2

1555 Words
Chapter Two Napabuntonghininga si Issie at Nevara pagkatapos kong lumabas ng fitting room. Isasama raw nila ako sa misyon nilang dalawa. Kailangan ko raw landiin iyong taong kailangan nilang protektahan at mailipat ng location para sila ang haharap sa mga masasamang loob na nagbabalak ng masama sa taong iyon. Nag-e-expect siguro si Nevara at Issie na maganda ang lalabas sa fitting room. Pero maganda pa rin naman, eh. Hindi nga lang pasok sa kanilang panlasa. Ang mahabang skirt ko ay polkadot. Kulay orange ang skirt, puti naman ang polkadot. Ang top ko ay long sleeve na kulay purple naman. Polkadot din ang design. Hindi ko pa in-tuck in ang long sleeve ko na iyon. Ang sapatos ay pink na rubber shoes. Nagsuot din ako ng wig na ang kulay ay pink. Para matchy-matchy sa sapatos ko. Ang salamin ko ay cat eye ang shape. Kulay white naman ang frame no'n. Ang pinakaimportanteng disguise ay ang nunal sa gilid ng ilong ko na may buhok. Nandito pa kami sa head quarters. Kompleto rito ang mga gamit sa pagdi-disguise. "Sinasabi ko na nga ba." Disappointed ang nakaguhit sa mukha ni Nevara. Iyong tipong hindi pa kami nagsisimula ay parang gusto na niyang sumuko. Si Issie naman ay naiiling. "Pinaglaruan mo na naman ang sarili mo, Lily." Reklamo ni Issie na umiiling pa rin. "Bagay ba?" excited na ani ko. "Mali yata ang desisyon ko na ikaw ang isama." "Ano ba kayo? Wala naman sa damit o ayos ng isang tao para maging successful ang misyon. Nasa diskarte iyan." Ganito rin ang itsura ko sa tuwing nagclu-club kami ng mga girls. Ako iyong mahilig makipaglandian sa mga boys pero madalas ay nilalayasan ako. Mukhang hindi patok sa mga ito ang ganitong ayos. Sayang, pinalampas nila ang chance na makapagjowa ng maganda. "Sakit mo talaga sa bangs, Lily." Komento ni Nevara. "Ayaw n'yo ba? Ang ganda---" "Walang maganda, Lily. Para kang krayola." Pareho tuloy silang nag-walkout. Napahagikhik na humabol ako sa kanila. Kung sila ay jeans and blouse lang na parehong white. Tapos salamin. Ako naman ay nangingibabaw dahil sa mga kulay na pinili kong pagsama-samahin. Iyong ibang girls na nakakasalubong namin ay nagtatawanan, hindi dahil kay Issie at Nevara na twinning sa outfit nila. Kung 'di dahil sa akin na tiyak kong nangingibabaw mula sa tatlong babaeng naglalakad sa lobby ng head quarters. "Cancel na lang ata ito." Dinig kong ani ni Issie. "Ipasa na lang yata natin sa iba. Baka mapahamak pa iyong taong ililigtas natin kung ganito---" "Ang arte ninyo. Kung gusto n'yo ako na lang ang tatapos ng misyon." Nilagpasan ko sila. Pero agad din namang humabol at kumapit sa magkabilang braso ko. Napagitnaan nila ako. "Lily, alam mo ba kung bakit hindi ka nakakabingwit ng boys tuwing sinusubukan mong makipag-flirt sa kanila?" tanong ni Issie sa akin. "Bakit?" curious din ako. Lalapit pa nga lang ako sa mga pogi ay parang may sakit ako na iniiwasan agad kapag malapit na. Kapag lasing na ako ay mas lalong hindi ako nilalapitan. "Nagtaka ka pa? Kung papatol sila sa 'yo ay tiyak na makukulayan mo talaga ang buhay nila. Para ka nga kasing krayola." "Ay, sandali! May nakalimutan pa akong ilagay." Kinuha ko ang cheek tint na kulay orange. Bumitaw ang dalawa sa pagkakahawak sa braso ko. Saka pinanood ako habang naglalagay ako no'n sa pisngi ko. Pabilog, kahugis ng polka dot sa suot kong long sleeve and skirt. Nang matapos ay tinignan ko sila. Ngumiti pa, labas ang ngipin. "Tangina, ano iyang nunal sa ngipin mo?" stress na talaga si Issie. "Baka kasi i-kiss ako ng client na isa-save natin. I-share ko itong extrang nunal ko. Gano'n ako mag-share ng blessings." Parang give up na talaga sila. Nilayasan nila ako. Humabol na lang ako. Kapag iniwan nila ako ay sayang naman ang outfit ko. Ako ang pinaupo sa backseat. Habang nagda-drive si Issie, si Nevara naman ay bini-briefing ako. Kung sino iyong client, kung ano ang mga possible na mangyayari, kung ano ang priority mamaya. No civilian na madadamay, secure the client. Iyon ang goal nila. "Tapos ka na?" inosenteng tanong ko kay Nevara. Umangat ang kilay ng babae na siyang nagbri-brief sa akin. "Yes, Lily." "Okay. Alam ko na iyan bago pa ibinigay sa inyo ang trabaho." Cool na ani ko. Napapreno si Issie. Nanlisik naman ang mata ni Nevara sa akin. "Tumalak ako nang tumalak tapos sasabihin mong alam mo na? Come on, Lily." Exaggerated na ani nito. "Hindi n'yo kasi ako in-ask kung alam ko na ba o hindi." "f**k!" ani ni Nevara. "Pakialamero ka nga pala ng mga confidential files ng nanay mo kahit hindi para sa 'yo." "In-check ko lang naman. Baka kasi akin." "Gaga." Duet ng dalawa. Sabi rin ni mama, gaga raw. Nag-thank you na lang ako. -- "Uy! Gwapo no'ng guy." Napahagikhik na ani ko. "Lily, umayos ka." Stress na ani ni Issie na tiyak kong nakapwesto na sa isa sa mga gusaling nakapalibot sa park na kinaroroonan ko. "Huwag kang ma-distract sa pogi. Marami pang mas higit d'yan." "s**t, parang model ng brief." Kilig na kilig na ani ko. Sinimulan ko nang maglakad palapit sa lalaki. Tatay ng lalaking ito ang lumapit sa organization. Nasa alanganing sitwasyon ang lalaki dahil sa babaeng katatagpuin nito. Ang bilin ni Issie at Nevara sa akin ay aaligid-aligid lang ako. In-case na umatake, pero gusto kong makilala ng personal si pogi. Kinikilig na pumutol ako ng bulaklak kahit na may placard na roon na bawal pumutol ng halaman. Okay lang iyon, bulaklak lang naman. Hindi naman iyong halaman. "Iyong isang katauhan ni Lily ang kasama natin ngayon, Issie." Nagrereklamong ani ni Nevara. "Tanga-tanga." Ilan ba ang katauhan ko sa mga kaibigan kong ito? Buti pa sila alam nila. Ako kasi ang alam ko lang ay sobrang ganda ko. Palukso-luksong lumakad ako palapit sa lalaki na halatang nagulat nang abutan ko ito ng bulaklak. Napatitig pa ito roon. Waring hindi inasahan na may babaeng weirdo na lalapit at mag-aabot dito ng bulaklak. "Flowers for me." Abot ko rito. "Lily, umayos ka." Saway ni Issie na naririnig sa device na nakasalpak sa tenga ko. "Miss, ang dapat mong sabihin ay 'flowers for you'. Ikaw ang nagbibigay, eh." "You're apologizing." Nag-bow pa ako. Ayaw ata ng lalaki sa bobo. "Tsk. Salamat." Tanggap nito ng bulaklak. Ipinatong n'ya iyon sa upuan. Kahit hindi niya ako pinapaupo ay naupo pa rin ako. Napausog tuloy ito palayo. "Ang pogi mo. Anong pangalan mo, pogi?" "Tirador talaga ng pogi itong si Lily." Kahit mahina ay rinig na rinig ko pa rin itong si Nevara. May mata talaga ako pagdating sa mga pogi. Isa iyon sa skills ko. "Kiro." Tipid na ani ng lalaki. "Miss, kung type mo ako ay uunahan na kita. Hindi kita type. Parating dito ang girlfriend ko. Baka ma-misinterpret niya ang pag-upo mo rito." "Ah, okay lang ma-misinterpret. Single naman ako." Narinig ko ang tawa ni Issie at Nevara. Sumama naman ang tingin ni Kiro sa akin. Mukhang foreigner si Kiro. Ang pogi nito. Parang willing akong maging blurred basta matikman ko lang. "Focus, Lily. Parating na ang babaeng target ko." Paalala ni Issie. "Marami siyang kasama. Nagsisimula na silang pumwesto." "Hindi ako interested, miss. Lalo na sa 'yo." May bahig ata nang pang-iinsulto iyon. "Weirdo." "Swerte mo kapag inibig ka ng weirdo na katulad ko. Ligawan mo ako, yes agad ang sagot ko." "Alis na, miss! Uminom ka ng gamot pag-uwi mo. Baka gutom ka rin. Huwag kang magpalipas ng gutom." "s**t, kinilig ako roon. Para na agad tayong mag-jowa. Salamat sa pag-remind na kumain na ako. Hayaan mo, iinom din ako ng gamot later." Napakamot ang lalaki sa ulo. Tumayo ito at akma na sanang aalis ng hawakan ko ang kamay nito. Para namang napaso ang lalaki na agad binawi ang kamay niyang hinawakan ko. "Miss!" ani nito. "Saan ka pupunta? May shooting doon sa area. Baka mamaya ay dumating na rin ang mga artista. May mga lalaking may hawak na baril doon. May shooting siguro later." "W-hat?" "Ay! Wait, ikaw ba iyong artista? s**t, bagay sa 'yo. Pwede ka ngang maging artista. Ikaw iyong character siguro na bibirahin ng bala later. Ang dami nila d'yan, eh. Mga mukha silang goons. May shooting ba kayo? Movie? Teleserye?" "Nonsense." Akmang tutuloy na ito. "Narinig ko sila na hanapin daw si Kiro. Katunog ng pangalan mo iyon. Pwede bang pa-autograph?" inosenteng tanong ko. Lumapit ang lalaki sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Kinilig naman ako. "Hindi ako artista, miss. Kung may baril sila ay tiyak na panganib ang dala nila sa akin. Aalis na ako. Lumayo ka na rin." Pero in-grab ko ang pagkakataon para maiayos ang kamay at maka-holding hands ito. Kinilig. Gusto na nga nitong alisin pero hindi ako pumayag. "Damn, nagbigay ka nga ng tip. Pero kung uunahin mo ang kilig mo ay pareho tayong mamamatay rito." Binitiwan na n'ya ang kamay ko. Sabay takbo. Humabol naman ako rito. Dalawang beses pang nadapa dahil sa haba ng paldang suot ko. "Kiro, sandali! Panindigan mo itong kilig ko." Malakas na sabi ko. "Tangina, Lily. Sa lakas ng boses mo ay narinig ka na nila. Papunta na sila sa direction n'yo." Inis na ani ni Lily. Ayaw ba nila iyon? Mas madaling ubusin ang target kung sa location namin ngayon sila makarating. Tiyak namang mailalayo ko agad ang lalaking hinahabol ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD