1

1336 Words
The Billionaire and The Agent Chapter One Huminga nang malalim ang aking ina. Bakas sa mukha nito na kinakalma lang niya ang sarili niya. Pero alam kong kaunting-kaunti na lang ay sasabog na ito. Isang misyon na naman ang natapos. Hindi naman ako kasali roon, isinali ko lang ang sarili ko. Madalas ako ang Plan B ng grupo. Kung hindi umayon ang Plan A sa sitwasyon, ako ang Plan B. Ako ang tatapos ng mga delikadong misyon nila. "Anak, isa ka lang na inire ko pero katumbas mo ay sampu sa sobrang tigas ng ulo mo." Sumagap naman ito ng hangin. Nakasunod lang ang tingin ko rito. Sa bawat kilos nito, sa bawat buka ng bibig nito. "Mama, ginalingan ko naman. Nailigtas iyong mga babaeng balak ilabas ng bansa---" "Pero mahirap bang sumunod sa unang plano ng grupo?" ani nito. Iyong pamaypay na hawak niya ay naibagsak pa niya sa mesa. Ang isa ay itinukod pa niya roon habang nakakuyom ang kamao nito. "Ma, pang-old style kasi eh." "Aba't sasagot ka pa ng ganyan? Sunod-sunod na delikadong trabaho na ang pinakialaman mo dahil lang sa dahilan mong napaka-old style. Kung hambalusin kaya kita ng tambo d'yan!" asik nito sa akin. "Sorry na po." Nilambingan ko na lang ang tinig ko sa aking ina. "Sorry? Iyan ang bala mo sa tuwing sinesermunan ka. Hindi ka nagtatanda, Lily!" "Kasi po bata pa po ako---" hindi na ako nagulat nang lumipad na sa pwesto ko ang pamaypay na ibinato nito. Bahagya ko lang itinagilid ang ulo ko. Lumagpas tuloy iyon. Nilingon ko pa nga no'ng tumama na iyon sa pinto. Pero pagtingin ko ulit kay mama ay nasa harap ko na ito at nakatikim na ako ng batok dito. "A-ray!" reklamo ko sabay hilot sa ulo. "Ubos na ang pasensya ko sa katigasan ng ulo mo, Lily." "Sorry po, mama. Sabi po ni Mommy La ay mana raw po ako sa 'yo." This time ay pingot na ang inabot ko rito. "Wala talagang sinasanto iyang dilang iyan." "A-ray ko, ma!" reklamo ko rito. Dahil binanatan ko ito ng bata pa ako ay hindi ko tuloy mairason dito na dalaga na ako at hindi na dapat pinipingot. Pingot-pingot ako nito hanggang sa couch. "Siguro naman kapag binigyan kita ng trabaho ay titigil ka na sa pakikialam sa trabaho ng mga kasamahan mo." "Totoo?" biglang nawala ang sakit ng pingot nito. Kulang na lang ay magningning ang aking mata. Imbes na maupo rin sa kabilang side ng upuan ay mas pinili kong tumabi rito. Yumakap pa ako sa braso nito. Pero inilapat lang niya sa mukha ko ang palad niya at itinulak iyon. Exaggerated na bumagsak ako sa couch. "Napaka-OA mo talagang bata ka. Pag-aralan mo itong files na ito." Agad kong dinampot ang folder. May kakapalan iyon. "Natalo sa kaso ang pamilya ng babae. Pinatay at natagpuan na lang sa ilalim ng tulay. May witness na hawak no'ng una ang pamilya ng babae. Pero bigla na lang ding naglaho. It's either nagtago, o hawak na ng kalaban. Ngayon ang kailangan mong hanapin ay ang kriminal na ito." Turo nito sa lalaking nasa larawan. "Biglang naglaho pagkatapos n'yang manalo sa mga kasong isinampa sa kanya. Mahusay rin ang abogado niyang taong iyan. Hindi nakuha ng pamilya ang hustisyang nararapat kaya sa atin inilapit. Last location lang ang mayroon tayo. Hawak pa ng taong iyan ang area. May hinala ang pamilya na ang taong ito ay mastermind sa mga taong nawawala. Karamihan ay mga bata at babae. Mga hinala pa lang, Lily. Pero tinanggap ko pa rin ang case na ito---" "Para may mapag-busy-han ako at ng hindi nakikialam sa mga misyon ng mga kasamahan ko? Alam ko na iyan, ma." "Yes." Sakit naman no'n. Tapos walang kagatol-gatol pang sumagot ng yes. Na-hurt ako. "Seryosohin mo iyan, Lily. Dahil nakabase sa misyon na iyan kung bibigyan ka pa namin ng mommy la mo ng trabaho." "Aha! Alam ko na kung saan patungo iyan, mommy! Hinahamon n'yo ako! For sure sasabihin ninyong mag-asawa na lang ako at bigyan ko na kayo ng apo kapag maaga ninyo akong tanggalin sa organization. Alam na alam ko na iyan." "Tsk. Stop it. Hindi iyan ang nasa isip ko. Kaysa mapahamak ka sa sobrang reckless mo ay mas mabuting huminto ka---" "Ganyan din sinabi ni mommy la sa 'yo. Hindi ka nakinig sa kanya." Huminga na naman nang malalim ang ginang. "Pag-usapan na lang natin ang trabahong ito---" "Huwag na po. For sure narito naman na ang mga information na kailangan kong malaman. Ako na po ang bahala. Babalitaan ko na lang po kayo---" "Ang plano namin ng mommy la mo ang masusunod---" iniangat ko ang kamay ko. Hindi ito pinagbigyan na matapos ang sasabihin niya. "My way, ma. My way." Tumayo na ako't dali-dali nang umalis. May diskarte kasi talaga ako na madalas ay hindi sang-ayon ang magulang ko. Sabagay, madalas din kasi naming kontrahin ang isa't isa. Madalas tumatagal din ang trabaho dahil masyadong ingat na ingat si mama sa akin. Pero hindi eh, kaya ko ang sarili ko. Lahat nang pinasok kong misyon ay nalabasan ko ng wala man lang galos. Paglabas ko ng office nito ay pasipol-sipol ako. Masaya na may ipinagkatiwalang trabaho ang aking ina. Nakasalubong ko si Coralyn. "Ang saya natin, ah. Mukhang hindi napagalitan." Tudyo nito sa akin. "Napagalitan ako pero masaya pa rin ako, Cors. Kayo lang naman kasi itong hindi immune sa normal na scenario naming mag-ina." "Pasaway ka talaga." Nagkibitbalikat lang ako sabay pakita rito ng folder na hawak ko. "Trabaho, Cors. Binigyan ako ng trabaho ni mama." Sa sobrang galak ay napalundag-lundag pa ako. Sabay hawak sa balikat ng babae at niyugyog ko siya. Kasi hinawi ako. "Gaga, hilong-hilo na ako." "Ay, sorry! Happy lang. Happy." "Good luck, if kailangan mo nang tulong ay sabihan mo lang kami." Linyahan ko iyon sa kanila sa tuwing may misyon sila. Ang lagi nilang sagot ay 'oo ba', 'sige', at 'salamat'. Pero iba ang ibinigay kong sagot dito. "Hindi ko kailangan nang tulong. Masyado akong astig." Nabatukan tuloy ako nito. Walang anak-anak ng boss sa mga ito. Lumaki akong kasa-kasama sila. "Pasaway ka talaga." Nakasimangot na umirap ang babae saka lumarga na. Nang nakailang hakbang na ito ay lumingon siya at tinawag ako. "Oh?" ani ko. "Pakyu!" ani nito. Sabay takbo palayo. Nakakayamot. Inunahan ako. Ako dapat nagsabi no'n eh. Pero wala pa rin talagang makakatalo sa saya ko. May trabahong ipinagkatiwala sa akin. Deserve kong mag-celebrate. Pagbaba ko sa lobby ng gusaling ito na itinuturing naming head quarters ay napaisip ako kung dito sa gusali iinom o sa ibang lugar. Mas mauuna pa ang celebration kaysa trabaho. Lumakad na ako patungo sa exit ng gusali. Saktong patungo rin si Issie at Nevara sa exit ng gusali kaya naman sabay-sabay na kaming lumabas. "Nevara, kumusta ang trabaho kay Qui?" "Okay naman." Tugon ng babae. "Wala ka pang planong nag-resign?" tinignan ako nito. "Mas nakakapagtrabaho ako rito sa organization habang personal assistant ako ni Boss Quiran. Kaya malabo pa akong nag-resign sa kanya." Tumango-tango ako. Naisipan ko na ring yayain sila. "Uy, binigyan ako ng trabaho ni mama. Tara, mag-celebrate tayo." Yaya ko sa dalawa. "Lily, ang celebration ay dapat pagkatapos ng misyon. Gusto mo lang mag-inom idadamay mo pa kami." Nakangusong ani ni Issie. "Tama. Tara na." Excited na yaya ko sa kanila. "Pass. Sumama ka na lang sa amin. May trabaho kaming gagawin." "Ano?" ani ko. Last time na niyaya ako ni Issie na sumama sa kanya ay napa-trouble kami. "Baka napa-trouble na naman tayo d'yan." Parehong napasimangot ang dalawang babae. "Dahil naman sa 'yo iyon, Lily." "Ay, dahil ba sa akin?" "Tsk. Tignan mo itong babaeng ito. Nagka-amnesia ka agad." Napakamot ako sa batok ko. Sorry sila, nakakita kasi ako ng pogi. Nakalimutan ko tuloy na trabaho nga pala ang ipinunta namin doon. Buti na lang ang nakaisip din ako ng paraan kung paano iyon malulusutan. Tinawagan ko ang ultimate backer ko... si Mommy La. Ang founder ng organization na pinatatakbo ng mama ko. Si Lady A.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD