TUW: Chapter 6

1240 Words
TUWChapter6: Familiar Palaisipan pa rin talaga sa akin iyong nangyari kanina kahit na hindi ko naman dapat iniisip. 'Di ko lang kasi talaga maalis sa sistema ko iyong mga sinabi ng mga tao kanina at kung hindi pa ako tatanungin ni Nanay ay hindi pa ako babalik sa katinuan. "Hindi ka pa ba kakain?" Tanong niya sa akin kaya ako napatikhim at napatingin sa gawi niya. "Mauna ka na po muna, 'Nay. Ako muna po ang magbabantay habang kumakain po kayo," sinabi ko. Sa halip na sumagot si Nanay ay kinunutan niya lang ako ng noo. "Ha? E, tapos na akong kumain kanina pa, a? Hindi ba nga sinabi mo kanina na mamaya ka na kakain? Isang oras na 'yon, e." Salubong ang kilay niyang sinabi sa akin. Napakurap-kurap ako. Gan'on na ba ako kalutang kanina pa? Ni hindi ko nga maalala na may sinabi pala akong gan'on kay Nanay. "Ayos ka lang ba, 'nak? Uwi ka kaya muna? Mukhang malalim pa iniisip mo kasi. Pagod ka pa siguro sa biyahe mo kaya ganiyan. Kaya ko naman na ako lang muna mag-isa. Dapat nga hindi ka na pumupunta rito kasi buntis ka, e," aniya na para bang pinangangaralan ako. Siguro nga masyado na akong kinakain ng nga narinig at nakita ko kanina na trato ng mga tao kay Sandro kaya ako nagkaganito. "Hindi na po. Ayos lang po ako rito. Hindi na po ako matutulala. Promise..." Itinaas ko ang kanang kamay ko na para bang nanunumpa bago ako malapad na ngumiti. Napa-iling naman si Nanay habang natatawa na rin. Sa huli ay kumain na rin ako dahil masama para sa bata na nalilipasan ng gutom. Hindi pa naman gan'on ka-late dahil maaga lang talagang kumain si Nanay. "Kamusta naman pala ang buhay mo roon sa asawa mong tarantado?" Tanong niya nang natapos na ako sa pagkain at naglilipit na ng mga gamit na plato at kutsara. Bigla akong natigilan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Nanay, ang mga mata ay nanlalaki. Alam ko namang alam niya kung paano ako i-trato ng magkapatid, sadyang makulit lang ako at… bulag-bulagan kaya hindi ko magawang talikuran kahit na gaano pa kasahol nila ako kung pakitunguhan. Isang malalim na paglunok ang aking ginawa. Plano ko na sanang sumagot, ngunit naunahan ako ni Nanay. "Huwag mong masabi-sabi na ayos lang naman kasi hindi ako maniniwala. Alam kong walang kasing hayok ang asawa mo, Sariyah. Ang gusto ko lang malaman kaya ako nagtatanong ay kung hanggang saan ba kaya ng sarili mo yung mga pinagdaraan mo roon. Kasi kung ako sa'yo? Sobrang dami mong dahilan para hiwalayan na 'yong si Zeus," aniya na siyang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng libu-libong karayom na tumusok sa aking puso. Masakit. Kasi totoo. Alam kong mahal ako ni Nanay kaya niya iyon sinasabi sa akin. Madalas ko rin namang tanungin ang sarili ko kung bakit ganito ako, pero hindi ko lang talaga mahagilap ang tamang dahilan ko kung bakit kumakapit pa rin ako kahit paubos na ako. Madalas kong sabihin na dahil naniniwala akong magbabago siya… na mahal niya naman talaga ako, pero sa bawat araw na magdaraan… parang niloloko ko na lang talaga ang sarili ko. Pinapaasa... pero wala akong magagawa kasi 'yon na lang ang kinakapitan ko. Narinig ko ang pag-buntonghininga ni Nanay. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko na lang iyong palad niya na hinahaplos iyong likod ko. Pinigilan ko ang aking sarili sa pag-iyak. "Alam kong kawawa ang magiging anak ninyo kung maghihiwalay kayo, pero hanggang saan mo ba ipaglalaban ang pagiging asawa mo sa kaniya, anak? Hindi mo man sabihin sa akin, alam ko ring hindi niya gusto ang magiging apo ko kaya parang awa mo na, Saya. Kahit para sa anak mo na lang. Hahayaan mo na lang bang maging katulad din ng trato nila sa'yo ang sa anak mo? Marami ng martyr sa mundo, anak. Huwag ka na sanang dumagdag…" Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay hinila niya ako palapit sa kaniya. She enveloped me with her warm embrace. It felt like home again. Matagal ko ring hindi iyon naramdaman. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mga luha. They came like a rain, unstoppable and never ending. "Ang drama naman! Ngayon na nga lang ulit kita nakita, umiiyak ka pa. Ngumiti ka naman, anak. Iyong ngiting matagal kong hindi nakita mula sa'yo. Nakaka-miss kasi talaga…" pabirong sinabi niya habang ipinupunas ang kaniyang mga hinlalaki sa aking pisngi para maalis iyong bahid ng luha. I laughed at what she said. I know she's just trying to lighten up the mood. It's working because somehow, it felt like a piece of a big stone on my chest has been lessened. Hindi ko tuloy maiwasang hilingin na sana ganito na lang palagi kapayapa. Walang away. Walang sigawan. Walang naaapi. Walang nasasaktan. Dahil sa mga kuwento ni Nanay ay gumaan pa ang loob ko. Pansamantala kong nakalimutan iyong mga problemang sa tingin ko'y sinundan pa rin talaga ako hanggang sa lugar kung nasaan ako. Hindi na rin namin namalayan ang paglipas ng oras. Marami rin naman kasing mga bumibili kaya hindi na namin napansin na hapon na pala at oras na naman para maghanda sa pag-uwi. "Saulo mo naman na iyong mga presyo ng paninda, hindi ba? Aalis kasi muna ako sandali para mag-down doon sa pautang ni Mareng Lumen. Iwan muna kita rito, ha?" Pagpapa-alam ni Nanay na kaagad ko namang tinanguan. Kaunti na lang din naman iyong natira sa mga paninda. "Sige lang po. Kaya ko na po rito." Ngumiti ako at siya naman ang tumango bago siya tuluyang umalis. "Ano po'ng sa iny— uy Sandro…" Napatigil ako sa dapat sanang pag-aalok dahil sa Sandro pala iyong tumayo sa harap ng puwesto namin. Malapad ang ngiti niya na tila ba nanalo siya ng isang palaro at gumaling sa isang sakit na mahirap pagalingin. "Kamusta naman dito? Paubos na pala paninda niyo, e. Sabay na kayo sa akin ni Nanay Aurelia, a?" Pag-aalok niya. "Tatanungin ko pa si Nanay tungkol diyan. Pero pauwi ka na rin ba? Sa tingin ko kasi ipauubos muna natin 'to bago kami umuwi," sambit ko. Nag-aalala na naman kasi kung ipipilit niya na naman iyong gusto niya… maghihintay na naman siya kagaya kanina. Napatingin siya roon sa mga paninda saka siya nagkibit balikat. "E, 'di bilhin ko na iyong natitira para maka-uwi na tayo kaagad. Bawal ka rin magtagal kasi rito," sabi niya naman sabay tingin sa tiyan ko. Sandali lang naman din iyon dahil tinawag siya ni Nanay. "Ano nga palang sinabi ng Papa mo tungkol doon sa pinapasabi ko? Pumayag ba?" Tanong ni Nanay na hindi ko naman naintindihan. Hindi kaagad nakasagot si Sandro dahil napatingin muna siya sa gawi ko na para bang may kung anong nasabi ni Nanay na hindi ko dapat malaman. Nag-iwas na lang din ako ng tingin dahil parang bastos din naman kasing makinig sa usapan nilang dalawa. Nagkunwari na lang akong walang naririnig at itinuon na lang din ang atensiyon sa ibang bagay. "Opo… ayos lang naman po sa kaniya. Actually po, pinatatanong niya rin kung papayag na raw po ba kayo sa alok niya," si Sandro iyon. Kahit naman ayokong makinig ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko naman puwedeng takpan iyong tainga ko para hindi sila talagang marinig. Nagpatuloy sila sa pag-uusap ng mga bagay na hindi ko talaga makuha. Panay na lang din ang tikhim ko hanggang sa may pamilyar akong boses na narinig.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD