Pagkatapos naming kumain ay nauna na kaming umalis ni Priscilla. Gusto ko mang samahan si Sean sa pagpunta niya sa doktor ay pinilit pa rin niya akong sumama kay Priscilla. Ihahatid daw siya ng kanilang driver kaya hindi siya magmamaneho. “Pagpasensyahan mo na si Sean, ah,” ani Priscilla habang siya ay nagdi-drive. “Ayaw niya lang talagang makita mo siyang nahihirapan. Siguradong may kung anu-anong tests ang gagawin sa kanya kaya ayaw niyang naroon ka. Ganoon kasi ang lalaki na yon. Ayaw niyang nakikita siya ng mga tao na mahina at malungkot.” “Naiintindihan ko naman,” saad ko. “Salamat, Den, kasixm nandiyan ka para kay Sean. Kilala ko ang pinsan ko na yon. Ngayon ko lang talaga siya nakitang masaya sa isang babae. Certified babaero kasi talaga yan. He never introduced a girl in our fam