Chapter 3

2131 Words
"Teka, mukha ba akong bayaran?" naiinsulto kong sambit kay Julian. Nagpameywang pa ako sa harapan niya at handa na akong suntukin siya. Julian chuckled. "I'm sorry. I sounded like a pervert. I mean, natuwa kasi ako sayo kanina. Gusto ko lang ng makakausap and I think you are the perfect person to talk to," aniya. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag. "Buti in-explain mo kung hindi baka nasuntok na kita," wika ko. "Uhm, thank god?" aniya pa. "Bakit ba gusto mo ng kausap? Wala ka bang kaibigan?" tanong ko. "I have friends. Busy kasi sila sa kanya-kanya nilang mga buhay." "Ahh, kaya pala mag-isa kang nag-inom kanina, okay, gets ko na," wika ko habang tumatango. "Are you free tonight?" "Nako, Sir. Kailangan ko kasing umuwi, eh. Nangako ako sa tatay ko. Tsaka may bibilhin pa ako sa convenience store bago umuwi." "Ihahatid na lang kita. Saan ba?" "Ay, Sir Julian—" "Julian na lang," pag-uulit niya. "I prefer people calling me by my name. Unless empleyado ko," aniya pa. "Ahm, ayun nga, Julian. Salamat pero kaya ko naman umuwi mag-isa. Kahit dalawang buwan pa lang akong nagta-trabaho sa Prisma, nakabisado ko na yung daan ko pauwi," wika ko. Huminga ng malalim si Julian at saka niya ako tiningnan. "Ang sabi mo kanina nangangailangan ka," aniya. "Ah, oo nasabi ko nga," nahihiya kong sabi. "Kung gusto mo, I'll pay you hourly. One thousand per hour. Magku-kwentuhan lang tayo o kaya kakain sa labas." "Ha?! For real yan?!" nanlalaki ang mga mata kong sabi. "Ano? Isipin mo na lang private client mo ako. Makakadagdag pa sa sweldo mo. At least, kung ano man yung mga pangangailangan mo, mabibili mo," aniya pa. "Nako, baka mamaya ginu-good time mo lang ako, ah." Julian chuckled. "Why would I? Hihintayin ba kita kung nagbibiro ako?" Nag-isip ako ng isang segundo. "Sige, pahintay lang ako sa convenience store. May bibilhin lang ako doon tapos hintayin mo akong bumalik." "Hatid na kita. Wala naman akong ginagawa," wika ni Julian. Kahit hindi ko siya kilala, pumayag ako sa alok niya. Pinapasok niya ako sa kotse niya na nakapark sa malapit at saka kami nagpunta sa isang convenience store. Bumili ako ng tatlong burger at softdrinks, isama na rin ang mga tsokolate na paborito ng kapatid ko. Nang matapos ay pinipilit ako ni Julian na ihatid ako sa amin. "Pumasok ka na sa sasakyan," aniya habang nakaupo siya sa driver's seat. "Hihintayin kita sa labas ng bahay niyo." "Sige na nga," wika ko. Hinatid niya ako sa bahay at hinintay nga niya ako sa tapat. Tulog na rin kasi sina tatay Roger kaya binaba ko na lang iyong supot na puno ng pagkain na binili ko. Pumasok akong muli sa sasakyan ni Julian. "Oh, saan tayo?" tanong ko. "I know a place," aniya. Namili kami ng maiinom at nagpunta kami sa Manila Bay. Umupo kami sa semento at pinanood and madilim na dagat. Naaamoy naming pareho ang simoy ng dagat at ang hangin na naglilipad sa buhok ko. Sinimulan na naming uminom. "Sige, magkwento ka na," wika ko. Hindi muna nagsalita si Julian at nagpokus siya sa malawak na dagat. "Hindi ko rin alam kung anong iku-kwento ko. Gusto ko lang ng kasama," aniya. "Mukhang problemado kang tao," sambit ko. Ngumiti lamang siya sa sinabi ko. "Yun na nga. Wala akong problema. Wala akong maresolba o mapagbabalingan ng pansin." "Sige, ganito na lang," wika ko. "Teka, gumagana ang oras ko, ha." Natawa si Julian sa sinabi ko at saka siya tumingin sa akin. "Oo. I'm true to my words," aniya. "Mukhang mayaman ka naman. Bakit hindi ka mag-travel? Kaya mo naman yon," wika ko. "Nakakasawa," simpleng sagot niya. "Wala ka bang girlfriend?" Tumingin siya sa mga daliri niya pagkatapos ay sa dagat ulit. "Wala," tipid niyang sagot. "Sabagay, hindi ka naman siguro magbabayad ng oras ko at hindi mo ako hihintayin kanina sa trabaho kung may girlfriend ka," saad ko. "Ikaw? May boyfriend ka ba?" balik niya ng tanong. "Wala, eh. Masyado akong busy sa buhay ko. Marami akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pakikipag-boyfriend. Tsaka sakit lang sa ulo ang mga lalaki," wika ko sabay nag-indian sit ako. Natawa si Julian sa sinabi ko. "May bad experience ka ba sa mga nakarelasyon mo?" "Yung last boyfriend ko nakabuntis ng ibang babae. Alam mo yon, ang sabi niya sa akin pakakasalan niya ako sa lalong madaling panahon. Ngayon pala, makakabuntis siya sa lalong madaling panahon," umiiling kong wika. "That's fvcked up," ani Julian. "Mabuti na lang pala nangyari yung pustahan niyo kanina. Kung hindi, hindi kita makikilala," aniya. Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Julian. Hindi ko kasi inasahan na sasabihin niya iyon. "Nako, swerte rin naman ako kasi kakaiba 'tong raket na gusto mo. Alam mo yon, hourly may bayad para lang magkwentuhan," wika ko. “Bibihira lang yung ganitong serbisyo.” "I'm lucky nakahanap ako ng katulad mo," ngiti ni Julian sa akin. Napatitig ako kay Julian sa hindi malamang dahilan. Sa nakikita ko sa kanya ay hindi naman siya mukhang masamang tao. Alam kong ngayon ko pa lamang nakilala si Julian pero nararamdaman kong sweet siyang tao. Dahil doon ay kailangan pala na palagi kong alalahanin na kliyente ko siya. "May gusto akong subukan," aniya. "Ano, yon?" curious na tanong ko sabay tingin sa kanya. "Gusto kong maranasan kung paano manigarilyo." "Ay, nako, huwag na. Makakasama pa sa baga mo ang paninigarilyo. Okay na yung pag-inom mo ng alak," saad ko. "Para kang nanay," natatawa niyang sabi. "Aba, naghahanap ka ng makakausap, diba? Ginusto mo 'to," saad ko. "I know. Natatawa lang kasi ako sayo," nakangiti niyang sambit. “Alam mo, pare-parehas lang tayo ng nararamdaman kahit magkakaiba ang mga agwat natin sa buhay,” saad ko. “Tingnan mo ikaw. May pera ka. Mayaman ka. Hindi mo naman ako babayaran ng isang libo kada oras kung hindi, diba? Pero tingnan mo. Bakit kailangan mong maghanap ng makakausap kung masaya ka sa buhay mo? Diba?” Ngumiti si Julian habang nakatitig sa dagat. Pagkatapos ay ibinaling niya ang kanyang atensyon sa akin. “Hindi ko alam kung malulungkot ako sa sinabi mo o matutuwa.” “Bakit? Medyo nagugulahan ako,” saad ko. “Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa kasi, tama ka naman pero natutuwa ako dahil kung hindi ako nangangailangan ng makakausap, hindi kita makikilala. Nakakaaliw ka kasing kausap,” paliwanag ni Julian sa akin. Bigla ay naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi dahil sa kanyang sinabi. Napanguso pa nga ako dahil hindi ko alam kung ano ang ibabato kong biro sa kanya. “Nako, huwag mo na akong bolahin. Baka sinasabi mo lang yan dahil gusto mo pa ng serbisyo ko sa mga susunod na araw,” wika ko sabay tawa. Hindi kaagad nagsalita si Julian kaya humarap ako sa kanya at nag-indian seat. “Alam mo, Julian, sana ito yung una at huling pagkikita natin. Payo ko sayo, subukan mong i-discover ang mga hobbbies na kagigiliwan mo. Okaya, magsimba ka. Kung ano man yung pinagdadaanan mo, sigurado akong malalampasan mo yon.” Tinitigan lamang ako ni Julian, tila hindi niya inasahan ang mga payo ko sa kanya. “Oo na,” saad ko. “Alam ko namang hindi bagay sa’kin ang magbigay ng payo. Oo na’t hindi ako matalino katulad mo at hindi rin ako mayaman. Tingnan mo ako. Nagta-trabaho ng marangal para may panggastos sa pangaraw-araw. Hindi ko man mabili yung mga gusto ko para sa sarili ko, masaya naman akong nakakatulong sa pamilya ko. Yon ang mas importante para sa akin. Ayokong mamatay na may pinagsisisihan sa buhay. Siguro kung mayroon man, yun ay hindi ako nag-asawa ng matandang mayaman na madaling mamatay.” Tumawa si Julian pagkatapos kong magsalita. Napatitig tuloy ako sa kanya. Napakaaliwalas ng kanyang pagtawa. Hindi ko na naiwasang mapangiti habang pinapanood siya sa kanyang pagtawa. Napakaganda niyang lalaki. “Ano, mabenta ba yung joke ko?” natatawa kong tanong sa kanya. Pinahupa muna ni Julian ang kanyang pagtawa habang pinupunasan ang kanyang mga mata. “Ano, naluha ka? Lumang joke na yon.” “Nakakatawa kasi lalo na sa sitwsayon mo. Nagawa mo pang magbiro ng gano’n.” “Ano pa bang gagawin ko? Kaysa iyakan ko yung problema, idaan ko na lang sa biro. Tama ba ako?” “You are right,” wika ni Julian sabay huminga ng malalim. “I don’t regret talking to you. You made my night.” “Nakakatawa ka,” wika ko sa kanya. “Bakit naman?” naguguluhan niyang tanong. “Sa mga katulad kong nasa mababang estado sa buhay, normal lang sa amin yung mga ganitong usapan. Hindi ko inasahan na matutuwa ka talaga sa mga sinabi ko,” wika ko at saka humarap sa dagat. “Oh, teka, ilang oras na ba tayo rito. Two thousand na yan.” “Deniece,” tawag ni Julian sa pangalan ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang biglang mag-ring ang kanyang phone sa bulsa ng kanyang pantalon. “Teka lang, I’ll just take this call,” aniya. Tumayo kaagad si Julian at saka lumakad palayo para sagutin iyong tawag. Hinayaan ko siyang makipag-usap sa taong tumawag sa kanya habang nakaupo ako sa semento at pinapanood ang pag-alon ng dagat. Halos sampung minuto ang itinagal ng kanyang pakikipag-usap kaya nang bumalik siya sa tabi ko ay hindi na siya umupo pa. “Deniece, thank you sa oras mo,” aniya. Tumingala ako sa kanya at naisipang tumayo na. “Walang anuman, Julian,” wika ko naman sa kanya. Kinuha ni Julian ang kanyang wallet sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon. Kumuha siya ng tig-iisang libo doon. Ni hindi man nga niya binilang ang mga binunot niyang pera bago iabot sa akin. “Teka, parang sobra sa two thousand yung inaabot mo sa akin,” nakangiwi kong wika. Ngumiti si Julian sa akin. “Hindi sapat yung two thousand sa pagpapatawa mo kanina. Tanggapin mo na,” aniya. Nag-aalinlangan man ay tinanggap ko rin ang pera. “Salamat, ha. Malaking tulong na ‘to. Isang linggong sweldo ko na rin ‘tong inabot mo.” “Doon sa bar?” tanong ni Julian. Tumango ako bilang sagot. “Den, may hihingin sana ako,” aniya. Napakunot ang noo ko. “Teka, huwag mong sabihing gusto mong—“ “Hindi,” natatawa niyang wika. “Ihahatid lang kita sa inyo. Pasasalamat ko na rin.” Huminga ako ng malalim. “Sige na nga. Makulit ka, eh. Bawas gastos na rin,” saad ko. Sa huli ay hinatid nga ako ni Julian sa amin. Tinuro ko sa kanya iyong mga lilikuan niyang kanto hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Tinanggal ko ang seatbelt ko at humarap kay Julian. “Salamat sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi mo.” “Thanks,” ani Julian. “Sana gumaan na yung pakiramdam mo sa mga darating na araw. Alam kong nasabi mo na ito ng maraming beses sa sarili mo pero kaya mo yan. Fighting lang sa buhay, okay? Kasi ganon ang ginagawa ko. Bawal ang sumuko.” Ngumiti si Julian sa akin at umiling. “Bakit ba hindi kita nakilala kaagad?” bulong niya. “Ano?” wika ko. “Wala. Sige na, para makapagpahinga ka na. May pasok ka ba bukas?” “Oo. Sunday lang naman ang dayoff ko sa Prisma,” sagot ko. “Sige na, ingat ka ulit.” Lumabas ako sa kanyang mamahaling sasakyan at dumiretso sa tapat ng gate ng bahay namin. Kumaway si Julian sa akin bago siya tuluyang umalis. Kinabukasan, muntik pa akong ma-late sa trabaho ko sa pharmacy dahil napasarap ang tulog ko. Pagkatapos ng shift ko doon ay dumiretso ako sa Prisma para matulog ng kahalating oras bago simulan ang trabaho ko. “Den, mukhang nakipagbardagulan ka kagabi, ah,” ani Jenna nang mapansin niya akong tulala sa mga hinuhugasan kong mga plato sa kusina. Binaba niya ang mga maruruming baso sa mahabang sink. “Kulang ako sa tulog.” “Hindi na muna kita didistorbohin. Magpahinga ka mamaya ng maaga. Mabuti na lang wala si Sir Garette ngayon. Siguradong pupunahin niya ang awra mo,” dagdag pa ni Jenna. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Jenna at hinayaang tapusin ang trabaho. Pagkatapos ng shift ko ay naisipan kong bilhan muli ng pasalubong si tatay Roger. Ngunit sa paglalakad ko sa tapat ng Prisma bar ay napansin ko ang isang pamilyar na lalaki na nakasandal sa gilid ng building ng naturang bar. Nang mapansin ako ni Julian ay tumayo siya ng maayos at lumakad palapit sa akin. Nang makarating siya sa aking tapat ay nagsalita siya. “Sorry. I can’t help it. Pwede ko bang bayaran ulit ang oras mo ngayon gabi?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD