TUW Chapter 4

1227 Words
#TUWChapter4: Izaak Nang narating na nila ang tinutuluyan ng Ina ni Saya ay tinulungan siya ni Sandro sa pagbababa ng mga gamit. Ayos lang naman sana kay Saya, pero naalala niyang buntis siya at mahirap na ang magbuhat ng mabibigat kahit na iyon naman ang ginawa niya kanina. "Babalik ka ba kaagad doon sa palengke?" Tanong ni Saya nang naipasok na iyong mga gamit niya sa loob ng kanilang bahay. "Kung gusto mo ng kasama muna rito, sige… puwede naman ako,pero kung hindi… ayos lang din naman. Uuwi muna ako saglit tapos babalik ulit ako sa palengke para i-deliver naman iyong mga pinapa-deliver sa akin kanina…" Sandro said and Saya nodded. Ayaw niyang makaabala kaya sa huli ay nagdesisyon siyang hindi na ituloy ang dapat sanang hihilingin niya kay Sandro. Natatakot pa kasi siya dahil medyo may kalayuan pa iyong kapitbahay nila. Siguro nasa limandaang metro pa ang layo, pero dahil nga nalaman niyang may lalakarin pa pala si Sandro ay hahayaan niya na lang. "Wala naman sigurong masamang… loob dito 'no?" Maingat na tanong muli ni Saya. Kaagad namang kumunot ang noo ni Sandro sa tanong niyang iyon. Ilang sandali pa ay sumilay ang munting ngiti sa mga labi ni Sandro. "Natatakot ka ba? Kasi kung oo… dito muna ako. Sasamahan kita habang wala pa ang Nanay mo," Sandro offered, pero mabilis na umiling si Saya. "Naku, hindi na, Sandro. Alam kong abala ka pa at nakakahiyang...magpasama. K-Kaya ko na talaga 'to. Siguro iniisip ko lang naman 'to kaya ako medyo natatakot. Unang beses kasi ngayon kasi sa siyudad pa noong huling bisita ko kay Nanay, e. Pero ayos lang. Ayoko namang maka-abala talaga sa trabaho mo…" Sambit ni Saya bago ito nagbaba ng tingin dahil sa kahihiyang nararamdaman. Isa rin kasi iyon sa ugaling gusto niyang alisin sa kaniyang sarili. She's just a negative thinker. Kung ano-ano ang pumapasok kaniyang isip lalo na kapag nag-iisa siya. "Sigurado ka?" Sandro pressed, but Saya's already determined to stand with her decision. "Kung gan'on, aalis na muna ako. Huwag kang mag-alala, mababait talaga ang mga tao rito," natatawang ani Sandro, pero hindi pa rin sapat iyon para tuluyang mawala ang takot na nararamdaman ni Saya. Kaya naman nang nakaalis si Sandro ay kaagad na pumasok si Saya sa loob ng maliit na bahay na siyang tutuluyan niya sa loob ng isang buwan niyang pamamalagi sa probinsiyang iyon. "Kumalma ka lang, Saya… mababait ang mga tao rito. Wala naman sigurong manloloob sa'yo," pakiusap ni Saya sa kaniyang sarili habang panay ang lingon niya sa paligid. Gawa kasi sa nipa at dahon ng niyog ang karamihan sa bahay. Hind kagaya sa mansion ng kaniyang asawa sa siyudad, pero masasabi naman ni Saya na magiging kumportable rin siya rito kapag nagtagal. Mabuti na rin iyon sa kaniyang sarili para naman mailayo sa kung anumang kapahamakan na puwedeng mangyari sa kaniya kapag naroon siya sa siyudad. Dahil wala naman siyang ibang gagawin pa ay inayos na lang ni Saya ang nga gamit niya. Inilabas niya sa bag niyang dala ang kaniyang mga damit. It took her almost an hour to do that and after that, wala na naman siyang naisip na gawin kaya sa huli ay naisip niyang magluto na lang ng kakainin niya dahil hindi pa rin naman siya kumakain. Walang ref sa tinutuluyan ng kaniyang Ina. Tanging ilaw lamang at maliit na telebisyon ang naroon pero hindi rin naman siya mahilig manood. Para na lamang abalahin ang kaniyang sarili ay naghanap na lang siya ng gagawin. Napansin niyang medyo magulo ang damit ng kaniyang Ina kaya naisip niyang ayusin na lang iyon. In the middle of fixing her mother's clothes, someone from the outside called her mother's name. Natigilan si Saya sa kaniyang ginagawa at ilang sandali ring nakiramdam lang. Mukha namang mabait iyong boses, pero lalaki kaya mas lalo pang nagdalawang isip si Saya kung kakausapin niya ba o hahayaan hanggang sa makaalis iyong lalaki pero limang minuto na rin ang lumipas ay nagtatawag pa rin iyong lalaki. Sa pag-iisip na baka importante talaga ang sadya ng lalaki ay nagpasya si Saya na kausapin na iyong lalaki. Ilang hingang malalim pa ang ginawa niya bago niya binuksan iyong pinto, pero maliit na siwang lamang ang ginawa niya dahil kabado pa rin siya. Hindi naman siya judgemental, pero hind niya kasi kilala ang mga tao pa sa probinsiyang iyon kaya iniisip ni Saya na hindi naman siguro masamang mag-ingat. "Ano pong kailangan?" Magalang na tanong ni Saya sa lalaking hinuha niya ay halos kaedaran niya lang o mas maganda ng tatlo o apat na taon. Matangkad din ito at kung pagmamasdan ay mukhang may lahing banyaga. Lalo pang naghinuha si Saya nang nakita ang berdeng mga mata ng lalaking nakatayo sa harap ng kanilang bahay. "Si 'Nay Aurelia po?" Tanong din ni noong lalaki sa kay Saya. Sa paraan ng pagkakatanong ng lalaki, iniisip ni Saya na malapit ito sa kaniyang Ina. "Bakit po? Ano pong kailangan niyo po sa kaniya?" Ani Saya habang niluluwagan ang siwang ng pinto ng kanilang bahay. Nahihiyang napakamot sa kaniyang batok iyong lalaki. "Pinapatawag po kasi siya ni Lola sa mansion. Kung gusto niya lang naman daw pong mamasukan bilang isang kasambahay po? Nasabi po kasi ng isa naming kasambahay bago siya umuwi para sa may sakit niyang anak," the guy said. Napatango na lamang si Saya. Humakbang siya palabas para mas maayos na makausap iyong bisita. "Ako nga po pala si Izaak. Ikaw siguro iyong anak ni 'Nay Aurelia?" Pagpapakilala na may kasamang tanong ng lalaking nagpakilalang si Izaak. "Ah, oo… Saya. Iyon na lang din po ang itwag niyo sa akin. Si Mama nga po pala… nasa palengke pa po. Kung gusto niyo po, sasabihin ko na lang po kay Mama iyong sinabi niyo po?" Pumayag naman si Izaak. Nahihiya rin naman si Saya na paalisin ito nang natapos na ang usapan kahit na wala na siyang sasabihin. Bastos para sa kaniya, pero sinabayan niya na lang ang kung ano mang gusto nito lalo pa at sa paraan ng pagkakatindig nito ay mukhang respetado at may pinag-aralan. May maipagmamalaki sa buhay at may napatunayan na. They both shared stories. Sa tagal nilang mag-usap ay gumaan na rin ang kaniyang loob kay Izaak. They both got comfortable with each other. Inimbitahan din siya ni Izaak para sa party na magaganap sa kanilang mansion bukas ng gabi dahil sa pagdating ng mga magulang niya mula sa ibang bansa. Ayon kay Izaak, halos anim na taon din silang naroon kaya naisipan ng kaniyang Lola na magdiwang. Babalik din naman daw ang parents niya sa Switzerland kung saan talaga sila nakatira pagkatapos ng isang taon. "It's nice meeting you, Saya. I hope you'll be able to attend the party tomorrow evening?" Izaak asked with a glimpse of Hope in his tone and eyes. "Titignan ko pa, pero parang malabo kasi nakakahiya… hindi naman ako marunong makibagay kasi—" "Don't even mention it, Saya. Wala kang dapat ipag-alala dahil lahat karamihan sa mga imbitado ay hindi mayayaman katulad ng iniisip mo," Izaak said. "Kung gan'on, tatanungin ko pa si Nanay kung gusto niyang sumama, kung hindi… pasensiya na talaga." Izaak nodded as he smiled. "I understand, but please consider my invite, okay? I'll get going. Thank you for your time, Saya…" pagpaaalam nito. Saya smiled as he slowly waved her hand to say goodbye to Izaak..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD