PANAY ang aking pagbuntong-hininga. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Papa. Lalo lamang gumulo ang isip ko at hindi makapagdesisyon kung sino bang nagsasabi ng totoo. Papunta na ako sa parking lot kung saan ako hinihintay nina Gael. Pabalik din agad ako ng Manila dahil wala naman akong gagawin dito sa Batangas. Kung uuwi ako sa bahay namin ay wala rin namang naghihintay sa akin doon. Natigil ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sinong tumatawag. Si Fatima pala. Sinagot ko agad, iniisip na baka may kailangan siya sa akin. Naandito rin naman ako sa Batangas kaya puwede kaming magkita kung sakali. “Fatima, hello?” “Chantria!” Ikinabigla ko ang kanyang biglaang pagsigaw. Sa tono pa lamang ng kanyang boses ay alam mo nang hindi maga