HINDI pa man lubos na nagrerehistro sa isipan ko ang balita ay agad nang tumulo ang luha ko. Paanong nangyari iyon? Kausap at kasama ko lang siya kagabi. “Fatims, ano bang sinasabi mo. Imposible—” “May mga pulis dito at hinahanap ka! Ibinalita nila na patay na si Mrs. Benavidez at ikaw…isa ka raw sa suspect nila.” Humikbi si Fatima bago ituloy ang kanyang pagsasalita. “Nakita raw ang fingerprints mo sa murder weapon. Chantria, hinahanap ka ng mga pulis!” Nang may marinig kaming ingay sa hindi kalayuan ay hinila ako ni Fatima para makapagtago kami. “Kailangan mong umalis dito. Kailangan mong magtago. Hindi ka nila puwedeng mahuli, Chan—” “Teka, hindi ako ang pumatay!” Pinawi ko ang luha sa pisngi ko. “Hindi ko iyon magagawa kay Tita Piper! Hindi ako tatakas! Kung tatakas ako lalo lama