Kumatok muna ako sa pinto ng office ni Sir Garette bago ko ito buksan ng dahan-dahan. Sumilip ako ng bahagya para tingnan kung busy ba siya o may kausap. Nang mapansing nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang nakatuon sa kanyang laptop ay tuluyan na akong pumasok sa loob. "Sir, good evening," bati ko kay Sir Garette. Sumulyap si Sir Garette sa akin. "Good evening, Den." Lumakad ako papunta sa harapan ng kanyang mesa. "Sir, may sasabihin sana ako." Sumandal si Sir Garette sa kanyang swivel chair at tuluyan na niyang itinuon ang kanyang buong atensyon sa akin. "Sa tingin ko alam ko na ang sasabihin mo. You're going to reject the offer, right?" Ngumiti ng simple si Sir Garette matapos niyang sabihin iyon. "Uhm, actually, Sir... kaya ako pumunta rito sa office mo para sabihin na... t-