Jelaine's POV SIMULA nang ipagtanggol ako ni Gian kay Sir George ay tila naging night in shining armor ko na ito. Sa tuwing pag-iinitan ako ni Sir George ay bigla na lamang itong susulpot para ipagtanggol ako sa baklitang iyon. At nakakatakot mang aminin pero natutuwa at kinikilig ako sa tuwing gagawin ni Gian iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil alam ko kung ano ang gusto ko sa buhay. Mas napalapit ako rito dahil sa pag-aalaga nito sa akin nang magkasakit ako. Habang lumilipas ang mga araw ay mas napapalapit kay Gian ang loob ko dahil sa ipinapakita nitong kabaitan sa akin. Masaya ako sa tuwing kasama ito at kakuwentuhan. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon ay hindi ko pa rin nakakalimutan na hindi dapat lumagpas doon ang nararamdaman ko. Si Gian ang naging instant guy be