Chapter 65 WYA

2159 Words

Jelaine's POV "A-ANONG k-kailangan mo sa akin?" muling tanong ko sa taong hindi ko inaasahang makikita ko rito. Si Marlon El Greco, ang tiyuhin ni Gian na aswa ng aking ina. Nabawasan ng kaba ang dibdib ko dahil nararamdaman kong mabuti siyang tao. Nang hindi nito binitawan ang braso ko ay bahagya kong hinila iyon mula sa pagkakahawak nito. Mukhang nakaramdam naman ito kaya't binitawan na ako. Mataman itong nakatingin sa akin. "A-ano pong kailangan n'yo sa akin?" ulit ko. "Puwede ba kitang makausap?" tanong ni Sir Marlon sa akin. "Tungkol po saan?" "Puwede bang sa labas tayo mag-usap?" nakikiusap ang tono nito. Napatingin ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan na pala kami ng mga taong patungo sa restroom. Napabuntong-hininga naman ako at saka ibinalik ang tingin dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD