5

2089 Words
Chapter Five "Baba!" sigaw ko kay Chi-Chi. Kumuha lang ako ng tubig sa kusina, pagbalik ko'y nakapatong na ito sa TV rack. "Ate, kunin ko iyon! Gagamba! Gagamba!" tumingala ako. Nakita ko ang sapot ng gagamba. "Hayaan mo siya, Chi-Chi. Baka binuo niya ang sapot niya para sa pamilya niya. Hindi natin pwedeng alisan ng ina ang mga anak niya." Binuhat ko ito't ibinaba. "Baka may gra-graduate pang anak iyan. May mga anak pang kailangan pakainin." "Paano mo nalaman? May anak ka na ba? Mother instinct?" "Hindi. Wala pa akong anak. Pero mai-stick na kita. Ang kulit mo." Sarap isumbong sa mama ko. Ang tigas ng ulo nito. Nang maibaba ko ito ay inabot ko rito ang tubig. Uminom naman ito at ibinalik sa akin ang baso pagkatapos. Kanina pa ito utos nang utos. Mama ko nga hindi ako inuutusan ng kung ano-ano. Tapos ito nakakarami na ngayon. "'Te, ano work mo?" ito rin, hindi ito nauubusan ng tanong. Mas mauuna pang maubos ang pasensya ko kaysa sa tanong nito. "Tindera ako ng kakanin sa palengke." Balewalang sagot ko. Humiga pa ako sa couch. Ito naman ay sumampa sa couch at umupo sa sandalan. Tangina, risk taker ang bata. Iri-risk ang buhay makaupo lang sa sandalan. Hinawakan ko na lang ang paa. Hindi marunong makinig. Kaya rin ayaw ko ng anak. Kasi kapag nagmana sa akin ay baka ipaampon ko kay mama. Kay mama... kasi kinaya ng mama ko ang ugali ko. "Masarap ba ang kakanin mo?" "Hindi ko alam." Tugon ko. "Ha? Hindi mo alam?" "Hindi ko naman kasi kinakain. Binebenta ko lang." "Bakit hindi mo tikman?" huminga ako nang malalim. Pasensya, kapit ka lang d'yan. "Sige, bukas." "Pwede ba akong sumama?" "Hindi." "Bakit?" tanong pa rin nito. Kanina pa, simula nang dumating kami ay ang dami na nitong tanong. "Kasi ang dami mong tanong." "Ayaw mo nang maraming tanong?" pumikit ako. Kunwari'y hindi narinig ang tanong nito. Bakit ba nagba-babysit ako sa batang ito? Tumahimik naman kaya pasimple akong dumilat. Nakatitig pala ito sa akin kaya kita rin ang pagdilat ko rito. "Ate, tinatanong kita---" muli akong pumikit. "Hay! Si Ate Lily naman nagtutulog-tulugan." Iyong tulog-tulugan ko'y natuloy talaga sa tulog. Nang magising at makaramdam ng ngawit ay napadilat ako't akmang babangon pero hindi iyon natuloy dahil sa batang nakapatong sa akin at natutulog. "Hoy! Hoy! Tulo laway kang bata ka. Gising. Gising." Niyugyog ko ito. Nang dumilat ito'y halatang antok na antok pa. "Antok ako, 'te." Reklamo nito na tulo laway. "Wala akong pake. Anak ba kita? Alis d'yan." Umalis naman ito. Saka humiga sa paanan ko. Mukhang antok pa nga. Ako naman ay bumangon at nag-unat. "Bata, huwag ka nang matulog. Babalik na kita sa nanay mo." Lumapit ako't niyugyog ito. "Ayaw ko pa. Dito muna po ako, ate. Mag-isa ka rito. Wala kang kausap." "Okay lang na walang kausap kaysa pagod makipag-usap. Halika na." Napilitan itong bumangon. May marka pa ang mukha dahil natulog itong nakadapa kanina. Hawak ko ang kamay nito na lumabas kami. Hapon na't inabutan pa rin namin ang mga tsismosa sa tindahan. Tinatawag nila si Chi-Chi pero hindi pinansin ng bata ang mga kaanak niya. Nagtungo kami sa karindirya. Nakapagligpit na si Aling Barang at mukhang magsasara na. "Chi, buti at nandito ka na. Maiwan ka muna kay Ate Lily. Pupunta ako sa palengke. May mga bibilhin akong ingredients para bukas." "Ho? Hindi mo ba pwedeng isama itong anak mo, Aling Barang?" "Baka kasi mawala sa palengke. Kapag may buhat na ako ay hindi ko na nahawakan." "'Nay, sama na lang kami sa palengke." Alok ng bata sa ina. "Ako at si Ate Lily." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko na hawak nito. "Dinamay mo na naman ako." "Sama na tayo, 'te. Please. Please." Pakiusap ni Chi-Chi. Sa palengke ang punta, mukhang maganda rin namang idea iyon. May reason ako para pumunta roon. Sa palengke kasi talaga ako susubok kukuha ng lead sa tanong hanap ko. "Dalian ninyo kung sasama kayo. Bibili pa ako ng bulaklak para bukas." "Bakit bulaklak, 'nay? Anong Meron?" tanong ni Chi-Chi sa kanyang ina. "Iyong dadalhin natin bukas sa simbahan. Kung bukas pa natin bibilhin ay baka mahuli tayo sa misa." Lumakad na kami palabas ng karindirya. Sa akin lang nakahawak si Chi-Chi. Feel na feel nito ang pagkakakapit sa akin. Nang sumakay kami ng tricycle ay ako pa rin ang katabi ng bata dahil ang ina ay sa likod ng driver sumakay. "Te," kinakalabit ako nito. Pero parang walang narinig na deretso ang tingin. "'Te," ulit nito. "Amoy putok ka po." Automatic na tinignan ko ito at sinamaan ng tingin. "Hindi, ah!" "Tignan mo. Naririnig mo naman pala ako tapos hindi ka tumitingin sa akin." "Ang kulit mo kasi." Umirap pa ako rito. "Hala, ang bait ko kaya. Itatanong ko lang naman kung mahal ka po ba ng mama mo?" nanulis pa ang nguso nito. Ang sarap pitikin ng nguso. "Of course! Mahal ako ng mama ko. Hindi nga ako no'n pinapabayaan at hindi iba ang nagbabantay at nag-alaga." "Bakit?" napaisip ako. Ano nga ba iyong sinabing dahilan ni mama? Ah, dahil baka hindi raw makapagpigil iyong iba at baka ibato ako o paluin dahil sa katigasan ng ulo ko. "Kasi mahal na mahal niya ako." Dahilan ko na lang. Kahit na hindi lang iyon ang dahilan ni mama. "Mahal din naman ako ng nanay ko, 'te. Kaso may goal lang siya ngayon kaya sobrang busy niya." "Anong goal niya?" "Makaipon. Para mabawi na niya si tatay sa kabit niya." "Ngi!" kamot ulong ani ko. Naputol ang usapan namin nang huminto na ang tricycle. Akmang bababa na si Chi-Chi pero agad kong pinigilan ito dahil kalsada ang bababaan nito at may mga sasakyan na dumaraan. Nauna akong bumaba bago ito at mahigpit kong hinawakan sa kamay. Baka kasi mabangga tapos hingian ako ni Aling Barang ng kapalit. Wala akong maibibigay na kapalit na anak. Pwede pa ang house and lot. Pero anak... pass. Hindi pa nga napapasok ang mahiwagang kweba. Sumunod kami kay Aling Barang. Ang focus ko ay ang paligid. Nag-o-obserba pagpasok pa lang ng palengke. May mga kasamahan ako na naroon pa sa mga pwesto nila at nagtitinda. Nang makita ako ng mga ito ay akala mo'y mga close na kami. For sure bukas ay tingin na naman nila sa akin ay kalaban. Binuntutan lang namin ang babae. Si Chi-Chi nga'y madikit lang kami ng kaunti ay tinutusok pa ang pwet ng nanay niya. Napalo nga ang kamay kaya sinenyasan ko na huwag na niyang ulitin. Inuna ni Aling Barang mga kulang na ingredients na kailangan sa karindirya niya. Ang pinakahuli ay ang bulaklak na kailangan sa simbahan bukas. "Koko, pabili ako no'ng kagaya ng order ko sa 'yo last month. Tanda mo pa iyon?" ani ni Aling Barang sa tindero ng bulaklak. "Aba'y oo naman, Barang. Ngayon na ba kukunin?" magiliw na ani ng matandang lalaki. "Ngayon na. Hintayin na lang namin." "Gagawin ko na." Mabilis na kumilos ang lalaki. Nagtungo naman kami sa bench kung saan katapat iyon ng pwesto ng flower shop. Pinanood namin ang mabilis na pagkilos ni Mang Koko. Expert na expert ito sa pag-aayos ng bulaklak sa paso. Kahit may katandaan na pero iyong kilos niya ay mabilis pa rin. "Dito kami kay Koko bumibili ng bulaklak. Tanda ko pa'y mga dalaga't binata pa kami ay iyan na ang negosyo niya. Tumanda na't lahat-lahat ay nasa mga bulaklak pa rin ang puso niya." Kwento ng ginang. "Kung makakwento ka parang dating jowa mo, Aling Barang." Tinakpan ni Aling Barang ang tenga ni Chi-Chi. "Dating tagadilig ng flower ko iyan." Tengene. Hindi lang pala busy sa flower shop itong si Mang Koko. Pati pala sa flower ni Aling Barang ay may oras siya. "Tatay po ni Chi-Chi?" nagpupumiglas na ang bata. "Hindi ko sure. Hindi ko afford ang DNA test." Tapos mukha pa itong proud. Hindi na nadugtungan pa ang sinabi nito dahil naalis na ni Chi-Chi ang mga kamay na nakatakip sa tenga niya. "Bakit mo takip tenga ko, 'nay?" "Wala. May sinabi lang ako kay Ate Lily na bawal sa bata." "Okay." Tugon nito. Bumalik ang tingin namin sa matandang gumagawa ng bulaklak. Matikas pa naman ang matanda. Nang tignan ko si Aling Barang ay napapalunok pa ito. Huwag niyang sabihin na naaalala pa niya ang mga sandaling pagdidilig ni Mang Koko ng flower niya? Shuta! "Aling Barang, matagal pa po yata iyan. Lalakad-lakad muna ako." Paalam ko rito. "Sama." Mabilis na hawak ni Chi-Chi sa kamay ko. "Huwag na. Dito ka na lang." Kontra ko agad dito. "Sasama ako. Nanay, dito ka lang. Babantayan ko si Ate Lily." Parang karma si Chi-Chi na balak dumikit sa akin para makabawi si mama. Nakikita ko ang batang ugali ko rito at hindi ako natutuwa. "Ayaw ko. Dito ka sa Ina mo." "Tara na, 'te." "Aling Barang!" reklamo ko na direkta sa nanay nito. "Ang tigas ng ulo ng anak mo." "Hawak sa kamay ni Ate Lily, Chi-Chi. Ito. Kung may gusto kayong bilhin ay bilhin na ninyo. Huwag bibitaw sa ate." Tengena. Isa pa itong ina ni Chi-Chi. Parang hindi narinig iyong sinabi ko. Nang makuha ni Chi-Chi ang isang daang iniabot ng ina ay bumitaw ito sa kamay ko at lumakad na paalis. Wala na akong nagawa pa kung 'di sundin ito. Nang may makita akong pasalubong na kariton ay agad kong hinawakan ang damit ng bata at hinila ito para gumilid. Kailangan ko yatang lumipat ng paupahan para lang mawala sa landas ko itong batang ito. Sasakit lang kasi ang ulo ko rito tapos hindi ako makakapag-focus sa trabaho. "Hindi mo ba nakita iyon? Mababangga ka na, Chi!" "Umiwas naman, 'te." Tengeneng bata ito. Rumarason pa talaga. Hinawakan ko na ang kamay nito't nagpatuloy kami sa paglalakad. "Ate, maganda ba ako?" sinulyapan ko ito. "Magandang version ni Aling Barang." "So, pangit si nanay?" "Hoy! Isumbong kita sa nanay mo." "Ikaw kaya ang nagsabi, 'te." "Tara. Bili na lang tayo." "Gusto ko iyon, Ate Lily." Turo nito sa pwesto ng mga laruan. Sa dami no'n ay hindi ko alam kung saan doon ang gusto niya. Lumapit kami roon. "Saan? Akin na iyong pera mo." Iniabot niya ang 100 pesos niya. Bumitaw siya sa akin at nilapitan ang bike. Kulay pink iyon. Tumingin ako sa kanya, tumingin ako sa perang papel. Balik ulit sa babae at saka sa pera ulit. "Hoy, bata! Alam mo ba kung magkano iyang bike na iyan?" pinanlakihan ko pa siya ng mata. "Hindi, 'te. Ask mo na lang iyong tindero kasi siya ang nagtitinda rito." Lord, mission ang dahilan ko rito sa lugar na ito. Hindi ang batang ito. "Magkano rito?" salubong ang kilay na tanong ko sa babae. "1700 po. Pero kaya pang tawaran." Tugon ng babae. "Chi, 100 lang pera mo. 1700 daw iyang bike." Sumakay na ito. Hindi ata ako narinig. "Chi." "Iiyak ako kapag hindi natin bibilhin ito." "Eh, ano naman? Anong pake ko kung iiyak ka?" hindi bothered na ani ko. "Iiyak talaga ako." Banta nito. "Go lang. Wala ka ngang perang pambili. Tapos gusto mo bike? Biko na lang. Iyon lang afford ng pera mo." Lumungkot ang magandang mukha ng bata. Mukhang iiyak na nga ito. "Gusto ko po ito." "Pwes, sa nanay mo sabihin iyan." Hindi naman siguro halatang ayaw ko sa mga bata. Isako ko pa sila. "Nanay Lily." Iyak na nito. "Mukhang gustong-gusto ng anak mo, ma'am." Napasimangot ako dahil sa sinabi ng tindera. "Hindi ko anak iyan." "Bakit mo ako tinatanggi, 'nay?" "Lintik ka. Bahala ka d'yan." Tumalikod na ako at lumakad paalis. Wala pang apat na hakbang ay naramdaman ko na ito sa likod ko. Humawak pa nga sa kamay ko. Nang yukuin ko ay nagpupunas na ito ng luha niya. Hindi benta sa akin iyan. Kahit pa isang drum ang iiyak niya. "Gusto mo ng pagkain?" "P-alamig po. Para malamigan ang aking damdaming malungkot ngayon." Hindi ko napigilang matawa. "Tara. Bili tayong palamig. Ibibili na rin kita ng ice cream. Tutal may 100 ka naman." Naiiling na ani ko. Ibinili ko ito ng palamig at ice cream. Not good combination pero tuwang-tuwa naman ito. Nang bumalik kami sa flower shop ay tapos na ang bulaklak na order ni Aling Barang. Hinayaan kong ito ang magbitbit ng lahat habang ako naman ang may hawak sa anak niya na inutusan akong hawakan ang palamig niya. Bago pa nga kami nakaalis ay napansin ko na naman iyong mga kargador. Dumaan sila sa flower shop. Nakipag-fist bump pa nga kay Mang Koko. Nakipag-fist bump pa roon sa isang matandang lalaki na mukhang collector.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD