3

2174 Words
Chapter Three "Stop following me! Sino ka ba?" ani ng lalaki. Nakalabas na ang cellphone nito at wari'y may tinatawagan. "Ako ang fairy godmother mo. Sa tingin ko'y tayo rin ang nakatadhana---" "Tadhana your face. Hindi ako pumapatol sa mukhang rainbow." Kung sa mga kaibigan ko ay mukha raw akong krayola, dito naman sa lalaking ito ay mukhang rainbow. Hindi ko iyon matatanggap. Nakasimangot na tinitigan ko ito. Hindi naman pala siya talaga gwapo. Marunong lang pumorma. Akala ko lang pogi. Naka-filter siguro ito. "Tsk. Bahala ka ngang mamatay d'yan. Mga kalaban nandito siya!" malakas na hiyaw ko. "Iyong target ninyo nandito!" nanlaki ang mata ng lalaki at napatakbo na lang. Muntik pa ngang mabangga, eh. Pero huminto rin naman at nang bumukas iyon ay mukhang kilala ng lalaki ang sakay kaya agad siyang sumakay. "Tangina talaga, Lily. Ang sakit mo talaga sa bangs." "Tsk. Kalkulado ko naman. At least naialis na siya, 'di ba? Ubusin n'yo na lang ang mga kalaban n'yo." Nagkakaputukan pa rin pero lumakad na ako paalis. Iyong mga nakakasalubong ko na walang kamalay-malay na may kaguluhan sa loob ng park ay napapatingin sa akin na akala mo'y naglalakad akong krayola. Oo na, at least kapag nakita nila ako ay mababahagian ko ng kulay ang madilim nilang mundo. "Girls, alis na ako. May mission pa ako. Hindi ako pwedeng pumalpak dito." "As if naman pumapalpak ka." Komento ni Issie. "I know naman na hindi. Sadyang humble lang talaga ako. Sabi ni Lady A ay dapat humble lang." "Sa sobrang humble ay Lady A lang ang tawag sa greatest back-up buddy n'ya." Si Nevara naman iyon. Biggest flex ko talaga si Mommy La. Pero lagi no'ng bilin na humble lang dapat. Nakalayo na ako ng may maalala ako. "Sundin n'yo pala ako rito. Wala akong car." Wala ring wallet, walang cellphone, walang sasakyan. Nice. Basta na lang sumama sa kanila. Baka kahit manghingi ako ng tulong sa mga taong nakakasalubong ko ay baka hindi pa ako bigyan. "K." Dinig kong ani ni Issie. -- Palengke. Squatters area. School. Simbahan. Walang katiyakan kung sa mga lugar na iyon ay matatagpuan ko ang target. Pero sa lahat ng mga nabanggit, sa tingin ko'y mas makakasagap ako ng tsismis sa palengke. Narito lang din ako sa siyudad. Kung pupuntahan ko ang lahat ng mga lugar na iyon ay baka hindi na ako matapos. Pwede ko namang trabahuin ito ng ilang buwan. Para makausad ako sa next mission ko. Pero relax lang muna, ito ang mission na personal ko talagang hahawakan. Hindi lang simpleng back-up. Hindi lang simpleng tagasira ng misyon at gagawa ng panibagong diskarte. Ako mismo ito. Simple nga lang ito, eh. Kayang-kaya kong tapusin agad. Umalis ako ng head quarters na hindi nagpapaalam sa mga kasamahan. Hindi kasi exciting kung may drama pang maganap. Yayayain ko na lang sila ng inuman pagbalik ko. Hindi kalayuan sa palengke ang napili kong bahay paupahan. May isang kwarto, kusina, sala, at maliit na balcony. Sa likod nang paupahan ay mayroon laundry area. Ito na atang bahay na ito ang pinakamaayos na bahay rito sa squatters area. Sementado pa at may tubig. Siyempre may kuryente na rin. "1500 ang isang buwan, ineng. Bawal ang late sa pagbabayad. Baka kapag late ka ay magising ka na lang na nasa labas na ang mga gamit mo." Gumawi sa isang maliit na elf truck ang tingin ko. Ilan lang ang gamit na naroon. Ref, sofa, single size na kama, cabinet, at TV. Tapos iyong dalawang maletang damit ko. This time naiwan iyong mga outfit ko na colorful. New look ako ngayon. "Bawal din ang maingay rito. Ayaw ng mga kapitbahay ng videoke rito sa paupahan. Pwedeng mag-uwi ng lalaki basta hindi kayo maingay. Hindi soundproof ang bahay ko." Ano bang tingin ng ginang? Akala ba niya sa akin ay nagta-take home ng lalaki? Why not... basta pogi. "Okay po, Manang." Tugon ko kay Manang Inocencia. Sana all innocent. "Kailangan pati iyong advance mo para sa sunod na buwan ay maibigay mo---" naputol ang sinasabi nito nang inabot ko ang sobre. "Manang, basta iyong pwesto mo sa palengke ay ako na ang sasalo ha. Tapos iyong supplier mo ng mga kakanin ay ibigay mo sa akin ang contact." "Oo naman, Lily. Hindi ko na rin kasi kayang pumwesto sa palengke. Matanda na ako." "Oo nga po." Sang-ayon ko pero napasimangot si Manang. Hindi pala ako dapat sumang-ayon. "Ito ang susi. Huwag mong iwala iyan kasi isa na lang iyan." "Salamat po." "Umiwas ka na nga lang din pala sa mga kalalakihan dito. Halos lahat sila'y may sabit na. Iyong huling tumira rito ay naging kabit ng kapitbahay. Naririnig daw kasi niyang gabi-gabing binibira no'ng lalaki iyong misis. Kaya naingit. Nagpabira rin. Nahuli ng asawa na iba na ang binibira ng mister niya. Kaya nagkabarangayan. Pinapili no'ng misis kung sino sa kanila ni kabit. Itong si mister na palamunin ay mas pinili iyong misis. Aba'y buhay siya roon kahit batugan. Masipag lang makipagkantunan." Word of the day ay birahan at kantunan. "Huwag po kayong mag-alala. Sa gwapo lang po ako papatol, Manang." "Sakto pangit iyon. Makatitiyak tayong hindi ka papatol." "Opo." "Sige na, pasok ka na. Uuwi muna ako sa amin. Doon lang ako sa tindahan." Itinuro nito ang tindahan nito. "Sige po, Manang." Nang makaalis ito ay saka ko lang inutusan ang mga tagahakot na ibaba na ang mga gamit ko. Tinulungan na rin nila akong mag-ayos ng mga iyon sa mga dapat na pwesto. Pagkatapos ng trabaho ay iniabot ko na agad ang bayad at umalis na rin naman sila agad. Tiyak na ilang buwan din akong mananatili rito. Hindi naman ako permanente rito. Kung saan ang trabaho ay roon ako. Palipat-lipat. Ang pinakamatagal na nag-stay ako sa isang lugar ay pitong buwan. Mas nauna pa nga akong kumilos no'n kaysa sa dalawang girls na binigyan ng misyon ng aking ina. Pakialamera talaga ako. Magaling kasi ako. Kaya nga laki ako na laging may hataw at kurot ng aking ina. Is it my false? Ipinanganak ako ng aking ina na 100% version lang niya? No. Kasalanan nila ni dad. Ganito kaganda ang bunga ng romansahan nila at oo, ganito rin katigas ang ulo. Nang nag-vibrate ang phone ko ay tinignan ko saglit iyon. "Baby girl, hindi ka nagpaalam sa Mommy La. Available ka ba today? Nagyaya ang mga pinsan mo na lumabas." Mabilis akong tumipa. "Work mode, Mommy La. Say hi na lang muna sa mga pinsan ko." "I understand. Ingat ka." Hindi na ako nag-reply roon. Binura ko rin agad ang message nito. Bago ako pumasok sa kwartong ilang buwan ko ring gagamitin para tulugan. Hindi na muna ako si Lily na anak ng big boss ng organization. Hindi na muna ako iyong krayola sa grupo ng mga girls. Ako muna si Lily... simpleng tindera ng kakanin sa palengke. -- "KAKANIN kayo d'yan! Kakanin! Kakanin! Kasing lagkit ito ng aking titig!" sa totoo lang sa lakas ng boses ko ay nasasapawan ko na ang ibang tindera na kanina pa masama ang tingin sa akin. Sa lakas ng boses ay nakukuha ko ang atensyon ng mga mamimili. Dahil din siguro sa kagandahan ko ay mas maraming lalaking customer ang namamakyaw ng kakanin ko. "Lapit lang mga suki, ang aking pichi-pichi ay fresh na fresh at tunay na masarap. Kung nais ninyong matikman ang aking pichi-pichi ay bibigyan ko pa kayo ng discount. Lapit lang." "Manamis-namis ba iyang pichi-pichi mo?" tanong ng customer na lumapit. Malawak ang ngisi nito. "Ay, kuyang! Hindi lang manamis-namis ang aking pichi-pichi. Mamink-mink pa. Colorful. Mura lang." "Sige, pabili ng singkwenta." Iniabot nito ang bayad. Ako naman ay agad nagsupot ng pichi-pichi nito. Medyo lumiyad-liyad pa para magpa-cute. "Sarap." Manyakis na ani ng lalaki. "Aba'y tunay na masarap ang aking pichi-pichi. Kahit pisil-pisilin mo pa at lasapin." Mariing napalunok ang lalaki. Nang matanggap niya iyon ay may humawi na sa kanya. "Bibiko." Harot na ani ng isang customer. "Aba'y kanina lang ay bumili ka na ng biko. Bibili ka ulit? Ilan, suki?" "Limang balot. Keep the change." Nag-abot ito ng isang daan. "Siraulo, sakto lang ito. Walang change." Natawang ani ko. Nagpapakitang gilas pa eh. "Ay, ito bente!" sabay abot n'ya. "Tip iyan." "Salamat, suki!" "Salamat din, Lily. Kahit nagtataka na si misis kung bakit simula last week ay araw-araw na biko ang pasalubong ko." "Ikaw, eh! Ayaw mo kasing tumikim ng pichi-pichi ko. Puro ka biko. Baka mamaya n'yan habang kinakain mo itong biko ay iniisip mo ng ako ang bibi mo." Iyong tindera ng kakanin sa tabi ko ay nagdabog na. Kaya ibinigay ko na agad ang order ng customer. "Manang, paano ka makakatinda kung mainit ang ulo mo?" pabirong ani ko sa ginang. "Ang landi-landi! Ginagamit ang ganda para makaubos!" gigil na pasaring nito. Tinawanan ko lang siya. "Gano'n talaga, Manang. Try mo rin po magpaganda." Mas lalo pang lumakas ang pagdadabog ng matanda. Tinawanan ko lang ito. "Ang tawag doon ay diskarte, Manang. Baka mapanis na ang pichi-pichi ko kung hindi ko didiskartehan ang pagtitinda. Tignan mo iyang sa 'yo... mukhang panis na." Ibinagsak nito ang hawak na plastic at matalim ang tingi sa akin. "Malas sa buhay ang kalandian, Lily. Hindi ka magiging successful kung landi ang paiiralin mo. Nakakasira talaga ng negosyo ang mga babaeng katulad mo." Mas lalong lumakas ang pagdadabog nito. Tumatalak ito kahit pa may mga customer ako. Nang mawalan ako ng kaharap na customer ay binalingan ko ulit ng tingin ang ginang. "Manang, kalma ka lang d'yan. Natatakot ang mga customer sa 'yo. Para kang dragon. Kung nalalandian ka sa akin dahil friendly ako sa mga customer ko... pasensya na po. Bukas ulit." Tatawa-tawang ani ko. Iniayos ko pa ang mga tirang paninda na kaunti na lang naman. "Pabiling suman." Lapit ng isang kargador dito sa palengke. May pasan-pasan pa siya pero nakuha nang sumaglit dito sa pwesto ko. "Ilan po?" "Fifty lang, Lily. Pero kung bukod sa suman ay sumama ka sa akin ay thank you na agad." "Ay, bet ang pick-up line. High five!" ani ko sa lalaki. "Pero suman na muna ang isama mo. Kailangan ko pang ipaubos ang kakanin ko." Pagkabigay ko ng plastic na may lamang suman ay kinuha ko naman ang bayad nito at inilagay ko sa maliit na timbang lagayan ng benta. Kaunti na lang ang paninda ko. Habang sa ibang pwesto ay medyo marami pa. Kaya siguro ang sama-sama ng loob nila sa akin kahit na bago lang ako sa pwesto ko. "Hoy, Lily! Ano bang meron d'yan sa pichi-pichi mo at sobrang daming bumibili?" tanong ng beking bantay sa kabilang pwesto. Ito lang iyong hindi masama ang tingin sa akin. Ngumingiti pa nga. "Normal na pichi-pichi lang naman ito, Girly. Sadyang mukhang fresh lang siguro ang tindera kaya dinudumog." Cool na sagot ko. "Ay, bet! Ganyan din ang freshness ko kaso ayaw ni nanay na humarap ako sa mga customer. Sayang. Eh 'di sana'y mabenta rin sana ang aming bibingka at biko." Himutok nito. "Hayaan mo, kapag nakapaubos ako ay ipapasa ko sa 'yo ang korona." Kaso bago pa makasagot si Girly ay pinalo na ito ng pamaypay. Pinagbawalang makipag-usap sa akin. Mainit din ang ulo ng nanay ni Girly sa akin. Hays, buti na lang at maganda ako. Nang makapagpaubos ako ng paninda ko ay nagligpit na ako. Saka lang din nagkaroon ng customer iyong mga katabi kong tindahan. Abala ako sa pagbibilang nang kinita ko ng may lumapit sa pwesto ko. "Ubos na?" sigang tanong ng lalaki. Napakayabang ng tono nito. Malawak naman akong ngumiti rito, kailangan lang silawin ng kagandahan ang mga ganitong nagsisiga-sigaan. "Boss, ubos na! Alam mo namang laging sold out ang pichi-pichi ko. Masarap kasi. Binabalik-balikan tuloy ng mga customer." "Tsk. Hindi mo ba ako kilala, Lily? Dapat ipinagtatabi mo ako ng paninda mo." "Aba'y ngayon ay alam ko na, boss. Bukas ay ipagtatabi kita." Sumaludo pa ako rito. Mas na boost ata ang kayabangan nito dahil sa sagot ko. Pero ayaw ko naman ng gulo. Bago lang akong tindera rito. Wala akong planong sirain ang kakanin business ko. Nang makaalis ito ay muli kong ipinagpatuloy ang pagbibilang. Pagkatapos magbilang ng kinita ay nagligpit na ako. Mamimili pa ako ng ulam para mamayang tanghalian. Nang mai-lock ko sa cabinet ang mga gamit ay lumarga na ako para mamili. Maraming bumabati sa akin... I mean sa marami ay iyong mga kargador dito na bet na bet ang kagandahan ko. "Pabiling sapsap. Kalahating kilo lang." Agad kumilos ang tindera para itimbang ang isdang binibili ko. "Ano ulam mo, Lily?" tinignan ko itong feeling close na lalaki. Halos lahat na yata ng tao rito sa palengke ay alam ang pangalan ko. Siguro kung magpapasikatan kami nitong mga politikong tumatakbo sa halalan ay mas sikat pa ako. "Ah, ito manok. Kalahati lang binili ko." Tugon ko sa lalaki habang nasa harap kami ng isdaan. "Isda iyan, eh. Sapsap." "Exactly. Alam mo naman kasi eh." At kakamot-kamot sa ulong umalis ang lalaki. Dahil sa pagkamot nito sa ulo ay napansin ko ang tattoo ng lalaki. Nasa ibaba lang ng kili-kili nito. Maliliit na letra. A.E.I.O.U
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD