Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi ni Julian. Nakatingala at nakatitig lamang ako sa kanyang gwapong mukha. “H-hindi naman ako tinitingnan ng mga tao. Wala naman akong napapansin kanina..” “Yes, because I was walking ahead of you earlier while talking to Priscilla over the phone. I was glaring at them kaya umiiwas na sila ng tingin.” “A-ano? Bakit mo naman sila titingnan ng masama? Wala naman silang ginagawa, eh.” “Wala nga. Pero sa isip nila mayro’n,” seryosong wika ni Julian. “Don’t argue about it. You have a coat on and that’s what matters now.” Hindi na ako nakipagtalo pa kay Julian at iniba ang pinag-uusapan. “Puntahan na natin si Priscilla,” wika ko. “She’s not done talking over the phone yet.” Umalis sa pagkakasandal sa pader si Julian at lalakad na sana kam