HINAWAKAN ni Tita ang aking kamay at hinaplos iyon. Tiningnan ko siya, malalim pa rin ang aking iniisip dulot ng mga pangyayari. “Chan, ano ba talagang nangyayari?” tanong ni Tita sa akin, nag-aalala na siguro sa sitwasyon. “Ayaw po sa akin ni Mr. Avion, Tita. Pinapahirapan niya ang buhay ko nang sa ganoon ay layuan ko si Luciel.” Napayuko ako. Ayokong isipin na si Mr. Avion nga ang gumawa because he promised. Hindi man sa akin pero nangako siya kina Tita Piper at Luciel. Kaya…bakit biglang ganito? Gulung-gulo na ang utak ko. Ni hindi na ako makapag-isip nang maayos dahil sa nangyari kay Tita. Paano kung nadukot siya, anong mangyayari sa kanya? I’d been so understanding with the whole situation. Parati kong ginagamit ang isip ko kaysa pairalin ang emosyon ko. Ngunit ngayong si Tita an