KABANATA 2

2583 Words
NAG-IWAS ako ng tingin. Ang kabog ng aking dibdib ay walang kapantay. Nagmistulan akong tumakbo sa buong farm dahil sa mabilis na pagpintig ng puso ko. Ramdam ko rin ang panlalamig ng kamay ko dahil sa nararamdamang kaba. Nakilala niya kaya ako kagabi? Gusto kong isiping hindi pero alam ko na maaaring namukhaan niya ako dahil nagkatitigan kaming dalawa noon! Kung anu-anong dasal na ang iniisip ko para lamang mawala ang lalaking iyon doon at tantanan na ako sa paninitig niya. Humiling pa ako na sana ay dumating na si Leslie pero sadya sigurong araw ko ng kamalasan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon. Mariin kong ipinipikit ang aking mata at hindi mapakali sa kinaroroonan ko. Kung sabihin ko na lang kaya na babalikan ko iyong mga dokumento? Pero baka mapagalitan ako ni Ms. Sanchez. Ayokong ma-bad shot sa kanya dahil inaalala ko ang magiging epekto nito sa internship ko. May naririnig akong kalukos at yapak ng kabayo na papunta sa may direksyon ko ngunit hindi ako lumingon doon. Siguro daraan lang naman iyong lalaki sa harapan ko tapos ay aalis na, ‘no? Hindi niya naman siguro ako kakausapin. Wala kaming pag-uusapang dalawa. “Excuse me.” Kaagad kong naramdaman ang kilabot na kumalat sa aking buong sistema nang marinig ko ang kanyang boses sa gilid ko. Baka may ibang tao akong katabi at iyon ang kausap niya? “Miss!” Napatalon ako sa gulat kaya’t napamulat ako ng tingin. Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti habang siya ay titig na titig sa akin gamit ang kaparehang ekspresyon ng mga mata niya kagabi. Malamig at nakakakilabot. “Y-Yes po?” s**t! Why the hell I am stuttering now? Hindi ko dapat ipahalata na kinakabahan ako sa presensya niya. Kalma ka lang, Chantria. Matagal-tagal siyang nakatitig lamang sa akin hanggang sa pumorma ang isang pagngisi sa kanyang labi. Napalagok ako pero kumunot din ang noo ko dahil sa biglaang pagbabago ng ekspresyon niya. Napansin ko ang suot niya. Bukas ang suot niyang shirt sa may bandang dibdib at nakabalandra ang magandang hubog nito. Medyo pawisan at may dumi ang ilang bahagi ng kanyang suot dala ata ng pangangabayo. Hindi ko tuloy masabi kung isa ba siyang guest o trabahante rito sa farm. “Saan ko maaaring makita ang mga gamit pampaligo ng mga kabayo? Bagong salta kasi ako rito at hindi ko kabisado ang lugar,” makahulugang saad niya sa akin. Ang ngisi niya’y hindi pa rin nabubura. Gusto kong ibusangot ang mukha ko pero mukhang hindi iyon magandang gawin. Baka isipin niya’y kay bastos ko namang kausap. Bagong salta siya? Hindi kaya baguhang trabahante lamang siya at hindi naman siya guest? “Hindi ko rin alam. Hindi ako rito sa farm nag-i-intern. Nautusan lamang ako rito para may kuhanin. Hindi ako pamilyar sa pasikot-sikot ng farm,” mahinahong sagot ko. Kahit papaano ay nawawala na ang kabang hatid ng lalaking ito sa sistema ko. Pinanliitan niya ako ng mata kaya’t tinaasan ko siya ng isang kilay. Kung totoong trabahante siya rito ibig bang sabihin ay—oh, s**t! He was screwing the guest last night! “Intern?” Tumaas ang kilay niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. May kung ano sa lalaking ito na simpleng pagngisi niya o pagtatanong ay mapipikon ka kung hindi kahabaan ang pasensya mo. Para kasing lahat ng lalabas sa bibig niya ay puno ng panunuya o sarkasmo. Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. Para siyang namamangha sa isang bagay at hindi ko matukoy kung ano iyon. Tumango na lamang din siya sa akin at akmang aalis na. Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay lumingon siyang muli sa akin bago ako tingnan mula ulo hanggang paa bago tuluyang umalis. Anong problema niya? Is he checking me out? Ang manyak naman talaga ng isang iyon. Bumalik din naman si Leslie dala ang isang folder. Nagpasalamat ako sa kanya at kaagad na dinala ang mga iyon kay Ms. Sanchez. Nang gabi naman ay sa restaurant ako ng hotel naka-assign. Sinasagad ko talaga ang oras sa loob ng isang araw para lang matapos kaagad ang internship. Kapag may panahon pa kasi ay gusto kong makahanap ng trabaho bilang part-timer bago magsimula ang susunod na semester namin. “Omg, Chan!”  Kakabigay ko lamang ng order ng isang guest sa kitchen ay kaagad na akong nilapitan ng kaibigan kong si Fatima. Bakas ang excitement sa kanyang mukha. “Ano iyon?” tanong ko sa kanya, medyo kunot ang noo ko. “May narinig akong chismis! Hindi ba at naandito iyong anak nina Mr. Avion Benavidez?” tanong niya sa akin. Halos kumislap ang mata niya sa nararamdaman niya sigurong saya. Tumango ako. Kaninang umaga ko pa ata naririnig ang tungkol diyan. “Narinig ko kasi sa mga kasamahan natin na ngayong gabi raw ay rito iyong magdi-dinner! Madalas kasi nagpapadala lang siya ng dinner sa private house pero ngayon—yiee!” Hinampas-hampas niya pa ako habang tumitili. Napangiwi ako at napailing. Kinuha ko na lamang iyong order ng isang guest at dinala sa table niya. Nang makabalik ako sa post ko ay naroroon pa rin si Fatima. Napairap ako sa hangin dahil wala siyang tigil sa pagkukwento sa akin. “Makikita natin siya sa personal! Hindi ka ba excited? Gosh, ang sabi nila, gwapo ang angkan ng mga iyon. Makapagpapansin kaya? Baka umahon na ako sa kahirapan—” Kinurot ko ang tagiliran niya kaya’t tumahimik si Fatima. Sinipat niya ako dahil sa ginawa ko pero pilit lamang naman akong ngumiti sa kanya. “Wala ka bang trabaho? Kapag ikaw nakita ng supervisor mo, sige ka!” pananakot ko sa kanya para lang tigilan na niya ang kakakwento tungkol sa Benavidez na iyon. Isa pa, ang pangarapin na mapansin ka ng mga kagaya nilang nasa tuktok ng pyramid ng society ay imposible. Ang mga taong kagaya nilang mayayaman ay sa mayayaman din nababagay at ang mga kagaya naming hindi pinalad ay sa kapantay lang din dapat namin. Hindi masamang mangarap pero mas maganda na ring maging realistic. Mahirap kapag masyadong mataas ang lipad. Masakit ang paglagapak. “Naandiyan na si Sir Luciel!” anunsyo ng isang waiter kaya agad kaming umayos dahil parating na ang isang VVIP guest. Sinabihan kaagad kaming mga interns na ayusin ang trabaho. Kung maaari ay iwasan ang mag-serve kay Sir Luciel dahil ang mga seniors na ang bahala roon pero kung biglaang tumawag ng waiter si Sir Luciel at walang ibang lumapit dito at kaming interns lamang ang bakante, hindi rin naman daw pwedeng balewalain lamang. Iniisip ko pa lamang na baka pumalpak ako ngayong gabi ay gusto ko nang magpalibing ng buhay. Isang maling kilos, malaki ang epekto sa magiging marka ng internship kong ito. Nakahanda na ang lahat sa pagdating na ito ni Luciel Benavidez. Sa pagkakaalam ko ay isang buwan ata siyang mananatili rito o tentative pa iyon. May nagtawag na isang customer. Kinabahan pa ako nang todo dahil katabi lamang iyon ng nakahandang table para kay Sir Luciel. Ako ang pinakamalapit sa customer kaya’t ako ang lumapit doon upang kunin ang order niya. Habang kinukuha ko ang order ng customer ko ay narinig ko ang ilang ingay sa kabilang table. Mukhang naririto na si Sr Luciel! “Is that all, ma’am?” Malawak ang ngiti ko habang nakikipag-usap sa customer. Tumango siya sa akin at ibinigay ko naman kung ilang oras bago i-serve ang order niya. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad. Napabaling ako sa VVIP table at napansin ko ngang nakaupo na roon ang isang lalaki. Ipagsasawalang bahala ko na lang sana ito nang mapansin ko kung sino ang lalaking iyon. Nanlaki ang aking mga mata at nagtindigan ang aking balahibo nang makilala ko kung sino ang lalaking nakapwesto sa VVIP table. Siya iyong lalaking nakita ko kagabi! Ilang beses ko ba siyang dapat makita? Siya si Sir Luciel? Holy crap! Tumingin siya sa direksyon ko kaya’t nagsalubong ang paningin naming dalawa. Nakita ko ang panliliit ng mga mata niya na tila ba inoobserbahan akong mabuti. Napasinghap ako. May isang waiter na humarang sa pagitan namin upang i-serve ang dinner niya kaya’t kinuha ko iyong pagkakataon upang mag-iwas ng tingin at magtungo na sa kitchen at ibigay ang order ng aking customer. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. Ibig sabihin ba nito ay hindi siya isang baguhang trabahante kung hindi ang may-ari ng buong farm and resort na ito? Ang nakita kong lalaking nakikipagtalik kagabi ay mula sa pamilya na nagmamay-ari ng lugar na ito? Malamig akong pinagpawisan dahil sa mga naiisip. Paano kung isumbong niya ako sa supervisor ko dahil nakita ko ang makamundong ginagawa nila ng babae niya? Baka bigla na lamang akong matanggal sa internship na ito o hindi kaya’y ibagsak. Huwag naman sana. Wala ako sa sarili ko nang ma-serve ko sa customer ko ang order niya. Mabuti na lamang at wala akong kapalpakang ginawa. Paalis na ulit ako roon nang biglang magtawag ng waiter si Luciel Benavidez.  “Excuse me, Miss.” Nilingon ko siya at kitang-kita ko na sa akin siya nakatingin, na ako ang tinatawag niya. Napalagok ako dahil muli na naman akong nilalamon ng kaba ko. Lumapit ako sa kanya at pinilit ang sariling ngumiti kahit na pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa kabang nararamdaman. “Another glass of Macallan, please.”  Nasulyapan ko ang isang pagngisi sa kanyang labi at para bang nanunuya. Doon pa lamang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. “Okay, sir,” magalang kong sagot sa kanya. Kinuha ko ang baso niya ngunit sinabi niya na iwanan na iyon doon. Umalis ako at nagtungo sa bar upang sabihin ang order na alak ni Luciel Benavidez. Habang hinihintay ang isang baso ng Macallan ni Sir Luciel ay ikinakalma ko ang sarili. Kailangan maging maayos ang disposisyon ko. Hindi ako dapat pumalpak ngayon. Hindi ko rin dapat hayaang lamunin ako ng personal na emosyon ko sa trabaho.  Papunta na ako sa table ni Sir Luciel. Nagsuot din ako ng isang ngiti kahit na nangangalay ang aking labi dahil dito. Sobrang lapit ko na sa kanya at iniisip ko na magagawa ko nang maayos ang trabaho ko…nang bigla akong matalapid na naging dahilan upang matapon ang dala kong alak at mabasag ang basong nakalikha ng ingay. Napatingin ako kay Luciel Benavidez. Nasabuyan ng alak ang kanyang suot na damit pero imbis na punahin niya iyon ay kumurba ang isang ngisi sa kanyang labi. Intensyon niyang talapirin ako! Nang lumapit ang ibang waiters at ang head ng restaurant ay kaagad naglaho ang ngisi ni Sir Luciel at nagpanggap siyang nabigla at inis din sa nangyari. “Anong nangyari—Oh, my!” Kaagad na dinaluhan ng head waiter si Luciel. Ang ilan ay natataranta na kumuha ng malinis na tissue upang ibigay iyon kay Sir Luciel dahil sa nabasa niyang damit. Bumaling sa akin ang head at kita ko ang galit sa kanyang mga mata. “What have you done?!” halos ibulong niya lamang iyon sa akin pero ramdam ko ang gigil sa bawat salita. Gulat na gulat pa rin ako na kahit gusto kong magbigay eksplanasyon ay mas pinili kong manahimik na lamang. Kahit sabihin ko na tinalapid ako ni Luciel Benavidez ay wala namang maniniwala. Sa huli, kasalanan ko pa rin. “It’s fine. Don’t worry about it,” sagot ni Luciel sa paulit-ulit na paghingi ng tawad sa kanya ng mga tao rito sa restaurant.  Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang iyuko na lamang ang ulo ko. Sa huli, kahit ano man ang totoong nangyari, ako pa rin ang sisisihin. Iisipin ng lahat na kasalanan ko pa rin. Bumaling sa akin ang head waiter at inilayo ako sa kinaroroonan nina Sir Luciel. Kinausap niya ako at alam kong pagagalitan niya lang naman din ako kaya inihanda ko na ang sarili ko. “Alam mo ba ang ginawa mo? Makakaabot ito sa supervisor mo na magbibigay ng marka para sa internship mo!” giit niya. Nakayuko lamang ako at sinasalo ang bawat sabihin niya. Pakiramdam ko ang liit-liit ko dahil hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko. “Alam mo rin ba kung magkano ang isang baso ng alak na sinayang mo? Ikakaltas iyan sa allowance na ibinigay sa ‘yo ng resort!” Napatunghay ako sa sinabi niya. Umawang ang aking labi. Bakit sa akin ikakaltas? Wala naman akong kasalanan—right, ako ang may kasalanan sa mata ng lahat. Umiling ang head waiter at bumalik sa kinaroroonan ni Sir Luciel upang daluhan muli ito. Napasinghap ako dahil…wala naman akong magagawa, hindi ba? “Chantria!” Napatakbo ako papunta roon. Ayoko nang mas lalo lamang silang mainis sa akin kung tutunganga pa ako roon. “Accommodate Mr. Benavidez. Ikaw na ang mag-asikaso sa kanya bilang ganti man lang sa nagawa mo sa kanya kanina. Take him to his private house and bring him everything he needs.” Lumapit sa akin ang head waiter. “At huwag kang papalpak.” Tumango ako dahil sa kaba. Tumingin ako kay Sir Luciel at nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi. He’s freaking enjoying this! Sinunod ko ang sinabi sa akin ng mga seniors ko. Dinala ko si Sir Luciel sa kanyang tinutuluyan dito sa Villa. Pumasok siya sa kanyang silid at ako ay naiwan sa may sala. Huminga ako nang malalim para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.  Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang interior ng bahay na ito. Mamahalin ang mga muwebles at may maliit na chandelier. Dalawang palapag ang bahay. “What are you doing?” Napatayo ako ng tuwid at nilingon siya. Nakita ko siyang nakahilig sa pader habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin ng diretso. Nakapagpalit na siya ng kanyang suot na damit. “You…” Naglakad siya papalapit sa akin kaya’t umatras ako papalayo naman sa kanya. Matalim ang kanyang titig sa akin ngunit may ngisi ang kanyang labi. “You were the one who was watching me while I’m having s*x with that girl last night.” Hindi iyon isang tanong. Isa iyong kumpirmasyon sa mga iniisip niya. Hindi ako nagsalita at panay lamang sa pag-atras papalayo sa kanya. Kung gusto niya lamang pa lang kausapin ako, sana kinausap niya ako noong nasa farm pa lamang kami at hindi na niya ako ipinahiya ngayon. “Hindi ko po alam ang sinasabi n’yo. Wala po akong maalalang ganoong pangyayari kagabi,” pagsisinungaling ko. Nagba-baka sakali na tantanan niya ako kung itanggi ko ang paratang niya. Humalakhak siya at nang mapansin na wala na akong aatrasan dahil sa isang lamesa sa likod ko ay kaagad niya akong ikinulong sa pagitan ng kanyang dalawang braso. Nagulat pa ako dahil marahas niyang hinarangan ang magkabilang gilid ko. s**t, I’m trap! “You don’t remember?” Nahimigan ko ang isang tono na siyang nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya na kaagad kong pinagsisihan. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at umiling. Itinatanggi pa rin ang sinasabi niyang nakita ko kagabi. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa may panga ko. Malapit na siya ngayon sa may tainga ko! Napapikit ako nang mariin, natatakot sa maaari niyang gawin sa akin. “If that’s the case, shall we re-enact what happened last night, hmm? So, you can remember.” Parang tumigil ang oras ko. Ang paghinga ko ay tuluyan ko nang nakalimutan. Ang pisngi ko ay maaari nang pagprituhan ng itlog sa sobrang init nito. Paano ba ako makakawala rito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD