HINDI ko alam kung paano ako makakawala sa kanya. Ang kanyang dalawang kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid ko. Kung itulak ko kaya siya papalayo, kayanin ko? Sa laki ng katawan niya, pakiramdam ko ay hindi.
Ikiniling niya ang ulo niya at pinagmasdang mabuti ang mukha ko. Lalo akong hindi naging komportable sa kanya. Hindi ko talaga alam paano pakikisamahan ang mga lalaki. Madalas kasi na nakakasalamuha ko ay agresibo—parang itong lalaking nasa harapan ko ngayon.
Hindi mawala ang ngisi sa kanyang labi. Dinilaan niya ang ibabang labi kaya’t napalagok ako. Ang kanyang mga mata ay bumaba rin sa aking labi at nagtagal ang paninitig doon.
“What can you say about that, huh? Do you want me…to make you remember?” Nang ilalapit niya ang kanyang labi sa akin ay marahas ko siyang itinulak. Ibinigay ko ang buong lakas ko roon para lang magawa kong ilayo siya sa akin.
“Manyak!” sigaw ko sa kanya.
Malalim ang paghalakhak niya. Agad akong lumayo sa kanya dahil natatakot ako na magawa na naman nito akong ikulong at hindi na makawala sa pangalawang pagkakataon.
“Damn, you’re turning me on!” Humalakhak siya at tinangka akong lapitan pero umiwas agad ako sa kanya. “You’re making me hard, f**k!”
He clicked his lower lip, sexily. Nanginginig ang laman ko sa inis sa lalaking ito. Masyado siyang bulgar magsalita at hindi ko alam kung alam niya bang magandang lalaki siya kaya makapal ang mukha niyang magsalita ng ganito.
“I didn’t know I have a thing for a maldita or snobbish girl until you came.” And he bit his bottom lip. He’s sexy, alright. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya na hot at sexy naman talaga siya.
“How old are you?” tanong niya habang pinagmamasdan akong mabuti.
Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba iyon kaya matagal-tagal din akong tahimik.
“Kahit hindi mo sabihin sa akin, malalaman ko rin naman,” he said, full of pride. Tsk, yabang! Alam niya ba na hindi dapat niya pinapakealamanan ang mga personal information? I know, he’s aware of that! Ngunit wala siyang pakealam doon.
“22 years old.” Late na kasi akong nakatungtong ng elementarya dahil nga sa problema namin noon sa mga kaso ni Papa, kaya’t imbis na ngayon ay nakakapagtrabaho na sana, naandito pa rin ako at nag-aaral.
“Not bad. Puwede na.” Sinimangutan ko siya sa sinabi niyang iyon. Anong puwede na? Gago ba ‘to?!
This man is dangerous, a typical f**k boy. Iyong lalaking sarap lamang ang habol at iiwan ka rin kapag nagsawa.
Gusto ko sanang magsalita pa ng kung anu-ano pero naalala ko na sila nga pala ang may-ari ng villa kung saan ako nag-i-intern ngayon. Hangga’t maaari ay ayokong mabahiran ng kahit anong pangit na remarks ang record ko dahil lamang inaaway ko ang may-ari.
Pilit akong ngumiti. Bawat galaw ko ay pinagmamasdan ng lalaking ito. Gusto ko na lamang maglaho sa harapan niya bago ko pa siya masaktan.
“Kung wala na po kayong kailangan, Sir Luciel, aalis na po ako.” Nagmamadali akong tumakbo papalapit sa pinto.
Isang beses ko pa siyang muling tiningnan. Humalukipkip lamang siya at nanatili ang titig sa akin. I secretly rolled my eyes and stormed out of his private house.
Minumura-mura ko siya habang naglalakad ako pabalik ng restaurant. Siya ang dahilan bakit makakaltasan ako ng allowance. Pinatid niya ako at ngayon…minamanyakan pa! Sobrang iritasyon ang ipinaramdam sa akin ni Luciel Benavidez na sa tingin ko ay deserved niyang murahin kahit sa isipan ko lang.
Sinalubong ako ni Fatima pagkadating ko sa restaurant. In fact, hindi lang siya ang lumapit sa akin nang makabalik ako, halos lahat ng babaeng intern, maging crew man ay lumapit sa akin para makibalita.
“Kumusta? Ang gwapo ni Sir Luciel talaga! Sana ako na lang ang natalapid niya. Willing akong mahulog sa kanya at pagsilbihan siya roon!” Tumili ang mga babae habang ini-imagine nila ang mga pantasya nila sa Benavidez na manyakis.
Umirap ako. E ‘di sana sila na nga lang. Hindi ko ipagdadamot iyon sa kanila.
Hinila ako ni Fatima palayo sa mga babaeng maiingay at tinanong ako.
“Anong ginawa ni Sir Luciel? Bakit parang bad trip ka?”
Bumuntong-hininga ako para mawala ang inis na nararamdaman. “Wala naman. Okay na iyon. Magtrabaho na lang ulit tayo.”
Ayoko na ring pag-usapan. Baka gusto niya lang bumawi sa akin dahil iniisip niya na sinad’ya kong pumasok sa silid kung saan siya nakikipag-ano sa isang babae kahit na ang totoo, siya naman iyong hindi marunong magsara ng pinto.
Napapasabunot ako sa aking sarili sa tuwing inaalala ang mga kaganapan. Nalulumbay rin kapag naiisip na dahil sa kanya, mawawalan pa ata ako ng allowance.
Hanggang matapos ang shift ko ay purong si Sir Luciel ang pinag-uusapan. Kahit ang mga matatanda ritong babae sa restaurant ay siya ang laman ng usapin. Hindi ko maintindihan bakit type na type nila iyon ganoong manyakis naman.
Gwapo naman talaga si Sir Luciel. Bukod sa gwapo, maganda ang pangangatawan, at matangkad; malakas din ang s*x appeal niya. Siguro iyon ‘yong nagpapabaliw sa mga kababaihan rito. May mga tao kasi gwapo pero walang s*x appeal kaya sa larangang iyon, angat si Sir Luciel.
Hanggang papunta ng dorm ay laman pa rin ng usap-usapan ang lalaki. Ang ilan pa’y napapansin ko na sinasadyang dumaan sa private house ni Sir Luciel para lamang tingnan kung makikita ba nila ito.
“Paano pala ang allowance mo? Ang mahal pa naman ng alak na iyon. Tiningnan ko iyong presyo kanina.” Tiningnan ako ni Fatima at nanlalaki ang mga mata niya. “Grabe, ‘te! Daig mo pa ang bumili ng bagong phone sa isang bote! Hindi ko talaga maintindihan ang mayayaman.” Umiiling-iling pa siya.
Hindi ko na masyadong inisip iyong tungkol sa allowance ko. Wala na rin naman ata akong magagawa. Kung may paraan para mabawi iyon, gagawin ko. Ngunit kung wala, tatanggapin ko na lamang.
Iniisip ng iba na kasalanan ko dahil natalapid ako kahit ang totoo intensyon ng isang lalaki ang gawin iyon. Hanggang pagtulog ko ay napapabuntong-hininga ako at isinusumpa si Sir Luciel.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa restaurant pa rin ang shift ko ngayon. Mas maaga akong makakapag-time in, mas maganda.
Naligo agad ako at nagbihis ng uniporme. Sa paglabas ko ay may ilan akong nakakasalubong na guest kaya’t magalang ko silang binabati.
“Maganda umaga po, Mr. and Mrs. Samaniego,” bati ko sa mag-asawang madalas kong nakakausap simula nang maging intern ako rito sa villa.
Mayaman ang pamilya ng mga Samaniego at naririto sila para magbakasyon. Hindi ko sigurado kung ilang araw o baka nga linggo na silang naririto sa resort. Mabait sila sa akin kaya natutuwa ako kapag sila ang binibigyang serbisyo ko.
“Hello, Chantria. Good morning,” bati pabalik sa akin ni Mrs. Elizabeth Samaniego.
“Papunta po kayo sa restaurant?” tanong ko na siya naman sinagot ni Mr. Arturo Samaniego.
“Yes. Papunta ka na rin ba roon ngayon?”
Masaya akong tumango sa kanya. Ako na ang nagbukas ng magarang pinto ng restaurant para makapasok sila. Iginaya ko na rin sila sa maaaring maging table nila.
“Kukunin ko lang po ang pad ko para mapagsilbihan ko na po kayo. Wait lang po!” May ngiti akong umalis at kinuha ang mga gamit na kakailanganin ko. Binati pa ako ng ilang kasamahan na ang aga ko raw.
Bumalik ako sa table ng mga Samaniego at kinuha na ang order nila for breakfast.
Ibinigay ko iyon sa counter at naghintay sa pagkain para ma-serve ko sa kanila.
“Chan,” tawag sa akin at pinatunog ang maliit na bell. Kaagad akong lumapit at kinuha ang tray ng pagkain bago dalhin sa mag-asawang Samaniego.
“Enjoy your breakfast po!” masiglang saad ko sa kanila.
Iiwanan ko na sana ang mga ito upang makakain na nang masagi ni Ma’am Elizabeth Samaniego ang kanyang baso. Nalaglag ito sa sahig at nabasag.
“Oh, my goodness! I’m sorry!” Napatayo siya sa gulat. Kaagad kong dinaluhan iyon at sinabi na okay lamang.
Kinuha ko ang malalaking bubog at nagtawag na rin ng maaaring maglinis.
“Anong nangyari?” tanong ng isang crew. Sinabi ko na nasagi ang baso kaya nabasag.
Nginiwian ako ng crew. Iniisip niya siguro na ako na naman ang may kasalanan kagaya ng nangyari kagabi.
“Ikaw ang may kasalanan, Chantria?” tanong ng babae kaya’t napatingin ako sa kanya. Dedepensahan ko pa sana ang sarili nang hindi ko namalayan na sa tilos ng bubog na pala ako nakahawak kaya’t nasugatan ako.
Nasaktan ako roon pero sinarili ko na lamang. Baka isipin pa ay nag-iinarte ako.
“No, it wasn’t her fault. Ako ang nakadali sa baso kaya’t nahulog. Please, don’t blame Chantria,” nag-aalalang sabi ni Ma’am Elizabeth.
Kinuha niya ang kanyang panyo at agad akong nilapitan.
“Nasugatan ka pa, Chantria! Pasensya na talaga. I was too clumsy. Can someone please clean this?”
Pinatayo na ako nina Ma’am Elizabeth. Agad namang may lumapit para linisin ang mga bubog.
“Are you okay?” Marahan niyang idinidiin ang panyo sa aking sugat upang tumigil iyon sa pagdurugo. Hindi naman malalim pero may kalakihan ang sugat
“Okay lang po ako. Salamat po.” Nahihiya ako na kailangan siya pa ang umasikaso sa akin. “Aalis na po muna ako. Gagamutin ko lamang ang sugat. Pasensya na po.”
Magalang akong nagpaalam sa kanila at umalis na. Dumiretso ako sa locker room at naghanap ng first-aid kit upang malinis ang sugat at maglagyan ng band-aid.
Bumuntong-hininga ako. Dahil sa nangyari kagabi, iniisip ng ilang atribida rito sa restaurant na kapag may nabasag at naroroon ako ay ako agad ang may kasalanan. Kairita.
Nang malagyan ko ng band-aid ang sugat ay bumalik na rin naman ako sa trabaho. Bumusangot agad ang aking mukha nang sa VVIP table ay makita ko si Sir Luciel. May ibang waitress na ang nag-aaiskaso sa kanya, which is good. Wala ako sa wisyong pagsilbihan siya.
Nangingilabot ako sa tuwing naalala ang mga pinagsasabi ng manyak na iyan kagabi! Puro kabastusan ata ang lumabas sa bunganga niya. Kailangan sigurong budburan ng holy water nang malinis naman.
“Ang aga-aga mong nakasimagot, ‘te! Anong nangyari? Nakita mo lang si Sir Luciel ay parang sira na agad ang araw mo.”
Hindi ko napansin na naririto na pala si Fatima. Late siyang pumasok kaya siguro hindi niya alam ang nangyaring komosyon kanina.
“Hindi. Bakit ko naman sisirain ang araw ko dahil lang sa presensya ng isang tao?” Sira ang buong internship ko dahil sa kanya.
Tumagal ang paninitig ko kay Luciel Benavidez at hindi ko iyon namalayan dahil sa isip-isip ko ay kinukulam ko na siya. Natauhan lang ako nang magtama ang paningin naming dalawa at nakita ko ang pagngisi niya. Agaran akong umiwas ng tingin.
Bakit ba ako tumititig sa kanya? Isipin pa ng lalaking iyan ay tipo ko siya.
Naging abala kami sa buong umaga kaya’t hindi ko na nabigyang pansin pa si Sir Luciel. Not that I want to give him attention.
Pagod na pagod ako nang matapos ang shift ko sa restaurant. Nag-inat ako at papasok na sana ng locker room nang mapansin ko si Sir Luciel na kinakausap ang supervisor.
Nakatingin din ang ibang crew sa kanya at nagbubulong-bulungan silang lahat. They are—of course, daydreaming about him. Sino ba namang hindi? Ako, syempre.
Sir Luciel is standing out too much. Hindi mo maitatangging he grew up in a lavish life with golden, if not, a diamond spoon in his mouth, and that he’s a Benavidez scion.
Napatingin ako sa mga babaeng pinagkakaguluhan siya. Na kahit malayo ang distansya nila rito ay kulang na lamang, ipagtulakan ang isa’t isa para lamang makuha ang atensyon ni Sir Luciel. Napailing ako. If you’re not in their league, hanggang pangarap ka na lang talaga. Ang mga kagaya nina Sir Luciel na nasa mayamang pamilya, hahanap iyan ng partner nila which is on par or has the same life as them: the luxurious life. Kaya nga mga kagaya naming hindi mayaman, hindi kayang abutin ang mga kagaya nila.
Hindi rin naman ako nangangarap. Isa pa, wala sa isipan ko iyan. Gusto kong unahin ang career ko. Magpapayaman na lamang ako kaysa ang mag-asawa ng mayaman. Mas maganda na iyong may sarili kang pera. Mas masarap sa feeling na lumustay ng pera galing sa perang pinaghirapan mo.
Paalis na sana ako roon nang tawagin ako ng supervisor.
“Chantria!”
Nilingon ko ang direksyon nila. Nakita ko si Sir Luciel at ang supervisor na nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa gawi kung nasaan ang mga kababaihang pinagpapantasyahan si Sir Luciel.
“Halika rito,” tawag pa ulit ng supervisor. Wala na akong nagawa roon kaya’t lumapit na kahit pakiramdam ko ay may gustong humila ng buhok ko mula sa mga babaeng type si Luciel Benavidez.
“Bakit po?” tanong ko nang makalapit sa kanila. Iniiwasan ko ang tumingin kay Sir Luciel. Sa gilid pa lamang ng mata ko ay nakikita ko na ang nakangisi niyang mukha.
“Hindi na kakaltasan ang allowance mo dahil sa baso ng Macallan na nabasag kahapon. You’ll get your weekly allowance in full.” Ngumiti sa akin ang supervisor. Nanlaki ang aking mga mata roon. Hindi ko inaasahang ganito ang balita. Iniisip ko pa naman iyon kagabi pa.
“Talaga po?!” Halos mapasigaw ako. Masaya ako. Sa sobrang kasiyahan ko ay yayakapin ko pa ang supervisor ko.
“Oo.” Itinuro niya si Sir Luciel kaya’t napatingin din ako rito. “Pinaliwanag na ni Sir Luciel sa akin ang lahat. Na hindi raw niya sinasadyang matalapid ka kaya’t ganoon ang nangyari. Mabuti na lamang at nasabi ni Sir Luciel ang totoong nangyari.”
Dahan-dahang naglaho ang ngiti ko. He tilted his head to his right side while looking at me like he was waiting to be praised.
“G-Ganoon po ba?” Nanginig ang ngiti ko. Hindi ko na alam kung dapat ba akong matuwa o hindi sa ginawa niya. “Thank you, Sir Luciel.” Still, I must thank him. Makukuha ko ng buo ang allowance ko! Malaking tulong din iyon sa pag-iipon at mga gastusin ko.
Hindi siya nagsalita at nanatili lamang na nakangiti sa akin. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Malawak akong ngumiti nang mapatingin sa supervisor.
“And also, Chantria, nagustuhan ni Sir Luciel ang magandang serbisyo mo raw kagabi. The way you assisted him in his private villa was exceptional. Kaya nag-request siya na kung maaari ay ikaw mismo ang mag-assist sa kanya while he’s here in the villa.”
Gulantang ako sa narinig. Halos malaglag din ang aking panga dahil sa sinabi sa akin.
“P-Pero intern pa lang po ako. Hindi po ba mas maganda kung permanent staff ang mag-assist kay Sir Luciel—”
“I think this will be a good background and experience for you. You can apply everything that you learned in your school to service me. I’ll grade you fairly, don’t worry.”
That time, pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ng lalaking ito.
Saan ba siya natuwa? Wala naman akong ginawa kagabi kung hindi ang itulak siya palayo sa akin, ah?!
Ayoko! Gusto kong isigaw iyon pero pakiramdam ko ay wala akong karapatang tumanggi.
Lumapit sa akin ang supervisor at may ibinulong. “Magandang experience ito for you, Chan. Kapag nilagay mo sa CV mo ang tungkol sa naging affiliation mo kay Mr. Benavidez, paniguradong maraming kukuha sa ‘yong hotel pagka-graduate mo.”
Dahil maganda iyon sa aking pandinig kahit hindi nakakaaya na makakasama ko si Sir Luciel ay pumayag ako. Damn, sana pala hindi!