UMIIYAK ako nang makabalik ng ospital. Si Tita agad ang kinausap ko tungkol doon and she comforted me. “Dahil ba sa nangyari sa akin kaaya ka nakipaghiwalay kay Luciel? Sana hindi mo na lamang ginawa iyon, Chan. Hindi ko naman sinabi ang sitwasyon ko sa ‘yo para mapunta ka sa ganitong desisyon, eh.” Panay ang paghagod niya sa likod ko para lamang tumahan ako. “Ngunit nirerespeto ko ang ginawa mo, Chan. Hindi ko alam kung ano ba talagang tunay na nangyayari pero…kung anong sa tingin mong tama ay susuportahan kita parati. Sige lang, iiyak mo lamang iyan.” Ganoon na nga ang ginawa ko. Umiyak ako hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong nararamdamang sakit. Umiyak ako hanggang sa mamanhid ang puso kong nadurog ngayong gabi. Bumalik ako ng Manila matapos ma-discharge ni Tita. Hindi ako sig