Chapter 59 WYA

1705 Words

Jelaine's POV NAGISING ako sa pakiramdam na tila walang gana sa lahat. Ang hapdi rin ng mga mata ko at ramdam ko ang pamamaga niyon. Maging ang ilong ko ay barado ng sipon. Sa halip na bumangon ay binalot ko lang lalo ng kumot ang aking katawan. Alam kong narito ako sa unit ni Gian, luminga ako para hanapin ito pero wala akong kasama sa kuwarto. "Gian?" tawag ko rito. Ngunit walang sumagot. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. Mag-aalas-nueve na pala ng umaga. May pasok ako ngayon pero tamad na tamad akong bumangon. Pakiramdam ko wala akong lakas, iyong tipong kagigising ko lang pero para akong pagod na pagod. Gagamitin ko na lang siguro ang sick leave ko para hindi naman nakakahiya. Ayaw kong isipin ng iba na sinasamantala ko ang sitwasyon dahil nobyo ko si Gian

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD