JAILA
Nakita ko agad ang presensya ni Kalvin paglabas ko ng bahay namin. Nakacross arm s'ya at parang naiinip na.
"Why? I to-" hindi na n'ya ko pinatapos at inabot agad ung phone ko.
"You forgot you phone. That's all! Bye," saad n'ya sabay tumalikod at mabilis na umalis sa harap ko. As soon as he hopped in to his car, nagdrive na s'ya palayo.
See! Hindi pa nga n'ya napapasok ung bahay namin. Naturn off na agad s'ya, libog lang din ang nararamdaman n'un.
Umakyat ako ulit sa kwarto at doon nagkulong habang inaantay ko magsialisan ung mga bisita nilang lalaki.
"Hoy Jaila! Kumilos ka nga at magsaing!" rinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
Kaya naman tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Nandito pa din ung mga lalaki nila at mga nakalingkis pa sila doon.
"Pwede din bang tikman 'tong anak mo na 'to? Mukhang masarap 'to!" rinig kong sabi nung lalaking yakap si mama habang hinihimas ung pang upo n'ya.
"Maarte 'yan! Gusto n'yan mayayaman ang gumagalaw sa kan'ya, pero tignan natin mamaya baka pwede, dito ka pa din naman matutulog 'di ba?" puno ng landing sabi ni mama d'un sa akala mo gwapong lalaki.
'Di ko na pinansin ung ibang usapan nila dahil nakakadiri na masyado. Nagtuloy na lang ako sa kusina at doon kumilos.
Nagluluto ako ng ulam nang may mga brasong pumulupot sa'kin pero madali lang din akong nakawala kaya hinarap ko s'ya. Nakita ko ung isang lalaking kasama ni Ate! He's naked! Pero nandidiri ako! Kaya kinuha ko ung kutsilyo at itinapat sa alaga n'ya.
"Sige! Subukan mong lumapit! Puputulin ko 'yan!" sigaw ko sa kan'ya pero ngumisi lang s'ya.
"Kung makareact ka akala mo virgin ka pa! 'Di ba laspag ka na din naman! Lubusin na natin! Babayaran naman kita!" singhal n'ya sakin pero umiling lang ako.
"Hindi ako nagpapapasok nang kung sino sa lagusan ko! Umalis ka sa harap ko!" saad ko sa kan'ya at naglakad paalis habang nakatutok pa d'on ung kutsilyo sa kanya.
Agad akong umakyat ng kwarto ko at naglock. Mag hahanap ako ng trabaho para makaalis dito.
Lumipas ang ilang araw at nandito ako ngayon sa firm nila Sir Nathan. Nasabi kasi sa'kin ni Anyah na naghahanap sila ng assistant dito kaya nag apply ako.
"Hi! Jaila, right?" tanong nung kaibigan ni Sir Nathan na Head Engineer dito.
"Yes, Sir" nakangiting sagot ko. Ngumiti din naman s'ya sa'kin at tinignan ung CV ko at other credentials.
"B'at ko ba chinecheck 'to! Nasabi naman na 'to ni Nathan sa'kin. Wait lang nating ung magsing irog dahil si Nathan ang magpapaliwanag sa'yo ng gagawin mo s'ya Architect eh," saad nito at ngumiti.
"Sure po. Nasan po ba sila?" tanong ko dahil nasabi nga ni Anyah na pupunta sila dito.
"May inaasikaso para sa kasal nila," sabi n'ya kaya napatango tango ako.
Di naman nagtagal bumukas ang pinto ng office ni Engr. Dizon at niluwa si Sir Nathan.
"Jai, doon tayo sa office ko. Nandoon din si Anyah," yaya nito sa'kin kaya naman tumayo ako at nagpasalamat kay Engr. Dizon tapos sumunod kay Sir Nathan sa office n'ya which is katabi lang ng office na pinasukan ko kanina.
Pinagbuksan lang ako ni Sir ng pinto at nakita ko na doon si Anyah na nakaupo at tumitingin sa mga blueprint na nasa lamesa ni Sir Nathan at nakaupo din s'ya sa upuan nito.
"Anong meron satin, Architect?" birong tanong ni Sir sa kan'ya.
"Baliw!" sabi n'ya lang dito tapos ngumiti sa'kin. "Jai-Jai! Workmates tayo!" masiglang saad n'ya habang kakaway sa'kin. Inilingan lang s'ya ni Sir bago ako hinarap.
"Upo ka muna, dala mo ung iba mong credentials?" tanong sa'kin nito kaya tumango ako. "That's good, ikaw? Ms. Vicente? Nasaan ang credentials mo?" biro n'ya dito habang lumalapit sa table n'ya kung nasaan si Ans.
Tumayo naman ito at kinuha ung clearbook n'ya na nakapatong sa lamesa din ni Sir. "Eto po, Architect" nakangiting tugon ni Anyah sabay abot n'un kay Sir na natatawa pa. "Ano gagawin natin, Architect?" dagdag n'ya dito sabay yakap sa likod nito. Natawa naman ako sa kakulitan ni Anyah.
"Wala tayong gagawin, magyayakapan lang tayo dito, Aniyah!" natatawang saad n'ya dito habang tinitignan ung credentials ko na inabot ko sa kan'ya. "Love, andyan si Jai oh... Akala ko ba mag papart time ka dito?" sabi nito na ikinatawa ko dahil biglang kumalas si Anyah tapos pumunta sa tabi ko at biglang nagseryoso.
Natawa na lang din si Sir Nathan sa kan'ya habang nailing. "So Ms. Jimenez and Ms. Vicente, since both of you are fresh graduate. I'll assign you two sa mga other architects," biglang seryosong saad ni Sir. "Kailan ang start ng review n'yong dalawa for Licensure Exam?" tanong n'ya sa'min.
"Hindi pa ko nakakapag enroll," sagot ni Ans na ikinakunot noo namin ni Sir.
"Hindi ka pa nag eenroll?" tanong ko sa kanya. Ako kasi nakapagpasa na ng application form sa usapan naming reviewing center at nakapag bayad na din. Gamit ung ipon ko.
"Hindi pa," saad n'ya sa'kin at ngumiti ng nakakagat labi. "I forgot,"
"Seriously, Ans? Hindi pa? Hindi kita papayagan mag part time," biglang sabi ni Sir na ikinatango ni Anyah. "Then sit, si Jai muna ang introduce ko sa Architect na pag lalagyan ko sa kan'ya. Ikaw, upo! Stay here, we'll talk" habol n'ya pa at inilapag ung hawak n'ya na mga papel namin.
Lumabas kami ni Sir Nathan at ipinakilala n'ya ako sa babaeng architect kung saan ako mag aassist.
"She's Jaila, she's one of my student. Ikaw na bahala sa kan'ya, Jona. May kakausapin lang akong pasaway na babae," sabi nito tapos ngumiti sa'min dalawa nung Jona ba yon.
Inexplain lang sakin ni Ms. Jona ung mga ginagawa n'ya at ung mga pwede kong itulong sa kan'ya.
Di ko na alam kung anong nangyari sa mag jowa, mukhang hindi na pinalabas ni Sir si Anyah at pinag enroll na agad. Madali lang naman 'yon para kay Anyah pero syempre iba pa din pag maaga nag enroll doon sa reviewing center.
Lunch time na at hindi pa man tapos ung ginagawa namin ni Arch. Jona, tinawag na ko ni Anyah kaya hinayaan na ko ni Arch. Jona na sumama kay Anyah.
Habang nag lalunch, tama nga ako ng hinala na pinag enroll na agad ni Sir si Anyah kaya hindi lumabas. Bukas na lang daw s'ya introduce d'un sa iaassist n'ya.
"Umuwi na pala sila Kalvin sa States?" tanong bigla ni Engr. Dizon.
"Oo, the day after nung graduation. Nauna umuwi si Kuya Kalvs. Hapon pa lang nagpaalam na s'ya eh. Tapos sumunod ung ibang Kuya. Next next month na balik nung mga 'yon," sagot ni Anyah sabay inum ng tubig.
Nakikinig lang naman ako, sabi ko na magsasawa din yung Kalvin na 'yon pag nakita n'ya ung buhay ko eh.
--------------
Lumipas ang 2 bwan eto kami ngayon at magkakasamang inaantay ang bride. Today is Anyah and Nathan's Wedding.
Kasama kami nila Arie sa entourage at kapartner ko si Allen, tapos si Arie kay Patrick, si Nina kay Sam at si Kurt epal lang. May kapartner s'ya sa side ni Sir Nathan.
At eto na nga, nakapila na kami sa entrance kung saan inaantay si Ans.
"Hey Jaila! Ow! I thought Kuya Kalvin will be you partner," biglang bati ni Kean sa'kin kasama ung mga kuya n'ya. At kasama doon si Kalvin na seryoso lang na nakatingin.
"Is he your boyfriend, Jaila?" tanong ni Kuya Dan. Kaya mabilis akong umiling!
"Ahm! Hindi po. Nagkataon lang na s'ya po ang pinartner sa'kin," mabilis na sagot ko at yumuko.
"Ow! That's good to hear, at least we know that you can still be part of our family," sabi naman ni Kean at kumindat sakin.
Kaya naman napaalis bigla si Kalvin na ikinatawa nung tatlo maliban kay Kuya Bry na nakatingin lang sa'kin.
"Such a jealous man!" sabi ni Kuya Dan at naikinatawa naman nila.
Sabay sabay lang din silang nagpaalam sa'min 'ska ako inusisa nung mga kaibigan namin. Natigil lang 'yon nang sabihin sa amin na andyan na ang bride.
"Your past may be darkest than night but I'll make sure our future will be brighter than a sun because you're with me. And I will always be thankful for that. I love you, My Anyah!" pagtatapos ni Sir Nathan sa vows n'ya. Hindi naman namin mapigilang umiyak dahil nakakatouch lang ung mga sinabi n'ya.
Sana may tumanggap din sa mga mali ko sa buhay. Bulong ko sa sarili ko...
Natapos ang kasal at nasa reception na kami. Mag kakasama na naman kaming magkakaibigan maliban syempre kay Anyah dahil nandoon siya sa gitnang table kasama si Sir Nathan at ang family nila.
There's a games and a tossing bouquet, ayoko sanang sumali pero ayoko din namang maging kj kaya sumama na ko.
"1...2...3!" bilang namin at hindi naman sinasadya na sa'kin napunta ang bouquet na pina agaw.
"Si Jaila na ang sunod na ikakasal!" masiglang sabi ng mga kaibigan ko lalo na ni Anyah.
Nakarinig naman kami ng sipol galing sa mga pinsan nito at pagtingin namin. Nakangiti na sila nang nakakaloko kay Kalvin. Bakit ba?! Wala namang namamagitan sa'min! Kahit si Sir Nathan nakikitukso.
"Dude! Alam mo na! Ibato mo sa nararapat na dereksyon!" malakas na sigaw ni Kean habang napunta si Sir Nathan sa gitna at kukunin na ung garter sa hita ni Anyah.
Nagkaroon naman ng hiyawan dahil sa paraan ng pagkakaalis ni Sir Nathan sa garter.
"Game! Garter na!" masiglang sabi nito at itinaas ang garter na nakuha n'ya.
Nagsipuntahan ung mga single na lalaki pati na ung mga pinsan ni Anyah nakip'westo. At parang hindi ko gusto ung mga tinginan nila.
"Sh*t!" malakas na mura ni Kalvin nang bumagsak sa kamay ng kapatid n'ya ung garter.
Nakarinig na naman kami ng sipol at parang inaasar nila si Kalvin na namumula na sa sobrang inis kay Kean.
"Sorry, Kuya. Sa akin lumanding eh!" saad n'ya at naglakad papunta sa gawi ko. "Let's go, Ms. Beautiful! Painitin natin lalo ang ulo ni Kuya," saad n'ya tapos kumindat.
Inoffer n'ya ung kamay n'ya at malugod ko namang tinanggap. Sabi naman s'ya ang pinakacrush ko sa lahat eh.
"You'll be dead later!" sigaw ni Kuya Dan sa kan'ya pero tinawanan n'ya lang.
Pinaupo n'ya ko kung saan nakaupo kanina si Anyah.
Dahan dahan n'yang inilagay sa paa ko ung garter. Bahagya akong napaigtad nang dumampi sa angkle ko ung hinga n'ya. Meaning d'un n'ya inuumpisahan ung paglagay sa'kin ng garter.
Kabaliktaran ng ginawa ni Sir Nathan ang ginawa sa'kin ni Kean. Sobrang ingay ng paligid dahil sa hiyawan lalo na nung dumampi ang labi ni Kean sa tuhod hanggang hita ko.
"You know what, I'm sacrificing myself here. Ang bagal kasi kumilos ng kuya ko kaya, ginagawan namin ng paraan para kumilos agad and Ani will kill me after this. I'm sorry, Jai but I need to do this!" saad n'ya pagkatapos n'yang mailagay ung garter.
Mag-ta-tanong pa lang sana ako kung ano ung sinasabi n'ya ngunit natigil na 'yon dahil lumapat na ung labi n'ya sa labi ko. Mabilis lang pero natigilan ako.
"Wag ka magpagod. Trust me! Mapapagod ka mamaya," bulong n'ya sa tenga ko 'ska umayos ng tayo at inoffer ang kamay n'ya na alangan akong tanggapin pero ginawa ko pa din.
Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari!
"Kuya Ke! Why did you do that?!" nanlilisik na matang tanong ni Anyah sa kuya n'ya habang papalapit kami sa kanila.
"Nothing, I just like Jai alot.. so wala namang masama kung hahalikan ko s'ya, right, Jai?" tanong n'ya sa'kin kaya nilingon nila akong lahat at nag iintay ng sagot ko.
Ano ba dapat ang isagot ko doon?!
"Ah! Oo naman," nakangiwing tugon ko.
"See! I like Jaila kaya kumikilos ako," dagdag nya pa kaya kitang kita kong nagpipigil ng tawa sila Kuya Dan at umiiling naman sila Sir Nathan habang nakatawa, pero may hinahanap ung mata ko at sakto naman na nakatingin s'ya sa'kin na maitim ang aura.
"Don't look at him, nakakaselos!" bulong ni Kean sa tenga ko pero ung atensyon ko ay na kay Kalvin na humigpit ang hawak sa baso at kusang nabasag 'yon kaya tumagas ung dugo galing sa kamay n'ya. "Game on!" rinig kong usal ni Kean habang natawa pero natigil din agad nung nagsalita si Anyah.
"If you're doing this on purpose! Stop this sh*t, Kuya Kean. Not funny!" saad nito at umalis sa grupo namin.
"Uh oh! Baby Ani is mad!" saad ni Kuya Dan na mukha namang nag alala.
"Sundan ko na. Tigilan mo na yan, may duguan na," saad naman ni Sir kay Kean at nag madaling habulin ang asawa n'ya.
Nagtuloy tuloy ang mga pangyayari sa reception at ramdam namin na hindi okay si Anyah pero pinipilit n'ya siguro dahil pinaalalahan ni Sir Nathan.
Hindi ko na nakita si Kalvin after nung insidente na 'yon. Concern lang naman ako sa kamay n'ya kasi nakita kong tumagas ung dugo.
"Arie, cr lang ako." Tumayo ako after n'yang tumango sa sinabi ko.
Naglalakad ako papunta restroom nang may marinig aking nag uusap kaya naman sumilip ako at nakita ko ung magkapatid. Nakasandal si Kean sa pader sa mantalang si Kalvin nakatayo at mukhang bwisit na bwisit.
"F*ck you, Kean! I told you stay out of this! You knew already that I have a feelings for her yet you did that?!" gigil na tanong nito sa kapatid.
"What is feelings if you will not work on it? You have feelings for her but you didn't do anything to take her out?! Tsss! Baka maunahan pa kita, Kuya" balik naman nito sa kan'ya.
Assuming ba ko kung sasabihin kong feeling ko ako ung pinag uusapan nila.
"P*tang*na! Sumukan mo?! Kahit kapatid kita gugilitan kita ng leeg!" galit na sabi nito.
Gulat man pero napag pas'yahan ko ng umalis sa lugar dahil parang brutal na 'yung usapan nila.
"Choose wisely, Jaila. Hindi nagbibiro si Kalvin sa sinabi n'ya. He meant it!" napalingon naman ako sa nag salita at doon ko nakita si Kuya Bryan na nakasandal sa pader. Hindi s'ya nakatingin sa'kin pero aura n'ya pa lang nakakatakot na.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko dito at yumuko.
"Nothing. I just want you to know that I know all the things that you did to our princess but I will not tell it to them. Dahil kung napatawad ka ni Ani, walang lugar para hindi kita patawarin," saad n'ya kaya napa angat ang tingin ko sa kan'ya at nakita ko na nakatingin s'ya sa'kin nang seryoso.
"I'm sorry po sa nagawa ko kay Anyah! Nagsisisi na po talaga ako doon," saad ko at hindi ko napigilang hindi umiyak.
"Don't cry. I will not hurt you. But choose wisely between the two of them, 1 is just having fun and 1 is serious towards you." Tumalikod na s'ya at naglakad palayo pero lumingon muna s'ya sa'kin. "Love your flaws, Jaila. Walang ibang magmamahal sa sarili mo kundi ikaw lang. Before you love someone learn to accept and love your self. It was just a simple advice. Take if you want it and you can disregard it if you feel like I'm violatong something," habol n'ya at tuluyan nang nawala.
------------