Chapter 4

2114 Words
"Hindi ba ang sinabi ko sayo sana hindi na tayo magkita pa," paalala ko kay Julian. "Sa pagkakaalam ko kasi hindi naman ako nangako na gagawin ko yung sinabi mo," wika ni Julian. "Hindi mo ba gusto ng extra income? Ikaw rin," aniya pa. Napanguso ako sa kanyang sinabi. May punto naman si Julian. Lalo na ngayon na nag-iipon ako para sa operasyon ni tatay. "Kailangan ko na kasing umuwi, eh. Pupunta pa ako ng convenience store." "Eh, 'di sasamahan na kita. Wala naman akong ginagawa. Tsaka ayaw mo bang kumita ka habang namimili ka?" pangungumbinse ni Julian. “Alam mo ang kulit mo. Pero sige. Magpasalamat ka nangangailangan ako.” Ngumiti si Julian at saka niya hinila ang kamay ko papunta sa kanyang sasakyan na nakaparke sa parking area ng Prisma. “Get in,” aniya. Ginawa ko ang kanyang sinabi. Pinaandar niya ang sasakyan at dinala niya ako sa convenience store. “Sige na, hintayin mo na lang ako rito sa loob ng kotse mo. Saglit lang naman ako,” saad ko kay Julian pagkatapos kong tanggalin ang seatbelt. Tiningnan niya lamang ako na tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. “Hindi ako tatakas. Promise.” “Alam ko naman kung saan ka nakatira,” aniya. Bumuntong-hininga ako dahil kahit tumakas ako ay alam niya kung saan ang bahay namin. “Sabi ko na nga ba may balak kang tumakas,” saad ni Julian. “Pasensya ka na. Sige, mamili ka na sa convenience store. Ihahatid na kita sa inyo pagkatapos. Babayaran kita ng two thousand para sa abalang nagawa ko.” Nakaramdam ako ng konsensya sa sinabi ni Julian. Pakiramdam ko ay masyado akong malupit kahit oras ko lang naman ang hinihingi niya. Hindi lamang yon, may bayad pa. “Halika na,” sambit ko. “Samahan mo ako sa loob ng convenience store. Mamili ka ng pwede nating mainom para naman sulit ang oras mo sa akin.” Tinanggal ni Julian ang kanyang salamin sa mata at saka niya ibinalik ang kanyang tingin sa akin. Napamura ako sa aking isipan nang mapagtanto ang kanyang angking kagwapuhan nang walang salamin sa mata. Hindi ko namalayang natulala ako habang nakatitig sa kanyang mukha. “Kumain ka na ba? Mas maganda kung uminom na lang tayo sa ibang bar. Ano sa tingin mo?” suhestiyon niya. Hindi ako nakapagsalita agad dahil hindi pa rin ako natatapos sa pagkatulala sa kanyang mukha. Hanggang sa kumunot ang kanyang noo at hawakan ni Julian ang baba ko. “Deniece? Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Julian. Tila nagising ang diwa ko sa pagdampi ng kanyang mga daliri sa baba ko at iniwas ng bahagya ang aking mukha. “O-oo. Ayos lang ako.” “Bumili ka na ng mga kailangan mong bilhin tapos ihahatid muna kita sa inyo. Okay lang ba kung uminom tayo sa bar na pinupuntahan ko?” ani Julian. “Okay sige.” Pagkatapos kong namili ng pagkain para kay tatay at sa kapatid ko ay hinatid nga ako ni Julian sa bahay para ibaba ang mga pinamili ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Pumasok ako sa kwarto at mabilisang nagpalit ng damit. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya ka Julian. Para bang na-conscious ako sa sarili ko. Napaka-plain kong tingnan kung isasama niya ako sa isang bar. Pantalon at simpleng blouse lang ba ang isusuot ko? Mayroon naman akong mga dress na pwede kong isuot sa mga ganoong venue kaya wala na akong pinalagpas na oras at nagpalit ako ng itim na dress. Simpleng dress lamang ito na binili ko sa thrift shop. Nagpalit rin ako ng wedge sandals para naman bumagay sa suot ko. Naglagay na rin ako ng red lipstick para naman may buhay ang mga labi ko. Nang matapos ay lumabas ako ng bahay at dumiretso sa pagpasok sa sasakyan ni Julian. “Okay, tara na,” wika ko habang inilalagay ang seatbelt ko. Naramdaman ko ang titig ni Julian sa akin. Nang matapos kong ilagay ang seatbelt ay tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa akin. “Uy. Ano, hindi pa ba tayo aalis? Gumagana ang oras ko, oh.” “Oh, right. Sorry,” ani Julian. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at sinimulang mag-drive papunta sa bar na sinabi niya kanina. Nagtaka ako dahil hindi ako kinikibo ni Julian sa buong biyahe. Tahimik at seryoso lamang siya sa kanyang pagmamaneho. Sa pagkakaalam ko ay kaya niya ako pinuntahan sa bar kanina ay dahil gusto niya ng makakausap. Ngunit ngayon ay hindi ko mawari ang iniisip niya. Hinayaan ko na lamang siya hanggang sa makarating kami bar na sinasabi niya. Bumaba ako sa kotse at hinintay siyang makalabas mula roon. Pagkatapos ay tumabi siya sa akin habang pinapanood ko iyong mga tao na pumapasok sa loob ng bar. “Let’s go,” anyaya ni Julian sa akin at saka siya nagsimulang lumakad papunta sa loob ng bar. Sumunod naman ako sa kanya. Nang makapasok ay umupo kami sa available na table sa dulo. Bigla akong na-conscious dahil napakagarbo at mukhang mayayaman ang mga pumapasok rito sa bar na ‘to. Tatlo hanggang limang beses ang ganda at kalidad ng bar na ito kumpara sa Prisma na pinagta-trabahuhan ko. “Anong drinks gusto mo?” tanong ni Julian sa akin. “Ikaw na ang bahala. Mas kabisado mo naman itong bar kaysa sa akin. Basta yung hindi hard. Maaga pa kasi ako bukas,” sagot ko. Sa huli ay naglapag ng margarita iyong waiter sa tapat ko, samantalang hard naman ang pinili ni Julian. “Julian, magmamaneho ka pa. Mamaya maaksidente ka o kaya mahuli ng mga pulis dahil nakainom ka,” paalala ko. “Ito lang naman. Beer na lang ako mamaya pagkatapos nitong isang baso,” aniya naman. “Okay,” sambit ko at saka sumimsim ng margarita. “By the way, ang ganda mo,” wika ni Julian. Uminit ang mga pisngi ko sa kanyang sinabi. Hindi ko naman kasi yon inasahan. Naisip ko tuloy kung type ba ni Julian ang beauty ko. O masyado lamang akong nag-iisip. “Nako, bobolahin mo pa ako. Kung gusto mong umabot tayo ng umaga rito, hindi pwede dahil maaga pa nga ako bukas,” wika ko. “Nagsasabi lang naman ako ng totoo,” simpleng saad ni Julian, pagkatapos ay sumimsim sa kanyang alak. “Kumusta naman yung pag-uwi mo kagabi? Nakatulog ka naman ba?” pag-iiba ko ng topic. “Nakatulog naman. Mas matagal ng konti kaysa dati. Honestly, I kept thinking about you last night,” sagot ni Julian. Hindi ako kaagad nakasagot sa kanyang sinabi. Para bang naaligaga ang mga braincells ko dahil hindi ko iyon inasahan. “B-bakit mo naman ako iniisip?” Tiningnan ako ni Julian habang dahan-dahan siyang sumasandal sa kanyang kinauupuan. “Naisip ko na wala na akong makikilalang katulad mo. Your personality is very pleasant to me. Napatawa mo ako at napangiti kagabi kaya na-appreciate kita. And uhm… binalikan kita ngayon kasi… ewan ko. Nagtataka rin ako sa sarili ko. Alam kong hindi ko talaga maipapangako na hindi kita pupuntahan ulit kasi napasaya mo ako. Isipin mo na lang na trabaho itong ginagawa mo ngayon dahil binabayaran ko naman yung oras mo. Alam kong kailangan mo ‘to, ikaw na rin ang nagsabi. At wala namang masama sa ginagawa mo ngayong kasama mo ako.” “Julian,” tawag ko sa kanyang pangalan. “Alam ko namang natutuwa ka sa’kin at kahit papaano nakatulong naman ako sayo kagabi. Pero sana… ito na talaga yung huli.” Medyo nangangamba kasi ako para sa sarili ko. Gwapo si Julian at maganda ang pangangatawan. Mukha siyang mabait at responsableng lalaki. Isa pa, mayaman siya. At alam kong oras lang naman ang kailangan niya sa akin kaya siya naririto ngayon. “Bakit naman?” Malungkot ang tinig ng kanyang boses nang itanong niya iyon. “Basta. Hindi talaga ako available. Tsaka ayokong mapuyat palagi. May isa pa kasi akong trabaho tuwing umaga. Ayoko namang sesantihin ako dahil late ako palagi pumasok. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho, Julian,” paliwanag ko. “I’m sorry, Deniece. Hindi ko alam na nakakaabala pala ako sayo,” malungkot na wika ni Julian. “Hindi sa ganon, Julian. Pasensya ka na rin. Sadyang hindi talaga ako yung fit para sa pangangailangan mo ng kausap.” Hindi umimik si Julian. Nang tingnan ko siya ay nakatitig siya sa malayo. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko rin naman kasi pwedeng ipagsawalang-bahala ang trabaho ko dahil nangangailangan ako ng pera. “Anong pangalan ng boss mo sa Prisma?” tanong ni Julian out of the blue. “Garette Jimenez. Bakit?” “Wala naman,” ani Julian. “Sige, sulitin na natin ang oras na ‘to. Pwede ka bang magkwento tungkol sa trabaho mo sa Prisma?” “Uhm… sa katunayan… gusto ni Sir Garette na mag-serve ako sa mga private rooms at sa private lounge…” “Private rooms at lounge? You mean…” Tumango ako bilang sagot. Napayuko ako ng bahagya at hinawakan ang baso ng margarita. “Sana pumasok na si Sir Garette bukas para masabi ko na yung sagot ko sa offer niya,” saad ko. “Offer?” “Oo. Papayag na akong mag-serve sa mga private rooms at lounge…” Napansin ko sa aking periphery ang paghawak ng mahigpit ni Julian sa kanyang baso. Ibinaba niya iyon sa mesa at nagsalita. “Sigurado ka ba sa gusto mo? I don’t think gusto mong mag-serve doon base sa expression ng mukha mo,” seryosong wika ni Julian. “Kailangan kong kumapit sa patalim, Julian,” wika ko. Ngumiti ako ng malungkot at saka siya tiningnan. “Hindi naman kasi tayo pareho ng sitwasyon kaya hindi mo maiintindihan. Malayo ang agwat natin sa buhay kaya siguradong ibang problema yung kinakaharap mo na hindi ko rin maiintindihan.” “Look, Deniece. Hindi man pareho ang sitwasyon natin pero naiintindihan kita. Itong ginagawa mo ngayong kasama mo ako, makadadagdag ito sa pangangailangan mo. I can make it triple for you.” Tiningnan ko si Julian na may hinanakit sa aking mga mata. “Ayokong kaawaan mo ako o ng kahit sino, Julian. Hindi mo alam ang mga dinanas kong hirap para lang makarating sa ganitong sitwasyon. Hindi ako mabibili ng pera.” Nagtagis ang panga ni Julian. “Pero pumapayag ka sa offer ng boss mo na mag-serve ka sa mga private rooms at lounge,” aniya. “Iniinsulto mo ba ako?” Huminga ng malalim si Julian. “Hindi, Deniece. I admire you for being brave. You must have been through a lot,” kalmadong wika niya. Nanginginig ang baba ko dahil pinipigilan kong huwag maiyak sa harapan ni Julian. “Buo na ang desisyon ko. Tatanggapin ko yung offer ni Sir Garette. Malaki ang kikitain ko doon.” “Hindi. Tip ang malaki sa ganoong klase ng serbisyo. Alam mo yan,” wika ni Julian. Hindi ako umimik sa kanyang sinabi dahil aminin ko man o hindi sa aking sarili ay tama siya. “Nasa tamang edad na ako at may sariling desisyon sa buhay, Julian. Kaya gagawin ko iyong sa tingin ko ay makakatulong sa akin at sa pamilya ko.” “Okay. Kung yan ang paniniwala mo, naiintindihan ko,” seryoso niyang wika. Inubos lang namin iyong iniinom namin hanggang sa nagpasya si Julian na ihatid ako kaagad sa amin. Ni hindi man lamang kami umabot ng isang oras. Marahil ay hindi niya nagustuhan ang balak kong pagtanggap ng offer ni Sir Garette. Paglabas ko sa kanyang kotse ay pinaandar iyon kaagad ni Julian ng hindi nagpapaalam. Nakaramdam tuloy ako ng sama ng loob sa kanya dahil sa kanyang inasal. In the first place, hindi ko naman siya kaanu-ano o boyfriend para umasta ng ganon. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari. Lumipas ang buong araw hanggang sa pumasok ako sa Prisma. Pagpasok ko sa kusina ay nilapitan ko si Jenna na naghuhugas ng maruruming baso. “Jenna, nandiyan na ba si Sir Garette?” tanong ko. “Hindi ko alam, eh. Itanong mo sa ibang staff,” saad ni Jenna. Lumabas ng kusina at nagpunta sa bar counter. Nilapitan ko iyong supervisor ko na hanggang ngayon ay tinuturuan iyong bagong bartender. “Sir, pumasok na ba si Sir Garette?” tanong ko. “Oo, nasa opisina.” “Akyat lang ako, Sir. Puntahan ko lang siya.” Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang RD button. Nang makarating sa tapat ng office ni Sir Garette ay huminga ako ng malalim. Ito na ang oras para tanggapin ang trabaho ko sa mga private rooms at lounge… para kay tatay at sa kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD