Chapter 2

1932 Words
Pagkatapos ko sa pharmacy ay dumiretso kaagad ako sa Prisma. Sa backdoor kami pumapasok dahil naroon ang mga lockers namin. Nagpalit ako kaagad ng uniporme para diretso na ako sa pagta-trabaho mamaya. Mabuti na lamang ay mayroong room na katabi ng locker room kung saan pwede kaming magpahinga at matulog dahil may mga double deck na mga kama doon na lima. Natulog ako ng tatlumpung minuto at saka na ako naghanda para sa trabaho. Nag-stretching ako nang makaupo ako sa kama at habang ginagawa ko iyon ay napansin kong sumilip si Loisa dito sa loob. Isa rin siyang waitress sa Prisma katulad ko. "Den!" tawag niya sa akin. Binuksan niya ng malawak ang pinto at ganoon rin kalawak ang ngiti niya. "Ka-duty pala kita ulit!" natutuwang sambit niya. Tumayo ako at saka siya nilapitan. "Oo nga. Tara na, pumasok na tayo. Baka makita ka rin ni Sir Garette na dumadaldal. Namumuro na kayong dalawa sa kanya. Alam niyo naman ni Jenna kayo lang ang ka-close ko rito tapos mawawala pa kayo," wika ko. "Ano ka ba, huwag ka ngang nega diyan. Hindi kami tatanggalin ni Sir Garette. Masyado kaming maganda para gawin niya yon, 'no. Tsaka hindi naman niya tayo tatanggapin sa Prisma kung hindi dahil sa hitsura at katawan natin," wika ni Loisa. Ayoko mang aminin pero totoo ang sinabi ni Loisa. Marahil ay isang high-end enterprise itong business niya at gusto niyang magaganda at gwapo ang mga tinatanggap niya para ma-engganyo lalo ang mga customers at bumalik sila. "Sige na. Pumasok na tayo," wika ko. Tuluy-tuloy ang oras ng duty ko hanggang sa sumapit ang ten pm. Habang nagse-serve ako ng mga alcoholic drinks at wine dala ang tray ay napansin ko ang isang lalaki na papasok sa loob ng Prisma. Hindi ko man gustong tumigil sa paglalakad para i-serve sa kabilang table ang wine na natira sa tray ko ay ginawa ko pa rin. Napukaw kasi niya ang pansin ko. Dinaanan niya lamang ako ngunit hindi pa siya nakakapasok sa pinakaloob nang tumigil siya sa paglalakad na tila may naalala. Lumabas siyang muli sa Prisma. Kakapasok ko lamang sa kusina para ilagay doon ang mga maruruming baso at mga bote ng beer na kinuha ko sa mga tables nang mapansin kong nagmamadaling pumasok si Jenna sa kusina at tapikin ako ng mabilis sa balikat. "Ano ba yon, Jenna. Baka mahulog ko yung mga baso sa tray," wika ko habang binababa ko ang mga iyon. "Girl, bilisan mo diyan, may bago tayong customer na fafa!" kinikilig na wika ni Jenna. Sakto namang natapos ako sa ginagawa ko at pinunasan ang mga kamay ko sa puting apron ko. Nagpunta kami sa gilid ng bar counter ni Jenna at sumakto ring papunta si Loisa sa gawi namin habang may hawak na tray na walang laman. "Sinong tinitingnan niyo diyan?" usisa ni Loisa sa amin nang siya ay makalapit. "Ayun, oh! Yung fafa na gwapo!" sagot naman ni Jenna. Tinuro pa niya yung lalaking sinasabi niya na ngayon ay kakaupo lang sa isang table na good for two people lang. Maganda ang pinili niyang pwesto dahil nakaharap siya sa banda na tumutugtog. Bumalik pala iyong lalaking customer na nakasalubong ko. Pinagmasdan ko iyong lalaki. Tila tahimik itong tao at workaholic. Bagay niya rin ang kanyang salamin sa mata. Hindi naman kasi siya kalayuan sa amin kaya nakikita ko siya. Nakasuot ito ng puting long sleeves na polo at formal pants. Mukha siyang malinis sa katawan dahil maputi rin ito. Tumili si Jenna sa tabi ko nang iangat nung lalaki iyong mga sleeves ng polo niya hanggang siko at saka niya itinaas ang kamay niya at hintuturo doon sa isang waiter na katulad namin. "Magpustahan tayo!" ani Jenna. "Nako, Jenna, ayan ka na naman sa mga pustuhan mo na lagi kang talo," wika ni Loisa. "Ano ba yon?" aniya pa. "Ganito," panimula ni Jenna. "Kung sino ang makahula sa age ni fafa pogi, mananalo ng five hundred pesos!" "Sige go ako diyan. Teka, sino bang lalapit?" wika ni Loisa. "Ako na," sambit ko habang nakatitig doon sa lalaki. "Lakas, girl! Sige, ikaw na ang kumausap. Ngayon, anong age ang ibe-bet niyo? Ako feeling ko nasa twenty-five pa yan. Ang batang tingnan, eh," saad ni Jenna. "Ako feeling ko thirty na yan, mukha lang batang tingnan. Tingnan niyo, para siyang problemado," sambit ni Loisa. "Go ako sa twenty-nine," wika ko. "Sige. Para sa five hundred na magiging isang libo, go, Den!" Matapos iyong sabihin ni Jenna ay lumarga na ako para sa pustahan. Naglalakad ako papunta sa right side niya dala ang isang tray na walang laman. Nang makalapit ay tumigil ako sa right side ng mesa niyang pabilog at saka ngumiti. "Good evening, Sir," bati ko. "Mukhang nag-iisa kayo ngayong gabi. Baka gusto niyo nang umorder." Tumingin ako sa gawi nila Jenna at Loisa na tuwang-tuwa sa ginagawa kong pagkausap sa customer. Nag-aja pa si Jenna sa akin na may malawak pang ngiti at pagkatapos ay ibinaling kong muli ang atensyon ko sa customer na lalaki. "Naka-order na ako doon sa isang waiter kanina," aniya. "Nako, tsk," sambit ko sabay kumpas ng kamay ko na tila ba sayang. "Sayang naman, Sir. Ngayon ko lang kasi kayo nakita rito sa Prisma. Pwede naman natin kanselahin yung order mo kanina." Ngumiti si Mr. Labo sa akin at saka kinunot ang noo na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Gwapo mo kasi, Sir, kaya nilapitan kita. Libre isang bote ng beer kung sasagutin mo ang isang tanong ko," pambibiro ko. Tila natutuwa sa akin si Mr. Labo dahil nasa akin na ang buong atensyon niya. Inilapag niya kasi ang phone niya sa mesa at patalikod pa. "Sige, sasagutin ko ang tanong mo kapalit ang isang libreng bote ng beer," aniya. Tumingin akong muli sa gawi nila Jenna na tila ina-anticipate ang nangyayari. "Ilang taon ka na, Sir?" Tinanggal ni Mr. Labo ang kanyang mamahaling salamin sa mata at saka ito ipinatong sa mesa. Pinagdaop niya ang kanyang mga kamay at ni-intertwined ang kanyang mga daliri, pagkatapos ay ipinatong niya roon ang kanyang baba. "Hulaan mo?" playful na tanong niya ngunit naroon pa rin ang kanyang sopistikadong dating. Nagulat na lamang ako nang mapansin sina Jenna at Loisa na nakalapit na pala sa kabilang table sa left side ni Mr. Labo, kunwari ay nagpupunas ito ng ng mga mesa. Tila ayaw nilang palampasin ang pustahan na ito at nais nilang marinig mula kay Mr. Labo ang kanyang sagot. "Sige, Sir. Huhulaan ko ng tatlong beses," wika ko. "Hmm.. sa tingin ko thirty years old ka na." Umiling ng dalawang beses si Mr. Labo bilang sagot habang nakangiti ng simple sa akin. Napaupo naman si Loisa dahil sa nakitang pag-iling ni Mr. Labo. Ngumisi ako kay Loisa dahil talo siya at kaming dalawa na lamang ni Jenna ang naglalaban sa pustahan. "Twenty-five?" "No." Napaupo rin si Jenna sa isang upuan na nakaharap kay Loisa. "Twenty-nine?" nakangiwi kong tanong. "Bingo," ani Mr. Labo. "Ha?! Yes!" sigaw ko at napa-fistbump pa sa ere. Nakangiti lamang si Mr. Labo sa akin habang ako ay tuwang-tuwa sa nangyari. "Yung libreng beer ko, makukuha ko rin ba?" tanong ni Mr. Labo. "Oo, Sir! Teka, balikan kita, ha." Umalis muna ako sa harapan ni Mr. Labo at saka ko madaling pinuntahan iyong dalawa. Bumalik kaming tatlo sa kusina. "Oh, nasaan ang tigfa-five hundred ko?" inilahad ko ang palad ko kay Jenna at Loisa habang bagsak ang mga mukha nila dahil natalo sila ng tig-limang daan. Isinuksok nilang dalawa ang kanilang kamay sa mga bulsa ng mga skirts nila na pang-maid rin kagaya ng sa akin. Mga sexy maid clothes ang mga suot pala namin. "Mamaya ko na ibibigay yung sa akin, Den. Wala ako rito sa bulsa, eh," wika ni Loisa. "Sige. Wag mong kalimutan, ha. Makalilimutin ka pa man din," wika ko. "Oh, heto five hundred," ani Jenna at saka inilagay sa palad ko ang five hundred niyang buo. Ngiting tagumpay naman ako sa nangyari dahil may pambili na ako ng makakain ni tatay Roger. Naalala kong pinangakuan ko pala siya na bibilhan ko siya ng pasalubong. Ibibili ko na lamang siya mamaya sa convenience store malapit rito pagkatapos ng duty ko. "Magsipagbalik na tayo sa mga trabaho. Baka makita pa tayo ni Sir Garette okaya may magsumbong sa atin," wika ko. "Sige," sambit ni Jenna. "Last ko na munang pustahan yon. Namumulubi na ako, eh." "Nagyaya ka pa kasi," ani Loisa sa kanya. Lumabas na silang dalawa sa kusina at ako naman ay pina-cancel ko iyong unang order ni Mr. Labo at saka ko inulit ang order niya na may isang free beer. Bumalik ako sa table niya at saka ko inilapag sa kanyang mesa ang order niyang pulutan, beer, at hard drink. "Heto na, Sir. Thank you sa pagsagot mo pala kanina," wika ko habang nilalapag ang mga order niya. "Panalo ka ba sa pustahan?" simple niyang tanong. Nagulat ako ng kaunti sa kanyang sinabi ngunit minabuti kong huwag ipahalata. Ngumiti na lamang ako bilang reaksyon. "Oo, Sir. Pasensya na. Nangangailangan lang. Panalo naman ako sa pustahan. Tama yung hula ko." "That's good," ani Mr. Labo. "I'm Julian," pakilala niya. "Nako, Sir. Hindi mo na kailangang magpakilala. Out of challenge lang yung ginawa ko kanina. Pasensya na talaga," nakangiwi ko na namang sambit. "Gusto ko lang naman magpakilala. Hindi ba pwede?" aniya. "Ah, hindi naman sa ganon, Sir." Natapos kong ilapag ang mga orders niya at magpapaalam na sana ako ngunit nagsalita pa siya. "Anong pangalan mo?" "Ah, Deniece, Sir. Den ang madalas itawag sa akin," wika ko. Tumangu-tango siya bilang sagot. "Thanks for the free beer," aniya. "No problem, Sir. Basta kapag bumalik ka rito ako na lang ang mag-serve sayo para may free beer ka palagi," kindat ko sa kanya. "Thanks," aniya. "That's for sure," dagdag pa niya. Iniwan ko na si Sir Julian hanggang sa lumipas ang dalawang oras ay hindi ko siya napansin na lumabas ng Prisma. Saktong tapos na ang duty ko nang tanungin ko si Jenna kung nasa office pa si Sir Garette. Sasabihin ko na sa kanya ang sagot ko sa kanyang offer. "Wala siya ngayong araw sa office, Den. Hindi ko alam kung papasok rin siya bukas." "Ah, ganon ba, sige, salamat. Mauna na ako, ah," wika ko. Lumabas ako ng Prisma sa back door at saka nagpunta sa entrance ng bar. "Den, yung five hundred mo," ani Loisa. Hinabol niya pala ako at saka inabot iyong pera. "Salamat," sambit ko. "Teka, Den, hindi ba yung gwapong customer yon?" Tumingin ako sa likod ko kung saan siya may tinuturo at napakunot ang noo ko nang mapansing si Sir Julian pala iyon. Nakasandal siya sa gilid ng Prisma building na tila may hinihintay. Nang makita niya kami ni Loisa ay lumapit siya sa aming dalawa. "Sir, akala ko umuwi ka na," wika ko. "Bakit nandito ka pa? May hinihintay ka?" "Oo. I'm waiting for you," aniya. "Ayiee!" kinikilig na hiyaw ni Loisa sa tabi ko at saka pa niya ako sinikuan. "Sige, mauna na ako, Den. Bukas na lang, ba-bye! Sir, ba-bye!" aniya at saka siya kumaripas ng takbo palayo sa amin ni Sir Julian. "B-bakit hinihintay mo ako, Sir?" "Julian na lang," aniya. "May i-aalok sana ako sayo." Mukhang seryoso siya sa alok niya dahil hinintay pa talaga niyang matapos ang duty ko. Di hamak na mayaman si Julian dahil sa awra pa lang niya at kasuotan. "Anong alok, Sir? I mean, Julian?" "Uh.. na-entertain kasi ako sayo kanina." Natuwa ako sa sinabi niya ngunit nawala ang ngiti ko sa sumunod niyang sinabi. "I'd just like to ask.. how much for a night?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD