TUW Chapter 3

1316 Words
TUWChapter3: Sandro "Uuwi ka sa inyo, Saya?" Tanong ni Raisa nang nakita niya si Saya dala ang dalawang malalaking bag. Natigil si Saya sa paglalakad at napalingon kay Raisa na natigil din sa ginagawa nang nakita siya. Saya swallowed the bile on her throat as she slowly nodded. Pinilit niya ring ngumiti, ngunit halos malasahan pa si Raisa ang pait sa ngiti niyang iyon. "Oo. Uuwi muna ako sa amin. Tulungan ko na lang muna si Mama sa pagtitinda sa maliit naming puwesto…" malumanay na ani Saya. "Jusmiyo mi amor, Saya! Sa wakas naman! Ano? Nauntog ka na ba?" Si Raisa na may pagbubunyi sa tono ng pananalita nito. Sa mga ganitong bagay, sina Raisa, Nanay Telma at mga kasambahay lang talaga ang nagbubunyi sa halip na si Saya. Alam niya kasi ang dahilan niya kung bakit niya susundin ang isa sa mga pagpipiliang inilatag sa kaniya ni Zeus. Hindi siya aalis dahil natauhan siya. Aalis siya dahil sa pagbabakasakaling hahanapin siya ni Zeus o hindi naman kaya ay susundan. Isa rin ay baka mas matanggap siya nito sa ganoong paraan. She needs to be obedient. Kailangan niyang maging masunurin para hindi siya kainisan lalo ni Zeus. Baka sakaling mapansin. Puro pagbabakasakali lang lahat. Sugal para kay Saya ang gagawin niyang iyon pero itutuloy niya pa rin dahil gusto lang naman niyang makuha ang atensiyon at pagmamahal mula sa kaniyang asawang wala namang ibang ginawa kung hindi ang ipamukha sa kaniya kung gaano siya kababa. "Alam mo? Dapat noon mo pa ginawa 'to, e. Kawawang-kawawa ka, pero mabuti naman at aalis ka muna. Hayaan mong kami na lang ang makakita sa kawalanghiyaan ng asawa mo at amo namin. Hayaan mo, kapag naka-ipon na ako rito, aalis na rin ako, pero naisip ko rin kasi na kapag umalis ako o naalis, mababawasan ka na ng kakampi, Saya…" malungkot na ani Raisa sa kaniya. "Hindi 'yan. Ayos lang naman ako. Ayoko kayong madamay dahil lang kinakapihan niyo ako. Huwag niyo akong alalahanin kasi kaya ko naman," sabi ni Saya bago siya tuluyang nagpaalam kay Raisa at sa iba pang mga kasambahay. Isang buwan. Iyon ang panahon na gugugulin niya para pagbigyan si Zeus sa lahat. Inisip niya rin kasing mas makabubuti naman iyon sa kaniya. T*nga lang siya, pero hindi naman bulletproof ang puso niya. Nasasaktan din naman kagaya ng karamihan. She also doesn't want to risk her baby's being. Ayaw niyang madamay ito sa lahat, lalo pa sa kamay ni Trisha na wala rin namang alam tungkol sa pagdadalang tao niya. Hindi na niya sinabi dahil ayaw nga nito sa kaniya, e. Paano pa kaya kapag nalaman niyang mayroong buhay na nabuo silang dalawa. Matagal na rin namang sinasabi at pinaparamdam sa kaniya ni Trisha kung gaano siya nito ka-ayaw para sa kapatid niya. Kagaya rin naman kasi ng Kuya niya, mababa rin ang tingin ni Trisha sa kaniya. Huminga ng malalim si Saya bago siya sumakay sa Jeep na magdadala sa kaniya sa kaniyang Ina. Lumipat na rin kasi ito sa isang bayan kung saan ay hindi sila gaanong kilala. Kung saan walang alam ang mga tao sa dating trabahong pinasok nila. Malayo sa mga taong mapanghusga. Halos isang oras din ang biyahe patungo roon. Natawagan na niya ang kaniyang Nanay kanina. Aniya ay susunduin na lang siya sa mismong babaan ng Jeep para hindi na siya mahirapan. May kasama rin naman daw ito para sa mga gamit ni Saya kaya napanatag na rin si Saya. When she finally got off the jeep, she saw a man waving his hand up high. Kaagad na lumipat ang tingin nito sa katabi ng lalaking may kalakihan din ang katawan, moreno at matangkad. Beside than man was her mother who immediately ran towards her. Excitement crawled over her system. Malapad ang ngiti nitong sinalubong ang kaniyang Ina. "Saya, anak!" Maligayang anang kaniyang Ina bago siya nito hinatak para sa isang mahigpit na yakap. "Na-miss ko kayo, 'Nay…" Saya said. Minsan ay Nanay, minsan naman ay Mama ang tawag nito sa kaniyang ina. Pinipigil niya na lang din talaga ang pagtulo ng kaniyang mga luha dahil maraming tao. Ayaw niyang maging emosyonal at baka pagtinginan pa sila ng mga nasa paligid. "Naku, parang ako naman hindi?" Ani Aurelia sa kaniyang anak. Ikinulong nito ang mukha ni Saya sa kaniyang magkabilang palad at pinakatitigan ito nang maghiwalay na sila mula sa pagkakayakap. Saya grinned widely at her mother and then her eyes averte to the man na kasama ng kaniyang Ina. Malapad din itong nakangiti sa kaniya. Dahil sa ngiti nito ay kitang-kita ang malalim nitong dimple. Nagtatanong ang mga matang napalingon si Saya sa kaniyang Ina, pero bago pa man ito makasagot ay nagsalita na iyong lalaki. "Ikaw pala iyong sinasabi ni Tiyang Aurelia na anak niya," anito saka rin pinupunasan ang kamay gamit ang bimpong nakasabit sa balikat nito bago ito naglahad ng kamay sa kaniya. "Ako nga pala si Alessandro. Sandro na lang, miss para hindi gaanong pormal at pang-matanda," pagpapakilala nito sa kaniyang sarili. Natatawang tinanggap ni Saya ang kamay ng lalaking kaharap niya. "Ako naman si Sariyah. Saya na lang din ang itawag mo sa akin," she said. Ilang pangangamusta pa bago nagyaya ang kaniyang Ina na ihatid na siya nito pabalik sa palengke habang si Sandro na raw ang maghahatid sa kaniya sa tinutuluyan ng kaniyang Ina. Nang sa wakas ay nasa palengke na sila ay gustuhin mang bumaba ni Saya mula sa sasakyan ay hindi siya pinayagan ng kaniyang Ina dahil kailangan niya raw magpahinga. Ipipilit pa sana ni Saya ang gusto niya pero sa huli ay pumayag na lang din siya sa kapakanan ng kaniyang anak. "Buntis ka pala, miss?" Ani Sandro habang tinatahak nila ang daan patungo sa tutuluyan niya sa loob ng isang buwan. Hindi kaagad nakasagot si Saya kaya binawi iyon ni Sandro. "Pasensiya na, miss. Okay lang na hindi mo sagutin. Masyadong personal pala kasi yung tanong, e." He said as he cleared his throat. "Ayos lang naman 'yon. Huwag na lang sigurong pag-usapan." Tumango si Sandro bilang pag-sangayon. "Kung ayos lang din sa'yong magtanong, meron sana akong tatanungin pa…" may pag-iingat na sambit ni Sandro kaya napalingon sa kaniya si Saya. "Basta hindi personal, sige lang…" That made Sandro smile. "Tatanungin ko sana kung magtatagal ka ba rito o bumisita ka lang?" "Isang buwan lang ako rito, pero gusto ko rin namang malibot sana itong lugar. Iyon nga lang, gusto kong tulungan si Nanay sa pagtitinda," paglalahad ni Saya. "Kung wala ka namang gagawin sa tuwing Martes, puwede kitang ilibot dito. Siyempre, kung gusto mo lang din naman. Sa araw kasi na 'yon, sarado ang palengke kaya baka kung wala kang gagawin, ipapasyal sana kita para mas makita mo kung gaano kaganda 'tong lugar." Alam niya naman na papayag din ang kaniyang Ina basta wala itong gagawin. Araw din naman siguro iyon ng pahinga kaya baka sakali lang din. "Hindi ka ba busy sa trabaho mo? At saka maglalakad lang din ba tayo?" Tanong ni Saya. "I don't work, miss. Tapos kung gusto mong maglakad, puwede naman, pero dapat iyong safe para hindi mapahamak ang baby mo. Pero kung ayaw mo namang maglakad, may mga sasakyan naman kami…" anito dahilan kung bakit kunot noo siyang nilingon ni Saya. "Ang ibig kong sabihin, hindi ako nagtatrabaho tuwing Martes…break ko rin kasi." Napalunok ito pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. "Ayos lang sa akin na maglakad. Baka kasi magalit ang amo niyo kapag ginamit ang sasakyan na 'to ulit," Saya said. "Akong bahala. Papayag naman…" Isang tikhim bago pa ulit nito itinuloy ang sasabihin niya. "...iyong amo namin na ipagamit itong sasakyan niya." Hirap na hirap nitong tinapos ang kaniyang pangungusap. Sa huli ay napatango na lang si Saya. Unang araw pa lang ay mukhang mag-eenjoy siya sa lugar na iyon. Malayo sa lahat ng sakit at sa mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang saktan si Saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD