Chapter 2

1735 Words
JAILA Kinabukasan, nagising ako sa mabango at malamig na kwarto. Tinignan ko ung paligid at parang iba sa tinulugan ko kagabi. Bakit manly ung amoy nang kwarto kagabi? Bakit ngayon pinaghalong mabangong amoy ng babae at lalaki? Inikot ko ung mata ko at dun ko nalaman kung kaninong kwarto to. Nakita ko sa couch ung magkasintahan na magkayakap. Malawak naman tong kama bakit dun sila natulog dalawa. Pero ang tanong, bakit ako andito? Nasa kwarto ako ni Kean ka- "Good morning, Jai." Rinig kong bati ni Anyah. Kaya napatingin ako sa kanya. Yakap yakap pa din sya ni Sir Nathan at akmang tatayo sya, mas hinihpitan pa yun. "Love. Tatayo ako." Sabi nya "5 minutes." Sabi lang ni Sir tapos humigpit ulit ung yakap. Hahaha. Cute. Pangarap ko dati yan. Yung yakapin din ako ni Sir Nathan pero wala talaga. Si Anyah ang nakabingwit. Hehehe. Bago pa man ako mang akit kay Sir, alam ko na, na may namamagitan sa kanilang dalawa. Minsan ko kasing sinundan si Sir Nathan papunta sa likod ng building. Akala ko mag yoyosi sya but when I saw Anyah, na naglalakad papunta sa direction kung nasaan si Sir Nathan. At malugod syang sinalubong ni Sir ng yakap at halik, nagulat ako nun. Malaya naman nilang magagawa ung bagay na yun dahil wala namang napunta sa gawi na to. Pero mas nagulat ako na hindi lang make out yung ginawa nila. Kaya naisip ko, kung pwede kay Anyah, pwede din sakin. Pero isang malaking sampal ung sinabi ni Sir na hindi sya napatol sa estudyante at galangin ko daw ang sarili ko pero bakit si Anyah? ayun ung tumakbo sa isip ko. Dun nag umpisa ung pagiging ilap at iritable ko kay Anyah. Nilamon na ko ng ingit at selos. Kaya nung lumapit ung Ate nya sakin para tanungin si Anyah at nagkwento ng kung ano-ano. Lahat pinaniwalaan ko dahil nga galit ako sa kanya. Kaya naman hinanap ko ung picture nya sa Kuya nya at nakakita ako ng magkausap sila ni Sir Nathan at ayun.. pinagkalat ko. Sabi pa ng Ate nya kaya daw close sya sa mga pinsan nyang lalaki dahil may binibigay daw si Anyah na hindi maibigay ng ibang babae. Hindi ko naman kasi alam na kaya pala sya close sa mga pinsan nya dahil sya lang ang nag iisang Vicente na babae. Kaya akala ko talaga... "Huy! Tulala ka dyan. Nag iisip ka na naman nang kung ano nuh?" Agaw ng atensyon ko ni Anyah na katabi ko na pala sa kama. "Sira!" Sabi ko lang at biglang may naalala. "Ahm. Ans. Bakit pala andito ako?" Tanong ko sa kanya at ang bruha! Nginisian ako. "Bakit? Mas gusto mo ba na andun sa kwarto ni Kuya Kean?" Tanong nya sakin na nakangisi. Mahina lang naman un kaya hindi maririnig ni Sir Nathan na nagliligpit ng hinigaan nya o nila. "Sira. Hindi ah. Nakakahiya nga na andoon ako kagabi." Sabi ko at naramdaman ko ung init sa pisngi ko nang maalala ko kung anong nangyari dun sa kwarto na yun. "Bat namumula ka? Hahahaha." Sabi nya at this time alam kong narinig na kami ni Sir dahil tumingin na sya samin. Kaya tinakpan ko ung bibig nang babaeng mahal nya. "Ssshh! Ang ingay mo." Sabi ko sa kanya tapos tinanggal ung pagkakatakip sa bibig nya. Tumawa lang naman sya na umiiling. "Dinala ka ni Kuya Kalvs dito. Baka daw kasi mailang ka dun sa kwarto ni Kuya Kean pag magising ka kaya dito ka nya inilipat." Sabi nya at tumayo para pumunta kay Sir Nathan. "Binuhat nya ko?" Gulat naman na tanong ko. "Hindi. Nagsleep walk ka, Jai. Hahaha. Malamang!" Sabi nito tapos tumuloy na papunta kay Sir at yumakap sa likod nito. "Ikaw. Niloloko mo ung kaibigan mo." Sabi nito at hinarap si Anyah at hinalikan sa ulo. Ngumiti lang naman si Anyah at yumakap. Tumayo na ako at inayos din ung hinigaan ko. Habang inaayos ko ung kama, pakiramdam ko ang bigat ng dibdib ko, hindi ko naman sinasadya kinapa yun at bigla akong napatakip sa dibdib ko. Wala akong bra! The f*ck! Naiwan ko pa ata dun sa kwarto ni Kean. Tsk! Kainis naman. Sabay sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok. Si Sir Nathan na ang nag lakad papunta dun para buksan. Ako naman pinagpatuloy ung pag liligpit habang nakatalikod dahil baka bakat ung dibdib ko. Kahit naman ilang beses ko nang inoffer kay Sir ung katawan ko. Nahihiya na ko ngayon. "Yep. Gising na sya. Ikaw na magbigay." Rinig naming sabi ni Sir at nakarinig din kami ng yabag papasok tapos pagsara ng pinto. Si Sir Nathan ang unang bumungad, napaiwas ako ng tingin nang makita ko ung lalaking kasama ko kagabi sa kamunduhang gawain. "He's looking for you, Jaila." Sabi ni Sir Nathan at dumeretso kay Anyah na nasa couch. "Let's go! Breakfast na tayo." Yaya nya kay Anyah. Tinignan lang naman sya ni Anyah at tumango. Tumayo sya at lumapit sakin. "Usap na lang muna kayo ni Kuya ah. Sunod na lang kayo sa baba." Sabi nya at ngumiti. Tinanguan ko lang naman sya at ngumiti din. Lumampas sya sakin tapos humalik sa pisngi ng Kuya nya. "Good morning, Kuya. Don't be so hard on her ah." Paalala nya sa Kuya nya. Ngumiti naman sya kay Anyah at tumango. "I won't, princess. Good Morning din." Sabi nya kaya tuluyan nang lumabas ung dalawa. Nakatingin lang ako dun sa nilabasan nila Anyah, hanggang sa may tumikim kaya nabaling ung tingin ko dun. P*ta! Ou nga pala. Hindi lang ako nag iisa dito. "Here. Your clothes." Sabi ni Kalvin sabay abot sakin ng paper bag. Tinignan ko muna un bago ko nahihiyang inabot. "S-Salamat." Sabi ko at kinuha ung paper bag. Tahimik lang kami at hindi nagsasalita. Ano naman kasing sasabihin ko. Tawag lang naman ng laman ung nangyari samin panigurado. Ganun naman palagi ung gusto ng mga lalaki lalo na sa katulad kong hindi naman na virgin. Kaya nga din sya gumamit ng c*ndom diba para iwas aksidente. Napatingin naman ako sa kanya nang magsalita sya pero agad ko ding pinutol. "Ahm. About pala sa nangyari satin ka-" "About dun. Kalimutan na lang natin. Ahm. Okay na un. Wag mo na lang isipin. Wala kang reponsibilidad, nagc*ndom ka naman kaya walang mabubuo at bukod dun, nag-pipills ako." Derederetsong sabi ko at hindi nakaligtas sakin ung pagkunot nya ng noo sabay iwas. "Ahm. Actually it matters to me. You're a woman, Jaila. I'm still responsible for what happened last night." Sabi nito habang nakabaling sa kabila ung tingin. Natawa namam ako ng unti kaya napunta ulit ung tingin nya sakin. "Mr. Kalvin Vicente. Didn't you know the one night stand rules? I know you know that. So wala kang responsibilidad sakin. Kaya okay na yun. Tawag lang ng laman ang nangyari, sa sobrang kalasingan." Sabi ko at ngumiti. Tumalikod ako agad at naglakad sa walk in closet nila Anyah para makapagbihis, sinara ko ung sliding door at nilock dahil baka sundan ako, nakita ko kasing hindi nya nagustuhan ung sinabi ko pero ayun naman talaga yun diba? One night stand. Imposible namang hindi nya alam yun. He's a bachelor and a Vicente. Kilala ang mga lalaking Vicente na matinik sa babae kaya paniguradong alam nya un. Yep! Kilala ang mga lalaking Vicente sa US because of their charisma, business and being a casanova. Wala halos nakakakilala kay Anyah dahil nga ang akala ng lahat, puro lalaki lang ang mga Vicente. Walang nakakaalam na may nag iisang babae ang Vicente at yun ay si Anyah. Kaya marami ang gustong magpalahi sa Vicente dahil sobrang alaga nila pag nag kaanak ang Vicente sayo ng babae. Hahaha. But that's not me. Masyado na kong maraming perwisyong nagawa kay Anyah at ayoko nang dagdagan. Nagbihis na lang ako ng bra at naghilamos na din. Tinali ang buhok at nung matiyak kong okay na ko lumabas na ko. Pero laking gulat ko na andun pa si Kalvin. Akala ko umalis na sya. "Bababa na po ako." Sabi ko at naglakad palampas sana sa kanya pero hinawakan nya ung braso ko. "I like you, Jaila." Sabi nya kaya natawa ako ng malakas. "Hahaha. You're kidding right? If you're saying that because of what happened last night. Again! It's fine, you don't have any responsibility on me. Okay? So stop that liking thing you said." Sabi ko sabay bawi ng braso ko at mabilis na lumabas. At bababa na sana kaso nga lang naligaw ako. T*ngina! Bakit kasi ang laki ng bahay ni Anyah! Hindi ko alam kung saan ung daan. Bigla naman lumaki ung pag asa ko nang makita ko si Kean. "Kean!" Tawag ko kaya nilingon nya ko at ngumiti sya nang makita ako. "Good Morning, Jaila. How's your sleep? Masakit ba?" Tanong nya kaya kumunot bigla ung noo ko. Alam nya ba? "Masakit ang alin?" Tanong ko. Nagkibitbalikat lang naman sya at nagsalita. "Ung ulo mo, since... Madami dami kang mainum kagabi." Sabi nya tapos biglang ngumiti ng nakakaloko. "Bakit? May iba ba dapat na sumakit?" Sabi nya kaya mabilis akong umiling. "Wala." Mabilis na sagot ko. "San ba ang daan dito? Naligaw na ko." Pag iiba ko ng topic namin. Tumawa lang naman sya. "Hahaha. Okay. Let's go. Sabay na tayo. Andun na sila Ani sa baba." Sabi nya kaya naman tumango ako at sumabay sa kanya sa paglalakad. Pagbaba naman, dumeretso kami ng dining at nakita ko dun, ung mga kaibigan ko pati ung mga kuya ni Ans. Napatingin naman sakin ung mag irog at parang nagtatanong si Anyah, kung bakit si Kean ung kasama ko. Nahalata ata ni Kean un kaya nagsalita sya. "I saw her sa hallway. Naligaw daw sya kaya sinabay ko na." Sabi nya at naupo sa tabi ni Kuya Dan. Tumango lang naman si Anyah at tumingin kay Sir Nathan na nakatingin din sa kanya. Umupo na lang din ako sa tabi ni Arie na nakatingin sakin. Hindi ko na lang pinansin. "Kain na." Sabi ni Kuya Lester kaya tumango ako. Ilang minuto lang napatingin kaming lahat sa pumasok. Si Kalvin. Tahimik lang syang umupo sa tabi ni Sir Nathan at kumain. Tinignan ko lang naman sya dahil iniisip ko ung sinasabi nya. Kung totoo man na gusto nya ko. Mapapatawad at matatanggap nya ba ko kung malaman nya ang mga sekreto na meron ako, kung malalaman nya na isa ako sa sumira sa pinakamamahal nilang pinsan. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD