Chapter 3

2127 Words
(A/N: Ang story po na ito ay may mga maseselang parte at baka hindi nyo po magustuhan. Wag nyo po sanang ireport. Stop na lang po ng reading kung ayaw nyo po. Sorry... Thank you.) JAILA "Una na ko umuwi, hahanapin ako ni Mama nito," paalam ni Arie at hinila si Patrick palabas. Mukhang hinahanap na nga sya ng mamaya. Nakarinig lang naman ako ng tawa kay Anyah. "Sus! Arie! Kung alam ko lang gagala pa kayo!" sigaw nito kay Arie na mukhang narinig kaya nakarinig din ako ng tawa galing sa babaeng yun. Hinarap ko lang din si Anyah dahil magpapaalam na din ako, uuwi ako sa bahay kahit wala namang naghahanap sakin. "Ans, uwi na din ako. Wala naman naghahanap sakin pero uuwi pa din ako. Maipagmalaki ko manlang yung diploma ko," natatawang saad ko kaya natawa din sya. "Sira ka! Sige na. Ingat ka! Ahm... Nag usap naman na kayo ni Kuya Kalvs diba?" tanong nya sakin kaya napakagat naman ako sa aking ibabang labi at hindi nagsalita. Napansin naman nya na ilang ako pag usapan yun kaya hinawakan ung kamay ko. "It's okay if you can't tell me but if you are ready to talk about it. I'm always here," tugon nya kaya napaangat ang ulo ko sa kanya. Nakita kong makangiti sya na nagpagaan sa loob ko. Hay! Nag sisisi talaga ako kung bakit ko siniraan ang babaeng to noon, bakit hinayaan kong kainin ako ng inggit at galit. "Salamat, Ans!" tugon ko sa kanya sabay yakap. Nakarinig lang ako ng mahinang tawa galing sa kanya sabay yakap din. "Sige na! Ingat ka pauwi, gusto mo hatid kita?" tanong nya pero umiling na ko at dahan dahang humiwalay. "Hindi na, baka kung ano pa ang gawin sayo ng nanay ko," saad ko at ngumiti. "Ahm! Sige na nga! Ingat ka ah! Call me if you need help, you know what I mean," saad nya kaya tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Habang palabas ako, nakasalubong ko pa si Sir Nathan, Kalvin at Kean na nag uusap about sa bahay. "Ow! You're still here pa pala? I thought kasama mo nang umalis sila Ariella," ani ni Kean. "Ah hindi, nakipagkwentuhan pa ko kay Anyah ng unti pero uwi na din ako," tugon ko naman sa kanya. Nakita ko na tumango sila. "Ingat, Jai!" paalam ni Sir Nathan sakin, sasagot pa lang ako nang magsabay na magsalita si Kalvin at Kean. "Hatid na kita," sabay na sabi ng magkapatid. Nakarinig lang ako ng tawa kay Sir Nathan habang nailing. "If Anyah will see this, lagot kayong dalawa, lalo ka na," sabi nya sabay turo kay Kean na nakangisi sa Kuya nya na matalim ang tingin sa kanya. Bago pa sila mag away na dalawa, nagsalita na ko. "Ahm! Hindi na po, okay lang naman po ako. Magtataxi na lang ako. Salamat po sa offer," sabi ko at maglalakad na sana. "Walang nadaan na taxi dito sa loob ng subdivision. Maglalakad ka pa palabas," sabi naman ni Sir Nathan. Ung dalawa kasi magkatitigan pa din. Natatakot na nga ako dahil parang inaasar pa ni Kean si Kalvin lalo. "Ah! Maglalakad na lang po ako," sabi ko at lalagpas na sana sa kanila pero hinila ako ni Kalvin at isinakay sa kotse nya. Narinig ko pang tumawa si Kean dahil sa ginawa ni Kalvin. "Hindi na talaga! Mag lalakad na lang ako, malapit lang naman diba?" nag aalalang tanong ko habang palabas na kami ng bahay ni Anyah. "No! Malayo ang bahay ni Ani sa gate ng subdivision. Bukod dun napakainit at ganyan ang suot mo, mag lalakad ka? Just tell me your address, I'll drop your there and buckle your seat belt," seryosong sabi nya habang seryoso ding nakatingin sa daan. Wala naman na kong magagawa dahil nakasakay na ko dito at naandar, hindi ako pwedeng tumalon. Aba! Mahal ko pa ang buhay ko! Sayang naman ang diploma ko kung tatalon lang ako dito at magkakagutay gutay ung katawan ko, kaya inayos ko na ung upo ko at kinabit ung seat belt ko. "Sa dorm na lang namin mo ko ibaba, malapit lang naman un sa school, kukunin ko din kasi ung mga gamit ko. Salamat," sabi ko habang nakatingin sa labas. Hindi naman na sya nagsalita kaya tumahimik na din ako. Ilang minuto lang nakarating kami ng dorm. "Salamat, sige na. Umuwi na po kayo. Salamat ulit," sabi ko, hindi ko na inantay ung sasabihin nya dahil bumaba ako agad at naglakad na papasok ng dorm namin. Inayos ko na lang yung mga gamit ko at naligo muna bago ko napagpasyahan na umuwi na ng bahay. Nag suot lang ako ng jeans at tshirt tapos doll shoes na black. Mukha ngang umuwi na din si Nina sa kanila dahil maayos na ung kama nya. Ung kay Arie naman, nakaayos na ung gamit nya pero nasa taas pa ng kama. Sinukbit ko na lang ung back pack ko tapos lumabas ng dorm. Nagulat naman ako na andun pa si Kalvin sa labas at nasa labas din sya ng kotse nya, nakalean sya at nakacross arm habang nakayuko. Ang gwapo nya ngang tignan eh! Yummy! Ay! Choss lang! Tapos na yung samin. Napaiwas ako ng tingin nang bigla syang lumingon sa gawi ko. Nahuli pa ko! Pantasya ka kasi, Jaila! Naramdaman ko naman na naglalakad sya papalapit! Shems! "Is that all your things?" tanong nya nang makalapit sya sakin. Tumingin ako sa kanya at hindi sinagot ung tanong nya. "Sabi ko umuwi ka na diba? Baka may gagawin ka pa. Naging abala pa ko sayo," sabi ko at yumuko. Ayoko naman na maging abala pa ko sa kanya, wala naman syang responsibilitad sakin. "And I told you to tell me your address and I will drop you there not here," sabi nya sabay kuha nung bag ko na hinayaan ko naman. "Eh? Ano ba problema mo? Kung makaasta ka akala mo jowa kita!" inis na saad ko sa kanya kaya bigla syang huminto tapos tumingin sakin. "I may not be your boyfriend but the moment you let me get inside you, you also telling me that you are mine and mine alone, so stop complaining and get inside the car, Jaila," deretsong sabi nya na nakatingin din ng deretso sa mata ko tapos tumalikod ulit at inilagay ung bag ko sa backseat. Tapos umikot para pumunta sa dirver seat. Aba! Ang galing ng lalaking to! Huminga ako ng malalim at naglakad papuntang kotse nya tapos pumasok. At naupo sinabi ko na lang sa kanya ung address namin at tumahimik. Nakarating kami sa eskinita ng bahay namin kaya pinahinto ko na sya. "Dito na lang. Wag ka nang pumasok. Salamat sa paghatid," seryosong sabi ko tapos tumingin sa kanya. Hindi sya nakatingin sakin pero alam kong nakikinig sya kaya kailangan kong sabihin to. "And this will be the last time, madami na kong pinapasok sa lagusan ko pero hindi ako nagpapaakin kaya wala kang karapatan na angkinin ako, ang nangyari kagabi satin ay purong libog lang. Kaya wala kang responsibilidad sakin. Mag hanap ka ng babaeng deserve yang pagiging possessive mo at deserve ang maging parte ng pamilya nyo dahil uunahan na kita, hindi ako yung babae na yun. Salamat ulit," mahabang saad ko sa kanya at nagtuloy tuloy ng baba tapos kinuha ung gamit ko sa backseat tapos nagpasalamat ulit. Mabilis at malaki ung hakbang ko para makalayo sa lalaking yun. Hindi ako lumingon at derederetso lang sa paglalakad. Wala syang responsibilidad sakin dahil ganun naman lahat ang thinking ng mga lalaki! Wala silang responsibilidad sa isang babaeng nakatalik nila. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok ng gate namin na nanunuod ang amoy ng sigarilyo at alak. Paniguradong pagpasok ko sa pintuhan na yan, ilang lalaki ang nasa loob. At hindi nga ako nagkamali, pagbukas ko ng pinto namin, may nakita na agad akong dalawang lalaki na katabi ng Ate ko na nakabra at panty, tapos may dalawang lalaki pa na nakahiga sa sahig namin. Pareparehong walang pang itaas na damit ung mga lalaki, may isa panga nakaboxer lang. Yuck! Naglakad na ko pataas at hindi pa man ako nakakadami ng hakbang makarinig na ko ng ungol at mura ng lalaki at babae. Isa pa to kaya alam kong walang maghahanap sakin dito sa bahay dahil lagi silang hayok. Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Nakalock to kaya hindi nila mapapasok. Yes! My sister and my mother is a you know! Isa ito sa dahilan kaya alam kong hindi ako deserve sa kagustuhan at habul habulin ni Kalvin. My family is a mess and a big scandal to their family. Masaya na nga ako na tinaggap ako ni Anyah after na malaman nya ang background ng pamilya ko. Hindi ko pa alam na isa syang taga pagmana at napakayaman na tao dahil simple lang talaga sya. Namulat ako sa gantong trabaho ng nanay ko. Simula nang iwan kami ng tatay ko at sumama sa nabuntisan nya. I was only 5 years old back then, naghirap kami dahil wala namang trabaho si Mama at hindi sya nag ipon dahil puro lang sya gastos according to my sister dahil may isip na sya nun. Sabi pa ng ate ko, ayun lang daw ang nakita ni Mama na madaling trabaho kaya pinatos na at eto na nga, pati ang ate ko. Ganun na din ang naging trabaho. Pinilit ko lang na mag aral dahil gusto ko talagang mag tapos para kahit paano may maipagmamalaki naman ako at gusto kong makawala sa buhay na meron ako ngayon. Ayokong maging katulad ng Nanay at Ate ko na humantong na lang sa pagiging prostitute para lang may maipakain sa pamilya namin. Kaya nung nakatanggap ako ng scholarship sa school, I grab it! And I tried to work as a part timer sa isang restaurant to finance my study. All things are smooth and going according to my plan but acquaintance party happened, ung mga bagong kilala ko na seniors, they trick me and do that thing to me, ginawa nila yun nung nalaman nilang galing ako sa pamilya ng mga prostitute. When I woke up in the morning after that happened, wala na sila sa tabi ko bagkus may kumpol ng pera sa tabi ko at sinasabing wag na kong magsumbong dahil bayad naman na ako at gumamit naman sila ng proteksyon kaya wala na kong dapat ipag alala. Sinabi ko to sa mama ko pero tinawanan nya lang ako at sinabing 'wag ka na mag inarte, binayaran ka naman pala,' kaya mas nawalan ako ng pag asa. Dun nag simula na maging pariwala ang buhay ko, okay lang naman pala basta bibigyan ako ng pera, kung ang nanay ko nga hindi ako pinansin. Bakit ko pa kailangan pansinin ang sarili ko? sumama ako sa mga kaibigan ko na immoral, nakikipags*x sa kung sino at kung bibigyan ng pera mapalad ka pero kung wala, minalas ka sa naglabas sayo. Pero nabago yun nung naging kaibigan ko sila Arie, Nina at Anyah dahil kasama ko sila Arie sa dorm, maliban kay Anyah. Nung una hindi ako nagkukwento sa kanila but later on, natuto akong mag open up sa kanila and they treated me as person na gusto ko. Hindi ung kabilang sa pamilya ng mga prostitute. Sila ang nagprovide ng mga needs ko sa school basta wag lang daw akong bumalik ulit sa ganun. But to my mistake, niyaya ko sila sa bar nung nakita ko na may problema si Anyah at dun na nag umpisa na bumalik ako sa pakikipags*x to a random guy, ako din ang nanghikayat kila Arie but Arie is not a virgin anymore that time. Mas lumakas lang yung loob nya dahil sakin. And the rest is history... Kung iisipin, masyado na pala akong naging pasakit sa buhay ng mga kaibigan ko lalo na si Anyah, muntikan pa syang mawala dahil sa ginawa ko. At nakakatawa lang na ayoko nung ginagawa nila Mama pero minsan din akong naging katulad nila. "JAILA!!!" sigaw nang kung sinong kaya napabalik ako sa reyalidad. Pinunasan ko muna ung luha kong tumulo na pala dahil sa pag alala sa nakaraan ko. Tumayo ako para buksan ung pinto. At nakita ko si Ate na nakamalaking tshirt at amoy ko pa ang alak sa bibig nya. "Bakit?!" iritableng tanong ko sabay takip pa ng ilong ko. "May naghahanap sayo! Gaga! Afam! Jackpot ka dun kaya labasin mo! Magpabuntis ka na agad para naman maambunan kami ng biyaya mong p*ta ka!" excited na sabi nya. Kumunoot ung noo ko pero bigla ding nawala dahil naalala ko si Kalvin! Sh*t! Agad akong tumakbo pababa dahil panigurado pinagkakaguluhan ng mga tsismosa dito yun. T*ngina kasi! Ano bang problema ng lalaking to! Ilang beses ko ng sinabi na wala nga lang yung nangyari! -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD