Chapter 5 WYA

2127 Words
Jelaine's POV Matapos ang isang araw na off ay balik-trabaho na ako. Na parang wala din namang nangyari dahil puro utos si Sir George. Ang baklitang tinamaan ng lintik. Choss. Dala-dala ang map ay pumasok na ako sa kuwarto kung saan do'n ako magsisimulang maglinis. Pagpasok ko pa lamang ay sumalubong na sa akin ang umaalingasaw na malansang amoy. Hindi kasi mawawala ang mga burarang guest dito sa resort. Medyo nasasanay na ang sikmura ko sa ganitong klaseng amoy. Nagsisimula na akong maglinis nang makarinig ako nang sunod-sunod na katok. Hindi naman nakalock iyon kaya hindi na ako nag-abalang tumayo para buksan ang pintuan. Busy ako sa paglilinis ng sahig na puro kalat. Nakakadiri ang amoy, sobrang bababoy nila, palibhasa hindi sila ang naglilinis. Hmp! Mga burara! Busy ako sa pagliligpit ng mga kalat-kalat na gamit sa kuwarto nang maramdaman kong bumukas iyon. "Jelaine?" tawag sa akin ng pumasok. Mabilis akong lumingon at nakita ko si Gian. Tumayo ako at humarap dito. At jusko naman ang muscle nito putok na putok. Nginitian ko ito. "Anong ginagawa mo rito?" Ngumiti din ito sa akin. "May aayusin daw sa banyo eh. Inutusan ako ni Sir George," sagot nito. "Sa banyo, aayusin? Wala namang sira ang gripo sa banyo ah?" "H-Ha? Mayro'n, inutusan ako ni Sir eh." "Sure ka? Baka naman mali ang kuwartong pinasukan mo ah, kasi okay ang gripo sa banyo." "Sure ako, second floor Room 143, hindi ba ito iyon?" Tumango naman ako dahil tamang kuwarto nga ang sinasabi nito, pero sure akong walang sira ang gripo sa banyo. "Iyong shower valve pala ang aayusin ko," kapagkuwa'y sabi nito. "Ah, okay," sagot ko. Bumalik na rin ako sa ginagawa ko. Naramdaman ko itong naglakad papalapit sa akin. At kahit nakatungo ako ay ramdam ko ang mga mata nitong nakatutok sa akin. "Ilang buwan ka na rito sa resort?" kapagkuwa'y tanong nito. "Anim na." "Kumusta ang trabaho mo rito?" tanong nito. Medyo nagtaka pa ako dahil ngayon lang ito nagbukas ng paksa. Laging ako ang maraming tanong dito. "Ayos lang naman. Ikaw, ayos ka ba rito?" sagot ko. "Sabi mo off ko kahapon 'di ba?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong ko. "Oo, bakit?" "Sabi mo rin inuutusan ka ni Sir George magtrabaho kahit off mo. Bakit sinusunod mo siya?" seryoso nitong tanong. Nagkibit-balikat naman ako. "Para wala ng maraming usap. Mainit kasi ang dugo sa akin no'n eh. Kahit dati pa, sanay na ako," sabi ko sabay tawa. Hindi naman ito nakitawa bagkus ay nakita kong nangunot ang noo nito. "Bakit hindi mo sinasabi sa management ang ginagawa niya sa 'yo? Karapatan mong tanggihan ang inuutos niya lalo na kung off mo. Kaya nga off eh, ibig sabihin pahinga, rest day. Bakit hinahayaan mo siyang abusuhin ka?" mariin nitong tanong. Galit ba ito? Pero bakit? "Bakit parang galit ka yata?" "Dahil hindi mo siya isinusumbong kahit inaabuso ka niya, Jelaine. Dapat hindi mo hinahayaan na ganagano'n ka niya, kaya namimihasa iyon kasi hinahayaan mo." Ramdam ko ang gigil sa bawat salitang sinasabi nito. Tumayo naman ako at hinarap ito. "Hindi ko siya hinahayaan, Gian, lumalaban din naman ako kaso minsan nakakapagod na eh. Hindi naman ako mananalo do'n dahil boss ko pa rin siya." "Manager lang siya rito, Jelaine," mariin nitong sabi. Nakita ko ring naggalawan ang mga ugat nito sa panga. Bigla akong nailang sa presensya nito. "Kahit na, boss ko pa rin siya dahil under niya ako." "Kaya okay lang sa'yo?" "Siyempre hindi." "Kailangan mo itong iparating sa management, Jelaine." "Naku, hayaan mo na lang. Sanay na ako do'n. As long as kaya kong gawin susunod ako, alam mo na para wala na lang gulo," sagot ko. "Sa 'yo lang ba niya ginagawa iyon?" tanong pa nito. "Hindi naman, karamihan sa amin nakakaranas ng gano'n, pero ako ang pinakamalala. Ewan ko ba do'n, mas'yadong mainit ang dugo sa akin. Pero huwag kang mag-alala hindi naman ako magpapaapi do'n 'no?" Ngumiti naman ito na tila nagustuhan ang sinabi ko. "Dapat lang, dahil kung wala magpapaapi, walang mang-aapi, tama?" tanong pa nito. Tumango naman ako at saka ngumiti. "Tamang-tama," sang-ayon ko naman. "That's my girl," bulong na sabi nito pero nakaabot sa pandinig ko. "Anong sabi mo?" "Sabi ko, ako ang bahala sa'yo." Natawa naman ako rito dahil hindi naman iyon ang sinabi nito. "Mamaya na tayo magkuwentuhan, baka makita tayo ni Sir George eh. Baka mamaya pag-initan ka rin no'n," ngiting sabi ko pa. "Oo nga, sige na sa banyo lang ako," sagot naman nito at pumasok na nga sa loob. Habang naglilinis ay pakanta-kanta pa ako. Maganda ang umaga ko ngayon kaya good mood ako. At walang puwedeng sumira ng magandang mood ko. Halos kalahating oras din ang ginugol ko sa paglilinis ng kuwartong iyon. Sobrang baboy ng guest na umuukopa sa room na ito. Napakaburara. NASA pagpapalit na ako ng bedsheet nang sakto namang lumabas si Gian mula sa banyo. Napatingin ako rito at sumalubong sa akin ang pawis na pawis nitong mukha. Bumaba sa katawan nito ang mga mata ko at nakita kong humahakab sa katawan nito ang sandong suot nito. Basang-basa ng pawis iyon. Ilang sandali akong napatitig dito. Sobrang lakas kasi talaga ng s*x appeal nito. At gusto ko ng magduda kong utility man ba talaga ito. Kahit kasi kupas na pantalon ang suot nito ay bagay na bagay pa rin iyon dito. Ang balat nito ay natural na mamula-mula. Kakaiba ito sa lahat ng mga tauhan dito sa resort. My God ba't ang guwapo ng kumag na ito? Piping usal ko. Parang ang sarap itong amuyin, pawis na pawis pero mukhang yummy pa rin. "Bawal kang ma-in love sa akin, poor ako, remember?" nanunukso ang tinig nito. Tila naman ako natauhan sa sinabi nito. Umangat ang mga mata ko mula sa ibaba nito patungo sa mukha nito. Isang pamatay na irap naman ang ibinigay ko rito nang makita ko ang simpatikong ngiti na nasa mga labi nito. "Kapal mo," ingos ko. Tumawa naman ito at lumapit sa akin. Binitawan muna nito ang hawak na tools. Natigilan ako nang hawakan nito ang gilid ng mga labi ko. Aatras sana ako pero bumunggo sa kama ang binti ko. Wala na akong maatrasan. Jusko hahalikan ba niya ako? Kinakabahan ako kasi nakakakita ako ng gan'ong eksena sa television tapos hahalikan ang babae. Magpapaubaya ang babae tapos dahan-dahang mapapahiga sa kama. Tapos biglang hahaklitin ang damit matatanggal ang mga botones tapos maglalapat ang mga hubad na katawan. Magkukumot tapos kakainin ang hilaw na perlas. "Kakainin ang hilaw na perlas!" Hiyaw ko nang pitikin nito ang noo ko. Tila nagising ako sa paglalakbay ng humaharot kong isipan. "Bakit ka ba namimitik? Tigas-tigas ng daliri mo eh," ingos ko rito. Nag-init ang buong mukha ko nang makita kong nagniningning ang mga mata nito. "Huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan, para kang manyak eh," diretsang sabi ko. Nakaangat kasi ang gilid ng mga labi nito na tila pinipigilang tumawa. "Anong sabi mo na kakainin ang hilaw na perlas?" Nag-init lalo ang mukha ko. Buong akala ko kasi hahalikan niya ako kaya kung anu-ano na ang pumasok sa utak ko. "Hindi mo ako hahalikan?" parang tangang tanong ko. Tumawa lang naman ito at muling pinitik ang noo ko. "Of course not, pinunasan ko lang iyong laway mo. Tumulo na eh, mukhang natakam ka sa abs ko," pilyong sabi nito. Nag-iinit ang mukhang hinampas ko ang dibdib nito at jusko mali yata dahil nakapa ko ang matigas nitong dibdib. Pandesal salsal! Ilang sandali kaming parehong natigilan. Habang napako sa dibdib nito ang kamay ko ay napako naman ang mga mata namin sa isa't-isa. Nagririgodon na naman ang t***k ng puso ko. s**t ba't gano'n. "Jelaine...." malamyos na sambit nito sa pangalan ko. Hinawakan nito ang kamay kong nasa dibdib nito at marahang pinisil iyon. Parang nakuryente ako sa pagkakadaiti ng mga kamay namin, tila napapasong hinila ko ang kamay ko. "Jelaine..." ulit nitong anas sa pangalan ko. "M-Mag t-trabaho na tayo," sagot ko. Tangkang tatalikuran ko na ito nang mahagip nito ang braso ko. Muling gumapang ang tila kuryente mula sa kamay nito. Bahagya akong tumingala at tiningnan ito. "B-Bakit?" nauutal na sabi ko. Titig na titig ito sa akin kaya parang bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang dito. Hihilahin ko na sana ang braso ko pero as lalong humigpit ang pagkakahawak nito. "M-May gagawin pa ako Gian, pakibitawan na ang braso ko." "Paano kung ayaw ko?" seryoso nitong tanong. "Hindi na kita kakaibiganin," diretso ang tingin na sabi ko. "Paano kung ayaw ko naman talagang maging kaibigan ka?" tanong pa nito. Tumaas naman ang kilay ko. "Okay lang. Choosy ka pa?" sikmat ko na ikinatawa nito. Biglang nawala iyong tensyon na nararamdaman ko kani-kanina lang. "Ang bilis ng kabog ng dibdib ko." Tila wala sa sariling sabi nito habang titig na titig na naman sa akin. "Bitaw na!" sabi ko. "Ayaw," sagot nito. At s**t nagpapa-cute pa talaga. Lumabas na naman ang dimple nito. Masama akong tumingin dito. "Kapag nakita tayo ni Sir George pareho tayong malilintikan do'n. Baka pareho tayong mapalayas dito, Gian!" sabi ko. Ngumisi lang naman ito. "Siya ang palalayasin ko rito, Jelaine," sabi nito. Napairap naman ako rito. "As if namang kaya mo? Walang malakas ang loob dito na kalabanin iyon, ano? Ikaw pa, eh bago ka lang rito. Ikaw ang palalayasin no'n." Nagtaka naman ako dahil sa halip na kakitaan ng takot ay ngumiti lang ito na parang balewala ang sinabi ko. "Hindi ka naniniwala sa akin? Kahit guwapo ka, hindi ka palalagpasin no'n. Kapag pinag-initan ka no'n, patay ka kay Sir." Hindi naman nawala ang ngiti nito. Hmpp! Mukhang inaakit ako ng kumag na ito. "Hindi ako nagbibiro kaya ngayon pa lang umayos ka na." Lalo lang namang lumawak ang pagkakangisi nito. "Hmp! Bahala ka na nga riyan!" inis na sabi ko at tinalikuran na ito. Lumapit ako sa kabilang gilid ng kama at sinimulang palitan ng cover. Dahil talagang mabigat iyon kaya't talaga namang nanulis ang puwet ko sa pag-angat niyon. "You need--, Ibig kong sabihin kailangan mo ang tulong ko?" tanong nito sabay iwas ng tingin sa akin. "Please? Ang bigat kasi nitong kama eh, ang hirap iangat," sagot ko naman hindi ko na mas'yadong pinansin ang muntik na naman nitong pagsasalita ng English. Ngumiti lang naman ito at saka pumunta sa kabilang ibayo ng kama. Tinulungan ako nitong ilagay ang kobre-kama. Nailagay ko na sa kabilang side ang kobre-kama. Hanggang sa may puwesto na nito ako maglalagay. Pilit kong iwinaksi sa utak ko ang naghuhumiyaw nitong muscles. "Usod ng kaunti," sabi ko. "Okay na?" tanong nito nang makausod. "Kaunti pa." "Okay na?" Tumango lang naman ako bilang sagot. Hirap na hirap akong ilagay ang kobre dahil medyo masikip ang espasyo. Pero hindi naman nagtagal ay nagawa ko rin. "Hay, salamat natapo--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pagharap ko kay Gian ay nakita ko itong titig na titig sa akin. Bigla akong nailang sa paraan ng pagtitig nito. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko rin ang ginawa nito kanina sa akin. Hinawakan ko ang gilid ng mga labi nito at pinunasan iyon. "Tulo laway mo, Gian," sabi ko sabay hagikhik. "Bawal ma-in love sa akin. Poor tayo," sabi ko pa. Nakita ko namang sumilay ang isang simpatikong ngiti sa mga labi nito. Hindi ako nito nilubayan ng tingin. "Hindi bawal tumingin, pero bawal mahulog sa ganda ko. Ikaw rin, hindi kita sasaluhin," pagbibiro ko pa. Lalo naman itong ngumiti dahilan para lumabas na naman ang dimple nito. "Paano kung ikaw ang mahulog sa akin? Anong gagawin mo?" may bahid ng panunukso ang boses nito. Natigilan ako sa tanong nito. Pero nang matauhan ay agad akong umiling dito. "Hindi ako puwedeng ma-in love sa 'yo." "Paano kung bigla mong maramdaman?" "Hindi mangyayari iyon dahil kontrolado ko ang puso ko at isa pa hindi ikaw ang ideal guy ko," sagot ko. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan iyon ng kaseryosohan. "Anong ideal guy mo? Kailangan ba talagang mayaman?" mababakas ang lungkot sa boses nito. Nag-iwas ako ng tingin rito at saka lumayo. "Sana magbago pa ang isip mo." Rinig kong sabi nito pero hindi ko na lamang pinansin pa. "Naku, tara na nga mamaya na tayo mag-usap ha. Baka hanapin na ako ni Sir George lagot na naman ako do'n," sabi ko. "Jelaine?" tawag nito. Hindi ko ito pinansin. Bigla akong kinabahan. Ewan ko ba. Matapos kong bitbitin ang mga gamit ko sa paglilinis ay iniwanan ko na ito. Hindi ko naman naramdaman na sumunod ito kaya tuluyan na akong lumabas. Kinakabahan ako. Kung bakit hindi ko alam. Medyo kakaiba kasi ang mga tingin ni Gian sa akin eh.Tinging nakakatakot at nakakapanlambot ng aking mga tuhod. Weird Piping usal ko bago nilisan ang floor na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD