Chapter 3 WYA

2172 Words
GIAN MARCO'S POV MATAPOS kong ayusin ang nasira sa yacht ko ay bumalik na ako sa Hotel kung saan ako namamalagi. Magtatanghali pa lamang pero pagod na ako dahil sa inayos ko at dahil na rin sa taas nang sikat ng araw. Masakit na iyon sa balat lalo pa't nakasando lamang ako. Habang naglalakad pabalik sa hotel, ay hindi mawala sa isip ko ang babaeng nakausap ko kanina. Actually, kagabi ko pa ito nakita at narinig ko pa nga ang usapan nila ng kasama nitong babae. Out of curiosity ay tumigil ako sa tapat ng mga ito nang mapatapat ako. Kagagaling ko lang no'n sa kabilang Isla na pagmamay-ari rin ng pamilya ko. At doon nga ay narinig kong nagha-hunting sila ng mayamang guest dito sa Resort. Na disappoint pa ako nang marinig ko ang usapan nila kagabi at hindi ko inaasahan na makakausap ko itong muli kanina. Habang naglilinis kanina ay nakita ko itong nakatitig sa yate ko. Habang abala ito sa pagtitig sa yate, ako naman ay abala rin sa pagtitig dito. At kung kagabi ay hindi ko mas'yadong nakita ang mukha nito, kanina naman ay nakita ko na. At napakaganda nito. Sanay na akong makakita ng maganda, lalo na sa Manila. Pero tila may kakaiba rito, hindi ko kayang paglabanan ang kagustuhang titigan ito. Hindi ko maiwasang mapangiti kanina habang pinagmamasdan ang magandang mukha nito. Nakita ko pa ang paglambong ng mga mata nito habang nakatitig sa yate ko na animo ito hindi makapaniwala sa nakikita. At dahil hindi ito nakatingin sa nilalakaran nito ay nakita kong nakayapak ito ng nakausling bato. Na agad ko namang nilapitan dahil mukhang nasaktan ito. At doon ay mas nakaramdam ako nang kakaiba. Pinilit kong binalewala iyon dahil estranghera pa ito sa akin. Matapos ko itong tulungan ay hindi ko inaasahan na makikipagkuwentuhan pa ito sa akin. At ang mas ikinagulat ko sa lahat, ay ang mapagkamalan ako nitong trabahador ng Resort. Noong una ay parang gusto kong mainsulto sa maling akala nito pero nang ma-realize ko ang ayos ko ng mga sandaling iyon ay naintindihan ko ito. Mukha nga naman akong trabahador ng Resort. At ewan ko dahil sa halip na ipakilala ang sarili ko ay mas pinili kong sakyan ang unang akala nito. This is really exciting. The Handsome CEO become a utility man? This is gonna be fun. Hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa makapasok ako sa hotel room ko. "Got'cha!" malakas na tinig nang buksan ko ang pinto. Halos mapatalon ako sa sobrang gulat. "Damn you!" buwisit na sabi ko sa dalawang pinsan kong ngayon ay malakas na tumatawa. "Damn you too, man," ganting sabi ni Nathan. "Ano bang ginagawa n'yo rito?" kunot-noong tanong ko. "Bakit gan'yan ang hitsura mo, pinsan?" sa halip ay tanong ni Ivan. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Mga pinsan ko sila sa side ni Dad. Magkakapatid ang mga ama namin. "Anong ginagawa n'yo rito sa kuwarto ko?" sa halip ay muling tanong ko. "Binibisita ka, ano pa ba?" sagot ni Nathan. At kagaya ni Ivan ay tiningnan din ako nito mula ulo hanggang paa. "Saang lupalop ka nanggaling at gan'yan ang ayos mo? Mukha kang taong grasa, man," dugtong pa nito. "May inayos ako sa yate ko," simpleng sagot ko. Nangunot naman ang noo ng dalawa. "Nasaan ang mekaniko mo?" tanong ni Ivan. "Nasa kabilang Isla pinaiwanan ko ro'n, may ipapagawa raw si Ate Deina," sagot ko. Si Ate Deina ay pinsan ko rin sa side ni Dad. Tumango-tango naman ang mga ito. Iniwan ko muna ang mga ito at pumasok sa banyo. Balak kong maligo muna dahil kanina pa ako nalalagkitan sa aking sarili. Maghuhubad na sana ako nang mapansin ko na tumatagas ang girpo. Sira ba ito? Tanong ko sa isip ko. Dali-dali akong lumabas para tanungin ang mga pinsan ko, para lang ako matigilan dahil kausap ng dalawa ang babaeng kanina lang ay laman ng isip ko. Anong ginagawa n'ya rito? Hinahunting ba n'ya ang mga pinsan ko? s**t, no! Paghuhurumintado ng isip ko. Nakita kong kakaiba ang tingin ng dalawa rito at hindi ko nagustuhan iyon. Walang pagdadalawang-isip na lumabas ako ng banyo at lumapit sa mga ito. Nagulat ang mga pinsan ko sa bigla kong pagsulpot sa tabi ng mga ito, pero mas nagulat yata ang babae nang makita ako. Mukhang hindi nito inaasahan na narito ako. "Gian! Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong nito. Napakamot naman ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko lalo pa't narito ang mga pinsan ko. Na ngayon ay palipat-lipat na ang tingin sa amin ni Jelaine. "Hoy, anong ginagawa mo rito?" muling tanong ni Jelaine. "Hm...ano, nag-aayo--" "Oh, he's here because he is the CE---" "Nag-aayos ako ng gripo sa banyo, sira eh," mabilis na sansala ko sa sasabihin ni Ivan. Nakita kong kunot-noo itong tumingin sa akin. "Ay, ikaw ba ang gagawa ng gripo rito? Inutusan kasi ako ni Sir George na gawin ang gripo rito. Hindi ko alam na narito ka na pala. Tamang-tama dahil hindi naman ako marunong mag-ayos n'yan, mas'yado lang mainit ang dugo ni Sir sa akin kaya kahit off ko trip akong utusan," walang prenong sagot ni Jelaine. Kung kunot ang noo ng mga pinsan ko dahil sa takbo nang usapan namin nito ay mas kunot pa yata ang noo ko kaysa sa mga ito. Off nito? At ito ang mag-aayos ng gripo? What the hell? "Sinong nag-utos sa'yo na mag-ayos ng gripo rito? Hindi si Sir George 'di ba, kasi ako ang inutusan niyang gumawa niyan eh." Narinig ko namang sabay na tumawa ang dalawang pinsan ko. "May nag--" "Tapos ka na ba sa pag-aayos ng yate ng boss mo?" sansala nito sa dapat ay sasabihin ko. Lalo namang natawa ang dalawa sa gilid ko. Nakita ko pang panay ang sikuhan ng mga ito. Tumango naman ako bilang sagot dito. "Sakto, kasi hindi talaga ako marunong mag-ayos ng gripo, Gian," parang batang sabi nito. "Puwede bang tulungan mo ako?" tanong pa nito. "Ako na lang ang gagawa," sagot ko. Ngumiti naman ito. "Thank you, Gian. Hulog ka talaga ng langit," masayang sabi nito at saka sinundan nang tawa. "Miss, hindi tubero ang pinsa--, awww!" Hindi natapos ni Ivan ang sasabihin nito dahil pasimple ko itong tinadyakan sa paa. "Day off mo kamo?" sa halip ay tanong ko. "Oo, off ko ngayon. Kaso si Sir George paborito akong pag-initan kaya kahit hindi ko trabaho iuutos sa akin. Kahit hindi ko naman alam kung paano gawin," nakasimangot na tila sumbong nito. "Huwag kang mag-alala ako na ang gagawa no'n," tukoy ko sa gripo na tumatagas. Ngumiti naman ito at hinawakan pa ang kamay kong puro grasa pa rin. "Thank you, ha. Mabuti na lang talaga friends na tayo. At mabuti na lang kasi dumating ka dito," walang prenong sabi nito. Sabay na namang natawa ang mga pinsan ko. "Miss, he's not a Plum--, Ouch!" daing ni Nathan ng sipain ko rin ito. Katulad ni Ivan ay gusto nitong itama ang maling akala ni Jelaine. Pailalim kong tiningnan ang mga pinsan ko at mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin, kaya ngumisi na lang ang mga ito. At saka nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa amin ni Jelaine, na ngayon ay napakaganda ng mga ngiti sa mga labi. "Sa banyo muna ako, gagawin ko lang iyong gripo." "Puwede bang dito muna ako? Hihintayin kitang matapos ha. Para kunwari ako talaga ang gumawa ng gripo, baka masapak na ako ni Sir eh," sabi pa ni Jelaine. Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Mukhang may nangyayari rito sa Hotel na hindi alam ng management ah. "Of course, you can stay here un---" Kusa akong natigilan sa pagsasalita dahil kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito. "Ibig kong sabihin puwede kang mag-stay dito hanggang sa matapos ako. Gusto mo sumama ka sa banyo para makita mo kung paano ko gawin. Para kapag tinanong ka ni Sir mo alam mo ang isasagot mo," sa halip ay suhestyon ko. Rinig kong napasinghap ang mga pinsan ko. Lalo namang lumawak ang ngiti ni Jelaine dahil sa sinabi ko. Ni hindi na nito nagawang sumagot dahil nauna pa itong pumasok sa banyo. "Thank you, Gian ha. Salamat talaga dahil ikaw ang bagong utility man dito," sabi pa nito nang makapasok na sa banyo. Masama akong tumingin sa dalawa nang hindi nila napigil ang pagtawa. "Shut your mouth!" banta ko sa dalawa. "Areglado, utility man," ngising sagot ni Nathan. "Mukhang bagong modus mo 'to, ha," saad naman ni Ivan. "Gian, halika na. Para matapos na natin 'to." Rinig naming tawag ni Jelaine. Lalo namang ngumisi ang dalawang ungas. "Halikan na raw kayo, pinsan," ngising sabi pa ni Ivan. "Baka kailangan mo ng privacy, lalabas muna kami ni Ivan, pinsan," ani Nathan. "Pero maligo ka muna ha, ang bago mo promise," dugtong p nito. "Basta manahimik kayo ha---" "Gian, halika na." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil muli akong tinawag ni Jelaine. Bago pumasok sa banyo ay nagbabanta muna akong tumingin sa mga pinsan ko. Sumaludo lang naman ang mga ito habang malawak ang mga mgisi. _ _ _ _ _ _ _ HINDI naman natagalan at natapos ko nang ayusin ang tagas ng gripo. Kinailangan lang pa lang palitan ng gasket dahil maluwag na iyon. Agad naman kaming lumabas ng banyo ni Jelaine "Thank you ulit, Gian ha," ulit na pasalamat nito. Hindi ko na alam kung ilang beses na itong nagpasalamat sa akin. "Walang anuman," sagot ko. Hindi ako makaporma nang maayos kay Jelaine dahil kanina pa ako naaalibadbaran sa mga ngisi ng mga pinsan ko. "Sige ha, mauna na ako sa 'yo. Salamat po mga Sir pogi. Enjoy your vacation," masiglang bilin nito sa mga pinsan ko. "Yeah, I'm sure mag-i-enjoy kami rito," sagot ni Nathan sabay kindat kay Jelaine. Namula naman ang mukha nito dahil sa ginawa ni Nathan. "Mauna ka na, Jelaine, sabihin mo sa Sir mo tapos ng gawin, okay?" sabi ko. Gusto ko na itong umalis sa kuwarto ko dahil naiinis na ako sa mga pinsan ko. "Sige, Gian," sagot nito at saka naglakad na papunta sa pintuan. Bago nito maisara ang pinto ay muli itong nagpasalamat sa akin. Tumango lang naman ako bilang tugon dito. Pabalik na sana ako sa banyo nang biglang tumayo si Nathan at malakas akong batukan. Masama akong tumingin dito. "What?" "Anong what? Huwag mo kaming ma-what-what diyan! Anong trip naman iyon, utility man?" manghang tanong nito. "Care to explain, utility man?" segundang pang-aasar naman ni Ivan. "Later, maliligo lang ako," sagot ko at nagtuloy-tuloy na ako sa banyo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mapangiti at mapaisip at the same time. Parang may something na nangyayari rito na hindi nakakarating sa management. At mukhang magandang idea ang naisip kong pagtatago ng true identity ko para mas madaling malaman kung ano ang something na iyon. _ _ _ _ _ _ _ JELAINE'S POV "Saan ka galing, bebe?" tanong ni Lala nang mapasukan ko ito sa quarter namin. "Kanina ka pa?" sa halip ay tanong ko. "Hindi pa natatagalan. Ikaw, saan ka naman galing?" balik-tanong nito. Napasimangot naman ako nang maalala ang inutos ni bakla sa akin kanina. Mabuti na lamang at narito si Gian. "May ipinagawa na naman sa 'yo ang baklang iyon, 'no?" Hindi naman ako sumagot bagkus ay humiga na lamang ako. Bukod kasi sa sirang gripo ay may ipinagawa rin itong iba sa akin. "Hoy! Sabihin mo sa akin at nang maturaan ng leksiyon ang baklitang iyon!" "Hayaan mo na lang, mauubos lang ang enerhiya ko kung papatulan ko s'ya lagi. Basta kaya kong magpasensya, pagpapasensyahan ko s'ya. Huwag lang akong masasagad dahil lalaban na talaga ako," sagot ko. "Bakit kasi walang malakas ang loob na magsumbong sa management tungkol dito. Inaabuso na tayo ng baklang iyon eh. Lalo ka na, ikaw ang pinaka pinag-iinitan n'ya sa tuwina," sabi pa nito. Ngumiti naman ako upang bigyan ito nang assurance na ayos lang ako. Huwag lang talagang masasagad dahil hindi naman ako magpapatalo. Ayaw ko lang ng gulo kaya magpapasensya ako hanggang kaya ko. Hangga't verbal lang ang ginagawa nito ay kaya kong palagpasin. Huwag lang physical dahil ibang usapan na iyon. Pinalaki akong palaban ng mga Lolo at Lola ko, lalo na kung nasa tamang katwiran. "Kumusta naman ang date mo?" pagkuwa'y tanong ko. Para maiba lang ang usapan, utang-uta na akong pag-usapan si Sir George pakiramdam ko malalagas na ang bulbol ko. Matamis na ngumiti naman ito. "Super nag-enjoyed ako. Sobrang sweet ni Mamang pogi eh," sagot nito. Pinoy ang kadate nito pero mayaman. "Masaya ako para sa 'yo, bebe Lala," bukal sa loob na sabi ko. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Thanks, sana nga tuloy-tuloy na. Kaso nagsisimula pa lang kami kaya bawal pang mag-assumed," sagot nito. "Tunay na iyan, Bebe," sagot ko. "Sana nga," tugon nito. Napangiti naman ako rito. Mukhang gusto na nito ang lalaki. Sana lang maging tuloy-tuloy na ang love life ng kaibigan ko. Dahil kung sakali man ako ang kauna-unahang magiging masaya para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD