TUW: Chapter 5

1179 Words
TUW: Chapter 5 - Kabutihan "Wala ka ba talagang balak na mag-stay rito ng mas matagal pa sa isang buwan?" Tanong ni Sandro kay Saya habang nagwawalis ito sa bakuran nila, umaga ng pangalawang araw niya roon. Umiling si Sariyah saka ito ngumiti kay Sandro. "Wala pa sa ngayon, e. Hanggang isang buwan lang muna talaga ako rito…" Aniya ngunit may parte sa isip niyang sana mas mapaaga dahil umaasa rin siyang susunduin siya ng asawa niya sa kung nasaan siya, pero ni hindi nga alam ni Saya kung alam ba talaga ni Zeus kung nasaan siya ngayon. Hindi maiwasang isipin ni Saya na baka nga nagdidiwang na si Zeus ngayon dahil wala siya. Mas malaya na itong gawin ang kung ano mang gusto nitong gawin ngayon. Not that he's not kapag naroon si Saya dahil hindi rin naman nito ginalang ang pagiging mag-asawa nila. "It's sad to know. Sorry kung ganito ako makapag-react. It's just that…" Sandro paused for a while bago ito makapagpatuloy."I don't know why. Takot yata ang karamihan sa mga tao, lalo na ang mga babae sa akin dito kahit na gusto ko lang naman makipagkaibigan. Sina Nanay Aurelia at mga tiga-palengke na nga lang ang madalas kong makausap dito o makasalamuha ng totoo, e. The others…" Sandro's shoulders shrugged. "Mukhang nakikisama lang sila dahil sa…" Napayuko ang binata at umiling na lang sa huli. Dahil hindi naituloy ni Sandro iyong sasabihin niya ay tuluyan nang napatigil si Saya sa pagwawalis at hinarap si Sandro. "Dahil sa?" "Nevermind that. By the way, isasabay na kita papuntang palengke mamaya. Iyon kasi ang bilin ni 'Nay Aurelia, e…" Pagiiba nito sa usapan. "Salamat, Sandro, pero hindi ka ba naaabala? Kasi... baka may gagawin ka pa pala, tapos nandito ka." Kumunot ang noo ni Sandro sa sinabing iyon ni Saya. Bakas din ang panlalaki ng mga mata nito na animo'y nagulat sa kaniyang narinig. "Hala... hindi kagaya ng iniisip mo yung t-tanong ko. Uhm... kasi alam mo na. Baka may trabaho ka pa tapos dahil sa bilin ni Nanay maka-abala pa kami... ako. Ang ibig ko lang sabihin ay kung may pupuntahan ka pa ay ayos lang naman sa akin na puntahan mo... muna." Isang malalim na paglunok ang ginawa ni Saya matapos niyang sabihin iyon. Nahihiya kasi siya dahil iniisip niyang mukhang mali yata iyong una niyang nasabi kay Sandro kaya gan'on na lamang ang reaksiyon nito. "Hindi ka naman naka-aabala. Si Nanay Aurelia naman kasi tapos ikaw. I have nothing much to do so it's okay if I stay here and wait for you until you're done with all the things you need to do," ani Sandro na kahit paano ay nakapagpagaan naman sa loob ni Saya. "Salamat kung gan'on, Sandro." Saya smiled at him then she continued with what she's doing. Marami pa kasi talaga siyang gagawin kaya hindi niya maiwasang mahiya sa binatang naghihintay. Hindi rin siya sanay dahil hindi rin naman gan'on ang nakasanayan niya kay Zeus. She's used to being mistreated kaya nakakapanibago sa kaniya ang pakikitungo ni Sandro. Habang nagwawalis si Saya ay umupo naman si Sandro sa isang upuang kahoy sa ilalim na puno sa harap ng kanilang bahay. Ilang beses na itong nag-alok ng tulong pero hindi talaga pumayag si Saya dahil aniya ay sobra na iyong pinaghintay pa siya nito. "Kung puwedeng magtanong, mayroon sana akong tatanungin?" Si Saya sa kalagitnaan ng gawain. Sandro on the other hand was attentive enough to make a quick response to Saya. "Go on. You can ask me anything," anito. "Sobrang close ba kayo ni Nanay? I mean... hindi ko kasi mahanap yung tamang salita pero I don't mean anything rude. Gusto ko lang tanungin kasi... sobrang bait mo sa amin," tanong ni Saya. Kahapon pa kasi iyon bumabagabag sa isip niya. Hindi niya naman naitanong sa kaniyang Ina kahapon dahil pagod na ito pag-uwi. Ni hindi na nga niya nasabi iyong pinasasabing party noong lalaking hindi na niya maalala ang pangalan dahil pagkatapos kumain ng kaniyang Ina at iilang kuwento pa au nagpahinga na ito. Nawalan na ng pagkakataon si Saya na tanungin ang kaniyang Ina tungkol sa mga gumugulo sa isip niya. "I can say that we're really that close. Mabait naman kasi si Nanay Aurelia kaya marami ring kaibigan dito. Pasensiya ka na kung nakiki-Nanay ako, a? It's just that... my family's got a super high respect and owe to her. Niligtas niya kasi iyong buhay ko noong isang gabing may hindi magandang nangyari sa lugar namin. She's brave and selfless enough to run towards me bago pa man ako mabaril ng isang lasing na nag-aamok," pagkukuwento sa kaniya ni Sandro. "Mabuti na lang din at naka-ilag kami kaagad," dagdag pa nito. Hindi alam ni Saya kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kahit siya ay namamangha, natakot at kinabahan para sa kuwentong iyon ni Sandro tungkol sa kabutihang ginawa ng kaniyang Ina. Nang natapos si Saya sa lahat ng gawain niya ay tumuloy na sila sa palengke kagaya na lamang ng napag-usapan. Gusto niya rin naman kasing tulungan kahit paano ang kaniyang Ina at gusto niya ring maranasan ang pagtitinda dahil alam niya ring hindi biro ang ganoomg gawain. Matagal din kasi siyang nasa loob lang ng mansion ni Zeus. Walang ginagawa kung wala ang kaniyang asawa at ang kapatid nito na magaling mag-utos at walang ibang ginawa kung hindi ang pahirapan siya. "Ingat sa pagbaba. Baka mapano pa ang baby mo..." Ani Sandro nang nakarating na sila sa palengke. Nauna na itong bumaba sa kaniya at umikot sa tapat ng kaniyang pinto. Pinagbuksan siya at inalalayan sa pagbaba dahil may kataasan din naman kasi iyong sasakyan. "Salamat..." Tipid na ngumiti si Saya at tinanguan naman nu Sandro. "Ibababa ko lang iyong mga dadalhin natin kay Nanay Aurelia tapos sabay na tayo. Ako na lang din ang magbubuhat kasi medyo madulas papunta roon, baka madulas ka kapag may dala," paalala pa nito. Sa ibang parking kasi sila nag-park, hindi kagaya noong una na direkta na sa puwesto nh kaniyang Ina iyong hinintuan ng sasakyan. Puno na rin kasi iyong parking lot doon kaya kahit ayaw sana ni Sandro ay wala na itong nagawa. Nagtungo si Sandro sa likod ng pick-up dahil naroon ang mga dadalhin nila kaya sumunod si Saya kahit pa sinabihan siya ng binata na hintayin na lang ito. "Ako na lang ang magbubuhat noong baon ni Nanay. Mabigat na kasi yung mga iba pang dala, e. Kahit yun na lang din ang akin para bawas sa bigat," Saya offered and Sandro agreed. Sa kalagitnaan ng ginagawa ni Sandro ay may kung sinong tumawag sa kaniya kaya sabay na napalingon sina Saya at Sandro doon. "Tulungan ka na namin diyan, Señorito Sandro. Mukhang mabigat kasi iyang dala mo, e. Kay Manay Aurelia po ba 'tong mga 'to?" Tanong noong isang lalaking may kalakihan ang katawan. May kasama itong dalawa pang lalaki na ang isa ay payat habang ang isa naman ay nasa katamtamang sukat lang. Ngunit hindi na iyon ang binigyan ng pansin ni Saya kung hindi iyong itinawag kay Sandro. Señorito Sandro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD