Chapter 11 WYA

2133 Words

Jelaine's POV "Nililigawan ka na ba niya?" Napahinto ako sa ginagawa kong pagpapahid ng night cream sa mukha ko dahil sa tanong na iyon ni Lala. Nilingon ko ito at nakita ko itong tila prisesang nakahiga sa kama nito habang balot na balot sa kumot. Tila ginaw na ginaw ito kahit ang init-init naman ng gabi. "Nanliligaw na siya sa'yo?" muling tanong nito. "Nililigawan, nino?" tanong ko. Nagtaas naman ito ng isang kilay at nang-aarok na tumingin sa akin. Hindi pa ito nakuntento dahil bumangon pa ito mula sa pagkakahiga nito. Umusod ito papalapit sa gilid ng kama nito, malapit sa kinaroroonan ko. "Maang-maangan ka gurl?" "Sino ba kasi ang tinutukoy mo?" tanong ko at sa muling humarap sa salamin. "Si Gian, sino pa ba? Siya lang naman itong parang tukong dikit nang dikit sa'yo eh."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD