KABANATA 4

2391 Words
“CHANNIE!” Natigilan ako sa aking pagpapalit ng uniporme nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Fatima. Tamad akong tumingin sa kanya at sinalubong ako ng nakabungisngis niyang mukha. May pakiramdam na ako sa dahilan ng paglapit niya pero hahayaan ko siyang sabihin pa rin iyon sa akin. “Totoo ba ang balita? Ikaw ang magtatrabaho kay Sir Luciel habang naririto siya sa Villa nila? OMG!” Inalog ako ni Fatima na agad ko ring pinatigil. Nalula ako sa ginagawa niya. “Ang bilis namang kumalat ng balita,” sabi ko at umirap bago ilagay ang iilang gamit sa locker ko. Mamaya ko na siguro kukunin ang ilang kagamitan at dadalhin sa dorm ko. “Ni hindi ko nga alam kung parte pa ba ito ng internship—” “Hoy, gaga ka! Of course!” Humalakhak si Fatima. “Isipin mo na lang kapag nailagay mo sa CV mo na personal kang nagtrabaho sa isang Benavidez. Nako, ‘te! Pag-aagawan ka ng lahat ng nasa industriya. Ganoon kasikat ang pamilya na iyan, eh! Lalo na sa Manila at sa mga karatig probinsya nito. Marami kasi silang ari-arian.” Malawak na ngumiti si Fatima sa akin. “Kaya nga galingan mo! Malay mo pa, maging bet ka ni Sir Luciel. Shocks! Kinikilig na agad ako.” I snapped my finger in front of her, so her little bubble will burst. Natigilan sa pagde-daydream niya si Fatima at tumingin sa akin. “Ang aga mong managinip.” Inayos ko ang buhok at inisip na itali na lamang iyon sa isang ponytail. “Hindi magkakagusto sa mahihirap ang mayayaman, ‘no!” She makes face. Kita ko iyon sa gilid ng mata ko. “Hindi ka naman talagang mahirap!” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi na lamang ako nagsalita. Mahirap ako. “May pera ang pamilyang Davis! Hindi ko nga alam bakit nagtatrabaho ka pa. Ang sabi sa akin ng papa ko, mayaman talaga ang pamilya ninyo. Marami kayong negosyo rito sa Batangas at maging sa Maynila man.” Bumuntong-hininga ako. “Noon iyon, Fatims. Ngayon, naghihirap na kami. Isa pa, hindi maaaring umasa ako sa tita ko. Pinag-aral na nga niya ako at inalagaan simula nang makulong si Papa. Hindi na ako minor de edad. Hindi parating dapat nakaasa sa kanya. Tapos alam ko rin na nag-iipon ng pangpiyansa si Tita para sa tatay ko.” Ang dami kasing kaso ng papa ko. Labas-pasok kasi siya sa kulungan. Paano ba naman ay tumatakas at kapag tumatakas pa’y hindi rin naman gumagawa nang kabutihan. Patong-patong tuloy ang kanyang kaso ngayon. May ilang relatives ang papa ko at sila ang nag-alaga sa akin noong bata ako. Ngayon sa kanila pa rin naman ako nakatira pero kahit papaano ay ako na ang gumagastos sa sarili ko. Nahihiya talaga akong umaasa sa pera ng iba. Siguro dahil pagdating ng araw, ayokong masumbatan. “Wala man lang ba talagang iniwan na pera ang papa mo sa ‘yo noon bago siya makulong? Grabe, ‘no? Ano kayang kaso ni Tito. Patong-patong na, hindi ko na alam.” Hindi ako nagsalita. Siguro may naiwang pera si Papa para sa akin noon pero ipinanggastos na iyon nina Tita sa akin at ngayon ubos na. “Sabi ni Papa, hindi naman daw siya ang may kasalanan. Itinuturo lamang daw siyang may kasalanan.” Hindi ko alam kung paniniwalaan ko iyon. Ang sabi rin ni Papa sa akin dati, mayaman at makapangyarihang mga tao raw ang nagtuturo sa kanya na may ginawa siya kaya kahit gustuhin niyang magpiyansa ay hindi magawa dulot ng impluwensya ng mga taong nasa likod ng pagpapakulong sa kanya. Still, hindi kami nawawalan ng pag-asa na kapag may sapat na pera na ay makakapagpiyansa kami. Natahimik kami ni Fatima matapos ang sinabi ko. Okay rin naman sa akin magpaka-independent. Mas maganda nga siguro na hindi ka parating nakadepende sa tulong ng ibang tao. I want to build my own life and career. Kaya kahit hikahos ngayon sa buhay, masaya pa rin naman ako. “Kailan ka pala magsisimula kay Sir Luciel?” Bumalik ang nakakalokong ngisi ng kaibigan ko. Napairap ako sa hangin dahil ito na naman siya. “Hindi ko alam. Baka ipatawag na lamang ako ng lalaking iyon kapag kailangan na niya ako.” Isinara ko na ang locker ko kaya’t mas nakita ko nang mabuti ang nakakalokong ekspresyon ng kaibigan ko. “I’m rooting for you! Hindi ako nawawalan ng pag-asa na matatapos ang internship natin o hindi kaya’y ang stay ni Sir Luciel dito na hindi mo siya naaakit.” Lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko. “Sa ganda mong iyan! Makukuha mo loob no’n. Galingan mo!” Kinindatan niya pa ako. Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Pareho na kaming lumabas ng locker room. “Huwag mo nga ako ipagduldulan sa lalaking iyon. May makarinig pa sa ‘yo, eh! Mamaya may mag-isip na gold digger ako!” Tumawa si Fatima at sumabay sa paglalakad ko. “Makalalaki ka naman diyan! May pangalan iyong si Sir, ‘no! Ganda ng pangalan no’n, tawagin mo naman kahit iyon lang.” Tumigil ako sa paglalakad at tumingin kay Fatima. Hinihintay niyang banggitin ko ang pangalan ni Sir Luciel. “Lucifer,” I mouthed. Namilog ang kanyang labi at para bang nagpipigil sa pagtawa. Humalakhak ako. Napansin ko na lamang na agad niyang tinikom ang kanyang bibig at nakatitig sa likod ko. Tatawa-tawa pa rin ako nang tumingin ako sa likod ko para malaman kung sino ang tinitingnan ni Fatima roon at tuluyan nang naglaho ang aking pagtawa nang makita ko si Sir Luciel na nakahalukipkip sa likod ko. Narinig niya ba ang sinabi ko? “I think you still have work to do, Miss Chantria Davis. Magtatrabaho ka pa sa Lucifer na ito,” sarkastiko niyang sinabi bago maglakad. Namutla ako sa nangyari. Makakaapekto kaya ito sa grades ko? Siguro, lalo na’t hawak ni Sir Luciel ang kapalaran ko. Napatigil siya sa paglalakad at muli akong nilingon. Sinenyasan niya ako na sumunod na sa kanya. Huminga ako nang malalim at tumingin kay Fatima na pilit na ngayong ngumingiti sa akin; like she can’t help me with this situation. Sa huli, para akong naluging sumunod kay Sir Luciel. Iniisip ko pa talaga kung kasali ba ito sa scope ng internship ko. Ngunit naalala ko sa mga internship, pinapagawa pa rin naman sa ‘yo kahit hindi mo trabaho. Madalas pa nga, kahit hindi naman dapat pag-stapler at pagbubutas ng mga papel ang trabaho mo sa field, ganooon ang pinapagawa sa ‘yo sa internship. Wala, narinig ko lamang iyan sa mga upper year sa amin. Last year nga may pinagtimpla pa raw ng kape at iyon lang halos ginawa niya sa internship. Magpasalamat na lang din siguro ako na para akong all-rounder dito. Marami akong natutunan. Tama, Chantria! Think positive lang. Hindi naman mahihirap na trabaho ang pinapagawa ni Sir Luciel sa akin. Kung tutuusin ay mas magaan ito kaysa kapag nasa hotel ako or restaurant nitong Villa Benavides. Ang ugali naman din ni Sir Luciel ay mapag-a-adjust-an mo. Iyong tipong makakasanayan mo na rin. Sadyang bolero at puno lang siguro ng kalokohan ang katawan niya—kalibugan na rin. Kapag may ginagawa akong trabaho sa private house niya, hindi niya naman ako ginugulo. Akala ko gagawin niya na naman iyong ginawa niyang pang-aakit sa akin noong unang pagkikita namin. Iyon nga lang, kapag gabi akong natatapos sa trabaho ko sa private house niya, naabutan ko siyang may kasamang babae…kagaya na lang ngayon. “Oh! There’s someone here,” sabi ng babaeng kasama ni Sir Luciel. Sa mga babaeng nakikita kong kasama niya, masasabi ko agad ang tipo niya. Ang type ni Sir Luciel ay may malulusog na dibdib, magandang hubog ng puwet, maliit at kurbadong baywang, mayaman, at maganda—of course that’s a given! “You’re still here, Chan?” Nangingilabot ako sa tuwing binabanggit niya ang palayaw ko. Hindi ako sanay at ewan ko ba, hindi ko maintindihan basta at nangingilabot ako. Bakit ba kasi napakasensuwal niyang magsalita? “Paalis na rin po, sir. Sinisigurado ko lang na hindi marumi ang buong bahay.” Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Iniisip ko pa lamang ang dahilan ng pagdadala niya ng mga babae ay gusto ko nang sabuyan ng holy water ang mukha ko. “Hmm, hindi kaya ikaw ang dumi rito?” Itinaas ng babae ang isang kilay niya. “Ciel, why are you keeping such an icky girl here? Yuck!” Napatingin ako sa babaeng kasama niya. Nakahalukipkip ito at nakataas ang isang kilay. Bumusangot ang aking mukha sa narinig mula sa kanya. Matapobre! Gusto ko iyong isigaw sa mukha ngunit pinigilan ko. Hospitability, Chantria. Kalmahan mo. Napatingin ako kay Sir Luciel. Ang kanyang ngisi ay naglaho at tumingin sa babae. Kapag naabutan ko siyang may kasamang babae noon, umaalis naman agad ako, kaya hindi ako sigurado kung anong ginagawa nila. Baka mag-usap? Psh, parang wala naman sa katauhan ni Sir Luciel ang makipag-usap lamang. Panay pa rin ang kung anu-anong sinasabi ng babae. Nagrereklamo pa ito kay Luciel tungkol sa mga gamit. “Hinahayaan mo ang maid mo na maiwan ditong mag-isa? Sa rami ng mamahaling bagay rito ay baka may kinukuha na iyan, Ciel.” Sa isip ko ay umiling ako. Ganyan naman lagi ang mindset ng ibang mayayaman. Palibhasa ang iba sa kanila, hindi naranasang maging mahirap. Tse! Okay lang hindi mayaman, at least hindi basura ugali ko? Okay sige, minsan pangit din ugali ko pero depende naman sa taong pakikisamahan ko iyon. “Umalis ka na,” sabi niya. Huminga ako nang malalim. Hindi na niya kailangang sabihin pa sa akin dahil aalis naman talaga ako. Anong gagawin ko rito? Panoorin silang maglaplapan at makinig sa mga rants ng babaeng ito tungkol sa akin? Ulol! “Girl, umalis ka na raw. Ba-bye. Istorbo ka,” sabi na naman ng babae. Isa pa, isasalpak ko talaga itong mga bulaklak na nasa vase sa bibig niya. Palihim akong umirap. Aalis na naman talaga ako. Mabuti na lang din at tapos na akong mag-ayos ng mga gamit dito. Kinuha ko ang ilang gamit na dala ko rito at akmang aalis na nang hawakan ni Luciel ang braso ko. Tiningin ko siya at nakita kong nakatingin siya roon sa babae. “Not her. You. Get out.” Nanalaki ang aking mga mata. Akala ko pa naman ay ako ang pinapaalis niya kanina. “Bakit ako? Aren’t we going to have fun—” “You can have fun all you want, but I don’t like people who degrade others. Leave!” Nanlalaki sa gulat ang aking mga matang tumingin sa babae. Napapakurap-kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala; while the woman, on the other hand, is fuming mad. “Gosh! I can’t accept this embarrassment.” Hinawi niya ang buhok niya at tumigil sa tapat namin ni Sir Luciel. “You’ll regret this.” “Oh no, I won’t,” nakangising saad naman ni Sir Luciel bago panooring umalis ang babae. Nang sumara ang pinto at maiwan kaming dalawa ay roon niya lamang ako binitawan. He massaged his neck, na akala mo’y pagod na pagod siya habang ako ay nanatili ang titig sa kanya. Nilingon ako ni Sir Luciel nang mapansin ang paninitig ko. Tumaas ang kilay niya at sumilay na naman ang isang ngisi sa kanyang labi. “You don’t have to thank me.” Naglakad siya sa sofa at naupo roon. Ngumiwi ako. Just when I was about to praise him for his mindset for not liking people who degrade their fellow, back to kayabangaan na naman siya. “Okay, Sir. E ‘di huwag.” Ngumiti ako, despite wanting to smack the hell out of this guy. Napansin ko ang pagkagat niya sa labi niya habang pinapanood ang bawat kilos ko. “Aalis na rin po ako. Naihanda ko na rin po ang dinner niyo kagaya ng gusto ninyo.” Gusto kong tumalon dahil tapos na ang shift ko sa araw na ito. Makakapagpahinga na ako. Tumayo si Sir Luciel at akmang lalapitan ako kaya’t napaatras ako. Ang sabi ko aalis na ako, bakit hindi pa ako umaalis? “Did you have your dinner already?” tanong niya. Mukha pa rin siyang nang-aasar pero parang seryoso rin naman ang kanyang pananalita. Umiling ako dahil hindi pa naman talaga ako kumakain. “Pagbalik na lang po sa dorm.” Tumingin siya sa kanyang Rolex watch at bahagyang kumunot ang noo. “It’s fifteen minutes past six. Bakit hindi ka pa kumakain?” takang tanong niya sa akin. Umawang ang labi ko. Baka nakakalimutan niyang hindi ako puwedeng umalis dito hangga’t hindi niya ako dini-dismissed? “Hinintay ko pa po kasi kayo, Sir Luciel. Hindi ako maaaring umalis dito nang wala kayo, hindi ba po? Kaya hindi pa ako nakakakain dahil sa dorm or sa restaurant kami kukuha ng pagkain.” Pilit akong ngumiti sa kanya. Bumuntong-hininga siya. Pakiramdam ko ay ngayon niya lang nakuha ang rason. Naglakad siya papunta sa dining area. Hindi ko alam kung queue ko na iyon para umalis o hihintayin ko pa rin siyang matapos? Gutom na rin ako. May kukuha namang iba ng pinagkainan niya. “Chantria!” pagtawag niya sa aking buong pangalan. Akala mo ay dinaluyan ako ng kuryente sa katawan dahil sa pagsigaw niya. Agad akong tumakbo papunta sa kung nasaan siya. “Sir?” I asked. Mali kaya ang pagkaing inihain ko? Pero alam ko na iyan ang gusto niya. Hinila niya ang isang silya at sinenyasan ako. “Let’s eat.” “P-Po? Nako, Sir! Huwag na po. Sa dorm na ako kakain—” “Anong oras na. Alam kong gutom ka na. Baka malipasan ka pa ng gutom. Let’s eat. There are lots of food here. We can share.” Muli niya ako sinenyasan para lumapit sa kanya. Mabigat ang aking bawat paghinga pero naglakad din ako papalapit doon. Para pa akong robot sa sobrang tipid kong maglakad. “Thank you, sir.” Iyon ang sinabi ko nang makaupo na ako. Ngumiti siya sa akin at naglakad papunta sa tapat ko upang makaupo na rin. “You’re welcome.” I didn’t expect him to be kind to me, lalo na’t mukha naman siyang hindi mabait. Pero siguro nga ang bawat tao ay may kanya-kanyang kabaitan din minsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD