Chapter 1 WYA

2268 Words
JELAINE'S POV Maaga pa lamang ay pagod na pagod na ang pakiramdam ko dahil sa walang tigil na pagtatrabaho. Weekend kasi at talaga namang dagsa ang mga guest dito sa Hotel and Resort na pinapasukan ko. Anim na buwan na ako rito at wala naman akong mairereklamo, bukod sa wala pa akong nakikitang lalaking mag-aahon sa akin sa kahirapan ng buhay. Pangarap kong makapag-asawa ng mayaman na foreigner, iyon nga lang mailap sa akin ang kapalaran. Hindi raw kasi tipo ng mga Kano ang hitsura ko sabi ng mga kaibigan ko rito sa Resort. Hindi naman sa pagmamayabang ay maganda naman ako, puwede ng pang-beauty contest. Ilang beses ko nang sinubukan na sumali, kaso nga lang laging luhaan. Beauty and konting brain lang kasi ako. Charr. Pabagsak akong humiga sa ibabaw ng kama ng Hotel room na katatapos ko lang linisin. Sinong hindi mapapagod sa sobrang bigat ng mga comporter at bedsheets, tapos ako lang mag-isa. Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong-hininga habang nakatitig sa kisame ng kuwaryong iyon. "Hay, buhay! Kailan kaya ako yayaman?" tanong ko sa sarili ko. Idinipa ko pa sa magkabilang-gilid ko ang aking mga braso habang nakatitig pa rin sa kisame eh. "Kailan kaya ako yayaman?" muling tanong ko sa sarili ko. "Kapag tumayo ka riyan at hindi iyong pahila-hilata sa oras ng trabaho!" sigaw ng boses na iyon dahilan para mapabalikwas ako nang bangon. Sumalubong sa akin ang nanlilisik na mga mata ng aming baklang Manager. Nakapameywang pa ito sa harap ko na animo siya ang mag-ari ng Hotel. "S-Sir," sabi ko nang makabawi sa pagkagulat. Sa kabila ng kabang aking nararamdaman ay nagawa ko pa rin namang tumayo sa harap nito. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan at salubungin ang mga mata nitong kanina pa masama ang tingin sa akin. "Look at me, Ms. Sandoval!" mariin na utos nito. Wala akong nagawa kun'di ang pagtiisan ang mukha nito. Tumingin ako rito at nakita ko ang nakakaalibadbad na mukha nito. Puro tigidig kasi ito, na wala naman sanang kaso pero kasi naman eh hindi na nga maganda hindi pa bumawi sa ugali. "S-Sir." "Anong ginagawa mo rito?" mataray na tanong nito. "Naglinis po," magalang pa rin na sagot ko. Tumaas naman ang kilay nito. "Naglilinis ka kamo? Puwes hindi iyon ang naabutan ko! Sinong nagsabi sa'yo na puwede kang humilata sa oras ng trabaho mo?" asik pa nito. Nanggigigil naman ang kalooban ko. Humilata agad, eh nagpahinga lang naman ako. Ni hindi pa nga nag-iinit ang likod ko. Napaka oa talaga ng baklitang ito. Kapag iyong mga kasamahan kong lalaki ang nahuhuli wala namang pakialaman. Tssss. Matagal ng mainit ang dugo nito sa akin eh. Kahit noong unang pasok ko pa lamang dito hindi na ako nito pinakitaan ng maganda. Kahit wala naman akong ginagawang masama rito. "Anong tinatanong mo sa sarili mo, kung kailan ka yayaman? Hoy! Huwag kang ambisyosa, lalo na kung tatamad-tamad ka!" bulyaw nito sa akin. Hindi naman ako nakakibo sa pangmamata nito sa akin. Napatungo na lamang akong muli. Lumapit ito sa akin at sapilitang itinaas ang mukha ko. Hinawakan nito nang mariin ang baba ko. "S-Sir, b-bitawan n'yo po ako," sabi ko sa mahinang boses. Inismiran naman ako nito at mas lalo pang diniinan ang hawak sa aking baba. "Makinig kang mabuti, at itatak mo itong sasabihin ko sa utak mo, kung mayro'n man! Kung gusto mong yumaman, ito ang mga dapat mong gawin! Una, huwag kang tatamad-tamad. Pangalawa, huwag kang maglamiyerda kapag oras ng trabaho! Pangatlo, matuto kang lumugar sa dapat mong lugaran. Pang-apat, hindi ka yayaman sa pagiging hamak na katulong. At ang ika-lim--" "Tama na po, Sir," nanggigigil na awat ko rito at binaklas ang kamay nitong nakahawak sa baba ko. Matapang na sinalubong ko ang mga mata nito at taas noong humarap dito. "Huwag n'yo pong mas'yadong hamakin ang pagkatao ko dahil kagaya ko tauhan lang din kayo rito. Siguro nga po katulong lang ako, mas mababa kumpara sa posisyon na kinalalagyan n'yo ngayon. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na wala kang karapatan na maliitin ang pagkatao ko," sabi ko pa. Lalong nanlisik ang mga mata nito at akmang isasampal sa akin ang palad nito pero mabilis kong nahawakan ang pulsuhan nito. "Huwag kang magkakamali na padapuin sa mukha mo ang palad na ito, Sir, dahil hindi ako tatayo lang dito para panuorin kang saktan ako!" sabi ko at mariing hinawakan ang pulsuhan nito. "Anong karapatan mong sagot-sagutin ako ng ganiyan?!" sigaw nito. Marahas nitong inalis ang kamay ko sa pulsuhan nito. At dahil lalaki pa rin ito, nagawa nitong maalis iyon. Medyo gumiwang pa ang pagkakatayo ko dahil medyo malakas ang puwersa nito. "Alam mo bang kaya kitang alisan ng trabaho dahil sa pagiging walang modo mo sa akin?!" muling panggagalaiti nito. "Kayo po ang nagsimula na saktan ako, Sir. At kahit katulong lang po ako rito kagaya ng sabi ninyo, wala rin po kayong karapatan na saktan ako. Matatanggap ko pa kung lait-laitin ninyo ako, pero iyong saktan ninyo ako ay hindi ko mapapalampas iyan." Buo ang loob na sagot ko rito. Alam ko kasi kung ano ang karapatan ko bilang tao. "Iri-report kita sa Boss natin dahil sa kagaspangan ng ugali mo, Ms. Sandoval!" "Go ahead, Sir, para malaman nila ang mga ginagawa n'yo rito sa aming mga maliliit na tauhan nila. At gusto kong ipaalala sa inyo na may cctv camera rito sa room kaya kayang-kaya kong patunayan na kayo ang nagsimula at hindi ako," matatag ang boses na sabi ko. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nito, hindi siguro nito inaasahan na magagawa kong sumagot dito. Dati-rati kasi ay hindi ako pumapalag sa bawat sabihin at gawin nito sa akin. "Tama ka, may cctv camera rito at sasabihin ko sa Boss na tamad ka rito. Kayang patunayan ng cctv camera iyan!" sabi nito nang makabawi. Sa halip na masindak sa pananakot nito ay nagkibit-balikat lang ako. "Go ahead, Sir. Pagod na akong sumunod sa mga baluktot ninyong sistema. Tingnan natin kung kanino papanig ang pagkakataon kapag nalaman ng Boss kung anong klaseng Manager ka," matapang na sagot ko. Lalo namang nanggigigil ang mukha ng baklang ito. "Huh! Sure, hinahamon mo ako ah," nakakalokong sabi nito. "Yes, Sir, I dare you." "Aba't--" "Kung wala na po kayong kailangan sa akin, aalis na po ako," putol ko sa sasabihin nito. "Umalis ka! At kung maaari umalis ka na nang tuluyan!" Halos maglabasan na ang ugat nito sa leeg. "Baka mauna ka pa po sa akin, Sir," bulong na sabi ko. Mukhang narinig naman nito iyon base sa galit na rumihestro sa pangit nitong mukha. "Anong sabi mo?!" "Ang sabi ko po, aalis na po ako, Sir." "Get out!" sigaw nito. Nagmamadali naman akong naglakad palabas ng pinto, takot din naman ako sa baklang iyon, ano? Lalaki pa rin iyon at malakas sumuntok iyon. Bago ko pa maisara ang pinto ay narinig ko itong nagsalita. Sinabi nito na akala ko raw sino akong maganda. Ay maganda talaga ako 'no? Kumpara naman sa kaniya, na mukhang, hmm ayaw ko na lang mag-talk. Tuluyan na akong umalis sa kuwartong iyon na mabigat ang pakiramdam. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sobrang mainit ang dugo nito sa akin, gayong wala naman akong ginagawang masama. At iyong naabutan niya akong nakahiga, sandali lang iyon. Ipinahinga ko lang ng sandali ang nananakit kong likod. Ayos lang na pagalitan niya ako kung talagang tamad ako pero hindi naman ako gano'n eh. Pinahahalagahan ko ang trabaho ko rito dahil malaki ang naiitulong nito sa pamilya ko sa probinsiya. Sa aking Lolo at Lola. _ _ _ _ _ _ _ MATAPOS kong gawin ang lahat ng trabaho na nakalaan sa akin ay pumasok na ako sa quarters naming mga babae. Stay in kami rito sa Resort kaya may sarili kaming tulugan dito. Pabagsak akong nahiga sa kama dahil pakiramdam ko patang-pata sa pagod ang aking katawan. "Bakit parang puwet ng manok iyang nguso mo, bebe?" tanong ng kaibigan kong si Lala. Kaibigan ko na ito dati pa, at ito ang tumulong sa akin para makapasok dito sa Resort. Kaedad ko lamang ito at parang kapatid na ang turingan namin. Kagaya ko ay taga-Quezon Province rin ito. Tumabi ito nang higa sa akin. "Hoy, anong nangyari? Hindi ka nag-lunch kanina ah," tanong pa nito. "Napagod ako eh," simpleng sagot ko. Nagulat ako nang pabirong kurutin nito ang tagiliran ko. "Eh 'di mas dapat kang kumain kasi pagod ka," sabi nito. "Wala akong gana eh, saka nagmeryenda naman ako kanina." "Walang gana kasi nagkainitan na naman kayo ni Bakla kanina." Mabilis akong napalingon sa kaibigan ko. "Alam mo?" tanong ko. Malungkot na ngumiti naman ito bago tumango. "Alam na alam ko, hinihintay nga kitang magkuwento sa akin eh." "Paano mo nalaman?" tanong ko na hindi tumitingin dito. Naramdaman ko naman itong bumangon sa kama at umupo sa tabi ko. "Sinabi ni Katya, napadaan daw siya sa kuwartong nililinis mo kanina at nakita niyang nagkakainitan kayo ni Sir, nakita pa raw niya na muntik ka na niyang sampalin," inis na sabi nito. Bumangon na rin ako sa kama at tumabi rito. "Hindi naman nangyari iyon, siyempre hindi naman ako papayag na saktan niya physically, ano? Kayang kong palampasin ang mga panlalait at pamamahiya niya sa akin pero iyong saktan, hindi puwede iyon, Lala." Lumingon naman ito sa akin at mababakas ang tuwa sa mukha. Hinawakan pa nito ang kamay ko at masuyong pinisil. "Bakit ganiyan ang ngiti mo?" hindi nakatiis na tanong ko. Bigla kasing umaliwalas ang mukha nito. "Kasi natutuwa akong marinig na lalaba ka kapag kinante ka niya. Ang akala ko kasi hindi ka lalaban at hahayaan lang siya eh," masayang sabi nito. Natatawang inakbayan ko naman ito at kinabig palapit sa akin. "Siyempre hindi, ano? Hindi naman porke hindi ako pumapalag eh papayag na ako nang gano'n, siyempre hindi, Lala. Kilala mo akong malawak ang pasensya pero huwag lang masasagad kasi palaban din ako, alam mo iyan." "Kaya nga Idol kita eh. Hindi ka lang maganda, mabait pa." Nanggigigil na niyakap ko ito nang mahigpit. "Binobola mo naman ako niyan eh." "Hoy, hindi ah! Totoo iyan, kaya huwag ka nang sumimangot nakakapangit iyon, ipaubaya mo na iyon kay Sir George," anito at sinundan ng malutong na tawa. Maging ako ay nahawa na sa kalokohan nito. "Baliw ka talaga," pagkuwa'y sabi ko. "Totoo naman ah, bakit gusto mo bang maambunan ng kachakahan niya?" "Siyempre hindi, tama ka naman ipaubayana natin iyon sa kaniya," sabi ko dahilan para muli itong matawa. "Alam mo may alam akong gamot para mawala ang inis mo, Jelaine," anito at saka nagpatiunang tumayo. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako patayo. Wala naman akong nagawa kun'di ang magpatianod dito. "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko nang makalabas na kami ng pinto ng quarter namin. "Sa lugar kung saan naglipana ang mga Fafa," sabi nito. "Saan?" tanong ko. Siyempre nabuhay na naman ang katawang lupa ko. Tumaas naman ang kilay nito. "Kow, basta talaga Fafa ang bilis mo, bebe!" "At ikaw, hindi?" tanong ko. "Siyempre ako rin!" mabilis na sagot nito. Kagaya ko single rin ito at ready to mingle ika nga. "Tara let's, bebe. Dumidilim na at kailangan na nating manghuli ng matabang isda," sabi nito at saka sinundan nang hagikhik. Natatawa namang sumunod na lang ako rito. Magkaagapay kaming naglakad papunta sa dalampasigan ng Resort. Panay ang harutan namin ng kaibigan ko habang naglalakad papunta sa dalampasigan. At ito ang isa sa pinakagusto ko sa lugar na ito. Na kahit maghapon kang pagod dahil sa trabaho ay agad na mawawala basta tumanaw ka lang sa kalmadong dagat. "Ang sarap sigurong maging bakasyunista, 'no?" pagkuway tanong ko. Tumawa naman ang kaibigan ko. "True, sana balang araw maranasan din natin iyong ganito," tila nangangarap na sagot naman nito. "Oo nga eh, kailan naman kaya iyon?" tanong ko. Nang makarating kami sa dalampasigan ay umupo kami sa buhanginan. Feeling turista rin kami ni Lala. "Kapag nakahuli ka ng matabang isda. At sa ganda mong iyan hindi malabo na mangyari iyon, 'no," sagot nito. Ang matabang isda na sinasabi namin ay isang Foreigner na mayaman. Katulad ko ay nangangarap din itong makapag-asawa ng mayaman. "Maganda ka rin naman ah," sagot ko. "Anong sinabi ng ganda ko sa ganda mo? Honestly speaking bebe kung hindi kita kilala iisipin kong mayaman ka. Sa ganda mo at sa kutis mong iyan? Naku, hindi malabong yumaman ka talaga," sabi nito. Napapangiti namang inakbayan ko ito. "Eh ang kaso nga hindi raw ganitong mukha ang tipo nila." Tumawa naman ito. "Kung hindi ka makakakuha ng Foreigner eh 'di iyong Pinoy. Ang dami kayang mayayaman na guest dito. Malay mo may isang mabihag ng ganda mo, eh di bongga," sagot nito. "Gusto ko Foreigner para maganda ang lahi," sabi ko pa sabay tawa. "Hindi nga nila bet ang awra mo. Gusto nila iyong mga kagaya ko, bebe. Iyong mga exotic beauty ba," sagot nito. Na totoo naman dahil hindi iilang beses na may lumapit na Foreigner sa amin pero lahat sila ay kay Lala interesado at hindi sa akin. Tulad ngayon may papalapit na lalaki sa gawi namin pero kay Lala nakatutok ang mga mata nito. Maganda rin naman si Lala. Napangiti ako nang kausapin ito ng lalaking lumapit sa amin. Mukhang type nito ang kaibigan ko. Habang nag-uusap ang dalawa ay tahimik lamang ako sa tabi ni Lala. Nang medyo masinsinan na ang pag-uusap ng mga ito ay pasimple na akong umiskapo para bigyan sila ng privacy. At nagsimula na nga akong maglalakad-lakad sa dalampasigan. Baka sakaling makasalubong ko na ang aking forever. Kung may forever nga ba talaga. O baka forever alone na. Nyay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD