TUW: Chapter 2

1121 Words
TUWChapter2: Kulang Gusto ni Saya na makatulog pero hindi niya magawa. Nakapikit ang kaniyang mga mata, pero gising na gising ang kaniyang diwa. Gusto niya na lang talagang makatulog para makalimutan iyong mga sinabi ni Zeus sa kaniya. Hindi pa nga nangangalahati ang araw, pero sobrang bigat na para sa kaniya. She was just making everyone believe that she's strong, but deep inside, like a fragile glass, she's already been broken into millions of pieces. Tahimik na lamang na umiyak si Saya habang nakahiga sa sofa. Mabuti na lang din at maluwag naman iyon at mahaba. Gayunpaman ay sobrang liit lang din naman ng espasyong nakain ng kaniyang katawan. She was hugging herself dahil pakiramdam niya ay nag-iisa siya. Kung hindi na lang dahil sa mga kasambahay ay mas mararamdman niya iyon. For Saya, she's still lucky for that. Halos dalawang oras ding nakatulog si Saya. Nang nagising din siya ay wala na si Zeus sa kama kaya inisip niyang umalis na naman ito. Ilang sandali rin siyang napatulala lamang habang malalim na nag-iisip kaya naman nang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa n'on si Zeus ay kaagad na nanlaki ang mga mata niya na napalitan naman din ng pag-iwas nang nakabawi. Kahit naman buntis na siya ay nakakaramdam pa rin siya ng pagka-ilang. May nangyayari lang naman kasi sa kanila ni Zeus kapag lasing ito o kaya ay gusto niya lang. He's always ungentle to her. Tinitiis na lang iyon ni Saya dahil sa kagustuhan niyang matuwa naman sa kaniya ang kaniyang asawa kahit sa loob ng panandaliang panahon lang. "P-Pasensiya na. Tatalikod na lang ako," ani Saya bago ito tumalikod. Malakas ang kalabog ng kaniyang dibdib at halos habulin na rin ang kaniyang paghinga. Mabuti na lang din naman at hindi na nagsalita pa si Zeus ng kung ano mang magpapalala sa nararamdamang hiya at kaba ni Saya. Nalaman na lang din ni Saya na puwede ng lumingon nang lampasan siya ni Zeus. "Umuwi ka muna roon sa bahay niyo ng Nanay mo. Iuuwi ko rito mamaya si Vivian. Kung gusto mo rin, magpanggap ka na lang na katulong. Just do whatever you need to do. I just don't want anyone to interrupt while she's here." "Sino si Vivian?" pagsubok ni Saya na tanungin sa asawa niya. Matalim ang mga matang itinapon sa kaniya ni Zeus. "Nakilala ko sa club. I heard she's a virgin, so I need to score from her. I don't want anyone to mess this up. Pinahirapan na ako masyado ng babaeng 'yon. After tonight, wala na siyang maipagmamalaki sa akin," Zeus uttered his words proudly as if he's not talking to his wife. For the nth time that day, Saya felt her heart broke. She fought again with that feeling that had been killing her since then. "B-Buntis ako, Zeus..." ulit niya sa sinabi niya rito kaninang umaga sa pag-asang mababago n'on ang desisyon ni Zeus. "Ilang beses mo bang uulitin 'yan sa akin, Sariyah? Paulit-ulit ba tayo rito? How many times do I need to say na wala akong pakialam sa batang 'yan? Ni hindi ko nga alam kung sa akin ba talaga 'yan. Nagtrabaho ka sa club hindi ba? Malay ko ba kung palihim ka palang nakikipagkita sa mga customer mo dati?" Zeus spitted his words like he's just talking to an animal. Walang pakialam sa nararamdaman ng kaniyang asawa. "Hindi naman ako... nagpapabayad noon. W-Waitress lang ako, Zeus. Alam kong alam m-mo 'yon. Ikaw lang naman ang pinayagan at binigyan ko ng karapatan sa sarili ko kasi asawa kita, kasala tayo, pero b-bakit hanggang ngayon... ang baba pa rin ng tingin mo sa akin?" Saya said along with the tears that fell down on her cheeks. Hindi na niya napigilan pa ang mga ito sa pagkawala sa gilid ng kaniyang mga mata. "You know what? I don't have any time for things like this, Sariyah. Just do whatever you want with your life as long as it doesn't concern me. Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa batang 'yan for all I care. Goodness, you're just ruining my day!" malaks na sigaw nito bago siya nito nilagpasan. Naiwan na naman doon mag-isa si Saya. Nawalan na ng lakas kaya pabagsak na napaupo sa sahig. Parang tinutusok ng milyong kutsilyo ang buong pagkatao niya sa sinabing iyon ni Zeus. How ironic for her to be called "Saya" gayong puro lungkot lang naman ang nararamdaman niya. Bakit ba kasi sobra siya kung magmahal? Kahit sobrang nasasaktan na, sige pa rin. Asang-asa sa isang bagay na malabong makuha o ibigay sa kaniya. Kung tutuusin ay puwede niyang kasuhan si Zeus sa mga ginagawa niya, pero hindi niya akalain na harapan pa iyong masasabi ni Zeus sa kaniya nang hindi man lang kumukurap. Iyon din kasi ang unang pagkakataon na narinig niya ang mga iyon kay Zeus mismo. Naririnig niya na iyon kina Nanay Telma niya iyon, pero hindi niya pinaniniwalaan, ngayon niya pa lang napatunayan. "Nay Telma..." tawag niya sa matanda nang nakababa siya sa sala at nakita niya ang matanda na naglilinis. Medyo kalmado na siya kumpara ngayon kaya nagawa na niyang bumaba. Wala rin naman ang magkapatid kaya medyo Malaya pa silang nakakapag-usap sa oras ng trabaho. "Ano 'yon, hija?" tanong ni Nanay Telma habang nakakunot ang noo nitong pinagmamasdan siya. "Umiyak ka ba, 'nak?" pahabol na tanong nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling, pero sa loob ng mansion, kung mayroon man siyang hindi maloloko, isa na roon si Nanay Telma. Kilala na siya nito mula ulo hanggang paa kaya nalalaman kaagad kung hindi siya nagsasabi ng totoo. "Hay nako kang bata ka. Magsinungaling ka na nga lang, mag-iiwan ka pa ng ebidensiya. Asawa mo na naman 'yan na makapal ang mukha, ano?" tamang hula nito. Hindi na naka-imik pa si Saya dahil ayaw niya ng dagdagan pa ang kasinungalingan niya. "M-May nasabi po ba siyang may iuuwi siya mamayang... babae?" nanginginig ang boses na tanong ni Saya kaya natigilan ang matanda. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito na nasundan ng pagtikhim. "Sinabi niya... rin pala sa'yo?" si Nanay Telma iyon kaya tumango si Saya. Nagbabadya na naman sa pagtulo ang kaniyang mga luha. "Umuwi ka muna kaya sa inyo, Saya? Kawawa ka na rito? Tingnan mo 'yang demonyitong boss namin. Binilinan pa kami na paghandaan iyong babaeng iuuw niya rito. Kapal talaga ng mukha, e. Sarap kasuhan. Nakakapang-init ng dugo, ha?" ani Raisa na napadaan lang sa gilid nila ni Nanay Telma habang may hawak na vase ng bulaklak. Mas lalong nanikip ang dibdib ni Saya sa narinig niyang iyon. Muli niyang tinanong ang kaniyang sarili kung saan ba siya nagkulang bilang asawa ni Zeus. May mali ba sa kaniya? Iyon ang tanong niya sa mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD