Jelaine's POV HINDI maampat-ampat ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatingin sa babaeng walang ginawa kun'di ang saktan ako simula noon hanggang ngayon. "Love, tama na, please?" pakiusap ni Gian sa tabi ko. Kanina pa nito hinihimas ang likod ko. Tumingala ako rito at saka umiling. "Hindi, Gian eh. Narinig mo ba siya? Itinanggi niya akong anak niya eh, dapat ay yakapin niya ako. Dapat sorry iyong naririnig ko sa kaniya ngayon eh," napahagulhol na ako matapos sabihin iyon. Pinipilit kong kumalma pero hindi talaga kaya. Kusang bumabalong ang mga luha ko na tila hindi maubos-ubos. Muli akong humarap sa Nanay ko. Puno ng hinanakit na tiningnan ko ito. "Alam mo ba na gusto kitang yakapin ngayon? Gustong-gusto kong maranasan kung paano mo yakapin, gusto kong maramdaman iyong pakiramda