HINDI ko maintindihan ang nararamdamang takot para sa nanay ni Luciel. She looks harmless. In fact, nakangiti siya nang tumingin sa akin kaya lamang, hindi matanggal-tanggal sa sistema ko ang takot na nararamdaman. “Who is she?” tanong nito at ibalik ang buong atensyon sa anak. Nakita ko ang pagngiti ni Luciel sa ina bago lumapit sa akin. Ipinulupot ni Luciel sa aking baywang ang kanyang kamay at marahan akong hinila papalapit sa kanya at para makaharap ko ang kanyang ina. “Si Chantria, Mom, girlfriend ko.” His mother’s eyebrow raised, and suspiciously eyed me. Nanliit ang kanyang mga mata na akala mo’y inoobserbahan akong mabuti. Makalipas ang ilang sandali, isang ngiti na naman ang ipinakita niya sa akin. “Hi, Chantria! Nice meeting you. I’m Piper Benavidez, Luciel’s mother. You ca