Chapter 2 WYA

1601 Words
JELAINE'S POV KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil gusto kong makita ang napakagandang sunrise. At dahil off ko ngayon, iwas muna ako sa Manager namin. Para iwas inis na rin. Sa loob ng anim na buwang pagtatrabaho dito sa El Greco Hotel ay talaga namang masaya ako. Sobrang breathtaking ang view lalo na sa umaga at dapat-hapon. Ang sarap mangarap na sana balang araw magkaroon ako ng sariling Resort. Bata pa lamang ako mahilig na ako sa dagat, Serena kasi ako choss. Habang pinagmamasdan ko ang papasikat na araw ay may nahagip ang aking mga mata. Dala nang kuryusidad ay naglakad ako papalapit sa aking nakita. Malapit na ako sa kinaroroonan niyon nang mapagtanto kong yate pala iyon na nakadaong sa pangpang. Hmm kanino kaya iyon? Tanong ko sa isip ko. Nang tuluyang makalapit ay hindi ko maiwasang hindi mapanganga nang makita ko sa malapitan ang yateng iyon. Sobrang ganda niyon at malaki rin, mukhang bago pa iyon. Masarap kayang sumakay do'n? Piping tanong ko sa isip ko habang sinisipat ang yateng iyon. "Kanino kaya it--, Aray! s**t, Aw ang sakit!" impit na daing ko nang maramdaman ko ang matulis na bagay na bumaon sa paa ko. Tumungo ako para tingnan ang paa ko. Doon ko nakita ang isang matulis na batong nakabaon sa paa ko. "s**t naman oh! Ang aga pa, malas na," ngiwing sabi ko. Umupo ako sa buhanginan para alisin ang nakabaong bato sa tsinelas ko na tumagos sa paa ko. Mariin akong pumikit para alisin ang batong iyon nang may mga kamay na pumigil sa kamay ko. Dali-dali akong nagmulat ng mga mata at sumalubong sa akin ang isang lalaking nakaluhod sa harapan ko habang nakatungo. Inalis nito ang tsinelas ko at saka hinawakan ang paa ko. At s**t ba't parang nakuryente ako? "Aww! Huwag mong pisilin!" inis na sabi ko. "Stay still, Miss," baritonong saad nito. Ang ganda ng boses, jusko ba't gano'n. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatungo ito sa paa ko. "Next time, huwag kang maglalakad nang hindi nakatingin sa nilalakaran mo," paalala nito. Hindi naman ako nagsalita dahil busy ako sa pag-iinspeksiyon dito. Hindi ko kasi makita ang mukha nito. Pero napansin ko na puro grasa ang kamay nito. At butas-butas na pantalong kupas ang suot nitong pang-ibaba. At nakasando ito ng puti. Mukhang marungis pero ba't gano'n ang bango. Huwag kang malandi, Jelaine. Sikmat ko sa sarili ko. "Ayan, ayos na," Rinig kong sabi nito. Nag-angat din ito ng mukha at doon ko nakita na ang guwapo pala nito. Hala jusko ang puso ko. At nang magtama ang mga mata namin ay kinabahan ako. Parang nanghihigop ang kulay tsokolateng mga mata nito. Nang hindi ko na kinaya ang mga tingin nito ay ako na ang unang nagbaba ng tingin. Bumalik sa katawan nito ang mga mata ko at doon ko na realize na bawal akong magka-crush dito. Dahil tulad ko ay mukhang trabahador rin ito rito sa Resort. Hmm erase-erase. Guwapo lang siya Jelaine. Hindi ka mapapakain ng kaguwapuhan. Paalala ko sa sarili ko. "Sa nilalakaran mo ikaw tumingin kapag naglalakad para hindi ka nasusugatan," mababakas ang pag-aalala sa boses ito. "S-Salamat," sabi ko nang makabawi. Nang muli ako nitong tingnan ay nakaramdam ako ng pagkailang dito. Medyo nataranta pa ako kaya mabilis akong tumayo, na sa katangahan ko ay nakalimutan kong masakit pa nga pala ang paa ko. Muntik na sana akong mapasubsob sa buhanginan kung hindi lang naging maagap ang lalaki sa paghawak sa beywang ko. Huli na nang mapagtanto ko na hindi pala iyon simpleng hawak lang dahil nakapulupot sa beywang ko ang dalawang braso nito. Teka? Yumakap? Oh my God, yakap-yakap niya ako? At mas alo akong kinabahan dahil tila bolta-boltaheng kuryente ang muli kong naramdaman dahil sa pagkakadaiti ng mga katawan namin. Agad akong lumayo rito. "Are you okay?" alalang tanong nito. "O-Oo, s-salamat," nauutal na sabi ko. Simpatikong ngumiti naman ito dahilan para lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. At may dimple si kumag. "You're welcome. Be careful, baka sa susunod hindi na kita masalo, sayang ang mukha mo ang ganda pa naman," ngiting sabi nito. Batid kong namula ang aking mukha sa prangkang papuri nito sa akin. Kabisado ko na ang mga ganitong takteka kaya hindi ito uobra. Ngumiti na lamang ako rito. Since mukhang mabait naman ito wala naman sigurong masama kung makipag-usap ako rito. "Bago ka ba rito?" pagkuwa'y tanong ko. Parang natigilan naman ito sa tanong ko. "I mean, kung bagong trabahador ka rito sa Resort? Parang ngayon lang kita nakita eh," dugtong ko pa. Sa halip naman na sumagot ay lalo lang itong natigilan. "Okay lang kung ayaw mong sagutin," sabi ko at tangkang aalis na nang pigilan nito ang braso ko. Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa akin. Puro grasa iyon. "Sorry, nadumihan ka," nahihiya nitong sabi sabay bawi ng kamay. Ngumiti naman ako rito. "Okay lang, hindi ko naman ikamamatay iyan." Gumanti naman ito nang ngiti at bumalik sa gilid ng yate. Parang may inaayos ito roon. Sumunod ako rito at pinagmasdan ito habang may ginagawa. Umupo ako sa buhanginan habang pinanunuod ito. "So, bago ka rito?" muling tanong ko. Nag-angat ito nang tingin sa akin. Parang nag-iisip pa ito kung sasagutin ang taong ko o ano. "Yeah--, I mean oo," sagot nito. Natawa naman ako rito. Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang English nito. "Okay lang kung gusto mong mag-English, nakakaintindi naman ako kahit paano," tumatawang sabi ko. "Okay, tagalog na lang," sagot nito at ibinalik ang tingin sa ginagawa. "Kaninong yate iyan? Parang ngayon ko lang nakita, at saka ikaw," tanong ko. Umiiral na naman ang pagiging marites ko. Charr. Gusto ko lang gawing makabuluhan ang off ko. "Sa may-ari ng Resort. Kakapasok ko lang dito kaya ngayon lang tayo nagkita," sagot nito. Napatango-tango naman ako. "Ahh, nice to meet you, ha," sabi ko. Muli itong napatingin sa akin. "Same here," walang prenong English na naman nito. English-sero ang kumag. "Jelaine ang pangalan ko, ikaw?" Natigilan naman ito. Titig na titig ito sa akin. "Hoy, sabi ko Jelaine ang pangalan ko, ikaw kako?" muling sabi ko. "Ah, ako si G-Gian," maikling sagot nito. Parang hindi pa ito sigurado sa mismong pangalan nito. "Ahh, nice to meet you, Gian. So, anong trabaho mo rito?" Sandali muna itong nag-isip bago sumagot. "All around ako rito, mekaniko, tubero, electrician. Kahit ano puwede mong ipagawa sa akin," sagot nito habang nakangiti. Ang guwapo talaga. Ang perfect naman nito, iyon nga lang mekaniko ito ng Resort. Don't get me wrong po, wala akong problema sa mekaniko o anong trabaho. Pangarap ko lang talagang ma-in love sa mayaman. Iyon lang iyon. "Dapat nag-artista ka na lang, Gian," sabi ko. Humalakhak naman ito. "Bakit naman?" manghang tanong nito. "Guwapo ka, matangkad, tapos ang kinis ng kutis mo. Muntik na kitang maging crush kaso poor ka rin kagaya ko," matapat na sabi ko. Nakita ko naman ang pagguhit ng amusement sa mga mata nito. Tumigil ito sa ginagawa nito at lumapit sa akin. Napalunok ako nang makita ko ang butil-butil nitong pawis sa dibdib na tumutulo papunta sa bandang tiyan nito. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. "Kung gusto kitang ligawan in the future wala akong pag-asa sa'yo?" Umiling ako bilang sagot. "Why?" "Iyong totoo?" tanong ko. Tumango naman ito kaya nagdesisyon akong aminin ang totoo. "Kasi gusto kong makapangasawa ng mayaman balang araw, iyong hindi natin kasing purita," walang filter na sagot ko. Gusto kong makilala niya ako kung ano talaga ang gusto ko. Nalungkot naman ang mukha nito. "Sayang naman, muntik na rin kitang maging crush kaso ayaw mo pala sa poor," malungkot na sagot nito. Natawa naman ako rito. "Friends na lang tayo, Gian," suhestyon ko. "Paano kung ayaw ko?" Umirap naman ako rito. "Choosy ka pa ba? Ayaw mong magkaroon ng kaibigan na kasing ganda ko?" Mangha akong napatingin dito nang muli itong humalakhak. Buhay na buhay ang tawa nito. "You're funny," sagot nito. Ayon na naman sa mga English nito eh. Parang sanay na sanay itong magsalita ng gano'n. "I'm beautiful," ingos ko. Lalo naman itong tumawa. Tss. Baliw pa yata ang lalaking ito. "Conceited, huh?" Pinalo ko ito ng tsinelas ko. "Hindi 'no! Tumingin ka sa akin, makikita mong maganda talaga ako." Masunurin naman itong lumapit sa akin at pinakatitigan ako. Bahagya akong napaatras nang malanghap ko ang mabangong hininga nito na tumatama sa mukha ko. Nakakatuyo ng lalamunan ang mga mata nito. "Oops, tama na, tingin lang hindi titig," pabirong sabi ko at bahagya itong itinulak. Lumayo naman ito pero hindi inalis ang tingin sa akin. Titig na titig pa rin ito. "Anong masasabi mo?" kabadong tanong ko. "Yeah, maganda ka. Sobrang ganda," halos pabulong na sabi nito. Pero sapat na para umabot sa pandinig ko. Napangiti naman ako rito. "Told you, so ano friends?" mayabang na sabi ko at inilahad ko ang kamay ko rito. "Shake hands tayo," udyok ko hindi kasi nito inaabot ang kamay nito. "May grasa ang kamay ko." "So?" "Marurumihan ang kamay mo." Ngumiti naman ako rito at saka kinuha ang kamay nito. "Ayan, friends na tayo ha. Huwag kang choosy, guwapo ka lang," sabi ko at saka binuntutan nang magiliw na tawa. Naramdaman kong pinisil nito ang kamay ko dahilan para kumabog ang dibdib ko. Agad ko naman iyong hinila at iika-ikang umatras palayo rito. "Mauna na ako sa 'yo. Basta friends na tayo ha," sabi ko. "Tandaan mo ang pangalan ko, Jelaine, okay?" pahabol na sabi ko. Nakangiting tumango naman ito. Kumaway ako rito. "Bye, Gian!" sigaw ko. Gumanti naman ito nang kaway sa akin. Magaan ang loob na tuluyan na akong umalis sa dalampasigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD