Nag-ayos muna ako ng sarili hindi dahil ayokong makahalata si Priscilla na hindi ako mayaman katulad nila kung ‘di dahil susunduin ako ni Julian at gusto kong mapansin pa rin niya ako. Nagsuot ako ng itim na tube dress na hapit sa aking katawan. Mayroon itong three inches na slit sa kanang bahagi ng laylayan nito. Nagsuot ako ng silver jewelries at white heels. Ni-ponytail ko ng mataas ang wavy kong buhok at mayroong mga konting baby hair na nakalugay. Light makeup lang rin ang kolorete ko sa mukha para mukha akong fresh. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Sa pag-upo ko sa upuan sa tabi ng pintuan ng aming bahay ay sakto namang tumunog ang aking phone. Tumatawag si Julian. Napakagat ako sa aking labi dahil heto’t makikita ko na naman siya. Sinagot ko iyong tawag. “Hello?” “I’m almos